Pagkatapos ng tagpong 'yon ay agad kaming dumiretso ni Cyril sa Ika-apat na palapag. Naroon ang mga kagamitan na makakatulong sa akin. Kagaya ng mga salamin, wigs at ibang make-up na siyang magkukubli sa aking katauhan.
Hindi ko pa nabubuklat ang huling pahina ng folder kaya hindi ko pa nakikita ang mga gagamitin ko. Nandun kasi sa huling pahina ang bagong pagkakakilanlan ko. Nandoon ang lahat ng impormasyon na gagamitin ko. Mula sa pekeng pangalan hangang sa aking mga susuotin.
Palabas na kami ng elevator nang magsalita si Cyril. "Masyado naman yatang maaga ang misyon mo," sabi nito habang nakatingin pa rin sa kanyang cellphone. "Nakakapagtaka," dagdag nito.
Aagawin ko sana sa kanya ang cellphone ngunit agad niya itong nailagay sa ibang direksyon.
Tinaasan ko ito ng kilay. "Ano bang meron sa cellphone mo at hindi na maalis d'yan ang mata mo?"
Inirapan ako nito. "Wala kang pakialam," sabi nito at agad na lumabas nang biglang bumukas ang elevator.
Bwisit na baklang 'to. Kung hindi ko lang talaga kapatid 'to ay baka kanina pa siya hindi humihinga. Napakawalang galang. Pero tama siya, nakakapagtaka nga na biglang napaaga ang misyon ko. Pero nevermind atleast makakaganti na rin ako. Maipaghihiganti ko na rin si mama at si ate.
Sumunod ako sa kanyang paglalakad. Kumekembot kembot pa ang pwetan nito na nagpapainit ng ulo ko. Para kasi siyang bibe kung maglakad.
Agad na bumungad sa amin ang anim na kuwarto. Iba't iba ang kulay ng mga ito. Kulay itim na pinto para sa mga wigs at salamin, kulay asul para sa mga dress at blazers, kulay pula para sa mga iba't ibang uri ng liptint at lipstick, kulay kayumanggi na pinto para sa mga boots at iba't ibang uri ng sapatos, kulay pink na pinto para sa mga make-ups at kulay abo para sa mga armas kagaya ng mga baril at mga kutsilyo. Halos lahat iyan ay napapasukan ko. Tuwing sasabak kasi ako ay madalas akong kumuha ng isang baril at isang kutsilyo. Once kasi na nakapasok na ako sa kompanya ng target ko at nakuha ko na ang mga importanteng dokumento ay direkta kong pinapatama ang bala sa kanilang noo. Kailangan lagi kang maingat.
Ayan lagi ang tinatatak ko sa aking isipan.
Huminto sa paglalakad si Cyril at humarap sa akin. "Bitch, nakita mo na ba yung last page?" tanong nito.
Doon ko lang naalala na hindi ko pa pala iyon natitignan. Binuksan ko ang folder at hindi ko maiwasang mamangha. Napako lang ang aking tingin doon. Napabalikwas ako nang bigla itong agawin ni Cyril.
Katulad ko ay nanlaki rin ang kanyang mga mata. Pinaypayan pa nito ang sarili na tila ba hindi makapaniwala sa mga nakikita. "The fuck!" mura nito. "Totoo ba 'to?" nilipat lipat nito ang pahina. "Hindi ka na mag-co-crossdress sa misyon mo!"
Kahit ako ay nagulat sa aking mga nakita. Ito ang unang beses na hindi ako
mag-co-crossdress sa misyon. At ito ang kaunaunahang misyon na hindi ko kailangan mag make-up. Iniba lang ang aking pangalan.Hindi ko na namang maiwasang magtaka.
Inagaw ko sa kanya ang folder. "Edi mas maganda," sabi ko at muling naglakad. "Hindi ko na kailangan magkubli sa ibang katauhan, hahayaan kong masilayan niya ang mukha ko bago ko siya patayin sa mundong ibabaw," nakangising bulong ko at pumasok na sa kulay asul na pinto.
Agad na bumungad sa akin ang iba't ibang uri ng mga damit. Para itong mini mall dahil sa disenyo. Sa kaliwang bahagi ay puro dress at sa kanan naman ay puro blazers.
