Habang nasa malalim na pag-iisip ay natauhan ako sa sunod-sunod na putok ng baril sa ibaba, kinakabahan akong tumakbo pababa ngunit natigilan ako sa nakita.
Pinakabog no’n ang dibdib ko, lalo na’t panay dugo ang nasa sahig at may nakabulagtang katawan. May namasok ba sa amin? O isa sa pamilya ko ang nakabulagtang iyon? “Stop looking,” mahinang bulong ko sa isang ate ko. Hindi siya sanay sa mga ganitong klase kumpara sa amin ng nakakatanda kong kapatid. Panigurado rin akong hindi na naman siya makakatulog. ‘What the fuck happened?’ Bumaba ako sa first floor at nakita ko si mommy na ibinaba ang baril sa center table at nilapitan ang bangkay. Tiningnan niya ang pulsuhan nito, “He’s still alive, call our underground’s ambulance and take him there. We have a lot to ask him,” salubong ang kilay niyang sabi kaya sumunod ako kaagad. “Who is he mom?” I asked after calling the ambulance. “One of our enemy,” mahina niyang sabi. Bigla ay nawala ang soft side niya, hanggang sa mapansin ko ang tumutulong dugo sa kanyang braso pababa sa kamay niya. Nilapitan ko siya, “Mom you’re bleeding.” “I’m okay anak, daplis lang ‘to.” “No, stay seated. I’ll disinfect your arm,” nag-aalala kong sabi at mabilis na kinuha ang gamit namin. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako kumuha ng pre-med kesa related sa kurso ko, this kind of accidents may happen. Matapos siya gamutin ay sinunod ko ang lalake na may tama, hindi naman malala ang tinamaan sa kanya dahil hindi pa rin legal ang pumatay sa amin basta-basta. Pag pumatay kami ay buhay rin namin ang kapalit, kumpara sa natural na batas ay pwedeng life-sentence lang. Dinala ko ang lalakeng ito sa underground, “Pinasok niya kami at nasaktan niya si mom, make sure to keep him checked and well locked.” “Yes, Mr. Sandoval.” Marahang yumuko ito sa harapan ko bago nila inasikaso ang lalakeng dinala ko. Pakay niya bang patayin o saktan ang isa sa amin? *** “Sir, kung magiging pair po ang isang babae at lalake. Hindi po ba mas delikado ‘yon?” tanong ko sa professor namin na nakatitig sa akin habang kinakamot ang sintido niya. “Aber paano naman naging delikado ‘yon? Kaya nga ganoon dahil nang kailan ay may holdup na naganap sa dalawang babae na pares.” At sa huli ay nanalo siya sa pinaglalaban, kaya naman tinuro ko si Saji na nagbabasa. “Papayag ako pero siya ang partner,” seryosong sabi ko, nagulat naman si Saji at naturo ang sarili niya. “Eh kung papayag si Ms. Collins,” ani ni sir at tinignan si Saji. “Goods lang sir,” thumbs up pa ni Saji, maya-maya ay inusod niya ang upuan sa gilid ko. “Bakit ayaw mo sa iba?” bulong niya habang inaayos ang pencil case niya. “Ayaw ko rin sa’yo, no choice lang,” matipid kong sagot. Napangiwi siya at sinadyang sikuin ang braso ko, napailing na lang ako sa ginawa niya. Kalaunan ay isinama ko siya sa bahay dahil doon namin gagawin ang project at reporting, “Hubby! Si Kent Axel nag-uwi ng babae!” sigaw ni mommy at natutuwa. Nasapo ko ang noo sa kahihiyan, “Mom, classmate ko po at partner ko sa project.” “Ay— hindi girlfriend?” baka sakali ni mommy kaya napailing ako kaagad. “Nako tita hindi po, classmate lang po talaga.” Iniling iling pa ni Saji ang ulo na para bang ayaw na ayaw niya kaya ngumiwi ako. “Uhm saan kayo mag-study Kent Axel? The study is currently unavailable,” sa sinabi ni mommy ay lumapit ako sa kanya. “Why mom?” “Your sister caused a ruckus this morning, she said you should investigate who hurt me,” bulong ni mommy habang nakahawak sa braso ko. “Why did it end up unavailable?” “She shot it hehehe, maikse ang pasensya ng ate mo, tulad mo.” Umawang ang labi ko at tsaka ako napahawak sa batok. “Sa kwarto ko na mommy? Study area doon, I’ll leave the door open, no worries.