Napaungol ako at tinakpan ang aking tainga gamit ang kumot na nakapatong sa aking katawan. Kakauwi ko lang kahapon at halos wala pa yata sa limang oras ang tinulog ko. Nakakabwisit! Para saan pa ang weekends kung hindi rin naman pala ako makakapagpahinga? Jusmiyo! Sabado ngayon! Hindi ba pwede hayaan muna n'ya akong makatulog ng maayos?
Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil sa pagtunog ang nakakairitang alarm. Ngunit ilang sandali lang ay nakarinig naman ako ng sigaw mula sa pinto.
"Marko Jose Peralta!"
Napatiimbagang ako. Nagtungo ako sa pintuan habang kinukusot ko ang aking mga mata. Nang makarating ako sa pinto ay agad ko itong binuksan. Agad na tumambad sa aking harapan ang taong may lakas ng loob na bumulabog ng aking umaga.
Kagaya ng dati ay nakasalamin pa rin ito. Nakasuot ito ng dark denim jeans na ipinares n'ya sa kanyang white button-down shirt. Napakabaduy.
Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng aking mata. "Tigil tigilan mo ang pagtawag sa buong pangalan ko, Cyril Lucio Peralta. Baka hindi kita matansya," sabi ko ngunit nilagpasan lamang n'ya ako.
Tuluyan s'yang nakapasok sa unit ko. Muli akong napairap at pumunta sa kwarto. Kinuha ko ang aking tuwalya at nagtungo sa banyo. Napahikab pa ako bago hubarin ang aking mga damit. Nang tuluyan kong buksan ang shower ay tuluyan akong napapikit. Hinayaan kong dumausdos pababa ang tubig sa aking katawan. Matapos nang mabilisang pagligo ay agad akong nagbihis.
Sinuot ko ang kulay asul kong blazer.
"Bitch! Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa sofa mo! Baka gusto mo munang magpahinga?" singhal nito nang makalabas ako ng kwarto.
Muli na naman akong napairap. Wala talagang galang 'tong baklang 'to.
Napakunot ako ng noo. Ang aga-aga naman yata n'ya kung humarap sa kan'yang laptop. Hindi nakakapagtaka kung bakit napakakapal ng kanyang salamin sa mata.
Pinagkrus ko ang aking kamay. Tinaasan ko ito ng kilay. "Lalabas ka o babasagin ko 'yang laptop mo?" Napailing ito.
Natawa ito nang tuluyan kong buksan ang pinto. Inirapan pa ako nito bago lagpasan. Isinara ko ang pinto at pinaalalahanan ang sarili na magtimpi. Baka kasi makalimutan ko na kapatid ko itong kasama ko at tuluyan ko s'yang masapak.
Sabay naming tinahak ang kulay abong pasilyo. Naglakad kami papuntang dulo kung nasaan ang elevator. Nakasunod ito sa akin habang may kausap sa kanyang cellphone. Nakapasok na kami sa loob. At sa pagsara nito ay kita ng dalawa kong mata ang pagkunot ng kanyang noo.
"Problema mo?" tanong ko sa kan'ya.
Napabuntong hininga ito. "Paano ba naman! 'Yang kapatid mong si Nicko! Mukhang papalpak na naman," naiiritang sagot nito.
Pinitik ko ang kanyang noo. "Baka nakakalimot ka? Kapatid mo rin 'yon."
Hindi ko maiwasang mapailing. Kung sino pa itong bunso ay s'ya pa itong walang modo. Kung nabubuhay pa siguro si Mama ay baka nasungalngal na s'ya.
"Matatapos na ba si Nicko?" muli kong tanong habang nakatingin pa rin sa harapan at hinihintay na bumukas ang elevator. Nasa 19th floor kasi ang unit ko kaya med'yo matagal pa bago makababa.
"Malapit na sana, kaso mukhang mabubuking pa s'ya," naiiling na sagot nito.
Tahimik naming narating ang groundfloor. Mula kasi sa 15th floor hanggang sa 19th floor ay puro unit na ng mga nagtatrabaho rito. Yung iba kasi sa kanila ay tinatamad umuwi.
