Nang matapos kaming kumain ay hinanda ko na iyong mga isosoot niya and everything at feel na feel kong asikasuhin siya. Ewan pero ang saya niyang pagsilbihan. Kaso nang paalis na siya, bigla akong nalungkot. Nagpigil pa ako ng luha nang ihatid ko siya ng tingin. Sana hindi niya nakita. Bakit ba nagiging emotional ako ngayon? Namimiss ko agad si Lino.
To distract myself, I decided to clean the house, rearrange some things here because Lino told me not to go to resto for now. I need some rest but... what is rest without him? Kaya ginawa ko lang busy ang sarili ko. Wala rin akong malaro kasi iyong asong napulot ko ay sinurrender ni Lino sa isang pet shop para makahanap na rin ng ibang owner. Baka raw kasi makasama sa'kin dahil hindi ko alam kung saan iyon galing. Hindi pa nagdadalawang oras na wala si Lino nang magpiano naman ako at dumating siya. Tinabihan niya ako kaya agad akong napatingin sa kanya. Mabilis ko siyang niyakap na para bang ang tagal niyang nawala. "Bakit nandit
Humiwalay ako sa kanya kaya napatingin siya sa'kin. Inaantok na nga. "Hindi ka ba napapaisip kung ano talaga ang tunay kong itsura?" tanong ko.Kumunot ang noo niya. "Nais mong sabihin?" pagtataka niya. For sure, napapaisip din si Lino pero ayaw niya lang itanong kasi baka iniisip niya, maooffend ako or what.Ngumiti ako. "Nakakatawa pero ganitong-ganito rin ang wangis ko. Parehong-pareho kami ni Lux. Kaya napapaisip talaga ako, baka kadugo ko nga sina Ate Lluvia," natatawang sabi ko.Hinawakan niya ang chin ko at hinalikan sa mga labi ko. "Maaari bang huwag mong ipaalala sa akin na wala ka pa sa panahong 'to? Kahit ano naman ang iyong wangis, nakikita pa rin kita sa iyong mga mata," mahinang sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.Iyang mga titig niya, parang nakita ko na iyan sa panahon ko. Pakiramdam ko, siya talaga ang taong 'yun. Kasi kung ano ang nararamdaman ko ngayon for him, pamilyar na pamilyar sa'kin."Kung magtatagpo tayo sa panahon
Iniwan muna ako rito ni Ate Lluvia kasi ipapanhik niya muna sa silid nito si Juan Felipe na nakatulog na. Mukhang napagod. Kakaalis niya lang nang lumapit naman sa'kin si Romano na may dalang wine. Mukhang nakainom na rin talaga 'to. Kilala rin kasi ito ni Kuya Quen that's why he's here."¿No estas celosa?" (You're not jealous?) tanong niya kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Sina Lino pala. Ano namang ikakaselos ko? "Está rodeado de chicas," (He's sorrounded by girls,) dagdag niya.Naitagilid ko ang ulo ko. Wala namang malisya dun. I mean, they're just talking at hindi naman lahat, babae ang nandun. Marami namang lalaki. Karamihan sa kanila, may asawa na."¿Qué estás tratando de decir?" (What are you trying to say?) kunot-noong tanong ko. Napangisi siya at tiningnan na ako."Sabes que muchas mujeres quieren a Lino. ¿No le preocupa que pueda ver a alguien?" (You know a lot of wo
