Matapos ang unang klase na wala namang ginawa ay inayos ko na ang bag ko, ngunit gulat ko na nilingon ang babae sa sinabi niya, “Ayos ba? Mukhang maangas? Mysterious?”
“A-Ano?” hindi makapaniwala kong tanong. Ngunit tumawa siya nang malakas, “Sinusubukan ko kasi mag-arteng mysterious kaso ang hirap!” “Pero bakit mo inagaw yung upuan ko?” seryoso niyang sabi na para bang ganoon kabilis niyang nababago ang emosyon. ‘Baliw ba ‘to!?’ “Miss, kindly stop trying to have a conversation with me, b-baliw ka na.” Iniiwas ko na ang tingin sa kanya at inis na umalis sa classroom. Hindi ko inaasahan ang pagsunod niya, “Kung ako baliw, ikaw lutang. Kumuha lang ako ng gamit sa gilid mo pero naupo ka sa upuan ko! Worse naupuan mo ang cellphone ko, basag.” Itinapat niya sa mukha ko ang cellphone niya at basag nga ‘yon, ngunit mabilis akong napatingin sa crowded hallway nang mapansin ang nagmamasid. ‘Hindi ko alam na ganoon kadali makapasok ang mga kalaban sa mismong eskwelahan na ito’ “Dapat yata hindi Sandoval ang pangalan mo, dapat helium baloon kasi lagi kang lutang!” Bumalik ako sa ulirat sa sinabi ng babae na nasa harapan ko. “Tabi,” wika ko at hinawi siya sa dinaraanan. Hindi pa rin siya sumuko sa pagsunod, “Pwede ka ba maging friend? Uy Sandoval, saglit naman!” Ang ingay niya. “Sandoval—” “Kent ang pangalan ko, hindi Sandoval. Wala ka bang commonsense?” sabi ko habang sinasabayan niya ako maglakad. “Meron, pero out of service ngayon.” Humalakhak siya matapos niya sabihin, kababaeng tao ang ingay, brusko. Panay ang daldal ng babaeng sumusunod sa akin, “Hindi ba pwedeng ikaw na lang si Sandoval?” Hindi ko na siya sinagot, hanggang sa makapasok kami ng cafeteria ay nakiupo siya sa mesa ko. “Makipagkaibigan ka na kasi? Wala akong kaibigan kasi bago lang ako, yung iba naman plastic!” Sa pagmamaktol niya ay nagkadahilan ako para mas manahimik. “May kasama ka sa opening ball mamaya? Pwede sumama sa’yo?” sabi niya, tinaliman ko siya ng tingin dahilan para inosente niyang itikop ang mamula mula at bahagyang manguso na bibig. “Are you asking me to be your date at the opening ball?” I unbelievably asked. “No, I’m asking to be your friend. Confidante? Best friend? Ally?” Huminga ako ng malalim at matagal siyang tinitigan. Ang itim at mahaba niyang buhok ay napupunta sa mukha niya, “Titigilan mo na ako pag pumayag ako maging kaibigan mo?” tanong ko. “Hmm, sure?” Ngumiwi ako dahil hindi pa siya sigurado, “Magpapakilala na ako ha—” “Sa opening ball na lang,” walang gana kong sabi. Kalaunan ay nagsimula na rin ang opening ball halos lahat ng estudyante ay nasa loob na ng venue, bago pa man ako pumasok sa event pavilion ng school ay natanaw ko yung babae kanina na inaayos ang stilletos nitong suot. “Nakakainis, ang taas-taas ng takong na pinasuot sa akin, matangkad na nga ako,” bulong nito sa sarili. Ngumiwi ako at lalapitan na sana siya ngunit mabilis siyang naglakad na papasok dahilan para mapailing ako at pumasok na lang rin. Sa loob ng event hall ay masasayang tugtugan at sigawan ng mga estudyante, mahirap makapasok sa eskwelahang ito dahil sa standard ng school records. Wala naman sigurong baliw ang makakapasok rito ‘di ba? “Hoy!” ‘Speaking of crazy, she already saw me huh?’ Nalingon ko ito ngunit natigilan ako nang malakas na kumalat ang pabangong suot niya na kaparehas ni Polaris. Ang babaeng hinalikan ako matapos sampalin. Sino ba naman ang malakas ang loob na gagawa no’n hindi ba? “Magpapakilala na ako ha, makinig ka mabuti. Bihira lang ako magbigay ng pangalan pero sa’yo pa,” taas noo niyang sabi. Awtomatiko akong ngumiwi nang ilahad niya ang palad sa harapan ko bago nagsalita muli, “Saji Argelia Collins.” Kahit wala sa mood ay tinanggap ko ang palad niya, “Kent Axel Sandoval.” “Alam ko, bukang bibig ka ng mga babae e. May hindi pa ba makakakilala sa’yo?” sarkastiko niyang sabi dahilan para bawiin ko na ang kamay at maupo. Hindi ko inaasahan na tatabi siya at magsagi ang braso namin kaya bahagya akong dumistansya dahil hindi ako sanay madikitan, o mahawakan. Ngunit natigilan ako nang magsimula na naman dumaldal si Saji sa tabi ko. “Alam mo ba na Polaris ang tawag sa akin ng iba?” sabi niya dahilan para tuluyan akong maestatwa at dahan-dahan siyang lingunin. ‘Polaris?’ Ngumiti siya at hinawi ang buhok, “Ang ganda ‘no? Parang yung north star lang na palaging katabi ng buwan kahit saan man ito mapunta,” sabi niya. Ngunit hindi dahil maganda ‘yon kung bakit ako nahinto, kundi pumasok sa isip ko si Polaris na sumampal at humalik sa akin. ‘Nahihibang na yata ako sa kaiisip.’ Malaki naman ang posibilidad na marami ang gumagamit ng ganoon na nickname, may sumusulat nga ng libro na ‘yon ang pen name kaya’t hindi malabo. Masyado lang akong invested kay Polaris dahil sa tagal ko siyang hinanap, ngunit wala talagang trace na kahit ano pagdating sa kanya. Ganoon kahigpit ang Luna, masyado silang malinis gumalaw. Batid ko ‘yon dahil isang Luna ang asawa ng ate ko, kaya panigurado kahit tanungin ko ang asawa ni Ate Mia ay wala akong makakalap. ‘Paano kaya kita matatagpuan, Polaris?’“Pero Kent totoo ba ang chismis?”Nalingon ko siya sa sinabi, “Alin?”“Mag-aabogado ka?” tanong niya at panigurado hindi rin siya makapaniwala, “I mean posible naman na maging abogado ka as long as kumuha ka ng 4-year course bago pumasok sa law school, but what are your reasons behind it?” ‘Daldal.’“More knowledge, the hotter you get,” I smirked.“Wow,” hindi makapaniwalang sabi niya, “Talkshit ka rin ‘no?” Ngumiwi na lang ako, hindi ko na siya pinansin na walang kapaguran magsalita. Naririndi na ako.Hanggang sa biglang may tumayo sa harapan namin, “New chic?” I glanced to Saji who was also confused by Jared.He was my friend until it got ruined by his girlfriend who liked me. “Kaibigan ka ni Kent?” Maganda ang ngiti ni Saji, ngunit tumawa ng mahina si Jared at inayos ang necktie niya.“Oo, sa sobrang close namin inakit niya ang girlfriend ko. Ayos ba? Kung ako sa’yo umiwas iwas ka na, unless gusto mo ring masira,” Jared sarcastically said.Ngunit natigilan ako nang mahinang hamp