Nandito sa groundfloor ang tinuturing naming cafeteria at headquarters. Pagpasok mo kasi ng building na ito ay sasalubong sa'yo ang mga lamesa at upuan at napakapanget na disenyo. Para kasi itong bar pero kapag naglakad ka pa ng kaunti ay sasalubong na sa iyo ang headquarters.
Bawat tao na madadaanan namin ay yumuyuko. Bumabati ang mga ito ngunit si Cyril lang ang sumasagot. Nakakatamad kasing magsalita. Masasayang lang ang laway ko sa kanila.
Umupo kami sa mataas na upuan. Nasa harapan na namin ngayon ang estante na mayroong iba't ibang uri ng alak.
"Welcome back, Agent Marky!" masiglang bati ni Jerome. Isa sa mga tauhan ni Cyril.
Inilapag nito sa aming harapan ang pagkain na sineserve tuwing umaga. "Himala at nandito ka sa floor na ito," natatawang dagdag nito.
Tuwing matatapos kasi ang mission ko ay sa unit lang ako naglalagi. Natutulog lang ako at kumakain.
"May order pa ba kayo?" dagdag nito.
"Wala na, umalis ka na at baka matapon ko sa mukha mo ang milkshake na nasa harapan ko," sagot ko.
"Bwisit ka! Tubuan sana ng tigyawat yang mukha mo!" tumawa pa ito bago tuluyang umalis.
Muli akong napairap. Bumalik sa kanyang cellphone si Cyril. Ako naman ay nagsimula nang kumain. Tuwing nandito ako sa building na ito ay halos masanay ako sa hotsilog na almusal. Buti na lang at binibilang ng ilang buwan bago ako makauwi. Mga isa o dalawang araw naman ako magstay bago muling sumabak sa misyon.
Susubo na sana ako nang magsalita si Cyril.
"Pinapatawag ka ni Panot sa office n'ya," sabi nito nang hindi manlang inaalis ang tingin sa cellphone. Wala talagang galang.
Tumango na lang ako at muling kumain. Sigurado naman ako na may ibibigay na naman yung misyon. Huling misyon ko na ito sa taong ito. Bilang anak ng Peralta ay kailangan naming sumabak sa misyon bago tuluyang ipamana sa amin ang lahat. Pansamantala kasing si Panot ang humahawak sa lahat. Mula sa mga malalaki hanggang sa maliliit na kompanya na bumubuo ng corporation. Mahigit apat na taon na kasing nawawala si Papa kaya siya muna ang humahawak.
Napailing ang katabi ko. "Tuluyang lumagapak sa lupa ang nangungunang kompanya sa ikapitong rehiyon," sabi ni Cyril na nagpangisi sa akin. "Mukhang nanguna na naman ang alagad ni Panot." tukoy nito sa hawak na kompanya ni Tito.
Tinatanggap ko ang mga misyon kapag alam kong masamang tao ang namamahala. Takot na takot kasi si Panot na baka matalo ang maliliit na kompanya na kabilang sa amin.
Pinapabagsak n'ya ang mga ito sa pamamagitan ng mga panganay at pangalawang anak ng mga nasasakupan nito.
Iyon ang isa sa mga kundisyon bago mo maipasok ang kompanya mo sa korporasyon. Kailangan mo rin kasing ipasok ang panganay at ang pangalawa mong anak.
Nanlaki ang mata nito habang nakatingin pa rin sa kanyang cellphone. "Bumagsak na nga tapos pinatay mo pa! Grabe ka! Hindi ka man lang naawa!" dagdag nito.
Hindi dapat kaawaan ang kompanyang nagbebenta ng mga kabataan. Akala ko nga rin nung una na isang simpleng kompanya lang iyon. Pero sa likod ng magandang pangalan nito ay may nakakubling masangsang na amoy.
Nang matapos sa pagkain ay nagtungo kami sa office ni Panot. Nasa pinakaitaas ito ng building na ito. 20th floor. Buong floor na iyon ay sa kanya. May sarili ring elevator si Panot. Mula nang mawala si Papa ay bihira na ito bumaba. Lagi itong busy. Mukhang hindi talaga siya susuko hanggat hindi nakikita si Papa.
"May balita ka na tungkol sa kanya?" tanong ni Cyril matapos naming makapasok ng elevator. Bahagya akong nagulat sa tanong n'yang iyon. Hindi ko inaasahan. Masyado n'ya akong binibigla.
