“Uhm Kent,” tawag ni Saji, habang umiinom ay nilingon ko siya bilang hudyat na sabihin niya na ang gusto sabihin.
“N-Nakita kasi kita sa labas, b-bakit biglang lumuhod yung lalake sa’yo?” mahinang tanong niya, pasimple kong nakagat ang ibabang labi. “What do you think?” I asked and then glanced to watch her reaction. “Because of the cigarette?” she wondered, tumikhim ako at mahinang ngumisi. “Maybe,” sambit ko at uminom na lang, napansin ko naman na tahimik niyang pinaglaro ang mga daliri. Is she bothered by it? After three weeks, tumawag sa akin ang ate ko at mukhang galit na galit. Kadarating ko lang sa campus at pitong tawag na kaagad. “Kent Axel, ano ‘yung nalaman ko? Jusko naman. Alam ko kung gaano kaikse ang pasensya mo pero estudyante ‘yon!” panimula niya. “Ang alin? Ano ‘yon ate?” “Yung lumuhod na student sa’yo sa labas ng pavilion hall, nakaka-stress. Hindi pa ba sapat na stress na ako dito sa Palawan?” “Ate, about that— “Ayusin mo, naka-post sa mismong bulletin board at sa online, ipapa-delete ko. Make sure hindi makarating kila mommy, bye.” Pinatayan niya kaagad ako ng telepono. Nangunot ang noo ko at naalala na si Saji ang nakakita no’n, huminga ako ng malalim bago naglakad. Pagkarating sa classroom ay nakita ko kaagad si Saji na nagbabasa ng libro. ‘Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga tao sa panahon ngayon.’ “Uy Kent—” “Follow me,” hinila ko ang pulsuhan niya palabas ng classroom. Pagkarating sa walang tao na lugar ay hinarap ko siya, “Magkaibigan tayo ‘di ba? I trusted you!” napipikon kong sigaw. Nagulat siya at napatitig sa akin, “B-Bakit? W-Wala naman akong ginagawa ah?” “Talaga? Ikaw lang ang nandoon nang nag-uusap kami, at ngayon kalat na ang issue sa buong school. Hindi ikaw? Sinong niloloko mo?” galit na galit kong sabi, halos tumaas ang balikat ko upang mahabol ang paghinga. Sumeryoso ang mukha niya, “Hindi nga ako,” mariing sabi niya. “Osige sino?” Pinigilan ko ang sariling sumigaw pa. “Hindi ko alam! Bakit ba ako ang kinakanti mo sa pagkalat ng issue? Wala akong ginagawa! Magkasama tayo palagi ano ka ba?” Peke akong tumawa, “Ikaw lang ang nakalaalam no’n, Saji. Sino pa bang sisisihin ko?” “Hindi ko nga alam e!” pagtaas niya ng boses. Tinaliman ko ang tingin sa kanya, “Simula ngayon ay huwag mo na akong lalapitan o kauusapin. Hindi na kita kaibigan, traydor.” Umawang ang labi niya may sasabihin pa sana ngunit tinalikuran ko na siya at iniwan. ‘’yon ba ang plano niya kaya niya ako kinaibigan? Traydor’ Makalipas ang tatlong araw ay hindi ko siya pinansin, ngunit ganoon rin siya. Tahimik lang siya at hindi ginawang magdaldal. Huminga ako ng malalim, nauna siyang umalis ngunit inayos ko pa ang mga gamit ko bago pumunta sa cafeteria sa school. Pagkarating ay napangiwi ako muli dahil mukhang may ganap na naman sa gitna. Bahagya ko namang natanaw ang nagaganap ngunit awtomatiko akong natigilan nang makita kung sino ang nasa gitna. Mabilis kong hinawi ang kumpulan ng estudyante, nakita ko si Saji na basa ang putting uniporme at may mga galos. ‘Ano’t gan’to bigla?’ Namataan ko ang grupo ni Jared na masayang nanonood habang tumatawa naman ang grupo ng babae na kaharap ni Saji. “Ano na Saji Argelia? Tumayo ka diyan! Matapang ka at maingay, ano’t bigla kang tahimik?” Bumuntong hininga ako at mabilis na pumagitna nang ihahampas na sana sa mukha ni Saji ang tray. “What the hell?” Napaatras kaagad ang babae nang makilala ako. “K-Kent Axel,” gulat na tawag ng bully sa pangalan ko. “Oohh here comes the hero,” sarkastikong sabi ni Jared at tumayo. Huminga ako ng malalim at tinalikuran sila, pinantayan ko si Saji na nakasalampak sa sahig. Ngunit nanginginig ang kamay nito habang nakakuyom. ‘Nanginginig ba ang mga ‘yon sa takot o dahil sa galit?’ “Tumayo ka diyan,” mahinang sabi ko at inalis kaagad ang jacket ko dahil sa lumalabas ang kulay ng suot niyang panakip dibdib. Umiwas tingin ako matapos isuot sa kanya ‘yon at isara, “Tayo.” Nang hindi siya gumalaw ay pilit ko siyang itinayo, panay ang salita ni Jared ngunit wala akong maunawaan. “Sabi ko naman sa’yo, Saji Argelia. Pagsisisihan mong kinaibigan mo ang tao na ‘yan, ganoon ka niya kabilis itinakwil hindi ba?” Nagpantig ang tenga ko at nilingon si Jared. “Anong ibig mo sabihin?” mahinahon kong panimula. “Pinatunayan ko lang naman sa kanya kung gaano ka kalupit, Kent Axel.” Ngisi sa labi niya ay mabilis na umubos sa pasensya ko. “And look how you mistreated your so-called friend, just like what you did to me.” Kumuyom ang kamao ko, ngunit nilingon ko si Saji na umalis at umiika pang naglalakad. “I’ll let you pass today, but there will be no tomorrow.” Humabol ako kay Saji matapos bantaan ang mga gumawa no’n sa kanya. “Saji,” nang mahabol siya ay tumayo ako sa harapan niya. Walang gana niyang sinalubong ang tingin ko, “Umalis ka sa harapan ko,” seryoso niyang sabi. “About what happened—” “There’s no need, baka sa susunod idiin mo na naman sa akin ang hindi ko ginawa. ‘Wag na lang,” malamig niyang tugon at nilampasan ako. Nasapo ko ang noo at sinundan siya ng tingin. ‘Kahit sino magagalit sa ginawa mo, Kent Axel! Mag-aabogado ka pa naman.’Kinahapunan ay wala man lang akong nagawa para makausap si Saji, iniiwasan niya ako at alam kong galit siya dahil bukod sa napagbintangan ko ay sinigawan ko pa.Habang nag-aayos siya ng gamit ay mabilis kong ipinatong sa armchair niya ang pirasong papel na nakatupi.Natigilan siya at hinawi niya ‘yon gamit ang siko dahilan para malaglag.‘Ang attitude!’Kinabukasan ay sinubukan ko na naman siyang kausapin, “Saji—”“Ano ba? Ikaw yung nagsabi na layuan kita at huwag kausapin.” Iritable siya at ramdam ko ‘yon.“Sorry.”Natigilan siya at matagal akong tinitigan, “Ano?”“Sorry,” mas mahina kong sabi.“Tsk,” singhal niya at iniiwas ang tingin sa akin.“Yung best friend mo naman pala may gawa, sa akin mo isinisi. Ayos.“ She even gave me a thumbs-up after being sarcastic with me.“Let me treat you in return,” kalmadong sabi ko.“Ayoko— tumanggi,” sa sinabi niya ay ngumiwi ako, akala ko ayaa tanggapin ngunit sino ba naman tatanggi sa libre ng kaibigan?Habang kumakain ay bigla siyang nagsalita
