Hapon nailibing sina Lino at Catalina, malapit sa pinaglibingan ni Josefa. Nakita ko rin na sobrang dami rin ng nakipaglibing kina Catalina. Nandun din iyong pamilya ng asawa ni Patricio. Oo nga pala, pagpapalawak ng koneksyon sa negosyo ang dahilan kung bakit kami sumama doon.
Pinahatid ko rin ang pakikiramay ko kina Don Danilo at Donya Carlota pero agad din akong bumalik kay Lino. Halos ayaw ko siyang bitawan nang ililibing na siya. Kung p'wede ko lang siyang isama sa Espanya, gagawin ko. Kaso hindi e. Mabubulok agad si Lino.
Ayokong babuyin ang bangkay niya.
"Mon," tawag sa'kin ni Agustino kaya napatingala ako sa kanya.
Ako na lang ang nandito sa puntod ni Lino, nakaupo sa lupa. Pero sa hindi kalayuan ay sina Señor Magnus. Tiyak na hindi sila aalis hangga't hindi ako kasama lalo pa't malapit na ring gumabi.
"Maaari bang tumabi?" tanong niya pa.
Tumango lang ako at muling binalik sa puntod ni Lino ang tingin.
"Kung handa ka n
Hindi naman ako idealistic na tao e. Alam kong dito rin ang hantungan ng lahat sa atin. Ang gusto ko lang naman, makasama pa siya nang mas matagal. Maranasang magkaroon ng pamilyang mamahalin ko.Gusto ko lang naman ingatan si Lino at ang anak namin. Mahirap ba ang hinihingi ko?Pinilit nila akong pauwiin sa Espanya kahit ayoko pa sana. Hindi ko kayang umalis lalo pa't hindi ko kasama si Lino. Kaso wala naman akong magawa para maisama siya. Lalo lang nadudurog ang puso ko kapag naaalala kong wala na nga siya.Buong byahe pabalik sa Espanya kasama sina Vino, Gabriella at Eula ay parang torture sa'kin. Naiinggit din ako kina Gabriella kasi buti pa sila, kasama nila si Vino.Ayokong makita si Vino. I know he needs comfort too because his twin brother died but everytime I look at him, he always reminds me of Lino.Para akong pinapatay araw-araw kapag nakikita siya..."¿Quieres que nos quedemos aquí?" (You want us to stay here?
Tulad ng plano, sinubukan kong ibalik ang sarili ko kahit na ang totoo ay nagpapanggap lang talaga akong ayos na. Tulad ng sabi ni Tito GH, magaling talaga akong magpanggap."Natutuwa ako na nakabalik ka na sa trabaho," naiiyak na sabi ni Ate Lluvia na dinalaw ako sa office ko.Lumalaki na rin ang tiyan niya. Ayoko siyang mastress kaya hindi niya pwedeng malamang nagdududa ako sa asawa niya."Lux, batid kong hindi ito madali ngunit nakikita kong sinusubukan mo," dagdag niya."Kailangan niyo na po sigurong umuwi lalo pa't buntis ka," sabi ko habang nakatingin sa tiyan niya.Siguro, mahahalata ko na rin siguro ang tiyan ko kung hindi namatay ang anak namin ni Lino. Siguro ang saya pa rin namin."Kailangan ko pa pong ayusin ito lahat," sabi ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko na siya inintindi hanggang sa makalabas na siya.Naiiyak ako at ayokong ipakita sa kanya na naiinggit ako kasi buo ang pamilya niya. Masaya ako for them pero nasasakt
Hindi ko na namalayan na sa paglipas ng mga araw at patagal nang patagal ang paghahanap namin ni Vino sa pumatay kay Lino, tuluyan ko na ring nakikilala sina Kuya Quen at Romano. Napapadalas din ako sa pagsama kay Ama sa ospital.Ang palusot ko, gusto kong gawing busy ang sarili ko pero ang totoo, kailangan kong pagmasdan ang kilos nina Kuya Quen at Romano na nandun din pala sa ospital namin nagtrabaho. Doon na siya nalipat.Hindi kasi alam nina Ama at Quen kung bakit ko sinuntok noon si Romano.Dahil sa ginagawa ko, nagiging close na kami ni Ama. Para niya na akong assistant doon pero hindi regular because I need to go to my resto. Nakilala ko na rin si Kuya Quen na mukhang pure ang pinakikita sa'min.Si Romano, ewan ko ba pero parang nilalapit niya ang sarili niya sa'kin. Parang sinasamantala niyang wala na si Lino. Kaya nagdududa talaga ako sa kanya. Umpisa pa lang, duda na ako sa kanya. Noon pa man, madalas na siya sa resto ko. Parang stalker but I ch
"¿Crees que soy estúpida?" (Do you think I'm stupid?) galit na tanong ko kaya napapikit na naman siya. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Vino sa kamay ko. "Bitawan mo 'ko, Vino," mahinang sabi ko nang hindi inaalis sa lalaki ang mga tingin ko."Hindi magugustuhan ni Lino kapag nadungisan ng dugo ang mga kamay mo," pagpapakalma niya sa'kin."Wala siya rito. Kaya gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin," sabi ko pa. "Ahora dime, ¿fue Romano?" (Now tell me, was it Romano?) pansin kong natigilan iyong lalaki pero bumalik pa rin siya sa pag-arte. Imposibleng si Kuya Quen kasi si Romano ang nakakasama niya. "Ayaw mo talagang magsalita ha. Napipikon na ako sa'yo," inis na sabi ko kaya ididiin ko sana iyong bote sa panga niya pero tumingala siya."¡Bien bien! Te diré. ¡Es Romano! ¡Solo prométeme que nos protegerás a mí y a mi mamá!" (Okay, okay! I'll tell you. It's Roman
