Kung sino man siya, ginugulo niya lang ang isipan ko. Akala ko, tapos na ako sa mga kababalaghan sa buhay ko. Unti-unti na akong nabubuhay rito na parang normal na bagay ang lahat. Nasasanay na ako sa panahong 'to pero nagsisidatingan na naman sila.
Sabi ni Lino, nakatulala lang daw ako sa tubig nang matagpuan niya ako. But I know to myself na I'm talking to someone.
Kamatayan her ass!
Maayos kaming nakarating ni Lino sa Pilipinas. Pakiramdam ko, parang kahapon lang nang bumalik ako rito at nagtagpo ulit kami ni Lino and now, we're officially husband and wife. May dala pa kami sa sinapupunan ko.
Nagpunta kami roon sa dati nilang bahay kasi doon muna raw kami mag-sstay habang naghihintay ng byahe papuntang San Adolfo which is sa makalawa pa. Nandun din ang kakambal ni Lino na malapit naman nang bumalik sa Espanya. Malapit na pala silang mag-three months dito. Parang ang tagal na nila rito.
Samantalang ako naman ay higit one month pregnant na.
Hinayaan ko munang makapag-usap sina Lino at Miranda sa sala at pinuntahan ko rito sa labas si Lucio na inaayos iyong mga nakatambak na kahoy."Lucio, kailangan mo ng tulong?" I asked kaya napalingon siya sa'kin.Parang dati lang, pare-pareho kaming lalaki kung magturingan. Ang tagal na palang panahon."Mon, buntis ka. At hindi na tayo tulad ng dati na lalaki pa ang tingin namin sa iyo," medyo natatawang sabi niya kaya natawa ako at tumango.Hindi talaga 'to mabiro. Ni hindi nga ako pinaglalaba ni Lino–pagbuhatin pa kaya ng mga kahoy rito? Baka atakihin 'yun sa puso."Naaalala mo iyong singsing na pinapaabot ko kay Miranda?" tanong ko at tumango naman siya. "Hindi mo sa kanya binigay.""Minabuti kong itago sapagkat batid kong mas nanaisin ni Doktor Fuentes na makita niyang soot mo iyon kaysa makitang soot ng ibang dalaga, hindi ba?" nakangiting tanong niya kaya tumango ako kasi gets ko naman. Baka magalit pa si Miranda kapag nala
"¿Cuándo planeas volver a casa?" (When do you plan to go home?) Lino asked to Vino. Nakakaintindi ng tagalog si Vino–si Gabriella ang hindi so ang hirap naman kung magtatagalog kami sa harapan niya. We're now eating dinner."Dentro de dos semanas," (In two weeks,) sagot ni Vino."Deberías probar esto," (You should try this,) sabi ko kay Eula na kaharap ko ngayon sa table.Tumayo pa ako para iabot sa kanya iyong repolyo ng nilagang bakang request ko kay Lino. Ang sarap kaya nung mga gulay. Magaling talaga siyang magluto."Ella no come vegetales," (She's not eating vegetables,) ani Gabriella at siya na lang ang kumain nung gulay.Kumunot ang noo ko. "¿Por qué?" (Why?)"A ella no le gusta." (She don't like it.)Ganun lang 'yun? Dahil sa ayaw niya kaya hindi na nila papakainin? E she needs vegetables sa katawan niya. Kapag ako talaga nagkaanak,
Kinaumagahan ay katatapos pa lang naming mag-agahan nang magsidatingan sina Catalina at Agustino at nakakatawa kasi hanggang ngayon, inaasar pa rin ni Agustino si Catalina at Lino."May naipakulong ka na ba, Agustino?" tanong ko para tigilan niya na si Lino.Nandito kami sa sala at si Señor Galicia naman ay nagpunta sa kabilang bayan dahil may kailangang kausapin. Hindi niya na naabutan dito sina Agustino."Meron na, Mon. May nais ka bang ipakulong?" ngiting tanong niya."Meron," sagot ko kaya tiningnan nila akong tatlo. "Ikaw. Palagi mo na lamang inaasar si Lino at Catalina," naiiling na sabi ko kaya natawa na lang din sila."Kung dito ba sa Pilipinas nakagawa ng kasalanan ang isang tao, dito rin siya mananagot kahit hindi siya Pilipino?" tanong ni Catalina.Hindi pa halata ang tiyan niya. Malalaki kasi ang mga damit ngayon. Kung may camera lang today, gusto kong magpapicture with my baby bumps kapag lumaki na ito. Kaso iyong mga cam
"Binibining Liwanag," sambit ng isang rebelde na may hawak na baril at may soot na salakot kaya nanlaki ang mga mata ko. "Doktor Fuentes," sabi niya pa nang makilala kami. "Wala po dapat kayo rito. Hali kayo," tugon niya at hinila kami palabas sa lugar na iyon.Tinanguan lang ako Lino na parang sinasabing kilala niya iyon kaya sumunod na lang kami. Gosh! Ano ba 'tong pinasok namin!?"Sina Catalina, Lino," sabi ko kasi hindi ko nahahanap ang dalawang kasama namin."Liwan, isipin mo muna ang ating anak," aniya habang tumatakbo kami papalayo then tumigil kami sa harap ng isang kabayo at pinahiram iyon sa amin nung rebelde para makatakas kami lalo pa't sunod-sunod pa rin ang putukan.Nagthank you kami ni Lino dun sa rebelde bago pinatakbo ni Lino ang kabayo. Nakalayo na kami sa lugar na iyon pero ang kaba ko, grabe pa rin."Liwan, huwag ka ng mag-alala, ligtas na tayo," kinakabahang sabi ni Lino na nasa likod ko. Parang sasabog na naman ang puso ko. Hi