Habang nasa malalim na pag-iisip ay natauhan ako sa sunod-sunod na putok ng baril sa ibaba, kinakabahan akong tumakbo pababa ngunit natigilan ako sa nakita. Pinakabog no’n ang dibdib ko, lalo na’t panay dugo ang nasa sahig at may nakabulagtang katawan. May namasok ba sa amin? O isa sa pamilya ko ang nakabulagtang iyon? “Stop looking,” mahinang bulong ko sa isang ate ko. Hindi siya sanay sa mga ganitong klase kumpara sa amin ng nakakatanda kong kapatid. Panigurado rin akong hindi na naman siya makakatulog. ‘What the fuck happened?’ Bumaba ako sa first floor at nakita ko si mommy na ibinaba ang baril sa center table at nilapitan ang bangkay. Tiningnan niya ang pulsuhan nito, “He’s still alive, call our underground’s ambulance and take him there. We have a lot to ask him,” salubong ang kilay niyang sabi kaya sumunod ako kaagad. “Who is he mom?” I asked after calling the ambulance. “One of our enemy,” mahina niyang sabi. Bigla ay nawala ang soft side niya, hangga
Dahil sa nalaman ay umuwi ako kaagad, pinuntahan ko si dad sa study niya tulad nang usapan. “North Luna daw, dad. ‘Yon raw ang nag-utos sa kanya, pero malabo ‘yon dad. Nasa panig natin ang Luna,” panimula ko at naguguluhan na naupo sa harapan niya. “Imposible nga,” ani niya at malalim na napaisip, “ngunit hindi malabo, anak.” “Sige na’t bumalik ka na sa inaaral mo, ako na ang bahala.” Utos niya, hindi na ako nag-atubili balikan si Saji sa kwarto na abala sa project namin. “Antagal mo naman nawala?” bungad niya. “May inutos si dad, mag-iwan ka na lang ng gagawin ko. Ako na muna sa powerpoint,” wika ko at naupo sa swivel chair sa harapan ng study table ko. Kalaunan ay natapos ko na ang powerpoint, ngunit noong nilingon ko si Saji ay nakayuko na ito sa kama ko habang hawak ang ballpen. Tumayo ako at nilapitan siya, wala akong pagpipilian at binuhat ko na lang siya upang i-ayos dahil hindi rin siya madala ng pag-gising. Tinakpan ko na lang siya ng kumot bago ako lumabas n
Dahil doon ay tinakbo kaagad si dad sa ospital, kahit si mommy ay naiiyak na sumama habang suot ang pantulog, hindi pa tama ang pares ng suot niyang tsinelas. “W-Wife, I’m okay. M-Malayo ‘to sa bituka,” pagpapagaan ni dad sa nararamdaman ni mommy habang nasa emergency room kami. “A-Anong malayo sa bituka! Sa bituka ka na nga tinamaan!” umiiyak na bulyaw ni mommy habang hawak si daddy sa kamay. Bumuntong hininga ako, “I’ll call, Ate Mia.” Paalam ko at sinimulang tawagan si Ate Mia. Alam kong late na dahil ilang oras na lang ay aangat na ang araw, “Ate Mia, si dad sinugod sa City Hospital. May namasok—” “Ha!?” Halata sa tinig niya na napabangon sa pagkakatulog. “Nabaril si dad, may namasok sa bahay kanina lang ate.” Bigla ay para akong bata na nagsusumbong lalo na nang makita si daddy na umubo ng dugo dahilan para mas lumakas ang iyak ni mommy. “T-There’s no available doctor at the moment—” “P-Punta na ako! Oh my gosh, oh my god!” nanginig ang boses ni Ate Mia sa kabilan
Mabilis ko na itinakbo sa ospital si Saji, agaran rin siyang binigyan ng paunang lunas. Sinubukan ko kumalma dahil hindi dapat ako mataranta sa mga oras na ganito. “She’s safe, she just had a light concussion on her skull. It will heal with time,” dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. “Salamat doc,” mahinahon na sabi ko. Dahil doon ay binendahan ang ulo niya bago siya ilipat sa private room, dalian naman akong nakatanggap ng tawag kay mommy. “Is it true? Saji got in danger?” “Yes mom, I don’t know who’s the attacker yet. Nasa hospital kami, I find out that Saji live alone and has no family,” malumanay na sabi ko. “Oh my gosh, poor thing. You should stay with her, anak. Is she alright?” nanlulumo na sabi ni mommy. “Yes mom, gladly she’s alright. If she woke up—” “Kent Axel.” Nalingon ko kaagad si Saji nang magising siya. “Wait mom, she’s awake.” Ibinaba ko kaagad ang tawag at nilapitan siya. “Ano? May masakit ba sa’yo?” bungad ko ngunit humaba ang nguso niya at i
