Kinahapunan ay wala man lang akong nagawa para makausap si Saji, iniiwasan niya ako at alam kong galit siya dahil bukod sa napagbintangan ko ay sinigawan ko pa.
Habang nag-aayos siya ng gamit ay mabilis kong ipinatong sa armchair niya ang pirasong papel na nakatupi. Natigilan siya at hinawi niya ‘yon gamit ang siko dahilan para malaglag. ‘Ang attitude!’ Kinabukasan ay sinubukan ko na naman siyang kausapin, “Saji—” “Ano ba? Ikaw yung nagsabi na layuan kita at huwag kausapin.” Iritable siya at ramdam ko ‘yon. “Sorry.” Natigilan siya at matagal akong tinitigan, “Ano?” “Sorry,” mas mahina kong sabi. “Tsk,” singhal niya at iniiwas ang tingin sa akin. “Yung best friend mo naman pala may gawa, sa akin mo isinisi. Ayos.“ She even gave me a thumbs-up after being sarcastic with me. “Let me treat you in return,” kalmadong sabi ko. “Ayoko— tumanggi,” sa sinabi niya ay ngumiwi ako, akala ko ayaa tanggapin ngunit sino ba naman tatanggi sa libre ng kaibigan? Habang kumakain ay bigla siyang nagsalita na may amos pa sa gilid ng labi. “Kumusta yung issue ngayon?” “Wala namang bago,” mahinang sagot ko, sa totoo lang ay ayokong alalahanin. Hindi siya nakaimik at kumain na lang, rinig na rinig naman ang bulungan sa paligid. “May bagong hottie raw sa engineering campus ‘te, malapit lang sa med building ‘yon ‘di ba?” “Kaso may girlfriend raw.” “Dinig ko nga.” “Harold Fernandez ‘di ba?” Napatingin ako kaagad kay Saji na nasamid, “Ikaw siguro yung girlfriend?” Nanlaki ang mata niya at napainom ng juice. “N-Noon, oo, ngayon iba na. Pinagpalit ako sa malapit e,” mahina niyang tawa. “That’s awful—” Naputol ang sinabi ko dahil may lalakeng tumayo sa gilid ng table namin at inilapit kay Saji ang mukha. ‘What the hell?’ “A-Ano ba Harold?” Lumayo si Saji ngunit ngumiti ang lalake sa kanya at mas lumapit. “Nice seeing you again, Saji.” ‘Kupal pala ‘to e? May nobya ng bago ganoon pa rin umasta?’ “It is not nice to see you here, Harold.” Tumayo si Saji ngunit halos mapapikit ako nang buhusan siya ng juice at matalsikan ang puting uniporme ko. ‘Nadamay pa nga.’ Huminga ako ng malalim nang sabunutan si Saji ng babae at ingudngod ang mukha niya sa kinakain. “Ano ba?!” “Mila!” Umawat yung Harold ngunit wala siyang nagawa. “Ex ka na ‘di ba!? Bakit hindi ka dumistansy—” Nilapitan ko sila at inawat ko si Mila sa ginagawa, nang ayaw niya bumitaw ay diniinan ko ang hawak sa pulsuan niya dahilan para mabitiwan niya si Saji. “You should know when is the right time to cause a scene, miss.” Patulak ko siyang binitiwan dahilan para galit niya akong tignan. “Ano’t nakikialam ka? Sino ka ba ha? Malandi kasi ‘yang babae na ‘yan!” Bumuntong hininga ako, “Nobyo mo ang pagsabihan mo sa pagdistansya, payapa kaming kumakain,” iritableng sabi ko. “Look what you did to my uniform,” I looked down at my uniform and glanced at them. ‘We already caught everyone’s attention.’ “Ayoko sa lahat ay yung naiistorbo ang pagkain ko, lalo na’t nadudumihan ang kasuotan ko.” “Wala akong pakialam!” bulyaw ng babae. Nilingon ko si Saji na napapahiyang inayos ang sarili, “Ayos ka pa?” bulong ko. Hindi siya sumagot, “Sa susunod na maulit ‘to, I’ll withdraw all of your documents so you could leave us alone,” mariing sabi ko at hinawakan si Saji sa pulsuan. “Tara na.” Pagkarating sa locker ay kumuha ako ng plain shirt at inabot sa kanya, “Anak ka ba ng kamalasan?” natatawang sabi ko dahilan para matawa siya at umiling. “Baka nga nang umulan ng kamalasan, wala akong dalang payong.” Natawa na lang ako sa sinabi niya, inabutan ko na rin siya ng wipes. “Take a shower,” utos ko at kumuha rin ng shirt ko. Pumunta ako sa men’s shower room at nilinisan ang sarili, lagkit ng juice. Bigla ay napaisip ako, kung siya ang babaeng nakita ko sa underground magagawa niya ipagtanggol ang sarili ngunit hindi. Baka kaparehas niya lang ng nickname, sino ba naman kasi tatawag sa’yo ng Polaris? ‘Baliw.’ Natapos ang araw at pagkauwi ko ay nagulat ako nang makaharap si Lauren habang papunta ako sa kwarto ko. “Kent Axel, just because you’re the son of the owner magc-cause ka na ng scene palagi. Hindi mo ba mapigilan ang sarili mo umiwas sa gulo?” sabi niya na ikinangunot ng aking noo. “Ba’t ako?” Tanong ko kay Ate Lauren. Siya ang gitnang kapatid namin at ang adopted sister ko. “Mr. Fernandez told me you pushed her girlfriend.” “Lol, I have all the reason to do so, nadumihan ang damit ko dahil binuhusan ng girlfriend niya si Saji ng isang pitsel ng juice. Bakit ako lang ang sinisisi mo?” naguguluhan kong tanong. “I heard you threatened them that you’ll withdraw their documents—” “That’s because they caused a scene first.” “Kent Axel saan ka ba nagagalit? Dahil nadumihan ang uniporme mo o dahil binuhusan si Saji ng juice?” sabi niya na ikinatahimik ko. “Ano bang tanong ‘yan?” mahinang sabi ko. “Stop arguing, Kent Axel I need to talk to you. Follow me to my study.” Napaayos ako ng tayo dahil nagsalita si daddy, iniiwas ko ang tingin kay Lauren at sumunod kay dad. Pagkapasok sa study niya ay bahagya akong kinakabahan, “Explain this to me,” he calmly said and showed me some footage from the underground. Natigilan ako sa napanood, ito yung tinulungan ako ni Polaris. “Do you know this woman? She’s not registered on our system,” wika ni dad. Napakurap ako, “Yes dad, based on what I investigated she’s Polaris,” mahinang sabi ko. “Oh,” tila hindi pa siya makapaniwala sa narinig kaya naman mas nagtaka ako lalo sa reaksyon niya.Habang nasa malalim na pag-iisip ay natauhan ako sa sunod-sunod na putok ng baril sa ibaba, kinakabahan akong tumakbo pababa ngunit natigilan ako sa nakita. Pinakabog no’n ang dibdib ko, lalo na’t panay dugo ang nasa sahig at may nakabulagtang katawan. May namasok ba sa amin? O isa sa pamilya ko ang nakabulagtang iyon? “Stop looking,” mahinang bulong ko sa isang ate ko. Hindi siya sanay sa mga ganitong klase kumpara sa amin ng nakakatanda kong kapatid. Panigurado rin akong hindi na naman siya makakatulog. ‘What the fuck happened?’ Bumaba ako sa first floor at nakita ko si mommy na ibinaba ang baril sa center table at nilapitan ang bangkay. Tiningnan niya ang pulsuhan nito, “He’s still alive, call our underground’s ambulance and take him there. We have a lot to ask him,” salubong ang kilay niyang sabi kaya sumunod ako kaagad. “Who is he mom?” I asked after calling the ambulance. “One of our enemy,” mahina niyang sabi. Bigla ay nawala ang soft side niya, hangga