"Kumain ka muna," ani Maria na inabutan naman ako ng pagkain.Lumalalim na ang gabi pero hindi ako dinadalaw ng antok. Hindi rin ako nagugutom. Hindi ko alam kung nasaan ang iba naming kasama."Mon, nais mong makausap si Patricio?" tanong bigla ni Agustino na bigla na lang pumasok sa pinto.Mabilis akong tumayo at lumabas. Pinasunod ako ni Agustino hanggang sa labas ng ospital. Nakasunod din sa'min sina Maria at Berto. Nasabi ko kanina kay Agustino na may kakaibang nangyayari sa kasal nina Patricio.Gusto ko ng hustisya para sa mga nadamay sa paglusob. Isa pa, isang Kastila ang bumaril kay Lino. Hindi iyon rebelde. May kinalaman ba doon iyong Vicente? O 'yung Ciello? Kasi sabi nila, nawawala ito but I saw her sa tore."Patricio," tawag ko kaya agad siyang napalingon sa'kin.Mag-isa lang siya. Marami pa ring Guardia sa paligid ng ospital. Huminga ako nang malalim. Ayokong magalit sa kanya kasi nadamay lang din sila rito pero parang may kinala
Hapon nailibing sina Lino at Catalina, malapit sa pinaglibingan ni Josefa. Nakita ko rin na sobrang dami rin ng nakipaglibing kina Catalina. Nandun din iyong pamilya ng asawa ni Patricio. Oo nga pala, pagpapalawak ng koneksyon sa negosyo ang dahilan kung bakit kami sumama doon.Pinahatid ko rin ang pakikiramay ko kina Don Danilo at Donya Carlota pero agad din akong bumalik kay Lino. Halos ayaw ko siyang bitawan nang ililibing na siya. Kung p'wede ko lang siyang isama sa Espanya, gagawin ko. Kaso hindi e. Mabubulok agad si Lino.Ayokong babuyin ang bangkay niya."Mon," tawag sa'kin ni Agustino kaya napatingala ako sa kanya.Ako na lang ang nandito sa puntod ni Lino, nakaupo sa lupa. Pero sa hindi kalayuan ay sina Señor Magnus. Tiyak na hindi sila aalis hangga't hindi ako kasama lalo pa't malapit na ring gumabi."Maaari bang tumabi?" tanong niya pa.Tumango lang ako at muling binalik sa puntod ni Lino ang tingin."Kung handa ka n
Hindi naman ako idealistic na tao e. Alam kong dito rin ang hantungan ng lahat sa atin. Ang gusto ko lang naman, makasama pa siya nang mas matagal. Maranasang magkaroon ng pamilyang mamahalin ko.Gusto ko lang naman ingatan si Lino at ang anak namin. Mahirap ba ang hinihingi ko?Pinilit nila akong pauwiin sa Espanya kahit ayoko pa sana. Hindi ko kayang umalis lalo pa't hindi ko kasama si Lino. Kaso wala naman akong magawa para maisama siya. Lalo lang nadudurog ang puso ko kapag naaalala kong wala na nga siya.Buong byahe pabalik sa Espanya kasama sina Vino, Gabriella at Eula ay parang torture sa'kin. Naiinggit din ako kina Gabriella kasi buti pa sila, kasama nila si Vino.Ayokong makita si Vino. I know he needs comfort too because his twin brother died but everytime I look at him, he always reminds me of Lino.Para akong pinapatay araw-araw kapag nakikita siya..."¿Quieres que nos quedemos aquí?" (You want us to stay here?
Tulad ng plano, sinubukan kong ibalik ang sarili ko kahit na ang totoo ay nagpapanggap lang talaga akong ayos na. Tulad ng sabi ni Tito GH, magaling talaga akong magpanggap."Natutuwa ako na nakabalik ka na sa trabaho," naiiyak na sabi ni Ate Lluvia na dinalaw ako sa office ko.Lumalaki na rin ang tiyan niya. Ayoko siyang mastress kaya hindi niya pwedeng malamang nagdududa ako sa asawa niya."Lux, batid kong hindi ito madali ngunit nakikita kong sinusubukan mo," dagdag niya."Kailangan niyo na po sigurong umuwi lalo pa't buntis ka," sabi ko habang nakatingin sa tiyan niya.Siguro, mahahalata ko na rin siguro ang tiyan ko kung hindi namatay ang anak namin ni Lino. Siguro ang saya pa rin namin."Kailangan ko pa pong ayusin ito lahat," sabi ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko na siya inintindi hanggang sa makalabas na siya.Naiiyak ako at ayokong ipakita sa kanya na naiinggit ako kasi buo ang pamilya niya. Masaya ako for them pero nasasakt