Bumalik ako sa resto to fix some things before Lino and I go to Philippines. Naghihintay pa rin naman kami ng susunod na byahe ng barko. Hindi naman kasi araw-araw, may byahe. So we still have days to fix everything here before leaving."Señora," sambit ni Portia kaya napatingin ako sa kanya.Kakalabas ko lang ng office nang salubungin niya ako. Inabot niya sa'kin ang isang card kaya kumunot ang noo ko nang kunin ko iyon. Ganitong card din ang binibigay sa'kin ni Lino. At oo, hanggang ngayon, pinadadalhan niya pa rin ako ng rosas na may card.But the difference is, sulat-kamay niya na ang gamit niya. Gusto niya talaga akong pangitiin araw-araw."Kanino galing?" tanong ko kasi walang rosas at hindi rin ito sulat kamay ni Lino."Hindi po sinabi ang pangalan," sagot niya kaya bahagya na lang akong tumango at pinabalik na siya sa work niya. Binuksan ko ang card.L,Perdón por lo que hice. Estaba borracho. Y lament
Napag-usapan namin ni Lino na sabihin na sa family namin na magkakaanak na kami total mukhang lahat sila ay nakaabang kahit na hindi naman ito ang unang apo nila. So we're here sa bahay having dinner with them at nandito rin sina Ate Lluvia."Gracias por venir," (Thank you for coming,) ani Lino na mukhang sasabihin na.Kinakabahan ako, shit! Baka hindi naman sila matuwa. Basta ang mahalaga, masaya kami ni Lino sa anak namin."Antes que nada, Liwan y yo tenemos algo que anunciar." (Before anything else, Liwan and I have something to announce.) hinawakan niya ang kamay ko kaya nginitian ko lang siya at binigyan ng isang tango.Siya na lang ang magsalita kasi kinakabahan ako. Pati pamilya namin, kinakabahan din habang naghihintay."Si Ate Lluvia lang ang nakangiti. Liwan está embarazada. Vamos a tener nuestro primer bebé," (Liwan is pregnant. We're having our first baby,) nakangiting sabi ni Lino at napangiti a
"Liwan!" gulat na sambit ni Lino nang lumabas ako sa banyo habang nakasoot ng maluwag na long sleeves at shorts. Dahil malaki ang long sleeves, hindi halatang nakashorts ako. "Ano't ganyan ang iyong kasootan?" turo niya sa damit ko kaya napatingin ako dito.Inangat ko ang long sleeves ko kaya agad na napatingin sa baba ko si Lino. Napangisi ako at napailing. Akala niya yata, wala akong pang-ibaba. Gusto rin naman. Sus!"Iyan 'yung sinasabi kong shorts," turo ko sa soot ko na kinakunot ng noo niya. Naglakad na ako palapit sa kanya. "Gusto mo, gawan din kita? Mukhang inggit ka e," natatawang sabi ko."Saan mo naman iyan nakuha?" nagtatakang tanong niya pa rin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa higaan. Kailangan naming matulog nang maaga kasi bawal akong magpuyat."Minsan, ganito ang soot ko sa panahon ko," nakangiting sagot ko habang nakatagilid at nakatingin sa kanya. At ganun din siya.Gustong-gusto ko talagang pagmasdan ang mukha ni
Kung sino man siya, ginugulo niya lang ang isipan ko. Akala ko, tapos na ako sa mga kababalaghan sa buhay ko. Unti-unti na akong nabubuhay rito na parang normal na bagay ang lahat. Nasasanay na ako sa panahong 'to pero nagsisidatingan na naman sila.Sabi ni Lino, nakatulala lang daw ako sa tubig nang matagpuan niya ako. But I know to myself na I'm talking to someone.Kamatayan her ass!Maayos kaming nakarating ni Lino sa Pilipinas. Pakiramdam ko, parang kahapon lang nang bumalik ako rito at nagtagpo ulit kami ni Lino and now, we're officially husband and wife. May dala pa kami sa sinapupunan ko.Nagpunta kami roon sa dati nilang bahay kasi doon muna raw kami mag-sstay habang naghihintay ng byahe papuntang San Adolfo which is sa makalawa pa. Nandun din ang kakambal ni Lino na malapit naman nang bumalik sa Espanya. Malapit na pala silang mag-three months dito. Parang ang tagal na nila rito.Samantalang ako naman ay higit one month pregnant na.
