Umuwi ako nung araw na yun na walang magandang nangyari sa buhay ko. Maliban sa nakatulong ako dun sa batang na-trap sa loob ng silid ng tatay niyang tila ba kulog ang boses kung magalit ay walang nangyari na maganda sa akin sa araw na yun. Umuwi akong nahihilo at halos masuka na sa gutom.
Alam mo yung parang kinukotkot na yung laman loob mo sa sobrang gutom? Yung feeling na nararamdaman mo nang mapait na ang laway mo sa acid galing sa sikmura? Ganun na ganun ang naramdaman ko sa araw na yun.
Dumagdag pa sa hilo ko ang sinabi nung bata. Ano daw? Anong tawag niya sa akin? Mommy?
Like seriously? Mukha ba akong nanay niya? Mukha lang akong inahin nung araw na yun pero wala pa akong anak ah! Paano ko naman siya magiging anak? Eh, hindi ko nga kilala ang tatay niyang masungit! Impossible mangyari yun!
Ano nga ba ang mukha nung tatay nun? Gwapo ba? Malaki at mahaba ba?
Kasi kung gwapo ang pagmumukha, malaki ang pangangatawan at mahaba ang pasensya aba'y pasok sa banga! Baka ma-consider ko pa siyang tatay ng anak ko. Pero paano naman mangyayari yun? Imposible namang nagka-anak ako ng hindi ko alam?
Wait, meron nga ba?
Syempre wala!
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari nung araw na yun para kaming mga langgam na nagsitakbuhan sa takot dahil sa galit nung lalaki. Ni di nga siya nakapag thank you sa akin eh. Pero di bale na, 'you're welcome' na lang para sa kanya.
Pero, pwede din namang product of my imagination lang yung narinig ko. Baka sa sobrang gutom ko lang kaya kung ano-ano na ang mga naririnig ko. Meron namang ganun diba? Or pwede din na nandun sa likuran ko ang nanay nung bata.
Agh! Whatever! Never mind! Idagdag ko pa ba sa isipin ko ang batang yun?
The next days I made myself busy. Nagpatuloy ako sa pagpunta sa bayan para magpasa pasa ng mga resumè pero parehas lang lahat ng sagot, 'tawagan ka lang'.
Tawagan daw pero hanggang ngayon wala naman akong natatanggap na tawag. Wala bang load ang mga yun? Nag-effort kaming mag-apply ah, sana mag-effort din silang tumanggi o magpasabi kung natanggap ba kami o hindi.
Hindi ko na talaga alam kung saan ako mag-aaply. Madami naman akong skills kaso lang , hindi ko alam kung paano ko nalaman ang mga yun? Hindi naman siguro in born lang yun. Gaya na lang nung ginawa ko para mabuksan ang opisina nung tatay ng bata. Kung ordinaryong tao lang ang gagawa nun hindi yun mabubuksan.
Ang tanong ko ngayon paano ko alam ang mga yun? Magnanakaw ba ako sa past life ko? Pero kung magnanakaw ako, ang bata ko pa nun. I mean that was more than five years ago.
Jusko! Ano ba itong nangyayari sa buhay ko?
Going back to my job hunting, kahit nga tindera ng ukay-ukay pinatos ko na pero wala pa din. Ang daming naghahanap ng trabaho at yung mga kasabayan ko halos mga college graduate pa.
Ang hirap maghanap ng trabaho dito sa Pilipinas. Madaming unemployed pero kulang ang trabaho. Malapit na maubos ang isang libo na allowance ko for this month pero zero pa rin. Nagbabaon na ako ng tubig at pagkain para makatipid. Hindi ko pwedeng bawasan ang isang libo na natira hanggat wala akong mahanap na trabaho dahil yun ang gagamitin kong pampuhunan.Sakaling wala talaga akong makita at naubos na itong one thousand ko, magluluto na lang ako ng ulam at ilalako ko.
"Storm, may lakad ka ba ngayon?" Natigil ako sa paglilista ng mga dapat kong applyan dahil sumilip si Nana.
"Bakit po Na? May kailangan po kayo?" Hindi ko na kasi nakausap si Nana kagabi kasi late na akong nakauwi.
"Ahm, kasi Storm, dumaan si Sir Leo dito kahapon. Hindi ka raw nagrereply sa mga text niya at di ka rin daw sumasagot sa tawag."