“Uhm Kent,” tawag ni Saji, habang umiinom ay nilingon ko siya bilang hudyat na sabihin niya na ang gusto sabihin.“N-Nakita kasi kita sa labas, b-bakit biglang lumuhod yung lalake sa’yo?” mahinang tanong niya, pasimple kong nakagat ang ibabang labi.“What do you think?” I asked and then glanced to watch her reaction.“Because of the cigarette?” she wondered, tumikhim ako at mahinang ngumisi.“Maybe,” sambit ko at uminom na lang, napansin ko naman na tahimik niyang pinaglaro ang mga daliri.Is she bothered by it?After three weeks, tumawag sa akin ang ate ko at mukhang galit na galit. Kadarating ko lang sa campus at pitong tawag na kaagad.“Kent Axel, ano ‘yung nalaman ko? Jusko naman. Alam ko kung gaano kaikse ang pasensya mo pero estudyante ‘yon!” panimula niya.“Ang alin? Ano ‘yon ate?” “Yung lumuhod na student sa’yo sa labas ng pavilion hall, nakaka-stress. Hindi pa ba sapat na stress na ako dito sa Palawan?”“Ate, about that—“Ayusin mo, naka-post sa mismong bulletin board at sa
Kinahapunan ay wala man lang akong nagawa para makausap si Saji, iniiwasan niya ako at alam kong galit siya dahil bukod sa napagbintangan ko ay sinigawan ko pa.Habang nag-aayos siya ng gamit ay mabilis kong ipinatong sa armchair niya ang pirasong papel na nakatupi.Natigilan siya at hinawi niya ‘yon gamit ang siko dahilan para malaglag.‘Ang attitude!’Kinabukasan ay sinubukan ko na naman siyang kausapin, “Saji—”“Ano ba? Ikaw yung nagsabi na layuan kita at huwag kausapin.” Iritable siya at ramdam ko ‘yon.“Sorry.”Natigilan siya at matagal akong tinitigan, “Ano?”“Sorry,” mas mahina kong sabi.“Tsk,” singhal niya at iniiwas ang tingin sa akin.“Yung best friend mo naman pala may gawa, sa akin mo isinisi. Ayos.“ She even gave me a thumbs-up after being sarcastic with me.“Let me treat you in return,” kalmadong sabi ko.“Ayoko— tumanggi,” sa sinabi niya ay ngumiwi ako, akala ko ayaa tanggapin ngunit sino ba naman tatanggi sa libre ng kaibigan?Habang kumakain ay bigla siyang nagsalita
Habang nasa malalim na pag-iisip ay natauhan ako sa sunod-sunod na putok ng baril sa ibaba, kinakabahan akong tumakbo pababa ngunit natigilan ako sa nakita. Pinakabog no’n ang dibdib ko, lalo na’t panay dugo ang nasa sahig at may nakabulagtang katawan. May namasok ba sa amin? O isa sa pamilya ko ang nakabulagtang iyon? “Stop looking,” mahinang bulong ko sa isang ate ko. Hindi siya sanay sa mga ganitong klase kumpara sa amin ng nakakatanda kong kapatid. Panigurado rin akong hindi na naman siya makakatulog. ‘What the fuck happened?’ Bumaba ako sa first floor at nakita ko si mommy na ibinaba ang baril sa center table at nilapitan ang bangkay. Tiningnan niya ang pulsuhan nito, “He’s still alive, call our underground’s ambulance and take him there. We have a lot to ask him,” salubong ang kilay niyang sabi kaya sumunod ako kaagad. “Who is he mom?” I asked after calling the ambulance. “One of our enemy,” mahina niyang sabi. Bigla ay nawala ang soft side niya, hangga
Dahil sa nalaman ay umuwi ako kaagad, pinuntahan ko si dad sa study niya tulad nang usapan. “North Luna daw, dad. ‘Yon raw ang nag-utos sa kanya, pero malabo ‘yon dad. Nasa panig natin ang Luna,” panimula ko at naguguluhan na naupo sa harapan niya. “Imposible nga,” ani niya at malalim na napaisip, “ngunit hindi malabo, anak.” “Sige na’t bumalik ka na sa inaaral mo, ako na ang bahala.” Utos niya, hindi na ako nag-atubili balikan si Saji sa kwarto na abala sa project namin. “Antagal mo naman nawala?” bungad niya. “May inutos si dad, mag-iwan ka na lang ng gagawin ko. Ako na muna sa powerpoint,” wika ko at naupo sa swivel chair sa harapan ng study table ko. Kalaunan ay natapos ko na ang powerpoint, ngunit noong nilingon ko si Saji ay nakayuko na ito sa kama ko habang hawak ang ballpen. Tumayo ako at nilapitan siya, wala akong pagpipilian at binuhat ko na lang siya upang i-ayos dahil hindi rin siya madala ng pag-gising. Tinakpan ko na lang siya ng kumot bago ako lumabas n
