Sassy Gay

Sassy Gay

last updateLast Updated : 2021-07-25
By:   Sugarmaui  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
51Chapters
6.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Marko Peralta was only 20 years old when his mother died. After his father went missing, Marko felt angrier--until his uncle told him about his next mission. Curious to seek out his new destiny, Marko try his best to act like an innocent man. And does indeed meet a man with his own hidden and mysterious past. And as he pieces together the information about his past, shocking surprises about his mom, his dad, come to light.

View More

Latest chapter

Free Preview

1

Naputol ang aking masayang panaginip dahil sa walang humpay na tunog ng alarm clock. Paulit-ulit, napakasakit sa ulo.Napaungol ako at tinakpan ang aking tainga gamit ang kumot na nakapatong sa aking katawan. Kakauwi ko lang kahapon at halos wala pa yata sa limang oras ang tinulog ko. Nakakabwisit! Para saan pa ang weekends kung hindi rin naman pala ako makakapagpahinga? Jusmiyo! Sabado ngayon! Hindi ba pwede hayaan muna n'ya akong makatulog ng maayos?Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil sa pagtunog ang nakakairitang alarm. Ngunit ilang sandali lang ay nakarinig naman ako ng sigaw mula sa pinto."Marko Jose Peralta!"Napatiimbagang ako. Nagtungo ako sa pintuan habang kinukusot ko ang aking mga mata. Nang makarating ako sa pinto ay agad ko itong binuksan. Agad na tumambad sa aking harapan ang taong may lakas ng loob na bumulabog ng...