“ Nag-init ang tenga ko nang kakaibang ngumiti si mommy. “Well, you’re old enough anal. I really don’t mind,” sabi niya kaya lumabi ako at inakbayan si mommy. “Don’t be like that mom, may apo ka na huwag mo na muna dagdagan.” Natawa siya sa sinabi ko, hinayaan ko naman si Saji na maglibot hanggang sa garden. “I’m just saying that you should get a girlfriend na, okay? You’re old and once you entered law school, mahihirapan ka na isingit ang panliligaw.” Paalala niya at hinaplos ang ulo ko na para ba akong baby pa rin sa paningin niya. “Then, I won’t get a girlfriend until I graduate mom. That solves it,” ani ko pa at proud na ngumiti, ngunit ngumuso si mommy. “Anak, ang dami nagkakagusto sa—” “Pero ako ni isa sa kanila mom, walang gusto, sisimulan na namin yung project mom.” Paalam ko at sinulyapan si Saji na kahit halaman ay sinusuri. “Ganda ng halaman niyo tita, pero parang ang expensive naman po ng vase,” turo niya pa sa magandang vase na galing sa Bali. “Oh you got an eye for those things, hija. That’s from Bali, a gift from my friend.” Meanwhile, we started doing our project and I was summoned by my dad to his study, kaya naman hinarap ko si dad. “Anak, I know you’re a bit busy but can you go to the underground? Kahit 30 minutes lang, they’re questioning the man who shot your mom.” Sa baka sakali ni dad ay hindi ako nagdalawang isip sundin siya. “Sure dad, right away.” Yumuko ako at sinunod kaagad ang sinabi niya. Sa mismong underground ay natanaw ko kaagad kung paano pumapalag ang lalake na sumagot sa mga tauhan namin. Pagkarinig nila sa akin ay mabilis silang yumuko upang magbigay galang, “Ayaw umamin?” wika ko at sinulyapan ang lalake na masama ang tingin sa akin. “Hindi siya umaamin kung sino ang nag-utos sa kanya, sir.” Inabot sa akin ng tauhan namin ang isang pares ng taser. “Isa lang kailangan ko,” ibinalik ko ang isa tsaka ko nilapitan ang lalake. “Kilala mo naman ako, ‘di ba?” bungad ko at sinuri ang mukha niya. “Ultimate Sandoval,” mariing tawag niya sa pangalan ko dahilan para awtomatikong ngumisi ang labi ko. “Then you should know how I make a criminal, admit his sins?” ani ko dahilan para kumuyom ang kamao niya. “Kung hindi ka aamin, sa oras na mahanap ko ang pamilya mo—” “Huwag mong idamay ang pamilya ko rito!” nanlikisik ang mata nitong sigaw sa akin. “Then speak, hindi ka na rin naman makakaalis pa rito.” “Kung kakanta ako pamilya ko naman ang sasaktan nila! Ano pang silbe ng pag-amin ko rito para iligtas ang sarili ko kung mapapahamak ang pamilya ko? Patayin mo na lang ako!” sigaw niya. Hindi ko siya makapaniwalang tinignan, “Hand me the pictures,” mariing utos ko sa tauhan namin. Inabot naman nito ang litrato ng pamilya ng lalake sa tagong tinitirahan ng mga ito, “I’ll give you time to save your precious family, magsalita ka na.” Hinawakan ko siya sa balikat at nakangisi kong ihinarap ang litrato sa mukha niya. Mangiyak ngiyak niya itong tinignan, “Decide now!” malakas na bulyaw ko. “Ang Luna! Ang mga Luna!” napapikit siya matapos isigaw ‘yon. Nangunot ng husto ang noo ko, ang Luna? Kakampi namin ang Luna, ano bang sinasabi nito? “Ang North Luna,” pabulong niyang sabi. North Luna?Dahil sa nalaman ay umuwi ako kaagad, pinuntahan ko si dad sa study niya tulad nang usapan. “North Luna daw, dad. ‘Yon raw ang nag-utos sa kanya, pero malabo ‘yon dad. Nasa panig natin ang Luna,” panimula ko at naguguluhan na naupo sa harapan niya. “Imposible nga,” ani niya at malalim na napaisip, “ngunit hindi malabo, anak.” “Sige na’t bumalik ka na sa inaaral mo, ako na ang bahala.” Utos niya, hindi na ako nag-atubili balikan si Saji sa kwarto na abala sa project namin. “Antagal mo naman nawala?” bungad niya. “May inutos si dad, mag-iwan ka na lang ng gagawin ko. Ako na muna sa powerpoint,” wika ko at naupo sa swivel chair sa harapan ng study table ko. Kalaunan ay natapos ko na ang powerpoint, ngunit noong nilingon ko si Saji ay nakayuko na ito sa kama ko habang hawak ang ballpen. Tumayo ako at nilapitan siya, wala akong pagpipilian at binuhat ko na lang siya upang i-ayos dahil hindi rin siya madala ng pag-gising. Tinakpan ko na lang siya ng kumot bago ako lumabas n