Dahil doon ay tinakbo kaagad si dad sa ospital, kahit si mommy ay naiiyak na sumama habang suot ang pantulog, hindi pa tama ang pares ng suot niyang tsinelas. “W-Wife, I’m okay. M-Malayo ‘to sa bituka,” pagpapagaan ni dad sa nararamdaman ni mommy habang nasa emergency room kami. “A-Anong malayo sa bituka! Sa bituka ka na nga tinamaan!” umiiyak na bulyaw ni mommy habang hawak si daddy sa kamay. Bumuntong hininga ako, “I’ll call, Ate Mia.” Paalam ko at sinimulang tawagan si Ate Mia. Alam kong late na dahil ilang oras na lang ay aangat na ang araw, “Ate Mia, si dad sinugod sa City Hospital. May namasok—” “Ha!?” Halata sa tinig niya na napabangon sa pagkakatulog. “Nabaril si dad, may namasok sa bahay kanina lang ate.” Bigla ay para akong bata na nagsusumbong lalo na nang makita si daddy na umubo ng dugo dahilan para mas lumakas ang iyak ni mommy. “T-There’s no available doctor at the moment—” “P-Punta na ako! Oh my gosh, oh my god!” nanginig ang boses ni Ate Mia sa kabilan
Mabilis ko na itinakbo sa ospital si Saji, agaran rin siyang binigyan ng paunang lunas. Sinubukan ko kumalma dahil hindi dapat ako mataranta sa mga oras na ganito. “She’s safe, she just had a light concussion on her skull. It will heal with time,” dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. “Salamat doc,” mahinahon na sabi ko. Dahil doon ay binendahan ang ulo niya bago siya ilipat sa private room, dalian naman akong nakatanggap ng tawag kay mommy. “Is it true? Saji got in danger?” “Yes mom, I don’t know who’s the attacker yet. Nasa hospital kami, I find out that Saji live alone and has no family,” malumanay na sabi ko. “Oh my gosh, poor thing. You should stay with her, anak. Is she alright?” nanlulumo na sabi ni mommy. “Yes mom, gladly she’s alright. If she woke up—” “Kent Axel.” Nalingon ko kaagad si Saji nang magising siya. “Wait mom, she’s awake.” Ibinaba ko kaagad ang tawag at nilapitan siya. “Ano? May masakit ba sa’yo?” bungad ko ngunit humaba ang nguso niya at i
“Huwag mong idamay ang inosente, kikitain kita kung saan mo naisin,” mahinahon na sabi ko at iniwan si Lauren para magsimulang maglakad. “Hmm, pwede bang pag-isipan kung ano ang gagawin ko sa babaeng ito na lubos na sensitibo ang ulo?” seryosong sabi niya bago nakakalokong tumawa sa kabilang linya. “Kikitain kita, walang kahit anong baril o armas na hawak.” Sinubukan ko makipag-areglo dahilan para tumawa ito muli. “Kung ganoon sige, hintayin mo ang tawag ko— madali naman ako kausap ‘di ba?” ‘Yon ang huli niyang sinabi bago naputol ang linya, nagmadali akong makabalik sa ospital. ‘Sobra-sobra na ang banta nila, hindi ko ito papalampasin!’ Pagbalik sa ospital ay umiiyak si Saji sa takot, nilapitan ko siya kaagad. “S-Saji,” pabulong na tawag ko. Napatitig siya sa akin habang nangingilid ang luha, halatang takot na takot siya dahilan para yakapin ko siya at aluhin. “Pasensya na, nadadamay ka,” mahinang bulong ko dahilan para mas lumakas ang pag-iyak niya. Nang tumahan s