Dahil sa nalaman ay umuwi ako kaagad, pinuntahan ko si dad sa study niya tulad nang usapan. “North Luna daw, dad. ‘Yon raw ang nag-utos sa kanya, pero malabo ‘yon dad. Nasa panig natin ang Luna,” panimula ko at naguguluhan na naupo sa harapan niya. “Imposible nga,” ani niya at malalim na napaisip, “ngunit hindi malabo, anak.” “Sige na’t bumalik ka na sa inaaral mo, ako na ang bahala.” Utos niya, hindi na ako nag-atubili balikan si Saji sa kwarto na abala sa project namin. “Antagal mo naman nawala?” bungad niya. “May inutos si dad, mag-iwan ka na lang ng gagawin ko. Ako na muna sa powerpoint,” wika ko at naupo sa swivel chair sa harapan ng study table ko. Kalaunan ay natapos ko na ang powerpoint, ngunit noong nilingon ko si Saji ay nakayuko na ito sa kama ko habang hawak ang ballpen. Tumayo ako at nilapitan siya, wala akong pagpipilian at binuhat ko na lang siya upang i-ayos dahil hindi rin siya madala ng pag-gising. Tinakpan ko na lang siya ng kumot bago ako lumabas n
Dahil doon ay tinakbo kaagad si dad sa ospital, kahit si mommy ay naiiyak na sumama habang suot ang pantulog, hindi pa tama ang pares ng suot niyang tsinelas. “W-Wife, I’m okay. M-Malayo ‘to sa bituka,” pagpapagaan ni dad sa nararamdaman ni mommy habang nasa emergency room kami. “A-Anong malayo sa bituka! Sa bituka ka na nga tinamaan!” umiiyak na bulyaw ni mommy habang hawak si daddy sa kamay. Bumuntong hininga ako, “I’ll call, Ate Mia.” Paalam ko at sinimulang tawagan si Ate Mia. Alam kong late na dahil ilang oras na lang ay aangat na ang araw, “Ate Mia, si dad sinugod sa City Hospital. May namasok—” “Ha!?” Halata sa tinig niya na napabangon sa pagkakatulog. “Nabaril si dad, may namasok sa bahay kanina lang ate.” Bigla ay para akong bata na nagsusumbong lalo na nang makita si daddy na umubo ng dugo dahilan para mas lumakas ang iyak ni mommy. “T-There’s no available doctor at the moment—” “P-Punta na ako! Oh my gosh, oh my god!” nanginig ang boses ni Ate Mia sa kabilan
Mabilis ko na itinakbo sa ospital si Saji, agaran rin siyang binigyan ng paunang lunas. Sinubukan ko kumalma dahil hindi dapat ako mataranta sa mga oras na ganito. “She’s safe, she just had a light concussion on her skull. It will heal with time,” dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. “Salamat doc,” mahinahon na sabi ko. Dahil doon ay binendahan ang ulo niya bago siya ilipat sa private room, dalian naman akong nakatanggap ng tawag kay mommy. “Is it true? Saji got in danger?” “Yes mom, I don’t know who’s the attacker yet. Nasa hospital kami, I find out that Saji live alone and has no family,” malumanay na sabi ko. “Oh my gosh, poor thing. You should stay with her, anak. Is she alright?” nanlulumo na sabi ni mommy. “Yes mom, gladly she’s alright. If she woke up—” “Kent Axel.” Nalingon ko kaagad si Saji nang magising siya. “Wait mom, she’s awake.” Ibinaba ko kaagad ang tawag at nilapitan siya. “Ano? May masakit ba sa’yo?” bungad ko ngunit humaba ang nguso niya at i
“Huwag mong idamay ang inosente, kikitain kita kung saan mo naisin,” mahinahon na sabi ko at iniwan si Lauren para magsimulang maglakad. “Hmm, pwede bang pag-isipan kung ano ang gagawin ko sa babaeng ito na lubos na sensitibo ang ulo?” seryosong sabi niya bago nakakalokong tumawa sa kabilang linya. “Kikitain kita, walang kahit anong baril o armas na hawak.” Sinubukan ko makipag-areglo dahilan para tumawa ito muli. “Kung ganoon sige, hintayin mo ang tawag ko— madali naman ako kausap ‘di ba?” ‘Yon ang huli niyang sinabi bago naputol ang linya, nagmadali akong makabalik sa ospital. ‘Sobra-sobra na ang banta nila, hindi ko ito papalampasin!’ Pagbalik sa ospital ay umiiyak si Saji sa takot, nilapitan ko siya kaagad. “S-Saji,” pabulong na tawag ko. Napatitig siya sa akin habang nangingilid ang luha, halatang takot na takot siya dahilan para yakapin ko siya at aluhin. “Pasensya na, nadadamay ka,” mahinang bulong ko dahilan para mas lumakas ang pag-iyak niya. Nang tumahan s