Pumasok na rin si Cyril at rinig ko mula sa aking kinakatayuan ang kanyang mga yabag. "Pakibilisan at may ka chat pa ako," sabi nito na nagpalingon sa akin. Nanlaki ang mga mata nito. "A-Ah..I mean may irereport pa ako kay Panot," sabi nito at nag-iwas ng tingin.
Hindi ko na lang iyon pinansin at muling naghanap ng mga damit. Isa ito sa mga gusto ko tuwing may misyon. Hindi na kasi namin kailangan magmall dahil may sariling imbakan ng mga damit ang building na ito. Ang iba sa kanila ay imported at hindi pa lumalabas sa merkado. Ang iba naman ay sobrang mahal pero libre rito sa korporasyon kapag may misyon ka. Katulad na lamang ng hawak ko na halos lumuwa ang mga mata ko sa presyo.
Milyon ang halaga nitong kulay asul na blazers. Pero dahil may misyon ako ay libre lang ito.
Muli akong naglakad. Lahat ng gusto ko ay pare-pareho ng kulay. Humarap ako kay Cyril na nasa harapan ng pinto. "Umay na umay na ako sa blue, wala bang bago?!" sigaw ko.
Umiling ito. "Wala pa, baka sa susunod na linggo pa dadating."
Naglakad ako patungo sa kanyang pwesto. Inabot ko sa kanya ang mga napili ko. "Alam mo naman na yung size ko, hanapan mo na lang ako," sabi ko at muling lumabas ng pinto.
Nagpaiwan siya sa pasilyo at hihintayin na lang daw niya akong matapos.
Ilang sandali pa ay malapit na akong matapos. Ang huling pinto nalang na aking pupuntahan ay ang kulay abong pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay agad na sumilay ang ngisi sa aking labi.
Naisip ko tuloy kung paano ko siya papatayin. Babarilin ba sa ulo gaya ng ginawa nila sa mama ko o ikakadena muna at papahirapan bago patayin kagaya ng ginawa nila sa ate ko.
Nakakapanabik. Hindi na ako makapaghintay.
"May kailangan ka pa ba?" Tanong ni Cyril nang makalabas ako. "Kailangan ko ng ireport yung mga nakuha mo sa headquarters para mabigyan kita ng mga size mamaya," dagdag nito.
"Wala na," sabi ko at ibinigay sa kanya ang mga nakuha ko.
Mga damit, liptint, pantalon at mga sapatos ang nakuha ko. Sinama ko na rin ang baril at kutsilyo para maisama sa mga maayos sa bag ko.
"Bitch," tawag sa akin ni Cyril dahilan para mapalingon ako. "Magkita na lang tayo mamayang alas singko ng hapon," sabi nito at tumango na lang ako.
Nagpaalam na ito sa akin na mauuna na. Sumakay ito sa elevator samantalang ako ay nagtungo sa hagdan. Gusto ko lang sayangin ang oras ko. Para naman kahit papaano ay hindi ako maburyo mamaya.
Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Ryan. Naka polo ito na kulay dilaw. Tatlong buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring nagbago sa kanyang itsura. Maputi pa rin ito at napakapula pa rin ng mga labi.
Kumunot ang noo nito nang makita ang folder na hawak ko. "May misyon ka na naman?" Tanong nito na tinanguan ko lang. "Kakauwi mo lang, ah," dagdag nito.
Napakibit balikat ako. "Wala tayong magagawa, si Panot ang nagbigay nito at isa pa last na misyon ko naman na," mahabang litanya ko.
Napailing na lang ito. "Sabagay, atleast makakapagpahinga ka na pagtapos nito," may kinuha ito sa kanyang bulsa. Inabot niya sa akin ang isang papel. Napalingon ako sa paligid. Nang makitang walang kahinahinala ay agad ko iyong kinuha at nilagay sa aking bulsa.
"Address 'yan ng babaeng nakakita sa pagkamatay ng Mama mo," saad nito.
"Maraming salamat, Ryan," tugon ko.
"Wala 'yon," natatawang saad nito. "Basta para sa bestfriend ko," dagdag nito na nagpangiti sa akin.
Katulad ni Cyril ay mahilig din ito sa gadgets. Halos lagi rin itong may hawak na tablet. Nagpaalam na ako at bumaba sa groundfloor.
Tinignan ko ang aking relo. Mayroon pa akong anim na oras. Pupunta na lang muna siguro ako kay Jerome para magtanghalian. Ilang minuto akong nakipagbakbakan sa kare-kare.
Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng building. Pupunta ako sa lugar na aking pinupuntahan bago ko gawin ang aking misyon.
Ang lugar kung saan nakalibing ang aking ina at ang aking kapatid.
Umusok ang dinaanan ng aking motor ng pihitin ko ang preno. Makalipas ang dalawang oras na byahe ay nakarating na rin ako sa aking pupuntahan. Ang simenteryo kung saan nakalibing ang aking ina at ang aking kapatid.Maraming puno ang lugar na ito dahilan para maisalba ko ang aking balat sa napakainit na sikat ng araw. Idagdag mo pa ang katahimikan na siyang nagdulot ng kasiyahan sa aking pakiramdam.Pinatay ko ang makina. Inalis ko ang aking helmet at inilagay sa aking harapan. Saglit akong nanatili sa pagkakaupo at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin.Nang makuntento ako sa aking ginagawa ay agad akong tumayo. Pagtapak ng aking paa sa damuhan ay siyang pagliingon ko sa paligid. Kagaya ng aking inaasahan. Walang tao bukod sa akin. Napakatahimik. Tanging mga tuyot na dahon lang na nililipad sa sahig ang siyang maririnig mong ingay.Kinuha ko ang shades na na
Halos magpantay ang aking kilay nang marating namin ang lugar na tutuluyan ko para sa misyon. Ang akala ko ay sa isang matayog na gusali ako titira pero mukhang hindi ko nabasa ang mga nakasulat sa folder dahil sa sobrang excitement.Bumungad sa akin ang dikit dikit na bahay. Gawa ang mga ito sa semento at may iba't ibang kulay. Hindi naman ito kaliitan at mukhang may maipagmamalaki naman.May sari sari store rin na nasa gitna at may dalawang upuan na nakalagay doon kung saan may mga nakatambay. Sa tapat noon ay isang parke. At sa kabila naman ay mayroong gate. Tanaw mo mula rito ang mga nagtataasang bahay na nasa loob non.Napailing si Ryan habang nakatingin din sa labas. "Mukhang hindi mo nabasa ng maigi yung misyon mo," sabi nito.Napailing na lang din ako. "Pasensya na, Ryan. Nangangati na kasi talaga yung kamay ko." Matapos kong sabihin 'yon ay agad kong kinuha ang folder sa likuran.
"Bitch, 'di ba bukas ka na papasok sa school bilang isang teacher?" bungad sa akin ni Cyril pagsagot ko ng telepono.Limang araw na ang nakalipas. Bukas na mag-uumpisa ang mga pinaplano ko. Bukas na ako papasok sa school kung saan nag-aaral ang anak ng isang demonyo. Hindi naman na halata sa edad ko. 24 na ako at halos tatlong taon na ang nakalipas nang tapusin ko ang kolehiyo ko."Oo," ang tanging sagot ko.Inayos ko ang aking pinagkainan. Inipit ko ang cellphone sa aking balikat at sa aking tainga."Hoy Lucio, bakit ka nga pala hindi tumatawag kahapon? Bakit hindi ka nagparamdam?"Rinig ko sa kabilang linya ang katahimikan. "Hoy, tinatanong kita.""M-May meeting kami," nauutal na sagot nito.Napataas ako ng kilay. "Meeting your face!" singhal ko."B-Basta, dami mong tanong, 'yung misyon mo na lang intindihin mo d'yan!" Pabalang na sagot
Ilang segundo lang ang binilang bago may bumaba mula sa kaparehong sasakyan.Isang babae na nakapulang dress ngunit nagkulang sa tela. Slim lang ang katawan nito pero nagmamalaki ang kanyang dibdib. Hindi na nakapagtataka. Kaya naman pala nag stay sa kanya ang demonyong si Jacob.Sakto lang din ang height nito para sa isang babae. Hanggang balikat siya ni Jacob pero dahil sa takong na suot nito ay halos umabot na siya sa tainga ng demonyo.Hindi ko maitatanggi na maganda ito. Pero dala ng make-up sa mukha ay halos magmukha na itong clown.Napairap ako sa kawalan. Jusq. Hindi man lang marunong magblend ng eye-shadow."Bitch, kumalma ka lang," sabi ni Cyril sa mahinahon na paraan.Napatiimbagang ako. "May magagawa ba 'ko?"Hindi ba nanonood ng tutorial ang babaeng 'to? Tanong ko sa aking isipan.Tuluyan kong pinarada ang e-bike sa gilid kung