Hindi ako umimik. Tumahimik na rin ito hanggang sa makarating kami sa huling palapag.
Kulay puting ilaw ang sumalubong sa amin. May chandelier na nakasabit sa gitna ng pasilyo na patungo sa office ni Panot. Hindi katulad sa baba na normal na ilaw lang.
Hindi ko maiwasang mapailing. Ganoon pa rin ang kulay ng palapag na ito. Walang nagbago, kulay abo pa rin ang mga tiles. Ang dingding naman ay kulay itim. Nakakatakot. Pero mas nakakatakot si Panot.
May mga larawan kaming nadadaanan. Larawan iyon ng mga Peralta na sumakabilang buhay na. Nakalagay sa ilalim ng mga painting na 'yon ang kanilang mga pangalan.
Napako ako sa aking kinakatayuan nang makita ko ang huling larawan. Ang mahaba nitong itim na buhok. At ang nakakabighani nitong kulay asul na mga mata. Napakaganda.
Narinig ko ang pagtawa ni Cyril. Huminto ito at tinapik ang aking balikat. Tumingin din ito sa larawan. "Kamukhang kamukha mo talaga si Mama," sabi nito at muling naglakad habang natatawa.
Napailing na lamang ako.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa marating namin ang dulo. Binuksan nito ang pinto at bumungad sa amin ang opisina ni Panot. Ewan ko ba, nahahawa na ako kay Cyril.
Katulad sa pasilyo ay halos kulay itim at abo rin ang makikita mong kulay. Nagtataasang mga cabinet. Mga estante na puro libro. At mga baril na nakasabit sa dingding.
"Magandang umaga tito," bati ni Cyril bago yumuko.
Hindi ko maiwasang matawa sa aking isipan. Napakabait naman pala ng kapatid ko kapag kaharap si Panot.
Bahagya rin akong yumuko. "Magandang umaga po tito."
Nginitian kami nito. "Magandang umaga rin sa inyong dalawa," iminuwestra nito ang upuan na nasa kanyang harapan. "Umupo kayo."
Nagtungo kami sa kulay itim na upuan. Tanaw mula rito ang mga buildings. Napatingin ako sa pahabang bagay na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa.
ATTY. ROGELIO T. PERALTA
Ewan ko ba kay Cyril. Kung bakit kasi Panot ang tawag niya sa tito namin. Napatingin ako sa tito ko nang tumikhim ito. Doon ko nakita ang sagot sa tanong ko. Unti-unti na kasing nalalagas ang buhok ni tito sa tuktok. May mga puting buhok na rin ito. Pero hindi maalis non ang awtoridad sa kanyang tindig. Ramdam mo ang napakalakas na aura.
May kinuha ito sa kanyang drawer at maya maya pa ay may iniabot siya sa akin na isang kulay abo na folder.
Napatingin ako sa kapatid ko na nakatingin din sa folder na hawak hawak ko. Kita ko sa kanyang mata ang kuryosidad.
Mukhang isang misyon na naman ang gagawin ko. Nakakapagtaka naman yata at napakabilis .
Tinanggap ko ito ng walang pag-aalinlangan. Ito na kasi ang huli kong misyon sa taon na ito.
Kita sa folder na iyon ang kulay ginto na bilog na mayroong espada at libro sa gitna. Simbolo ng mga Peralta.
Sa oras na buksan ko ang folder ay tinatanggap ko na ang misyon. Pwede naman akong tumanggi at magpahinga muna ngunit may nag-uudyok sa akin na buksan ito.
Hindi mawala ang ngisi sa aking labi nang makita ko ang impormasyon na nasa unang pahina. Mas lalo akong nakaramdam ng excitement nang makita ko ang larawan ng isang lalaki.
"Ang huli mong misyon ay ang pabagsakin ang nangungunang kompanya sa NCR," sabi ni tito na katulad ko ay hindi rin maalis ang ngisi.
Nagkatinginan kami ng kapatid ko. Napangisi kaming pareho at halos gusto ko nang simulan agad ang misyon. Nakakapanabik. Hindi na ako makapaghintay.
"Pabagsakin mo ang mga PEREZ," muling saad ni Tito.