Makalipas ang isang buwan ay bumalik na naman sa pagiging masigla si Saji, naisin ko man na iwasan siya para mas ligtas ay kadikit niya na ang kamalasan na dala ko. Mas magagamit lang siya ng kalaban, laban sa akin at sa pamilya ko. “Uy Kent Axel, bingi lang? Bingi lang ha?” Nalingon ko si Saji na ikinakaway laway pa ang kamay sa harapan ng mukha ko. Hinawi ko ‘yon, “Ano ba ‘yon?” “Sabi ko check mo yung novel ko e, maganda ba yung plot? Forbidden love?” sabi niya at halos maduling ako nang dikit na dikit ang ipad niya sa mukha ko kaya naman hinawi ko ang kamay niya at inagaw ang ipad. Nang makita ang username niya na Polaris ay ngumisi ako, magkaibang magkaiba sila ng Polaris na kilala ko. ‘Yon ay hindi nasasaktan, habang ang isang ‘to ay araw-araw at madalas nasasaktan. “Maganda naman, medyo plain. Romantic hopeless ka ba?” sa sinabi ko ay inagaw niya ang ipad at inirapan ako. “Romantic homeless ka naman, balita ko sa mommy mo never ka pa nagka-girlfriend. Lung
Matapos naming kumain ay tumayo na kami, “Kailan susunod na laban mo?” tanong ko dahil mula nang magsabi siya ng katiting sa buhay niya ay naging tahimik siya. “Bukas pa,” pinilit niya ngumiti. “Hintayin mo na ako dito, itatago ko lang sa locker yung raketa ko,” sabi niya at naglakad na, dahil doon ay bumanyo muna ako malapit sa locker room. Lumabas na ako ngunit wala pa rin siya kaya naman naisipan ko nang puntahan sa locker, ngunit pagkapasok ko ay natigilan ako nang nakasalampak siya sa sahig at tumutulo ang luha na nakatitig sa raketa niyang bali na at sira-sira ang string. “Saji,” tawag ko sa pangalan niya dahilan para tingalain niya ako at doon na sunod-sunod na tumulo ang nangingilid niyang luha dahilan para maramdaman ko na naman ang paghaplos sa puso ko. Nilapitan ko siya at tinulungan tumayo, “H-Hindi na ako makakalaban sa championship, Kent. I-Ililibre na lang kita tulad ng napagusapan,” pinilit niyabg ngumiti kahit na hindi pa tapos abg pagluha. Bumuntong hinin
Dahil sa kaba sa dibdib ko ay nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya, ngunit nang maipanalo niya ang championship ay pinigilan ko ang sariling sumigaw at mapatalon. “Ang lakas ng raketa! Salamat best friend!” masayang sabi niya. “Dahil diyan ililibre kita ulit!” sabi niya pa kaya ngumiti na lang ako. Muli ay lumipas ang buwan, kauuwi ko lang galing sa eskwelahan at papunta akong kwarto ngunit narinig ko si dad at mom na nag-uusap sa bahagyang bukas nilang kwarto. Hindi na sana ako makikinig ngunit inantig ng interes ko ang usapan nila. “Ang sinasabi mo si Polaris ay parte ng North Luna?” sabi ni mom. ‘Parte ng North Luna si Polaris?’ “Hindi ko alam kung anong intensyon ng pagrerebelde ng North Luna sa atin, pero mukhang malalim ang galit nila sa Sanez.” Umawang ang labi ko sa sinabi ni dad. “Kung ganoon k-kalaban si Polaris?” naguguluhan na sabi ni mommy. “Hindi ako sigurado wife, ito lamang ang nalalaman ko sa pagi-imbistiga. Kaya hindi ko na pinahawak kay Kent Axel an