Years past.. Salubong na salubong ang kilay ko habang ang anak naming panganay ay napaiyak na naman ang bunso, nilingon ko si Kent Axel na pigil tawa habang hawak ang codal book niya. "Isang tawa pa KA tatamaan ka rin sa akin," banta ko dahilan para sumeryoso ito at kunyare ay nakakatakot. "Arkeb, how many times do I have to tell you huh?" Ngumiwi ang panganay namin na si Arkahel Sebastian at tinitigan ang namumulang ilong ng kapatid niya na humihikbi pa. "I didn't do anything to her mommy, I swear. She's just so clingy," pinagkrus pa ni Arkeb ang braso niya. "Anak, she's your little sister. She loves you kaya ganoon," Kent Axel told Arkeb. "I know daddy, but I didn't do anything." Pinaglalaban pa ng anak kong panganay na wala siyang ginawa, pero tama naman sinabihan niya lang ang kapatid. "Amora Keina," tawag ko rito mas humaba ang nguso nito. "Why does oppa doesn't like me mommy? He don't love me." Nagdabog pa ito using her one foot. "Mas komplikado pa kayong dalawa
Saji Argelia's Point of View.Magkakrus ang braso kong tinititigan si Kent Axel na kaharap ang client niya sa isang restaurant dinner meeting, the girl is wearing a pink maxi dress that doesn't suit the green heels. What kind of fashion is that?Kent Axel doesn't know i'm here watching, this client is giving me off vibe such as it gives me vibe na may balak siyang harutin ang asawa ko. Iritang irita kong tinititigan si Kent Axel na wala namang ginagawa kundi magsalita habang hawak ang folder not until his forehead moved.Nang bigla niyang itaas ang ulo ay halos malunok ko ang dila ng magtama agad ang mata namin and it was too late for me to hide because he smirks. He knew it already, no doubt malakas nga ang pakiramdam niya."Wait for a minute, Ms.Villacorta." Napaayos ako ng upo at mabilis na inabot ang menu at kunyare nakatingin doon dahil nagpaalam siya sa kausap."Mrs.Sandoval, baliktad yung menu na hawak mo." Naramdaman ko kaagad ang pagkapahiya ng nakangisi niyang inayos 'yon. D
Matapos silang ihatid sa kwarto nila ay nakasalubong ko si Kent Axel half way papunta sa room namin sinisimulan ng alisin ang butones ng polo niya, he loosened up his tie and fix his hair while staring at me. "Love, I'm tired." Kalmadong sabi niya at inakbayan ako habang naglalakad kami papasok sa kwarto. "What do you want for anniversary gift love?" Malambing na tanong niya kung kaya't inalis ko na ang suot na sandals at siya naman ay inalis na din ang sapatos niya. "I want my dream luxury closet love," wika ko dahilan para matigilan siya at titigan ako. "A renovation love?" Paglilinaw niya kaya tumango ako. "H-How about the clothes inside it?" Ngumuso ako, alam kong mahirap ang renovation for sure mahirap talaga 'yon. "Then let's rush it?" "Okay, sure love. Ako na bahala, just tell me your dream closet." Ngumiti ako at tinulungan siyang alisin ang belt niya dahilan para matigilan siya. "Uhm—" "Just helping, no other meaning." Paglilinaw ko at inalis na 'yon tsaka k
I was in the hospital, here in Palawan when Amora started calling me three times in a row. Nag-aalala kong tinawagan muli ang bunsong anak ko na nasa pangangalaga nila Mama Miyu sa city dahil gusto nilang mag-aral sa city. "Mommy.." Nangunot ang noo ko ng umiiyak na naman siya sa kabilang linya, wala bang oras na tatawag siya ng hindi umiiyak? "What's wrong baby? Nag-away na naman kayo ng kuya mo?" Wala pa man siyang sagot ay napatayo na ako ng bumukas ang office ko sa ospital at bumulaga si Kent Axel. "Mommy si kuya po kasi, nakipag-away po.." Umawang ang labi ko sa narinig kaya naman tinanguhan ko si Kent Axel. "Si Arkeb, nasa ospital sa city. Tumawag sa akin sila mom at dad." Nasapo ko ang noo dahil alam kong hindi si Arkeb ang nasa kama, baka yung nakaaway niya jusmiyo naman. "Ang lola niyo nandiyan ba?" Kwestyon ko. "Police station po mommy, p-pinapatawag po kayo ng parents po ng mga pinatulan po ni kuya mommy, sorry po. It's my fault po talaga—" "Okay, okay, we'll