Sino ang gaganahan na sumagot sa tawag niya kung palagi na lang siyang sumisigaw. At sino pa ang gaganahang magreply sa mga text niya kung bungad pa lang puro pagmumura niya na ang mababasa ko.
Leo is getting out of hand. Day by day he's becoming more toxic. Hindi siya naniniwalang naghahanap ako ng trabaho. Sinasagot ko pa ang tawag niya nung una pero hindi siya nakakintindi. Same old Leo, ayaw makinig at gusto lang na yung gusto niya ang masusunod.
"May problema ba kayo Storm? Muntik magwala si Sir Leo kahapon kasi ayaw niya maniwala sa akin na wala ka pa dito sa bahay."
Hindi ako sumagot at maliit lang na ngumiti kay Nana. "Ako na po ang bahala sa kanya, Na. Kapag po bumalik mamaya, wag niyo na lang po siyang pagbuksan."
Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Nana. "Iniiwasan mo ba siya? Ayaw mo daw sagutin ang mga tawag niya."
"Kikitain ko po siya mamaya Na pagkatapos kong maghanap ng trabaho." Sabi ko.
"Mas maigi nga para magkausap kayo."
Tumango lang ako. "Nga po pala Na, baka gabihin ako ulit mamaya. Wag niyo na po akong hinatayin. Maghahanap ulit ako ng trabaho sa bayan."
Pagkaalis ni Nana nagmamadali na akong mag-ayos ng aking sarili. Dala ang mga kailangan ko ngayong araw ay umalis na ako.
"Walang bakante, Miss."
"Balik ka na lang next month."
"Tatawag na lang kami."
Ilang oras na ang lumipas, inabot na ako ng hapon pero pare-parehas pa rin ang sagot na nakukuha ko,'tatawag na lang kami." Ilang 'tatawag na lang kami' pa ba ang maririnig ko bago ako makahanap ng trabaho? I'm getting frustrated already.
Ano kaya kung peke-in ko na lang ang mga papeles ko? Gawin ko kayang Master o di kaya Doctorate ang degree ko? I'm sure I can do the job. Kaya lang, baka mahuli ako. And worst baka madamay pa si Nana. Agh! I hate this!
Evening came and just when I stopped and took a break for a while before going home, when Leo called again. Oh, nakalimutan kong kikitain ko pala sya ngayon.
Annoyed and irritated I took the phone and answer it.
"Storm! Why are you ignoring my calls? Saan ka na naman? Bakit di mo sinasagot ang tawag ko!" He's demanding voice filled my ear again.
"Leo, I already told you, naghahanap ako ng traba—"
"Trabaho? Puro ka na lang trabaho! Hanggang ngayon? Anong oras na Storm? I told you, sa akin ka na lang magtrabaho pero ang tigas ng ulo mo. Now what? You're just wasting your time."
I took a deep breath and sighed.
"Don't give me that kind of reaction Storm. I'm so tired. You know what let's just meet tonight. Total wala ka pa naman sa bahay niyo at sabi ng nanay mo nasa labas ka pa, mas maiging puntahan mo na lang ako. I'll text you the address. Make sure you come or else you won't like it Storm." He said dismissing me. Hindi na nito hinintay ang sagot ko at pinutol na ang tawag.
Pagod na nga ako sa buong araw na paghahanap ng trabaho mas dinagdagan pa ni Leo. Pagkatapos ng tawag sunod na pumasok ang mensahe niya para sa akin. He texted me the address of the resto kung saan ko siya kikitain at mabuti na lang at alam ko kung saan ang lugar. It's in a resto nearby. I know the place dahil nag-apply akong waitress doon kahapon pero wala daw bakante.
Inayos ko lang kaunti ang aking sarili para hindi naman ako mukhang gusgusin. I cleaned my face and tied my hair into a messy bun. Naglagay ng pulbo at liptint pagkatapos ng spray ng cologne. Tinaas ko hanggang siko ang sleeves ng white button down polo na suot ko at nilisan ang sandals na suot. Nang makontento na sa ayos ko, pinuntahan ko na ang resto na sinabi niya.
Pagkarating ko ng resto sinabi ko agad sa staff na may kasama ako sa loob. Ayaw pa sana akong papasukin pero sinabi ko na anak ni Gov ang pupuntahan ko.