"Good morning," bati ko sa mga bata.Sabay sabay silang tumayo ngunit nanatiling nakaupo ang isa sa kanila. Sabay sabay silang bumati ngunit nanatiling tikom ang bibig nito.Tatlong araw na ang nakalipas at sa tatlong araw na 'yon ay laging ganito ang sitwasyon. Laging tahimik ang anak ni Jacob gaya ng sinasabi nila Aling Wency."Okay, kids!" Masigla kong panimula. Dahil doon lahat sila ay nakatingin na sa akin. "Get your coloring book and coloring materials!"Muli na naman silang nag-ingay. Nagpagandahan sila ng mga coloring books. Nagpasosyalan kumbaga."Teacher Mel! I have many many colors po!" bibong sigaw ni Itzy.Ngumiti na naman ako ng pilit, "Good! Pahiramin mo mga classmate mo kapag nanghiram sila!" Tapos pahiram din ako ng daddy mo.Kahit papaano ay nababawasan ang sakit ng ulo ko kapag kausap ko si Itzy. Nakakaintindi kasi ito ng tagalog at maru
"Bitch, you need to get some files daw as soon as possible," bungad sa akin ni Cyril gamit ang earpiece na suot ko sa aking tainga. "Nalulugi na raw kasi ang ilan sa mga kompanya na hawak niya," dagdag nito.Pero tila ako isang robot na naglalakad papasok ng bahay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Masyado akong nalilito. Kahit sila Aling Wency ay hindi ko nabati kanina. Hindi tuloy ako nakapagplastikan sa kanila.Hindi pa rin mawala sa aking isip ang nangyari kanina. Ang pag-aalala sa mukha ni Jacob nang makita niya ang kanyang anak.Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit kailangan niyang malungkot sa bagay na siya naman mismo ang gumawa.Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ako 'to.Hindi ko mahina.Hindi ako kailan man naawa."Jose! Baka gusto mong magsalita? Aswang na 'to!" sigaw ni Nicko sa kabilang linya.Mukhang magkasama silang dalawa. At mu
"Kumain ka ng marami, ah." Tumango ito dahilan para mapangiti ako.Nandito kami ngayon sa isang karinderya na malapit sa pinuntahan naming bahay. Buti na lang at hindi maarte sa pagkain itong si Kyro.Sumenyas sa akin si Ryan. Tinaas nito ang cellphone niya na siyang tinanguan ko."Wow, ang cute niyo namang mag-ama," bungad sa'min ng tindera. Nilapag nito ang extrang kanin na inorder ko. "Pareho pa kayong nakapajama," natatawang dagdag nito.Nag-angat ng tingin si Kyro. Ngumiti ito at hindi ko na naman tuloy maiwasang matuwa."Nako, manang. Hindi po kami mag-ama pero salamat po," sagot ko.Ang kaninang ngiti ni Kyro ay nawala. Kaya agad akong napatingin sa tindera. "Joke lang po, mag-ama po talaga kami." Pagbawi ko sa sinabi ko kanina.Lihim akong tumingin sa bata. Muling bumalik ang ngiti nito."Buti na lang at hindi kayo maarte sa
"Mukhang enjoy na enjoy ka sa misyon mo ngayon, ah?" bungad sa akin ni Cyril pagkasuot ko ng earpiece.Kakauwi ko lang at kakaalis lang din ni Ryan kanina. Alas onse na ng gabi ngayon kaya napakabigat na ng talukap ng aking mga mata. Hindi kasi kami nakauwi kaagad dahil kay Kyro. Nag-iiiyak kasi 'yung bata nung sinubukan kong umalis."At talagang pinapunta ka pa niya sa bahay nila?" dagdag nito na tila ba nang-aasar.Nakakagulat isipin na ang demonyong si Jacob ay mag-iimbita sa kanilang bahay. Hindi ko maiwasang mabigla. Masyado siyang padalos dalos. Buti na lang at sinabi ko sa kanya na nasa kabilang kalsada lang ang bahay ko. Nung sinabi ko 'yon ay tsaka lang kumalma na si Kyro."Paano mo naman nalaman, aber?" nagtataka kong tanong sa kanya."Bitch, baka nakakalimutan mong Cyril ang pangalan ko." Rinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Kaya kong gawin lahat ng gusto kong gaw