Hinayaan ko munang makapag-usap sina Lino at Miranda sa sala at pinuntahan ko rito sa labas si Lucio na inaayos iyong mga nakatambak na kahoy."Lucio, kailangan mo ng tulong?" I asked kaya napalingon siya sa'kin.Parang dati lang, pare-pareho kaming lalaki kung magturingan. Ang tagal na palang panahon."Mon, buntis ka. At hindi na tayo tulad ng dati na lalaki pa ang tingin namin sa iyo," medyo natatawang sabi niya kaya natawa ako at tumango.Hindi talaga 'to mabiro. Ni hindi nga ako pinaglalaba ni Lino–pagbuhatin pa kaya ng mga kahoy rito? Baka atakihin 'yun sa puso."Naaalala mo iyong singsing na pinapaabot ko kay Miranda?" tanong ko at tumango naman siya. "Hindi mo sa kanya binigay.""Minabuti kong itago sapagkat batid kong mas nanaisin ni Doktor Fuentes na makita niyang soot mo iyon kaysa makitang soot ng ibang dalaga, hindi ba?" nakangiting tanong niya kaya tumango ako kasi gets ko naman. Baka magalit pa si Miranda kapag nala
"¿Cuándo planeas volver a casa?" (When do you plan to go home?) Lino asked to Vino. Nakakaintindi ng tagalog si Vino–si Gabriella ang hindi so ang hirap naman kung magtatagalog kami sa harapan niya. We're now eating dinner."Dentro de dos semanas," (In two weeks,) sagot ni Vino."Deberías probar esto," (You should try this,) sabi ko kay Eula na kaharap ko ngayon sa table.Tumayo pa ako para iabot sa kanya iyong repolyo ng nilagang bakang request ko kay Lino. Ang sarap kaya nung mga gulay. Magaling talaga siyang magluto."Ella no come vegetales," (She's not eating vegetables,) ani Gabriella at siya na lang ang kumain nung gulay.Kumunot ang noo ko. "¿Por qué?" (Why?)"A ella no le gusta." (She don't like it.)Ganun lang 'yun? Dahil sa ayaw niya kaya hindi na nila papakainin? E she needs vegetables sa katawan niya. Kapag ako talaga nagkaanak,
"You told me to ask about Lucio Dela Sierra," ani Fourth kaya napatingin ako sa kanya.Parehong namumuo ang mga luha namin. Ako, pabigat nang pabigat ang dibdib ko."He's one of our grandparents and he's the owner of that ring. I called Lolo, Dad's father, and I asked him about Lucio Dela Sierra. How did you know about him?" he asked me.Napangiti lang ako at umiling. Muntik ko nang paghiwalayin sina Miranda at Lucio kasi akala ko, sila talaga ni Lino ang nakatakda. Kung nagkataon, sina Third pala ang mawawala."Why are you giving that ring to Lemon if that belongs to Lolo Lucio?" Lui asked.Ngumiti ulit ako habang si Fourth ay naguguluhan na. "Binigay 'to ng isang babae kay Lucio, tama ba?" tanong ko na tinanguan ni Fourth."Liwan?" tanong ni Fourth pero hindi ako kumibo. "That's her name, according to Lolo but how did you know?""Bakit sinabi mong akin 'to?" tanong ko pa sabay punas ng luha."Actually, pinasangla raw 'yan nun
Nagpaalam ko kay Mama na pupunta ako sa bahay nina Third kasi gusto ko na talaga siyang madalaw. Ang dami kong kuwento sa kanya kahit alam kong hindi niya naman na ako maririnig. Naninibago rin ako sa labas kasi ngayon lang ulit ako makakalabas matapos ang ilang buwang pagkukulong sa bahay."What are you doing here?" tanong ko nang makasalubong ko si Lui papasok ng bahay nina Fourth. Nagulat pa siya nang makita ako.Siguro kasi, mukha na akong zombie sa laki ng eyebags ko. Because I can't sleep while thinking a lot of things. Kailangan ko pang magtake ng sleeping pills."To see you too?" Lui said, confused. "Seriously, we miss you, Lemon," nakangiting sabi niya pa kaya bahagya akong natawa."Palagi kang tumatawag. 'Di ka ba nag-sasawa?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok at sinalubong kami ng ilang kasambahay. For sure, panay kulit lang sa'kin si Lui dahil ganun naman si Third, binibilin niya ako sa mga kaibigan niya."Who would, though? Ang s