Malayo pa lang kita ko na agad si Leo na may kausap na ibang babae. Nagbubulungan at nagtatawanan ang mga ito. Obviously, they were flirting. Their faces were so close to each other. Kulang na lang ay maghalikan silang dalawa.
May binulong si Leo sa babae sabay hawak sa pisngi niyo. Nakita kong kinagat ng babae ang labi niya bago ito nang-aakit na ngumiti at tumango sa kanya. Seeing my jealous boyfriend flirting with other woman in public, I should be mad right? But surprisingly, wala man lang ako naramdaman ni katiting na pagseselos. Like really, I don't feel anything at all. Is it normal?
Well, maybe I'm just too tired to feel it anymore.
"Ma'am, please don't make a scene. Anak po ni Congressman ang kausap ni Sir Leo."
My brows shut up to the staff who reminded me but I remained compose. "Don't worry Miss I will not make a scene." I said. I ironed my skirt using my hand before walking towards them with my chin up.
Hindi pa agad ako napansin ni Leo dahil busy ito sa pakikipagharutan niya kaya kailangan ko pang tumikhim. When he saw me he quickly stood up panicking.
"Storm,b-baby, kanina ka pa?" He was about to kiss me pero iniwas ko ang mukha sa kanya. "Why didn't you tell me that you are here? Nasundo sana kita sa labas."
Hindi ko siya sinagot dahil nabaling ang tingin ko sa babaeng kasama niya. Tumayo din ito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay nakakaloko itong ngumiti sa akin.
"You're girlfriend, Lei?" She asked and scanned my face again before shifting her gaze at my now panicking boyfriend.
"Yeah, this is Storm my girlfriend." Leo said. "Baby, she's the congressman's daught—"
"Sorry but I don't have much time, Leo." Putol ko sa kanya.
I saw the woman's reaction when I said that. Her face turned sour. I know she's offended but I don't care. She obviously doesn't like me so there's no need for pleasantries. Wala akong oras para makipagplastikan pa.
"Take your seat Leo, I need to go home early dahil hinihintay na ako ni Nana." I said meeting his pair of black eyes.
"Okay baby." Pinaghila niya ako ng upuan at pinaupo doon. I took my seat unbothered. The woman looked at me raising her brows before marching away.
"What do you want to talk, Leo?" Diretso kong tanong sa kanya. Pero imbes na sagutin ang tanong ko, sinagot niya ako ng isa ding tanong.
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung sino yung kausap ko, Storm?" I feel the bitterness in his voice and I'm weirded out.
Noon pa man never ako nagtatanong kung sino ang mga kausap niya. Hindi ako ang klase ng babae na basta na lang nang aaway ng nobyo kapag may nakikitang kausap na iba. Oh well, in addition to that, I'm not a jealous girlfriend too.
"I assumed she's just a friend. Am I right?" Sagot ko kanya pero mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.
"Ganyan lang ang reaksyon mo?"
Ano ba dapat?
"Yes! She's a friend, Storm. Her dad and my dad are business partners. She just came from US. Ngayon lang din kami nagkita. But seriously ganyan lang ang reaksyon mo? Hindi ka man lang ba magseselos?"
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Uupo ka lang dyan na parang walang nakita? Seryoso ka ba Storm?"
"Why? What do you expect, Leo? Are you expecting me to act like a possessive girlfriend and make a scene here? Yung ba ang gusto mo?"
"You should! You saw me talking to other woman and yet here you are acting like you are not affected! What am I to you Storm? Am I some kind of a joke? Are you not even jealous? Are you not wondering why I am laughing with her?" His voice raised now. May napapatingin na sa pwesto namin pero dahil anak siya ni Gov agad ang mga itong nag-iwas ng tingin.
"She's your friend right?" I asked, annoyed. Kumukulo na rin ang dugo ko sa inis sa kanya.
"Yes! She is! Pero hindi ka man lang ba magtataka kung bakit—
"Seriously Leo? You're the one who told me that she's a friend and now you want me to be jealous? Why would I be jealous with your friend? Tell me."
"You're unbelievable Jemisha Storm. Hindi man lang sumagi sa isip mo na I'm cheating with that woman?"
I was stunned for a while, "Oh, are you?" but then I have to keep acting like I am not bothered. I don't want to give him the satisfaction to see me affected. Kahit pa katiting lang yan.
"Of course not!" He said frustrated. " Why would I cheat on you?"