JACOB PEREZ"Son? Where are you?" That is the exact words that I heard to my father a years ago. Rinig ko pa ang malalim nitong paghinga. Na tila ba takot na takot at kinakabahan."School," simpleng sagot ko.Napatingin pa ako sa mga estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway. They keep on staring at me and as usual, I always put my devilish smirk. "Come here, track my phone. Son, please, do your best to come here on time," aniya bago patayin ang tawag. And that is my go signal. Nagmadali akong naglakad at pumunta s
"A-Ano pang kailangan mong sabihin, Rebecca? Alam kong meron pa," ani ko na nagtitimpi.Para akong naduduwal. Hindi ako mapakali sa kung ano man ang maririnig ko. Para akong isang bata na nag-aabang ng candy.Napailing siya bago magsalita. "Mel. . . Jacob is planning to kill you. Kaya ngayon pa lang lumayo ka na."Natawa ako ng mahina sa mga narinig ko. Papatayin niya ako? Sana noon pa. Pero may kung ano sa dibdib ko na tila ba nasaktan dahil sa kirot na narinig ko."Hindi ka ba nagtataka? In a short periodof time ay naging mabait siya sa'yo. Nakapasok ka sa bahay nila kahit na full security ang bahay. Hindi ka pa hinanapan ng resume or tinanong ang back ground mo."Hindi ko magawang maniwala. Umaasa ako na nagbibiro lang siya pero napakaseryoso ng mukha niya. Tila ba hindi mabibiro."Alam kong hindi ka manini
"Mel, may gagawin ka ba mamaya? Let's have a bake session. I will teach the both of you the basics recipe na alam ko." Nagtaas baba ang kilay nito. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. "Di ba may pasok ka?" Nagkibit balikat lang ito. "I already did the things that I need to do for today. Natapos ko na lahat kahapon," sagot niya."Ok, sige."Nakita ko kung paano magliwanag ang mukha ng mag-ama. Oo nga pala. Hindi nga pala noon masyadong naaasikaso ni Jacob ang anak niya. Ito lang ang ilan sa mga pagkakataon na makakapagbonding sila. At ang mas nakakaloka ay kasama pa talaga ako.Matapos kumain ay tinuruan ko muna si Kyro. Nakatingin lang sa amin si Jacob na tila ba tuwang tuwa na makita ang anak niya na nakangiti. Kahit naman sino ay mapapangiti kay Kyro. Bibo ito sa akin ewan ko lang sa kaniya. Naalala ko tuloy yung sinigawan ni
"Wow, anong meron at ang saya mo?" bungad sa 'kin ni Cyril pagbaba niya ng sasakyan niya.Nakat-shirt itong itim. Nakakagulat dahil mas makinis siya sa personal. Medyo pangit kasi ang kapatid kong ito lalo na kapag nagvivideo call kami. Para siyang isang hapones sa itsura niya dahil sa singkit niyang mata. Nakakapagtaka dahil hindi niya kasama si Ryan.Nasa labas ako ngayon ng mansyon ni Jacob. Nasa kusina siya at magluluto raw siya ng kung ano para sa movie marathon mamaya. Ewan, pero kinilig ako kanina. Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko at napakagaan na ng pakiramdam ko."Wala naman," sagot ko at kinuha ang isang paperbag sa kamay niya.Napangisi siya sa sagot ko. Tinignan niya ang kabuuan ko na tila ba sinusuri ang bawat detalye."Umuwi ka nang hindi nagsasabi tapos maabutan kitang nakangiti? Sagutin mo nga ako kuya..."Muli siyang ngumisi at sinundot pa ang tagilira
"Hey," bati nito. Hindi ko siya nilingon hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo nito sa aking tabi. "You look unfamiliar. You must be new here." Tumango ako. Ngayon lang naman kasi talaga ako napadpad dito. "You--." Inangat ko ang daliri ko at tinapat sa kanyang bibig. "Wag mo na lang akong kausapin kung mag-eenglish ka." Napairap ako na siya namang kinatawa niya. Tinaas nito ang dalawang kamay. "Ok, fine." Tumawa pa ito ng bahagya bago umorder sa lalaking nag-aalog ng kung ano sa aming harapan. "Margarita, please.""I'm the--." Muli itong napatigil dahil sa aking pagharap. "Ok, hmm s-sorry.." Muli itong natawa. "Marcus Peralta, you can me Marcus."Mukhang galing ibang bansa ang isang to. At mukhang siya ang nawawalang tatay ng mga estudyante ko. Siya siguro si daddy pig. Mga englishero. Sasakit niyo sa ulo