Interesting books of the same period

Comments

default avatar
Tyanna White
it is an interesting read
2024-12-31 09:46:12
0
user avatar
Sugarmaui
Kumusta naman po ang storyyyy?
2021-11-11 16:03:22
1
user avatar
Sugarmaui
may english version po ito. baka gusto nyo rin na basahin hehe
2021-10-27 17:34:05
1
51 Chapters
1
 Naputol ang aking masayang panaginip dahil sa walang humpay na tunog ng alarm clock. Paulit-ulit, napakasakit sa ulo.Napaungol ako at tinakpan ang aking tainga gamit ang kumot na nakapatong sa aking katawan. Kakauwi ko lang kahapon at halos wala pa yata sa limang oras ang tinulog ko. Nakakabwisit! Para saan pa ang weekends kung hindi rin naman pala ako makakapagpahinga? Jusmiyo! Sabado ngayon! Hindi ba pwede hayaan muna n'ya akong makatulog ng maayos?Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil sa pagtunog ang nakakairitang alarm. Ngunit ilang sandali lang ay nakarinig naman ako ng sigaw mula sa pinto."Marko Jose Peralta!"Napatiimbagang ako. Nagtungo ako sa pintuan habang kinukusot ko ang aking mga mata. Nang makarating ako sa pinto ay agad ko itong binuksan. Agad na tumambad sa aking harapan ang taong may lakas ng loob na bumulabog ng
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more
2
  Pagkatapos ng tagpong 'yon ay agad kaming dumiretso ni Cyril sa Ika-apat na palapag. Naroon ang mga kagamitan na makakatulong sa akin. Kagaya ng mga salamin, wigs at ibang make-up na siyang magkukubli sa aking katauhan.  Hindi ko pa nabubuklat ang huling pahina ng folder kaya hindi ko pa nakikita ang mga gagamitin ko. Nandun kasi sa huling pahina ang bagong pagkakakilanlan ko. Nandoon ang lahat ng impormasyon na gagamitin ko. Mula sa pekeng pangalan hangang sa aking mga susuotin. Palabas na kami ng elevator nang magsalita si Cyril. "Masyado naman yatang maaga ang misyon mo," sabi nito habang nakatingin pa rin sa kanyang cellphone. "Nakakapagtaka," dagdag nito. Aagawin ko sana sa kan
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more
3
 Umusok ang dinaanan ng aking motor ng pihitin ko ang preno. Makalipas ang dalawang oras na byahe ay nakarating na rin ako sa aking pupuntahan. Ang simenteryo kung saan nakalibing ang aking ina at ang aking kapatid.Maraming puno ang lugar na ito dahilan para maisalba ko ang aking balat sa napakainit na sikat ng araw. Idagdag mo pa ang katahimikan na siyang nagdulot ng kasiyahan sa aking pakiramdam.Pinatay ko ang makina. Inalis ko ang aking helmet at inilagay sa aking harapan. Saglit akong nanatili sa pagkakaupo at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin.Nang makuntento ako sa aking ginagawa ay agad akong tumayo. Pagtapak ng aking paa sa damuhan ay siyang pagliingon ko sa paligid. Kagaya ng aking inaasahan. Walang tao bukod sa akin. Napakatahimik. Tanging mga tuyot na dahon lang na nililipad sa sahig ang siyang maririnig mong ingay.Kinuha ko ang shades na na
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more
4
Halos magpantay ang aking kilay nang marating namin ang lugar na tutuluyan ko para sa misyon. Ang akala ko ay sa isang matayog na gusali ako titira pero mukhang hindi ko nabasa ang mga nakasulat sa folder dahil sa sobrang excitement.Bumungad sa akin ang dikit dikit na bahay. Gawa ang mga ito sa semento at may iba't ibang kulay. Hindi naman ito kaliitan at mukhang may maipagmamalaki naman.May sari sari store rin na nasa gitna at may dalawang upuan na nakalagay doon kung saan may mga nakatambay. Sa tapat noon ay isang parke. At sa kabila naman ay mayroong gate. Tanaw mo mula rito ang mga nagtataasang bahay na nasa loob non.Napailing si Ryan habang nakatingin din sa labas. "Mukhang hindi mo nabasa ng maigi yung misyon mo," sabi nito.Napailing na lang din ako. "Pasensya na, Ryan. Nangangati na kasi talaga yung kamay ko." Matapos kong sabihin 'yon ay agad kong kinuha ang folder sa likuran.
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more
5
"Bitch, 'di ba bukas ka na papasok sa school bilang isang teacher?" bungad sa akin ni Cyril pagsagot ko ng telepono.Limang araw na ang nakalipas. Bukas na mag-uumpisa ang mga pinaplano ko. Bukas na ako papasok sa school kung saan nag-aaral ang anak ng isang demonyo. Hindi naman na halata sa edad ko. 24 na ako at halos tatlong taon na ang nakalipas nang tapusin ko ang kolehiyo ko."Oo," ang tanging sagot ko.Inayos ko ang aking pinagkainan. Inipit ko ang cellphone sa aking balikat at sa aking tainga."Hoy Lucio, bakit ka nga pala hindi tumatawag kahapon? Bakit hindi ka nagparamdam?"Rinig ko sa kabilang linya ang katahimikan. "Hoy, tinatanong kita.""M-May meeting kami," nauutal na sagot nito.Napataas ako ng kilay. "Meeting your face!" singhal ko."B-Basta, dami mong tanong, 'yung misyon mo na lang intindihin mo d'yan!" Pabalang na sagot