"Oh yun naman pala! Bakit ka nagagalit? Ba't mo pinagpipilitan na dapat ako magselos dun sa babaeng kausap mo? You know that I am not the jealous type, Leo. Ilang babae na ba ang naabutan ko sa opisina mo ha? It's not the first time but why are you acting now like a brat. Ikaw pa ang galit at ikaw pa ang may ganang sumisigaw?"
"Because you are acting like I am nothing to you Storm. You are right! Hindi lang ito ang unang beses na may kausap akong babae but can you at least, for once, act like I am important to you?"
Hindi ako sumagot kaya lalo itong nagalit.
"For goodness sake Storm, I am the governor's son! Madaming babaeng naghahabol at nagkakagusto sa akin. I can collect women, as many as I can but I didn't do. But now, looking at you acting like that? You made me question myself. Bakit ako nagtatyaga sa'yo. You are so cold to me. Hindi ko nga alam kung girlfriend ba talaga kita or hindi! "
Nanatili akong nakatingin sa kanya na walang reaskyon ang mukha ko. Hindi ko rin alam pero hindi ko mahanap sa puso ang dapat kung maging reaksyon.
"Ako na lang palagi ang naghahabol sayo! Ako na lang palagi ang nag-a-adjust. Hanggang kailang ba ako hihingi ng oras sayo, Storm? Kung hindi ka busy sa trabaho ang dami mo namang pinagkakabalahan na ayaw mong sabihin sa akin! Ano ba tingin mo sa akin? Boyfriend kung kailan mo lang gusto?"
I should be sad right? Dapat humingi na ako ng dispensa sa kanya sa mga inasal ko. At some point he is correct. I am cold most of the time. Minsan nga naiisip ko din kung bakit ko pa siya sinagot ganung parang hindi naman kasintahan ang turing ko sa kanya.
"You don't even notice kung bagong gupit ba ako! Bago ba ang damit na suot ko o bago ba ang pabango na ginamit ko o may bago ba sa akin!"
Tumingin ako sa buhok niya at tama nga ang sinabi niya bagong gupit ito. Oh well, same gupit lang naman ata? I'm not sure though. Mukhang parehas lang din naman sa last hair cut niya. Tsaka, is it really a requirement to notice that?
"See? Hindi mo man lang napansin! Yes Storm, I had my hair cut done. This shirt I'm wearing right now is new. And my perfume, I changed and bought new one thinking the you woud finally notice notice me this time, but still it didn't happen. Ako lang ang nakakapansin kapag may bago sayo. Ako ang lang ang nakakapansin kapag bago ang kulay ng buhok mo, o kaya bago ang damit na suot mo o di kaya bago ang pabango na gamit mo. Lahat ng bago sayo alam ko Storm pero ikaw wala man lang pakialam sa akin."
I remained quiet. Wala din naman kasi akong sasabihin. I tried searching for my emotion yet I felt nothing. Wala man lang akong naramdamang sakit.
"You know what? I'm so tired of this set-up Storm. I'm so fed up. I can't tolerate your sick attitude anymore. Let's break up!"
A moment of silence.
Leo was looking at me intensely waiting for me reply. Segundo lang ang pinalagpas ko pagkatapos nagkibit ako ng balikat bago tumango sa kanya.
"Okay." I said, agreeing to him. There's no point of arguing since tama naman lahat ng sinabi niya but I was suprise when I saw how he froze and suddenly his reaction darkened. Mukhang hindi nito nagustuhan ang naging sagot ko.
"Just like that?!"
Kunot noo akong tumingin sa mga mata niya. Bakit ano ba dapat ang sasabihin ko?
"Okay lang sayo na maghiwalay tayo?"
"You're the one who said that—"
"And it's okay with you?!"
"Why? What do you expect, Leo? DO you expect me to cry here? Do you expect us to cuddle after you breaking up with me? You know I'm not that kind, Leo."
He's obviously mad this time but I'm annoyed too. Dumagdag pa ang pagod ko ngayong araw. All my energy are gone and at this moment I just want to finish everything with him. Total parehas lang din naman kaming nahihirapan sa relasyong ito much better na magkanya-kanya na lang kaming dalawa.
"So ganun na lang? Hindi mo man lang ako ipaglaban? You won't ask for a chance? You won't beg?"
"Beg?" Doon na naubos ang pagtitimpi ko.
