"Pasensya na. Nais lang naming maprotektahan ka," sabi ni Ate Lluvia matapos ang ilang sandaling katahimikan.
"Salamat po. Naiintindihan ko naman." but just because I understand it doesn't mean that it didn't hurts me.
"Bueno, kamusta naman ang bagong kasal? May nangyari na ba?" tanong niya pa na parang nang-aasar kaya bahagya akong natawa at nagpunas ng luha. "Ilang linggo rin kayong magkasama sa barko."
Umiling ako. "Wala pa pong nangyayari. Birhen pa rin ang iyong kapatid." bwisit kasing Lino 'yan. Nandun na e. Ipapasok niya na lang tapos biglang natakot na baka mamatay ako sa panganganak. Sobrang advance niya mag-isip! Nakakahighblood!
Natawa si Ate Lluvia at hinampas ako ng unan sa mukha. "Mahina pala ang iyong alindog, Lux!" tawa niya kaya napabangon ako sabay buntong-hininga.
"Ate Lluvia, natatakot kasi si Lino na baka raw mamatay ako sa panganganak. Baka raw kasi magkaroon kami ng kambal kasi nasa dugo nila iyon," malungkot na sabi ko kaya
Nang matapos ang dinner, nasa sala naman kami para ipagpatuloy ang usapan. Nandito ako sa gilid, nakatayo habang pinagmamasdan ang apat na magulang na parang hindi talaga natutuwa sa pinag-uusapan nila. Hindi kasi sila ngumingiti."Ayos ka lang?" tanong ni Lino nang lapitan niya ako rito sa gilid.Napahalukipkip ako. "Bakit hindi nila makuhang maging masaya para sa'tin? Ang tanda na natin para rito, Lino." Wala rito si Ate Lluvia. Wala tuloy akong kakampi maliban kay Lino."Unawain na lamang natin sila. Hindi rin madali para sa iyong magulang na bigla na lamang nilang malalaman na ikaw ay kasal na lalo pa't matagal na panahon ka rin nilang pinrotektahan. Isa pa, isa kang babae, Liwan. Pakiramdam nila'y ninakaw kita."Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa kanya. Mabuti at nandito siya para ipaliwanag sa'kin ang mga ganitong bagay."Pero may sarili naman akong desisyon para pakasalan ka, 'di ba?"Ngumiti siya at tumango. "Wala kang
Maingat na tinanggal ni Lino iyong lace ng damit ko kaya lumuwag na ang soot ko. Pati mga kaartehan sa buhok ko, kung saan-saan niya na lang tinatapon."Aray!" sambit ko nang sumabit dun sa tali iyong buhok ko. Natigil tuloy si Lino sa paghalik sa'kin. "Sandali," sabi ko pa habang tinutulungan siyang magtanggal ng tali ng buhok ko. Bakit ba naman kasi ganito ang hairstyle nila sa bride? Ginawa naman nilang malaking sombrero ang buhok ko."Dahan-dahan lang, Liwan. Baka masaktan ka," aniya nang mapansing nagmamadali ako.Nang matanggal ko lahat ng meron ako sa buhok, agad niya na naman akong sinunggaban ng halik at naramdaman ko na lang na nawawalan na ako ng damit. Napalunok ako nang halikan niya ang balikat ko habang nasa ibabaw ko pa rin siya. Tumigil lang siya nang hawakan ko ang damit niya at tanggalin iyon then balik na naman siya sa ginagawa niya hanggang sa wala na akong soot at siya ay half-naked pa rin. Hindi ko gaanong makita nang malinaw ang katawan ni
"Hindi mo naman kailangang bantayan araw-araw ang resto mo," mahinahong sabi ni Ate Lluvia kaya napabuntong-hininga na lang ako.Makikisuyo sana ako na dun muna siya habang hindi pa maayos ang lakad ko. Bukas, makakabalik naman na ako. Si Lino kasi, hindi ako tinantanan kagabi."Bakit pala hindi ka makakaalis dito?" tanong niya pa. Nandito kami ni Ate sa salas at dito na muna ako iniwan ni Lino kanina hanggang sa dumating si Ate Lluvia at Juan Felipe.Nilalaro niya si Juan Felipe sa hindi kalayuan para makapag-usap muna kami ni Ate Lluvia and tapos na rin naman na kami magbreakfast. Masarap kayang gumising na masarap ang luto at masarap ang nagluto."Ang sakit ng mga hita ko," sabi ko kaya bahagya siyang natawa."Nakatulog ka man lang ba? Tila malalim ang iyong mga mata ngunit masaya akong makita na hindi na iyan malungkot," nakangiting sabi niya kaya napangiti ako at tumango.First time na may magsabi sa'kin na masaya na ang mga mata ko.