Ang dami kong tanong at hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero sa tingin ko, mas mapapabilis ako kung hahanapin ko muna si Tito GH online. Of course, he will be part of the Philippine history at gulat na gulat ako nang malamang totoo nga siya. Pero buhay niya lang ang nalaman ko.Walang tungkol kay Liwan o Lux.Hindi ba ako totoo? Gosh!Tumigil lang ako sa pagreresearch nang makipagvideo call naman sa'kin si Lolo, tatay ni Papa and he's in Spain."Hi, Lolo!" bati ko nang sagutin ko ito. Sumandal ako sa swivel chair ko at pilit na ngumiti. He's nice naman pero hindi kami ganun kaclose.Ngumiti siya at kumaway. Matanda na si Lolo pero nakakalakad pa naman. Bibihira lang ito makatawag sa'min. Kung tatawag man, para lang mangulit na doon na kami tumira sa Spain. Wala kasing mamamahala ng ospital dun na maiiwan niya kundi si Papa. E, I prefer to stay here pa naman. At si Mama, nandito rin ang trabaho niya."Hi, Lemon! How are you there?" he
"Anyway, magsisimula na," pagbabago ng usapan ni Misty kasi nahalata niya yatang hindi ako komportable. Day by day, nagiging matalas ang pandama ni Misty sa mga kaibigan niya."Oh? Napanood ko na 'yan e," natatawang sabi ni Jack nang mag-simula na ang palabas. U and Me 4ever ni Torn. Hindi ko pa 'yan natapos. Usapan namin ni Third, sabay naming tatapusin iyan bilang suporta na rin kay Torn. Pero wala na siya. Parang hindi ko kayang tapusin."Maganda 'yan. Natapos mo na, Lemon?" tanong sa'kin ni Ate Aida kaya umiling ako habang nakatingin sa screen.Iba pa rito ang itsura ni Torn. Mas naging macho siya tingnan ngayon kaysa noon. Nakita ko kasi siya noong nagvideo call kami."Panoorin mo. Nakakakilig daw. Hindi ko pa natapos," dagdag ni Ate Aida.Pilit akong ngumiti at tumango kahit na nagfaflash back sa'kin ang moment namin ni Third noong sinabayan namin sina Torn sumayaw then we turned off the TV and began dancing with our background music moon riv
Nandito ako sa sala, nakaupo sa couch habang nakataas ang dalawang paa. Tinawagan ko si Torn pero matagal bago niya sinagot. Busy siguro. Nagulat pa siya nang makita ako. Nakikita ko sa likod niyang maraming tao. Fans ba 'yun? Nakafacemask and faceshield silang lahat."Lemon! Is this real?" gulat niyang tanong. Malamang, nagtataka siya kung bakit ilang buwan ko siyang hindi tinawagan. Alam niya na kaya ang nangyari kay Third?Pilit akong ngumiti at tumango. "How are you? I think you're busy there," sabi ko kasi ang daming tao sa bandang likod niya. Ayoko namang makaabala."Not that much. So how are you? You were not sending me any message for months," natatawang sabi niya. Mukhang wala nga siyang alam sa nangyayari."I'm sorry. There's a lot of happenings these past few months," napapakunot-noong sabi ko na lang. Tumayo ako at naglakad papunta sa pool area because I need to breath. "This is weird but if you're busy, just tell me. I can---""Say it,