May mga bagay na akala natin, nagtapos na. Iyon pala'y panibagong simula na naman ang kahaharapin natin. Minsan, nakakapagod na rin ang paulit-ulit pero may pagpipilian naman tayo kung gusto nating ituloy, baguhin o tapusin ang bagay na iyon.Habol hininga ako nang tuluyan akong magising. Pakiramdam ko, sobrang tagal kong hindi huminga. Napaubo pa ako at gusto ko man maupo, hindi ko magawa dahil sobrang nanghihina ang buong katawan ko. Parang ngayon lang ako nagkaroon ulit ng buhay matapos ang napakahabang pagkakahimlay."Miss Lemon!" sambit ng isang babae na hindi ko na napagmasdan nang maayos kasi nanlalabo pa rin ang paningin ko at muli na naman akong nakatulog.Nang magising ulit ako, kalmado na ang heartbeat ko, parang maayos na ulit. Wala na iyong maiingay na tunog kanina na nagmumula yata sa mga makina."Lemon," sambit na naman ng isang babae. Matagal ko siyang tinitigan kasi nanlalabo pa ang paningin ko. "My God, you're now finally awake," nag-aal
"Ako na diyan, Lemon," rinig kong sabi ni Ate Aida at hindi na rin ako kumontra pa.Hinayaan ko na lang siyang ipagtimpla ako ng gatas. Kami lang ang nandito sa kusina. Si Ate Amy kasi, umuwi na muna noong nagkaroon ng balik-probinsya program at nag-paiwan si Ate Aida at Kuya Leo."Buti naman, nakalabas ka na," sabi ni Ate Aida sabay abot sa'kin ng basong may gatas. Naupo ako sa mataas na upuan at pilit na ngumiti. "Kamusta?" tanong niya pa.Napayuko ako at nagkibit-balikat. Ilang araw na rin pala akong nagkukulong sa k'warto ko kasi hindi ko matanggap ang nangyayari. Wala talaga si Third. Nakausap ko ulit si Doctor Montelibano na Doctor pala sa ospital nina Fourth. Tinawagan niya ito noong gabing nagbreak down ako sa harap nila ni Lui.Sabi ni Doc, normal lang naman daw na magbreak down ako pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko sa mga impormasyong nakukuha ko para hindi ako nabibigla lalo pa't kakagising ko lang. But what can I do?I asked f
Nandito ako sa sala, nakaupo sa couch habang nakataas ang dalawang paa. Tinawagan ko si Torn pero matagal bago niya sinagot. Busy siguro. Nagulat pa siya nang makita ako. Nakikita ko sa likod niyang maraming tao. Fans ba 'yun? Nakafacemask and faceshield silang lahat."Lemon! Is this real?" gulat niyang tanong. Malamang, nagtataka siya kung bakit ilang buwan ko siyang hindi tinawagan. Alam niya na kaya ang nangyari kay Third?Pilit akong ngumiti at tumango. "How are you? I think you're busy there," sabi ko kasi ang daming tao sa bandang likod niya. Ayoko namang makaabala."Not that much. So how are you? You were not sending me any message for months," natatawang sabi niya. Mukhang wala nga siyang alam sa nangyayari."I'm sorry. There's a lot of happenings these past few months," napapakunot-noong sabi ko na lang. Tumayo ako at naglakad papunta sa pool area because I need to breath. "This is weird but if you're busy, just tell me. I can---""Say it,
"Anyway, magsisimula na," pagbabago ng usapan ni Misty kasi nahalata niya yatang hindi ako komportable. Day by day, nagiging matalas ang pandama ni Misty sa mga kaibigan niya."Oh? Napanood ko na 'yan e," natatawang sabi ni Jack nang mag-simula na ang palabas. U and Me 4ever ni Torn. Hindi ko pa 'yan natapos. Usapan namin ni Third, sabay naming tatapusin iyan bilang suporta na rin kay Torn. Pero wala na siya. Parang hindi ko kayang tapusin."Maganda 'yan. Natapos mo na, Lemon?" tanong sa'kin ni Ate Aida kaya umiling ako habang nakatingin sa screen.Iba pa rito ang itsura ni Torn. Mas naging macho siya tingnan ngayon kaysa noon. Nakita ko kasi siya noong nagvideo call kami."Panoorin mo. Nakakakilig daw. Hindi ko pa natapos," dagdag ni Ate Aida.Pilit akong ngumiti at tumango kahit na nagfaflash back sa'kin ang moment namin ni Third noong sinabayan namin sina Torn sumayaw then we turned off the TV and began dancing with our background music moon riv