Bumalik ako sa resto pero halos wala rin naman akong nagawa kasi inaantok ako. Gusto kong matulog pero hindi p'wede. Ginawa kong abala ang sarili ko. Tumulong ako sa kusina, sa counter and anything. Para na akong nag-all around staff dito pero inaantok pa rin ako.Napapaisip na rin ako kung buntis ako e. Kaso wala pa ritong pregnancy test so baka mauna pa si Lino makaalam na buntis ako kaysa sa sarili ko. Kaninang umaga, nahihilo ako at naduduwal. Higit isang linggo na rin ang lumipas since Lino and I had sex. Ito na ba iyon?"Kapag dumaan si Lino, sabihin mo, dumiretso na siya sa bahay kasi pupunta muna ako kay Ate Lluvia. Baka magkasalisihan kami," tugon ko kay Portia, manager namin. Tumango naman siya kaya umalis na ako at pinuntahan na si Ate Lluvia.Tuwang-tuwa siya nang makita ako. Palagi naman siyang natutuwa kapag nakikita ako pero nitong mga nakaraang araw, simula nang bumalik ako galing Pilipinas, kung ituring niya ako, para akong barbie doll na gusto
Nang matapos kaming kumain ay hinanda ko na iyong mga isosoot niya and everything at feel na feel kong asikasuhin siya. Ewan pero ang saya niyang pagsilbihan. Kaso nang paalis na siya, bigla akong nalungkot. Nagpigil pa ako ng luha nang ihatid ko siya ng tingin. Sana hindi niya nakita. Bakit ba nagiging emotional ako ngayon? Namimiss ko agad si Lino.To distract myself, I decided to clean the house, rearrange some things here because Lino told me not to go to resto for now. I need some rest but... what is rest without him? Kaya ginawa ko lang busy ang sarili ko. Wala rin akong malaro kasi iyong asong napulot ko ay sinurrender ni Lino sa isang pet shop para makahanap na rin ng ibang owner. Baka raw kasi makasama sa'kin dahil hindi ko alam kung saan iyon galing. Hindi pa nagdadalawang oras na wala si Lino nang magpiano naman ako at dumating siya. Tinabihan niya ako kaya agad akong napatingin sa kanya. Mabilis ko siyang niyakap na para bang ang tagal niyang nawala. "Bakit nandit
Humiwalay ako sa kanya kaya napatingin siya sa'kin. Inaantok na nga. "Hindi ka ba napapaisip kung ano talaga ang tunay kong itsura?" tanong ko.Kumunot ang noo niya. "Nais mong sabihin?" pagtataka niya. For sure, napapaisip din si Lino pero ayaw niya lang itanong kasi baka iniisip niya, maooffend ako or what.Ngumiti ako. "Nakakatawa pero ganitong-ganito rin ang wangis ko. Parehong-pareho kami ni Lux. Kaya napapaisip talaga ako, baka kadugo ko nga sina Ate Lluvia," natatawang sabi ko.Hinawakan niya ang chin ko at hinalikan sa mga labi ko. "Maaari bang huwag mong ipaalala sa akin na wala ka pa sa panahong 'to? Kahit ano naman ang iyong wangis, nakikita pa rin kita sa iyong mga mata," mahinang sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.Iyang mga titig niya, parang nakita ko na iyan sa panahon ko. Pakiramdam ko, siya talaga ang taong 'yun. Kasi kung ano ang nararamdaman ko ngayon for him, pamilyar na pamilyar sa'kin."Kung magtatagpo tayo sa panahon
Iniwan muna ako rito ni Ate Lluvia kasi ipapanhik niya muna sa silid nito si Juan Felipe na nakatulog na. Mukhang napagod. Kakaalis niya lang nang lumapit naman sa'kin si Romano na may dalang wine. Mukhang nakainom na rin talaga 'to. Kilala rin kasi ito ni Kuya Quen that's why he's here."¿No estas celosa?" (You're not jealous?) tanong niya kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Sina Lino pala. Ano namang ikakaselos ko? "Está rodeado de chicas," (He's sorrounded by girls,) dagdag niya.Naitagilid ko ang ulo ko. Wala namang malisya dun. I mean, they're just talking at hindi naman lahat, babae ang nandun. Marami namang lalaki. Karamihan sa kanila, may asawa na."¿Qué estás tratando de decir?" (What are you trying to say?) kunot-noong tanong ko. Napangisi siya at tiningnan na ako."Sabes que muchas mujeres quieren a Lino. ¿No le preocupa que pueda ver a alguien?" (You know a lot of wo
Bumalik ako sa resto to fix some things before Lino and I go to Philippines. Naghihintay pa rin naman kami ng susunod na byahe ng barko. Hindi naman kasi araw-araw, may byahe. So we still have days to fix everything here before leaving."Señora," sambit ni Portia kaya napatingin ako sa kanya.Kakalabas ko lang ng office nang salubungin niya ako. Inabot niya sa'kin ang isang card kaya kumunot ang noo ko nang kunin ko iyon. Ganitong card din ang binibigay sa'kin ni Lino. At oo, hanggang ngayon, pinadadalhan niya pa rin ako ng rosas na may card.But the difference is, sulat-kamay niya na ang gamit niya. Gusto niya talaga akong pangitiin araw-araw."Kanino galing?" tanong ko kasi walang rosas at hindi rin ito sulat kamay ni Lino."Hindi po sinabi ang pangalan," sagot niya kaya bahagya na lang akong tumango at pinabalik na siya sa work niya. Binuksan ko ang card.L,Perdón por lo que hice. Estaba borracho. Y lament