"Pabagsakin mo ang mga taong pumatay sa Mama at sa kapatid mo."
Pagkatapos ng tagpong 'yon ay agad kaming dumiretso ni Cyril sa Ika-apat na palapag. Naroon ang mga kagamitan na makakatulong sa akin. Kagaya ng mga salamin, wigs at ibang make-up na siyang magkukubli sa aking katauhan. Hindi ko pa nabubuklat ang huling pahina ng folder kaya hindi ko pa nakikita ang mga gagamitin ko. Nandun kasi sa huling pahina ang bagong pagkakakilanlan ko. Nandoon ang lahat ng impormasyon na gagamitin ko. Mula sa pekeng pangalan hangang sa aking mga susuotin.Palabas na kami ng elevator nang magsalita si Cyril. "Masyado naman yatang maaga ang misyon mo," sabi nito habang nakatingin pa rin sa kanyang cellphone. "Nakakapagtaka," dagdag nito.Aagawin ko sana sa kan
Umusok ang dinaanan ng aking motor ng pihitin ko ang preno. Makalipas ang dalawang oras na byahe ay nakarating na rin ako sa aking pupuntahan. Ang simenteryo kung saan nakalibing ang aking ina at ang aking kapatid.Maraming puno ang lugar na ito dahilan para maisalba ko ang aking balat sa napakainit na sikat ng araw. Idagdag mo pa ang katahimikan na siyang nagdulot ng kasiyahan sa aking pakiramdam.Pinatay ko ang makina. Inalis ko ang aking helmet at inilagay sa aking harapan. Saglit akong nanatili sa pagkakaupo at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin.Nang makuntento ako sa aking ginagawa ay agad akong tumayo. Pagtapak ng aking paa sa damuhan ay siyang pagliingon ko sa paligid. Kagaya ng aking inaasahan. Walang tao bukod sa akin. Napakatahimik. Tanging mga tuyot na dahon lang na nililipad sa sahig ang siyang maririnig mong ingay.Kinuha ko ang shades na na
Halos magpantay ang aking kilay nang marating namin ang lugar na tutuluyan ko para sa misyon. Ang akala ko ay sa isang matayog na gusali ako titira pero mukhang hindi ko nabasa ang mga nakasulat sa folder dahil sa sobrang excitement.Bumungad sa akin ang dikit dikit na bahay. Gawa ang mga ito sa semento at may iba't ibang kulay. Hindi naman ito kaliitan at mukhang may maipagmamalaki naman.May sari sari store rin na nasa gitna at may dalawang upuan na nakalagay doon kung saan may mga nakatambay. Sa tapat noon ay isang parke. At sa kabila naman ay mayroong gate. Tanaw mo mula rito ang mga nagtataasang bahay na nasa loob non.Napailing si Ryan habang nakatingin din sa labas. "Mukhang hindi mo nabasa ng maigi yung misyon mo," sabi nito.Napailing na lang din ako. "Pasensya na, Ryan. Nangangati na kasi talaga yung kamay ko." Matapos kong sabihin 'yon ay agad kong kinuha ang folder sa likuran.