"Let's go." Tumingin ito sa kanyang relo. "It's already 7:30, late na tayo Ky. Napakabagal naman kasing kumilos ng teacher mo," ani ng demonyo bago lumabas ng bahay. "Teacher your face," bulong ko na siyang tinawanan ni Kyro. "I'm asking you! Where is your father! Tell me!" Maririnig din ang pag hikbi. Si Kyro. Nilagpasan ko ang maid at nakita si Rebecca na nakaduro kay Kyro na ngayon ay humihikbi na."Answer me!" muling sigaw nito.Hindi ko maiwasang mapairap. Bobo pala tong manananggal na 'to. Alam nang hindi nagsasalita yung bata tapos sisigawan pa."Hoy! Anong karapatan mong sigawan si Kyro?" tanong ko at dahan dahang naglakad papunta sa kanya.Nakita ako ni Kyro kaya dali dali siyang pumunta sa akin. Nagtago ito sa aking likuran."Ikaw na naman? What are yo
"Hey," bati ko rito.Ngunit hindi ito natinag. Para akong hangin dahil nanatili pa rin siyang nakatingin sa bintana. Bahagya kong ginulo ang buhok nito, "Kyro," mahinang usal ko.Dahan dahan itong lumingon sa akin. Muli ko na namang nasilayan ang maamo nitong mukha. Napakainosente. Malayong malayo sa kanyang ama.Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi. "Get your coloring book and coloring materials na," masuyong saad ko. Tumango naman ito. Ilang sandali lang ay kinuha na nito sa kanyang bag ang kanyang mga gamit. Hindi ko mapigilang matuwa. "Vey good!" Nang makita ko itong busy sa pag-aayos ng kanyang gagamitin ay tumayo ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa aking upuan nang maramdaman ko ang paghawak ng maliit niyang kamay sa laylayan ng aking damit.Hi
"Magcucut ka na naman ng class?" tanong sa akin ni Cyril. Nadaanan ko ang room niya at mukhang nahuli pa ako ng wala sa oras."May nakalimutan lang ako sa bahay. Babalik din naman ako kaagad," sagot ko na kinunotan niya ng noo."Totoo? Baka mamaya hindi kita makita, ah! Alalahanin mong aabangan ka ni mama mamayang uwian!" sigaw niya na nagpairap sa akin."Oo na, oo na! Letse," sagot ko bago tuluyang umalis.Bumaba ako ng building. Nang makahanap ako ng tiyempo ay kaagad akong lumabas ng campus. Nakakatamad kasi sa room. Masyado akong uugatin do'n. Mas mabuti pang mag mall. Mas marami pa akong makikita. Inubos ko ang oras ko sa pamimili. Ang daming sale ngayon kaya paniguradong mauubos ang pera ko. Madami na akong bitbit na paper bag sa dalawa kong kamay. Kulang pa. Kulang na kulang pa an
Kung may gusto man akong maalalang pangyayari sa nakaraan ko, hinding hindi ako magdadalawang isip na kunin ang pagkakataon na 'yon.Palabas na ako ng apartment ko kaya naman agad akong sinalubong ng malamig na hangin.Nakakainis. Gusto ko talagang maalala ang past ko. Masyado kasing pormal ang buhay ko ngayon. Para bang hindi ganito yung nakasanayan ko dati. Parang napakalayo ss dati kong buhay.Gusto kong may maalala kahit kaunti man lang. Siguradong ako ang may pinaka magandang karanasan noon. Marami siguro akong masasayang memorya na paniguradong ikatutuwa ko."Last week pa 'yon! Puro ka trabaho! Kapag ikaw tumandang dalaga!"Itong si Cyril. Paano ako tatadang dalaga, eh, marami ngang afam ang umaaligid sa akin. Kahit saan ako magpunta merong lumalapit. Kahit saan ako tumingin may nahuhuli akong nakatingin sa akin. Sa ganda kong 'to? Hello?Pero kahit ma