Mabilis ko na itinakbo sa ospital si Saji, agaran rin siyang binigyan ng paunang lunas. Sinubukan ko kumalma dahil hindi dapat ako mataranta sa mga oras na ganito. “She’s safe, she just had a light concussion on her skull. It will heal with time,” dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. “Salamat doc,” mahinahon na sabi ko. Dahil doon ay binendahan ang ulo niya bago siya ilipat sa private room, dalian naman akong nakatanggap ng tawag kay mommy. “Is it true? Saji got in danger?” “Yes mom, I don’t know who’s the attacker yet. Nasa hospital kami, I find out that Saji live alone and has no family,” malumanay na sabi ko. “Oh my gosh, poor thing. You should stay with her, anak. Is she alright?” nanlulumo na sabi ni mommy. “Yes mom, gladly she’s alright. If she woke up—” “Kent Axel.” Nalingon ko kaagad si Saji nang magising siya. “Wait mom, she’s awake.” Ibinaba ko kaagad ang tawag at nilapitan siya. “Ano? May masakit ba sa’yo?” bungad ko ngunit humaba ang nguso niya at i
“Huwag mong idamay ang inosente, kikitain kita kung saan mo naisin,” mahinahon na sabi ko at iniwan si Lauren para magsimulang maglakad. “Hmm, pwede bang pag-isipan kung ano ang gagawin ko sa babaeng ito na lubos na sensitibo ang ulo?” seryosong sabi niya bago nakakalokong tumawa sa kabilang linya. “Kikitain kita, walang kahit anong baril o armas na hawak.” Sinubukan ko makipag-areglo dahilan para tumawa ito muli. “Kung ganoon sige, hintayin mo ang tawag ko— madali naman ako kausap ‘di ba?” ‘Yon ang huli niyang sinabi bago naputol ang linya, nagmadali akong makabalik sa ospital. ‘Sobra-sobra na ang banta nila, hindi ko ito papalampasin!’ Pagbalik sa ospital ay umiiyak si Saji sa takot, nilapitan ko siya kaagad. “S-Saji,” pabulong na tawag ko. Napatitig siya sa akin habang nangingilid ang luha, halatang takot na takot siya dahilan para yakapin ko siya at aluhin. “Pasensya na, nadadamay ka,” mahinang bulong ko dahilan para mas lumakas ang pag-iyak niya. Nang tumahan s
Makalipas ang isang buwan ay bumalik na naman sa pagiging masigla si Saji, naisin ko man na iwasan siya para mas ligtas ay kadikit niya na ang kamalasan na dala ko. Mas magagamit lang siya ng kalaban, laban sa akin at sa pamilya ko. “Uy Kent Axel, bingi lang? Bingi lang ha?” Nalingon ko si Saji na ikinakaway laway pa ang kamay sa harapan ng mukha ko. Hinawi ko ‘yon, “Ano ba ‘yon?” “Sabi ko check mo yung novel ko e, maganda ba yung plot? Forbidden love?” sabi niya at halos maduling ako nang dikit na dikit ang ipad niya sa mukha ko kaya naman hinawi ko ang kamay niya at inagaw ang ipad. Nang makita ang username niya na Polaris ay ngumisi ako, magkaibang magkaiba sila ng Polaris na kilala ko. ‘Yon ay hindi nasasaktan, habang ang isang ‘to ay araw-araw at madalas nasasaktan. “Maganda naman, medyo plain. Romantic hopeless ka ba?” sa sinabi ko ay inagaw niya ang ipad at inirapan ako. “Romantic homeless ka naman, balita ko sa mommy mo never ka pa nagka-girlfriend. Lung
Matapos naming kumain ay tumayo na kami, “Kailan susunod na laban mo?” tanong ko dahil mula nang magsabi siya ng katiting sa buhay niya ay naging tahimik siya. “Bukas pa,” pinilit niya ngumiti. “Hintayin mo na ako dito, itatago ko lang sa locker yung raketa ko,” sabi niya at naglakad na, dahil doon ay bumanyo muna ako malapit sa locker room. Lumabas na ako ngunit wala pa rin siya kaya naman naisipan ko nang puntahan sa locker, ngunit pagkapasok ko ay natigilan ako nang nakasalampak siya sa sahig at tumutulo ang luha na nakatitig sa raketa niyang bali na at sira-sira ang string. “Saji,” tawag ko sa pangalan niya dahilan para tingalain niya ako at doon na sunod-sunod na tumulo ang nangingilid niyang luha dahilan para maramdaman ko na naman ang paghaplos sa puso ko. Nilapitan ko siya at tinulungan tumayo, “H-Hindi na ako makakalaban sa championship, Kent. I-Ililibre na lang kita tulad ng napagusapan,” pinilit niyabg ngumiti kahit na hindi pa tapos abg pagluha. Bumuntong hinin