"Bitch, 'di ba bukas ka na papasok sa school bilang isang teacher?" bungad sa akin ni Cyril pagsagot ko ng telepono.Limang araw na ang nakalipas. Bukas na mag-uumpisa ang mga pinaplano ko. Bukas na ako papasok sa school kung saan nag-aaral ang anak ng isang demonyo. Hindi naman na halata sa edad ko. 24 na ako at halos tatlong taon na ang nakalipas nang tapusin ko ang kolehiyo ko."Oo," ang tanging sagot ko.Inayos ko ang aking pinagkainan. Inipit ko ang cellphone sa aking balikat at sa aking tainga."Hoy Lucio, bakit ka nga pala hindi tumatawag kahapon? Bakit hindi ka nagparamdam?"Rinig ko sa kabilang linya ang katahimikan. "Hoy, tinatanong kita.""M-May meeting kami," nauutal na sagot nito.Napataas ako ng kilay. "Meeting your face!" singhal ko."B-Basta, dami mong tanong, 'yung misyon mo na lang intindihin mo d'yan!" Pabalang na sagot
Ilang segundo lang ang binilang bago may bumaba mula sa kaparehong sasakyan.Isang babae na nakapulang dress ngunit nagkulang sa tela. Slim lang ang katawan nito pero nagmamalaki ang kanyang dibdib. Hindi na nakapagtataka. Kaya naman pala nag stay sa kanya ang demonyong si Jacob.Sakto lang din ang height nito para sa isang babae. Hanggang balikat siya ni Jacob pero dahil sa takong na suot nito ay halos umabot na siya sa tainga ng demonyo.Hindi ko maitatanggi na maganda ito. Pero dala ng make-up sa mukha ay halos magmukha na itong clown.Napairap ako sa kawalan. Jusq. Hindi man lang marunong magblend ng eye-shadow."Bitch, kumalma ka lang," sabi ni Cyril sa mahinahon na paraan.Napatiimbagang ako. "May magagawa ba 'ko?"Hindi ba nanonood ng tutorial ang babaeng 'to? Tanong ko sa aking isipan.Tuluyan kong pinarada ang e-bike sa gilid kung
"Good morning," bati ko sa mga bata.Sabay sabay silang tumayo ngunit nanatiling nakaupo ang isa sa kanila. Sabay sabay silang bumati ngunit nanatiling tikom ang bibig nito.Tatlong araw na ang nakalipas at sa tatlong araw na 'yon ay laging ganito ang sitwasyon. Laging tahimik ang anak ni Jacob gaya ng sinasabi nila Aling Wency."Okay, kids!" Masigla kong panimula. Dahil doon lahat sila ay nakatingin na sa akin. "Get your coloring book and coloring materials!"Muli na naman silang nag-ingay. Nagpagandahan sila ng mga coloring books. Nagpasosyalan kumbaga."Teacher Mel! I have many many colors po!" bibong sigaw ni Itzy.Ngumiti na naman ako ng pilit, "Good! Pahiramin mo mga classmate mo kapag nanghiram sila!" Tapos pahiram din ako ng daddy mo.Kahit papaano ay nababawasan ang sakit ng ulo ko kapag kausap ko si Itzy. Nakakaintindi kasi ito ng tagalog at maru
"Bitch, you need to get some files daw as soon as possible," bungad sa akin ni Cyril gamit ang earpiece na suot ko sa aking tainga. "Nalulugi na raw kasi ang ilan sa mga kompanya na hawak niya," dagdag nito.Pero tila ako isang robot na naglalakad papasok ng bahay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Masyado akong nalilito. Kahit sila Aling Wency ay hindi ko nabati kanina. Hindi tuloy ako nakapagplastikan sa kanila.Hindi pa rin mawala sa aking isip ang nangyari kanina. Ang pag-aalala sa mukha ni Jacob nang makita niya ang kanyang anak.Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit kailangan niyang malungkot sa bagay na siya naman mismo ang gumawa.Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ako 'to.Hindi ko mahina.Hindi ako kailan man naawa."Jose! Baka gusto mong magsalita? Aswang na 'to!" sigaw ni Nicko sa kabilang linya.Mukhang magkasama silang dalawa. At mu
