Share

Chapter 55

Nang matapos ang dinner, nasa sala naman kami para ipagpatuloy ang usapan. Nandito ako sa gilid, nakatayo habang pinagmamasdan ang apat na magulang na parang hindi talaga natutuwa sa pinag-uusapan nila. Hindi kasi sila ngumingiti.

"Ayos ka lang?" tanong ni Lino nang lapitan niya ako rito sa gilid.

Napahalukipkip ako. "Bakit hindi nila makuhang maging masaya para sa'tin? Ang tanda na natin para rito, Lino." Wala rito si Ate Lluvia. Wala tuloy akong kakampi maliban kay Lino.

"Unawain na lamang natin sila. Hindi rin madali para sa iyong magulang na bigla na lamang nilang malalaman na ikaw ay kasal na lalo pa't matagal na panahon ka rin nilang pinrotektahan. Isa pa, isa kang babae, Liwan. Pakiramdam nila'y ninakaw kita."

Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa kanya. Mabuti at nandito siya para ipaliwanag sa'kin ang mga ganitong bagay.

"Pero may sarili naman akong desisyon para pakasalan ka, 'di ba?"

Ngumiti siya at tumango. "Wala kang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status