Dahil doon ay tinakbo kaagad si dad sa ospital, kahit si mommy ay naiiyak na sumama habang suot ang pantulog, hindi pa tama ang pares ng suot niyang tsinelas. “W-Wife, I’m okay. M-Malayo ‘to sa bituka,” pagpapagaan ni dad sa nararamdaman ni mommy habang nasa emergency room kami. “A-Anong malayo sa bituka! Sa bituka ka na nga tinamaan!” umiiyak na bulyaw ni mommy habang hawak si daddy sa kamay. Bumuntong hininga ako, “I’ll call, Ate Mia.” Paalam ko at sinimulang tawagan si Ate Mia. Alam kong late na dahil ilang oras na lang ay aangat na ang araw, “Ate Mia, si dad sinugod sa City Hospital. May namasok—” “Ha!?” Halata sa tinig niya na napabangon sa pagkakatulog. “Nabaril si dad, may namasok sa bahay kanina lang ate.” Bigla ay para akong bata na nagsusumbong lalo na nang makita si daddy na umubo ng dugo dahilan para mas lumakas ang iyak ni mommy. “T-There’s no available doctor at the moment—” “P-Punta na ako! Oh my gosh, oh my god!” nanginig ang boses ni Ate Mia sa kabilan
Mabilis ko na itinakbo sa ospital si Saji, agaran rin siyang binigyan ng paunang lunas. Sinubukan ko kumalma dahil hindi dapat ako mataranta sa mga oras na ganito. “She’s safe, she just had a light concussion on her skull. It will heal with time,” dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. “Salamat doc,” mahinahon na sabi ko. Dahil doon ay binendahan ang ulo niya bago siya ilipat sa private room, dalian naman akong nakatanggap ng tawag kay mommy. “Is it true? Saji got in danger?” “Yes mom, I don’t know who’s the attacker yet. Nasa hospital kami, I find out that Saji live alone and has no family,” malumanay na sabi ko. “Oh my gosh, poor thing. You should stay with her, anak. Is she alright?” nanlulumo na sabi ni mommy. “Yes mom, gladly she’s alright. If she woke up—” “Kent Axel.” Nalingon ko kaagad si Saji nang magising siya. “Wait mom, she’s awake.” Ibinaba ko kaagad ang tawag at nilapitan siya. “Ano? May masakit ba sa’yo?” bungad ko ngunit humaba ang nguso niya at i
“Huwag mong idamay ang inosente, kikitain kita kung saan mo naisin,” mahinahon na sabi ko at iniwan si Lauren para magsimulang maglakad. “Hmm, pwede bang pag-isipan kung ano ang gagawin ko sa babaeng ito na lubos na sensitibo ang ulo?” seryosong sabi niya bago nakakalokong tumawa sa kabilang linya. “Kikitain kita, walang kahit anong baril o armas na hawak.” Sinubukan ko makipag-areglo dahilan para tumawa ito muli. “Kung ganoon sige, hintayin mo ang tawag ko— madali naman ako kausap ‘di ba?” ‘Yon ang huli niyang sinabi bago naputol ang linya, nagmadali akong makabalik sa ospital. ‘Sobra-sobra na ang banta nila, hindi ko ito papalampasin!’ Pagbalik sa ospital ay umiiyak si Saji sa takot, nilapitan ko siya kaagad. “S-Saji,” pabulong na tawag ko. Napatitig siya sa akin habang nangingilid ang luha, halatang takot na takot siya dahilan para yakapin ko siya at aluhin. “Pasensya na, nadadamay ka,” mahinang bulong ko dahilan para mas lumakas ang pag-iyak niya. Nang tumahan s