"Kumain ka ng marami, ah." Tumango ito dahilan para mapangiti ako.Nandito kami ngayon sa isang karinderya na malapit sa pinuntahan naming bahay. Buti na lang at hindi maarte sa pagkain itong si Kyro.Sumenyas sa akin si Ryan. Tinaas nito ang cellphone niya na siyang tinanguan ko."Wow, ang cute niyo namang mag-ama," bungad sa'min ng tindera. Nilapag nito ang extrang kanin na inorder ko. "Pareho pa kayong nakapajama," natatawang dagdag nito.Nag-angat ng tingin si Kyro. Ngumiti ito at hindi ko na naman tuloy maiwasang matuwa."Nako, manang. Hindi po kami mag-ama pero salamat po," sagot ko.Ang kaninang ngiti ni Kyro ay nawala. Kaya agad akong napatingin sa tindera. "Joke lang po, mag-ama po talaga kami." Pagbawi ko sa sinabi ko kanina.Lihim akong tumingin sa bata. Muling bumalik ang ngiti nito."Buti na lang at hindi kayo maarte sa
JACOB PEREZ"Son? Where are you?" That is the exact words that I heard to my father a years ago. Rinig ko pa ang malalim nitong paghinga. Na tila ba takot na takot at kinakabahan."School," simpleng sagot ko.Napatingin pa ako sa mga estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway. They keep on staring at me and as usual, I always put my devilish smirk. "Come here, track my phone. Son, please, do your best to come here on time," aniya bago patayin ang tawag. And that is my go signal. Nagmadali akong naglakad at pumunta s
"A-Ano pang kailangan mong sabihin, Rebecca? Alam kong meron pa," ani ko na nagtitimpi.Para akong naduduwal. Hindi ako mapakali sa kung ano man ang maririnig ko. Para akong isang bata na nag-aabang ng candy.Napailing siya bago magsalita. "Mel. . . Jacob is planning to kill you. Kaya ngayon pa lang lumayo ka na."Natawa ako ng mahina sa mga narinig ko. Papatayin niya ako? Sana noon pa. Pero may kung ano sa dibdib ko na tila ba nasaktan dahil sa kirot na narinig ko."Hindi ka ba nagtataka? In a short periodof time ay naging mabait siya sa'yo. Nakapasok ka sa bahay nila kahit na full security ang bahay. Hindi ka pa hinanapan ng resume or tinanong ang back ground mo."Hindi ko magawang maniwala. Umaasa ako na nagbibiro lang siya pero napakaseryoso ng mukha niya. Tila ba hindi mabibiro."Alam kong hindi ka manini
"Mel, may gagawin ka ba mamaya? Let's have a bake session. I will teach the both of you the basics recipe na alam ko." Nagtaas baba ang kilay nito. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. "Di ba may pasok ka?" Nagkibit balikat lang ito. "I already did the things that I need to do for today. Natapos ko na lahat kahapon," sagot niya."Ok, sige."Nakita ko kung paano magliwanag ang mukha ng mag-ama. Oo nga pala. Hindi nga pala noon masyadong naaasikaso ni Jacob ang anak niya. Ito lang ang ilan sa mga pagkakataon na makakapagbonding sila. At ang mas nakakaloka ay kasama pa talaga ako.Matapos kumain ay tinuruan ko muna si Kyro. Nakatingin lang sa amin si Jacob na tila ba tuwang tuwa na makita ang anak niya na nakangiti. Kahit naman sino ay mapapangiti kay Kyro. Bibo ito sa akin ewan ko lang sa kaniya. Naalala ko tuloy yung sinigawan ni
"Wow, anong meron at ang saya mo?" bungad sa 'kin ni Cyril pagbaba niya ng sasakyan niya.Nakat-shirt itong itim. Nakakagulat dahil mas makinis siya sa personal. Medyo pangit kasi ang kapatid kong ito lalo na kapag nagvivideo call kami. Para siyang isang hapones sa itsura niya dahil sa singkit niyang mata. Nakakapagtaka dahil hindi niya kasama si Ryan.Nasa labas ako ngayon ng mansyon ni Jacob. Nasa kusina siya at magluluto raw siya ng kung ano para sa movie marathon mamaya. Ewan, pero kinilig ako kanina. Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko at napakagaan na ng pakiramdam ko."Wala naman," sagot ko at kinuha ang isang paperbag sa kamay niya.Napangisi siya sa sagot ko. Tinignan niya ang kabuuan ko na tila ba sinusuri ang bawat detalye."Umuwi ka nang hindi nagsasabi tapos maabutan kitang nakangiti? Sagutin mo nga ako kuya..."Muli siyang ngumisi at sinundot pa ang tagilira