"Ako na diyan, Lemon," rinig kong sabi ni Ate Aida at hindi na rin ako kumontra pa.Hinayaan ko na lang siyang ipagtimpla ako ng gatas. Kami lang ang nandito sa kusina. Si Ate Amy kasi, umuwi na muna noong nagkaroon ng balik-probinsya program at nag-paiwan si Ate Aida at Kuya Leo."Buti naman, nakalabas ka na," sabi ni Ate Aida sabay abot sa'kin ng basong may gatas. Naupo ako sa mataas na upuan at pilit na ngumiti. "Kamusta?" tanong niya pa.Napayuko ako at nagkibit-balikat. Ilang araw na rin pala akong nagkukulong sa k'warto ko kasi hindi ko matanggap ang nangyayari. Wala talaga si Third. Nakausap ko ulit si Doctor Montelibano na Doctor pala sa ospital nina Fourth. Tinawagan niya ito noong gabing nagbreak down ako sa harap nila ni Lui.Sabi ni Doc, normal lang naman daw na magbreak down ako pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko sa mga impormasyong nakukuha ko para hindi ako nabibigla lalo pa't kakagising ko lang. But what can I do?I asked f
May mga bagay na akala natin, nagtapos na. Iyon pala'y panibagong simula na naman ang kahaharapin natin. Minsan, nakakapagod na rin ang paulit-ulit pero may pagpipilian naman tayo kung gusto nating ituloy, baguhin o tapusin ang bagay na iyon.Habol hininga ako nang tuluyan akong magising. Pakiramdam ko, sobrang tagal kong hindi huminga. Napaubo pa ako at gusto ko man maupo, hindi ko magawa dahil sobrang nanghihina ang buong katawan ko. Parang ngayon lang ako nagkaroon ulit ng buhay matapos ang napakahabang pagkakahimlay."Miss Lemon!" sambit ng isang babae na hindi ko na napagmasdan nang maayos kasi nanlalabo pa rin ang paningin ko at muli na naman akong nakatulog.Nang magising ulit ako, kalmado na ang heartbeat ko, parang maayos na ulit. Wala na iyong maiingay na tunog kanina na nagmumula yata sa mga makina."Lemon," sambit na naman ng isang babae. Matagal ko siyang tinitigan kasi nanlalabo pa ang paningin ko. "My God, you're now finally awake," nag-aal
"¿Crees que soy estúpida?" (Do you think I'm stupid?) galit na tanong ko kaya napapikit na naman siya. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Vino sa kamay ko. "Bitawan mo 'ko, Vino," mahinang sabi ko nang hindi inaalis sa lalaki ang mga tingin ko."Hindi magugustuhan ni Lino kapag nadungisan ng dugo ang mga kamay mo," pagpapakalma niya sa'kin."Wala siya rito. Kaya gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin," sabi ko pa. "Ahora dime, ¿fue Romano?" (Now tell me, was it Romano?) pansin kong natigilan iyong lalaki pero bumalik pa rin siya sa pag-arte. Imposibleng si Kuya Quen kasi si Romano ang nakakasama niya. "Ayaw mo talagang magsalita ha. Napipikon na ako sa'yo," inis na sabi ko kaya ididiin ko sana iyong bote sa panga niya pero tumingala siya."¡Bien bien! Te diré. ¡Es Romano! ¡Solo prométeme que nos protegerás a mí y a mi mamá!" (Okay, okay! I'll tell you. It's Roman
Hindi ko na namalayan na sa paglipas ng mga araw at patagal nang patagal ang paghahanap namin ni Vino sa pumatay kay Lino, tuluyan ko na ring nakikilala sina Kuya Quen at Romano. Napapadalas din ako sa pagsama kay Ama sa ospital.Ang palusot ko, gusto kong gawing busy ang sarili ko pero ang totoo, kailangan kong pagmasdan ang kilos nina Kuya Quen at Romano na nandun din pala sa ospital namin nagtrabaho. Doon na siya nalipat.Hindi kasi alam nina Ama at Quen kung bakit ko sinuntok noon si Romano.Dahil sa ginagawa ko, nagiging close na kami ni Ama. Para niya na akong assistant doon pero hindi regular because I need to go to my resto. Nakilala ko na rin si Kuya Quen na mukhang pure ang pinakikita sa'min.Si Romano, ewan ko ba pero parang nilalapit niya ang sarili niya sa'kin. Parang sinasamantala niyang wala na si Lino. Kaya nagdududa talaga ako sa kanya. Umpisa pa lang, duda na ako sa kanya. Noon pa man, madalas na siya sa resto ko. Parang stalker but I ch