Makalipas ang isang buwan ay bumalik na naman sa pagiging masigla si Saji, naisin ko man na iwasan siya para mas ligtas ay kadikit niya na ang kamalasan na dala ko. Mas magagamit lang siya ng kalaban, laban sa akin at sa pamilya ko. “Uy Kent Axel, bingi lang? Bingi lang ha?” Nalingon ko si Saji na ikinakaway laway pa ang kamay sa harapan ng mukha ko. Hinawi ko ‘yon, “Ano ba ‘yon?” “Sabi ko check mo yung novel ko e, maganda ba yung plot? Forbidden love?” sabi niya at halos maduling ako nang dikit na dikit ang ipad niya sa mukha ko kaya naman hinawi ko ang kamay niya at inagaw ang ipad. Nang makita ang username niya na Polaris ay ngumisi ako, magkaibang magkaiba sila ng Polaris na kilala ko. ‘Yon ay hindi nasasaktan, habang ang isang ‘to ay araw-araw at madalas nasasaktan. “Maganda naman, medyo plain. Romantic hopeless ka ba?” sa sinabi ko ay inagaw niya ang ipad at inirapan ako. “Romantic homeless ka naman, balita ko sa mommy mo never ka pa nagka-girlfriend. Lung
Matapos naming kumain ay tumayo na kami, “Kailan susunod na laban mo?” tanong ko dahil mula nang magsabi siya ng katiting sa buhay niya ay naging tahimik siya. “Bukas pa,” pinilit niya ngumiti. “Hintayin mo na ako dito, itatago ko lang sa locker yung raketa ko,” sabi niya at naglakad na, dahil doon ay bumanyo muna ako malapit sa locker room. Lumabas na ako ngunit wala pa rin siya kaya naman naisipan ko nang puntahan sa locker, ngunit pagkapasok ko ay natigilan ako nang nakasalampak siya sa sahig at tumutulo ang luha na nakatitig sa raketa niyang bali na at sira-sira ang string. “Saji,” tawag ko sa pangalan niya dahilan para tingalain niya ako at doon na sunod-sunod na tumulo ang nangingilid niyang luha dahilan para maramdaman ko na naman ang paghaplos sa puso ko. Nilapitan ko siya at tinulungan tumayo, “H-Hindi na ako makakalaban sa championship, Kent. I-Ililibre na lang kita tulad ng napagusapan,” pinilit niyabg ngumiti kahit na hindi pa tapos abg pagluha. Bumuntong hinin
Dahil sa kaba sa dibdib ko ay nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya, ngunit nang maipanalo niya ang championship ay pinigilan ko ang sariling sumigaw at mapatalon. “Ang lakas ng raketa! Salamat best friend!” masayang sabi niya. “Dahil diyan ililibre kita ulit!” sabi niya pa kaya ngumiti na lang ako. Muli ay lumipas ang buwan, kauuwi ko lang galing sa eskwelahan at papunta akong kwarto ngunit narinig ko si dad at mom na nag-uusap sa bahagyang bukas nilang kwarto. Hindi na sana ako makikinig ngunit inantig ng interes ko ang usapan nila. “Ang sinasabi mo si Polaris ay parte ng North Luna?” sabi ni mom. ‘Parte ng North Luna si Polaris?’ “Hindi ko alam kung anong intensyon ng pagrerebelde ng North Luna sa atin, pero mukhang malalim ang galit nila sa Sanez.” Umawang ang labi ko sa sinabi ni dad. “Kung ganoon k-kalaban si Polaris?” naguguluhan na sabi ni mommy. “Hindi ako sigurado wife, ito lamang ang nalalaman ko sa pagi-imbistiga. Kaya hindi ko na pinahawak kay Kent Axel an
“I-I’m sorry,” mahinang sabi ko. Isinandal niya ang ulo sa sofa habang nakatitig sa akin, bago siya umiwas tingin ay naiilang siyang umayos ng upo.Prente ko namang nasapo ang mukha, nakokonsensya sa sariling ginawa ko.Hindi ko dapat ‘yon ginawa dahil lang naalala at nakikita ko sa kanya si Polaris dahil sa parehas na pabango.‘Ang tanga mo Kent Axel!’Paano pa magiging normal ang pagkakaibigan namin kung gayung hinalikan ko siya?Ano na lang ang iisipin niya?Dahil doon ay pinili ko na lang tumayo, “Umuwi na tayo.”Tumango naman siya at sinundan ako, sobra na rin ang hilo na nararamdaman ko at hindi ko alam kung saan ko iniwan ang sasakyan.“Hindi ka na rin makakapagmaneho, mag-taxi na lang tayo,” suhestyon niya.“I-Ihahatid muna kita,” naiilang kong tugon ngunit hindi niya na ako ginawang sagutin pa.Sa condo niya ay sinamahan ko siya maglakad papunta sa floor niya, lasing siya at baka mapahamak pa siya.Ngunit halos mapaalalay ako sa kanya nang muntikan pa siyang tumumba sa harap