"Hey," bati nito. Hindi ko siya nilingon hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo nito sa aking tabi. "You look unfamiliar. You must be new here." Tumango ako. Ngayon lang naman kasi talaga ako napadpad dito. "You--." Inangat ko ang daliri ko at tinapat sa kanyang bibig. "Wag mo na lang akong kausapin kung mag-eenglish ka." Napairap ako na siya namang kinatawa niya. Tinaas nito ang dalawang kamay. "Ok, fine." Tumawa pa ito ng bahagya bago umorder sa lalaking nag-aalog ng kung ano sa aming harapan. "Margarita, please.""I'm the--." Muli itong napatigil dahil sa aking pagharap. "Ok, hmm s-sorry.." Muli itong natawa. "Marcus Peralta, you can me Marcus."Mukhang galing ibang bansa ang isang to. At mukhang siya ang nawawalang tatay ng mga estudyante ko. Siya siguro si daddy pig. Mga englishero. Sasakit niyo sa ulo
"Let's go." Tumingin ito sa kanyang relo. "It's already 7:30, late na tayo Ky. Napakabagal naman kasing kumilos ng teacher mo," ani ng demonyo bago lumabas ng bahay. "Teacher your face," bulong ko na siyang tinawanan ni Kyro. "I'm asking you! Where is your father! Tell me!" Maririnig din ang pag hikbi. Si Kyro. Nilagpasan ko ang maid at nakita si Rebecca na nakaduro kay Kyro na ngayon ay humihikbi na."Answer me!" muling sigaw nito.Hindi ko maiwasang mapairap. Bobo pala tong manananggal na 'to. Alam nang hindi nagsasalita yung bata tapos sisigawan pa."Hoy! Anong karapatan mong sigawan si Kyro?" tanong ko at dahan dahang naglakad papunta sa kanya.Nakita ako ni Kyro kaya dali dali siyang pumunta sa akin. Nagtago ito sa aking likuran."Ikaw na naman? What are yo
"Hey," bati ko rito.Ngunit hindi ito natinag. Para akong hangin dahil nanatili pa rin siyang nakatingin sa bintana. Bahagya kong ginulo ang buhok nito, "Kyro," mahinang usal ko.Dahan dahan itong lumingon sa akin. Muli ko na namang nasilayan ang maamo nitong mukha. Napakainosente. Malayong malayo sa kanyang ama.Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi. "Get your coloring book and coloring materials na," masuyong saad ko. Tumango naman ito. Ilang sandali lang ay kinuha na nito sa kanyang bag ang kanyang mga gamit. Hindi ko mapigilang matuwa. "Vey good!" Nang makita ko itong busy sa pag-aayos ng kanyang gagamitin ay tumayo ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa aking upuan nang maramdaman ko ang paghawak ng maliit niyang kamay sa laylayan ng aking damit.Hi
"Magcucut ka na naman ng class?" tanong sa akin ni Cyril. Nadaanan ko ang room niya at mukhang nahuli pa ako ng wala sa oras."May nakalimutan lang ako sa bahay. Babalik din naman ako kaagad," sagot ko na kinunotan niya ng noo."Totoo? Baka mamaya hindi kita makita, ah! Alalahanin mong aabangan ka ni mama mamayang uwian!" sigaw niya na nagpairap sa akin."Oo na, oo na! Letse," sagot ko bago tuluyang umalis.Bumaba ako ng building. Nang makahanap ako ng tiyempo ay kaagad akong lumabas ng campus. Nakakatamad kasi sa room. Masyado akong uugatin do'n. Mas mabuti pang mag mall. Mas marami pa akong makikita. Inubos ko ang oras ko sa pamimili. Ang daming sale ngayon kaya paniguradong mauubos ang pera ko. Madami na akong bitbit na paper bag sa dalawa kong kamay. Kulang pa. Kulang na kulang pa an
Kung may gusto man akong maalalang pangyayari sa nakaraan ko, hinding hindi ako magdadalawang isip na kunin ang pagkakataon na 'yon.Palabas na ako ng apartment ko kaya naman agad akong sinalubong ng malamig na hangin.Nakakainis. Gusto ko talagang maalala ang past ko. Masyado kasing pormal ang buhay ko ngayon. Para bang hindi ganito yung nakasanayan ko dati. Parang napakalayo ss dati kong buhay.Gusto kong may maalala kahit kaunti man lang. Siguradong ako ang may pinaka magandang karanasan noon. Marami siguro akong masasayang memorya na paniguradong ikatutuwa ko."Last week pa 'yon! Puro ka trabaho! Kapag ikaw tumandang dalaga!"Itong si Cyril. Paano ako tatadang dalaga, eh, marami ngang afam ang umaaligid sa akin. Kahit saan ako magpunta merong lumalapit. Kahit saan ako tumingin may nahuhuli akong nakatingin sa akin. Sa ganda kong 'to? Hello?Pero kahit ma