Dahil sa kaba sa dibdib ko ay nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya, ngunit nang maipanalo niya ang championship ay pinigilan ko ang sariling sumigaw at mapatalon. “Ang lakas ng raketa! Salamat best friend!” masayang sabi niya. “Dahil diyan ililibre kita ulit!” sabi niya pa kaya ngumiti na lang ako. Muli ay lumipas ang buwan, kauuwi ko lang galing sa eskwelahan at papunta akong kwarto ngunit narinig ko si dad at mom na nag-uusap sa bahagyang bukas nilang kwarto. Hindi na sana ako makikinig ngunit inantig ng interes ko ang usapan nila. “Ang sinasabi mo si Polaris ay parte ng North Luna?” sabi ni mom. ‘Parte ng North Luna si Polaris?’ “Hindi ko alam kung anong intensyon ng pagrerebelde ng North Luna sa atin, pero mukhang malalim ang galit nila sa Sanez.” Umawang ang labi ko sa sinabi ni dad. “Kung ganoon k-kalaban si Polaris?” naguguluhan na sabi ni mommy. “Hindi ako sigurado wife, ito lamang ang nalalaman ko sa pagi-imbistiga. Kaya hindi ko na pinahawak kay Kent Axel an
“I-I’m sorry,” mahinang sabi ko. Isinandal niya ang ulo sa sofa habang nakatitig sa akin, bago siya umiwas tingin ay naiilang siyang umayos ng upo.Prente ko namang nasapo ang mukha, nakokonsensya sa sariling ginawa ko.Hindi ko dapat ‘yon ginawa dahil lang naalala at nakikita ko sa kanya si Polaris dahil sa parehas na pabango.‘Ang tanga mo Kent Axel!’Paano pa magiging normal ang pagkakaibigan namin kung gayung hinalikan ko siya?Ano na lang ang iisipin niya?Dahil doon ay pinili ko na lang tumayo, “Umuwi na tayo.”Tumango naman siya at sinundan ako, sobra na rin ang hilo na nararamdaman ko at hindi ko alam kung saan ko iniwan ang sasakyan.“Hindi ka na rin makakapagmaneho, mag-taxi na lang tayo,” suhestyon niya.“I-Ihahatid muna kita,” naiilang kong tugon ngunit hindi niya na ako ginawang sagutin pa.Sa condo niya ay sinamahan ko siya maglakad papunta sa floor niya, lasing siya at baka mapahamak pa siya.Ngunit halos mapaalalay ako sa kanya nang muntikan pa siyang tumumba sa harap
Umiwas tingin ako dahil kahit ako ay hindi sigurado sa sagot ko, “H-Hindi ko alam,” mahinang sagot ko.Nang madismaya ang mukha niya ay napagtanto ko na naapektuhan siya ng ginawa ko.“Bakit mo ginawa?” she asked.“Just be honest with me, ano bang mawawala?” she fiercely said, tila nauubusan ng pasensya.“Because you smell like someone I know,” pagsasabi ko ng totoo.Hindi siya makapaniwalang tumawa, “Wow, baka I smelled like someone you liked?” mariing sabi niya.Hindi ko inalis ang titig sa mata niya, “G-Ginusto ko ‘yon not knowing na ginawa mo ‘yon dahil nakikita mo sa akin ang babaeng gusto. Ang galing,” dismayado niyang sabi.“Sorry,” mahinang sabi ko.“That’s disrespectful, ginawa mo pa akong pamalit sa babaeng gusto mo. Ayos pa sana kung ginawa mo ‘yon dahil sa akin— h-hayaan na pero huwag mo muna akong kakausapin.” Tinaliman niya ang tingin sa akin bago ako tinalikuran upang umalis na.Sinubukan ko naman humabol, “Saji.”“Sandali.” Hinabol ko siya hanggang sa parking lot nguni
Natapos ang unang klase ay hinawakan ko siya sa pulsuhan at hinila, awtomatiko siyang napasunod dahil mahigpit ang hawak ko sa to pulsuhan niya. Nang makarating sa wala gaanong tao ay galit ko siyang binitiwan at hinarap, “Hindi mo ako kilala, Saji. Hinahabaan ko lang ang katiting kong pasensya para palampasin ang mga ginagawa mo.” Blangko niya akong tinignan. “Hindi ko pa ba nasabi kanina?” ani niya kaya nangunot ang noo ko at tinitigan siya, “Na wala akong pakialam?” Hindi ko siya makapaniwalang tinignan, “Lower your eyes,” bantang sabi ko nang taliman niya ako ng tingin. “I said lower your eyes.” “Huwag mo ‘kong utusan!” bulyaw niya. “Inuubos mo ba talaga ang pasensya ko? Anong gusto mo mangyari ha? Na gustuhin ko rin ang paghalik sa’yo tulad ng nararamdaman mo!?” sumbat ko ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin. “Hindi ko kailangan ng special treatment mo, lubayan mo ‘ko. Pwede ba?” tugon niya at tinulak ang balikat ko upang makadaan siya dahilan para uminit ang ul