“Huwag mong idamay ang inosente, kikitain kita kung saan mo naisin,” mahinahon na sabi ko at iniwan si Lauren para magsimulang maglakad. “Hmm, pwede bang pag-isipan kung ano ang gagawin ko sa babaeng ito na lubos na sensitibo ang ulo?” seryosong sabi niya bago nakakalokong tumawa sa kabilang linya. “Kikitain kita, walang kahit anong baril o armas na hawak.” Sinubukan ko makipag-areglo dahilan para tumawa ito muli. “Kung ganoon sige, hintayin mo ang tawag ko— madali naman ako kausap ‘di ba?” ‘Yon ang huli niyang sinabi bago naputol ang linya, nagmadali akong makabalik sa ospital. ‘Sobra-sobra na ang banta nila, hindi ko ito papalampasin!’ Pagbalik sa ospital ay umiiyak si Saji sa takot, nilapitan ko siya kaagad. “S-Saji,” pabulong na tawag ko. Napatitig siya sa akin habang nangingilid ang luha, halatang takot na takot siya dahilan para yakapin ko siya at aluhin. “Pasensya na, nadadamay ka,” mahinang bulong ko dahilan para mas lumakas ang pag-iyak niya. Nang tumahan s
Makalipas ang isang buwan ay bumalik na naman sa pagiging masigla si Saji, naisin ko man na iwasan siya para mas ligtas ay kadikit niya na ang kamalasan na dala ko. Mas magagamit lang siya ng kalaban, laban sa akin at sa pamilya ko. “Uy Kent Axel, bingi lang? Bingi lang ha?” Nalingon ko si Saji na ikinakaway laway pa ang kamay sa harapan ng mukha ko. Hinawi ko ‘yon, “Ano ba ‘yon?” “Sabi ko check mo yung novel ko e, maganda ba yung plot? Forbidden love?” sabi niya at halos maduling ako nang dikit na dikit ang ipad niya sa mukha ko kaya naman hinawi ko ang kamay niya at inagaw ang ipad. Nang makita ang username niya na Polaris ay ngumisi ako, magkaibang magkaiba sila ng Polaris na kilala ko. ‘Yon ay hindi nasasaktan, habang ang isang ‘to ay araw-araw at madalas nasasaktan. “Maganda naman, medyo plain. Romantic hopeless ka ba?” sa sinabi ko ay inagaw niya ang ipad at inirapan ako. “Romantic homeless ka naman, balita ko sa mommy mo never ka pa nagka-girlfriend. Lung
Matapos naming kumain ay tumayo na kami, “Kailan susunod na laban mo?” tanong ko dahil mula nang magsabi siya ng katiting sa buhay niya ay naging tahimik siya. “Bukas pa,” pinilit niya ngumiti. “Hintayin mo na ako dito, itatago ko lang sa locker yung raketa ko,” sabi niya at naglakad na, dahil doon ay bumanyo muna ako malapit sa locker room. Lumabas na ako ngunit wala pa rin siya kaya naman naisipan ko nang puntahan sa locker, ngunit pagkapasok ko ay natigilan ako nang nakasalampak siya sa sahig at tumutulo ang luha na nakatitig sa raketa niyang bali na at sira-sira ang string. “Saji,” tawag ko sa pangalan niya dahilan para tingalain niya ako at doon na sunod-sunod na tumulo ang nangingilid niyang luha dahilan para maramdaman ko na naman ang paghaplos sa puso ko. Nilapitan ko siya at tinulungan tumayo, “H-Hindi na ako makakalaban sa championship, Kent. I-Ililibre na lang kita tulad ng napagusapan,” pinilit niyabg ngumiti kahit na hindi pa tapos abg pagluha. Bumuntong hinin