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more
6
Ilang segundo lang ang binilang bago may bumaba mula sa kaparehong sasakyan.Isang babae na nakapulang dress ngunit nagkulang sa tela. Slim lang ang katawan nito pero nagmamalaki ang kanyang dibdib. Hindi na nakapagtataka. Kaya naman pala nag stay sa kanya ang demonyong si Jacob.Sakto lang din ang height nito para sa isang babae. Hanggang balikat siya ni Jacob pero dahil sa takong na suot nito ay halos umabot na siya sa tainga ng demonyo.Hindi ko maitatanggi na maganda ito. Pero dala ng make-up sa mukha ay halos magmukha na itong clown.Napairap ako sa kawalan. Jusq. Hindi man lang marunong magblend ng eye-shadow."Bitch, kumalma ka lang," sabi ni Cyril sa mahinahon na paraan.Napatiimbagang ako. "May magagawa ba 'ko?"Hindi ba nanonood ng tutorial ang babaeng 'to? Tanong ko sa aking isipan.Tuluyan kong pinarada ang e-bike sa gilid kung
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more
7
"Good morning," bati ko sa mga bata.Sabay sabay silang tumayo ngunit nanatiling nakaupo ang isa sa kanila. Sabay sabay silang bumati ngunit nanatiling tikom ang bibig nito.Tatlong araw na ang nakalipas at sa tatlong araw na 'yon ay laging ganito ang sitwasyon. Laging tahimik ang anak ni Jacob gaya ng sinasabi nila Aling Wency."Okay, kids!" Masigla kong panimula. Dahil doon lahat sila ay nakatingin na sa akin. "Get your coloring book and coloring materials!"Muli na naman silang nag-ingay. Nagpagandahan sila ng mga coloring books. Nagpasosyalan kumbaga."Teacher Mel! I have many many colors po!" bibong sigaw ni Itzy.Ngumiti na naman ako ng pilit, "Good! Pahiramin mo mga classmate mo kapag nanghiram sila!" Tapos pahiram din ako ng daddy mo.Kahit papaano ay nababawasan ang sakit ng ulo ko kapag kausap ko si Itzy. Nakakaintindi kasi ito ng tagalog at maru
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more
8
"Bitch, you need to get some files daw as soon as possible," bungad sa akin ni Cyril gamit ang earpiece na suot ko sa aking tainga. "Nalulugi na raw kasi ang ilan sa mga kompanya na hawak niya," dagdag nito.Pero tila ako isang robot na naglalakad papasok ng bahay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Masyado akong nalilito. Kahit sila Aling Wency ay hindi ko nabati kanina. Hindi tuloy ako nakapagplastikan sa kanila.Hindi pa rin mawala sa aking isip ang nangyari kanina. Ang pag-aalala sa mukha ni Jacob nang makita niya ang kanyang anak.Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit kailangan niyang malungkot sa bagay na siya naman mismo ang gumawa.Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ako 'to.Hindi ko mahina.Hindi ako kailan man naawa."Jose! Baka gusto mong magsalita? Aswang na 'to!" sigaw ni Nicko sa kabilang linya.Mukhang magkasama silang dalawa. At mu
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more
9
"Kumain ka ng marami, ah." Tumango ito dahilan para mapangiti ako.Nandito kami ngayon sa isang karinderya na malapit sa pinuntahan naming bahay. Buti na lang at hindi maarte sa pagkain itong si Kyro.Sumenyas sa akin si Ryan. Tinaas nito ang cellphone niya na siyang tinanguan ko."Wow, ang cute niyo namang mag-ama," bungad sa'min ng tindera. Nilapag nito ang extrang kanin na inorder ko. "Pareho pa kayong nakapajama," natatawang dagdag nito.Nag-angat ng tingin si Kyro. Ngumiti ito at hindi ko na naman tuloy maiwasang matuwa."Nako, manang. Hindi po kami mag-ama pero salamat po," sagot ko.Ang kaninang ngiti ni Kyro ay nawala. Kaya agad akong napatingin sa tindera. "Joke lang po, mag-ama po talaga kami." Pagbawi ko sa sinabi ko kanina.Lihim akong tumingin sa bata. Muling bumalik ang ngiti nito."Buti na lang at hindi kayo maarte sa
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more
10
"Mukhang enjoy na enjoy ka sa misyon mo ngayon, ah?" bungad sa akin ni Cyril pagkasuot ko ng earpiece.Kakauwi ko lang at kakaalis lang din ni Ryan kanina. Alas onse na ng gabi ngayon kaya napakabigat na ng talukap ng aking mga mata. Hindi kasi kami nakauwi kaagad dahil kay Kyro. Nag-iiiyak kasi 'yung bata nung sinubukan kong umalis."At talagang pinapunta ka pa niya sa bahay nila?" dagdag nito na tila ba nang-aasar.Nakakagulat isipin na ang demonyong si Jacob ay mag-iimbita sa kanilang bahay. Hindi ko maiwasang mabigla. Masyado siyang padalos dalos. Buti na lang at sinabi ko sa kanya na nasa kabilang kalsada lang ang bahay ko. Nung sinabi ko 'yon ay tsaka lang kumalma na si Kyro."Paano mo naman nalaman, aber?" nagtataka kong tanong sa kanya."Bitch, baka nakakalimutan mong Cyril ang pangalan ko." Rinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Kaya kong gawin lahat ng gusto kong gaw
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status