Third Person’s Point Of ViewSa isang may kadiliman ngunit malawak na pasilyo ay agarang iniluhod ng lahat ang isang tuhod nila at yumuko nang dumaan si Kent Axel na kinikilalang pinakamabangis at bihasa sa pamilyang Sandoval.Ang matangkad nitong anino ay animoy umaabot sa kaduluduluan ng pasilyo, hindi pa man niya nararating ang dulo ay nagbibigay galang na ang lahat.Ang tunog ng itim niyang sapatos ay sadyang umaalingawngaw sa kulob at patagong lugar ng organization na kinabibilangan ng kanyang pamilya.“Sir,” naputol ang kanyang malalim na pag-iisip nang humarang ang lalake sa harapan niya at nagbigay galang.Tumigil siya sa paglalakad at bahagya pang iginilid ang ulo habang tinitignan ang lalake na humarang. “May nakapasok po at sumugod sa underground, mas mabuti po kung sa ibang ruta na po muna kayo dumaan,” kabado at natatakot na sabi ng lalake habang bahagyang nakayuko ang ulo niya.Kent Axel scoffed as he plastered a smirk on the corner of his reddish and thin lips, “Are yo
Kent Axel’s Point Of View.Wala sa sarili akong pumasok sa opisina sa mismong underground, “Sino ang babae na ‘yon?” “Y-Yung humalik sa’yo sir?” Tinanguan ko ang lalake na nauutal pa sa kaba, napaghawak niya ang kamay at tumingin sa sahig.“B-Bawal po kasi sabihin at ang nalalaman lang po namin ay hindi siya kasama sa Sanez Organization,” sobrang hinang sabi ng lalake na kaharap ko, hindi mapirmi ang mga daliri niya sa paglalaro.“Saang grupo kung ganoon?” “S-Sa Luna po,” magalang niyang sagot, nanatiling nakayuko.I sighed, “Alamin mo,” nagsalubong ang kilay ko at tumitig sa kung saan.“S-Sir b-baka po kasi—”“Just do what I’ve told you,” mariing sabi ko at tumayo na ngunit inis akong napapikit ng tila maramdaman pa rin ang labi niya sa labi ko.Hinablot ko ang jacket at nagmamadaling lumabas para makauwi na ako sa bahay.Kalaunan ay nalaman ko na si Polaris ang babaeng iyon, kabilang siya sa Luna at hindi ko sigurado kung kilala sila ng asawa ng panganay kong kapatid.Dahil ang Lu
Matapos ang unang klase na wala namang ginawa ay inayos ko na ang bag ko, ngunit gulat ko na nilingon ang babae sa sinabi niya, “Ayos ba? Mukhang maangas? Mysterious?” “A-Ano?” hindi makapaniwala kong tanong.Ngunit tumawa siya nang malakas, “Sinusubukan ko kasi mag-arteng mysterious kaso ang hirap!”“Pero bakit mo inagaw yung upuan ko?” seryoso niyang sabi na para bang ganoon kabilis niyang nababago ang emosyon.‘Baliw ba ‘to!?’“Miss, kindly stop trying to have a conversation with me, b-baliw ka na.” Iniiwas ko na ang tingin sa kanya at inis na umalis sa classroom.Hindi ko inaasahan ang pagsunod niya, “Kung ako baliw, ikaw lutang. Kumuha lang ako ng gamit sa gilid mo pero naupo ka sa upuan ko! Worse naupuan mo ang cellphone ko, basag.” Itinapat niya sa mukha ko ang cellphone niya at basag nga ‘yon, ngunit mabilis akong napatingin sa crowded hallway nang mapansin ang nagmamasid.‘Hindi ko alam na ganoon kadali makapasok ang mga kalaban sa mismong eskwelahan na ito’“Dapat yata hin
“Pero Kent totoo ba ang chismis?”Nalingon ko siya sa sinabi, “Alin?”“Mag-aabogado ka?” tanong niya at panigurado hindi rin siya makapaniwala, “I mean posible naman na maging abogado ka as long as kumuha ka ng 4-year course bago pumasok sa law school, but what are your reasons behind it?” ‘Daldal.’“More knowledge, the hotter you get,” I smirked.“Wow,” hindi makapaniwalang sabi niya, “Talkshit ka rin ‘no?” Ngumiwi na lang ako, hindi ko na siya pinansin na walang kapaguran magsalita. Naririndi na ako.Hanggang sa biglang may tumayo sa harapan namin, “New chic?” I glanced to Saji who was also confused by Jared.He was my friend until it got ruined by his girlfriend who liked me. “Kaibigan ka ni Kent?” Maganda ang ngiti ni Saji, ngunit tumawa ng mahina si Jared at inayos ang necktie niya.“Oo, sa sobrang close namin inakit niya ang girlfriend ko. Ayos ba? Kung ako sa’yo umiwas iwas ka na, unless gusto mo ring masira,” Jared sarcastically said.Ngunit natigilan ako nang mahinang hamp