"You know what Leo, that's the least I expected from you. Una pa lang alam mo na kung anong klaseng babae ako. Ako ang klase ng babae na hindi namimilit. Ayaw mo na sa akin diba? Fine. I accept your decision with respect, but you telling me to beg? Sino ka sa tingin mo? I may be an ordinary woman but I don't beg Leo. Sorry you can't expect that from me."
"So that's it?" He looks defeated but angry at the same time.
Ang labo ng lalaking ito. Iritado na ako.
"You're really sick! Bakit nga ba umasa pa ako sayo when I know in the first place na wala naman talaga akong mapapala!"
"Look Leo." I sighed. " What you feel is valid. I admit ako ang may pagkululang sa ating dalawa. Kaya nga hindi na kita pinapahirapan pa. You breaking with me is totally fine. No hurt feelings kahit ikaw pa ang nakipaghiwalay. It's really okay with me."
"You're unbelievable! Do you think makakahanap ka pa ng higit sa akin? Remember this face Storm. Darating ang panahon na gagapang ka at magmamakaawa na balikan kita—"
"Goodbye, Leo." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at tumayo na ako. "I hope you can find your match."
Tatalikod na sana ako sa kanya pero nagulat ako nang bigla itong tumayo at mahigpit na hinawakan ang braso ko.
"You can't do this to me Storm." Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko na halos bumaon na ang mga daliri niya doon. Nasasaktan na ako pero walang reaksyon ang mga mata kong tumingin sa mga mata niya at sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko.
"Let go, Leo." I said in a cold low voice.
"You're a bitch, Storm! Do you think I will let you go just like that?"
"I'm warning you, Leo. Let go of my hand." I repeated, this time I reached my point. Nandidilim na ang paningin ko at natatakot ako sa maaring gawin ko sa kanya.
Ang mga tauhan niya ay nakatingin na sa amin. Pati ang mga kumakain doon ay napatingin na din. Madilim at galit ang mga mata ni Leo na tumingin sa akin. This is the first time I saw him wearing this kind of expression pero hindi na ako nagulat pa. I knew it. There's something in him that he's just hiding from me.
"Kung sabihin kong ayaw ko? Anong magagawa mo? Do you think kaya mo ako?" Puno ng pagbabanta niyang sabi pero hindi ako nagpatinag.
"Last warning, Leo." I said.
For the sake of our friendship kung meron man.
"No one insults me like this, Bitch. I own you! You belong to me! You are mine! Naiintindihan mo?" Lalong humigpit ang kapit niya sa akin. "Ang tagal ko nang nagtitimpi sayo. Ang tagal kong nagtiis dahil sobrang pakipot ka. Ang tagal na kitang gustong tikman pero ganito lang pala? Kung hindi ka magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa ib—"
Pero bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin mabilis akong umikot at sa isang iglap natanggal ang kamay niya sa braso ko. Pagkatapos dalawang malalakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha niya.
"How dare you, bitch!" He roared angrily and about to attack me but before he could take a step his men stopped him.
"Sir, baka madamay ang Daddy mo. Malapit na ang election."
He stopped and glared at me enraged. "Pasalamat ka."
"Really? Hah! In your dreams!" I raised my brow smirking at him. "No one owns me, Fucker! Not even you! Remember that!"
_____________________
Sa sobrang inis ko dahil sa ginawa ng ex ko sa akin, imbes na sasakay ako pauwi ng bahay ibang landas ang aking tinahak. Gusto ko munang magpalamig ng ulo bago ako umuwi pero ibang pagpapalamig pala ang mangyayari. Actually, I don’t have plans drinking tonight but because I was so annoyed about what the asshole did to me plus the frustrations from the piled up rejections and not getting a job, I feel like I need some drinks. Hindi naman siguro masamang magpalamig muna at kalimutan ang problema. “Konti lang talaga. Promise!” I said to myself but let’s see where this konti will bring me. Nagtext lang ako kay Nana na hindi ako makakauwi. Pagkatapos nagpunta na ako sa isang bar and guess what? Yung kaunting pera na natira sa akin, the last of the last money I kept in my pocket for emergency purposes, other the one thousand bill na pampuhunan ko sana sa plano kong paglalako ng pagkain ay nagastos ko na. Damn! Nawala sa isip ko na konti lang pala sana ang iinomin ko. I’m done wi
"H-hey what are you doing?" I asked when I saw him about to kneel. He looked at me with confusion etched in his eyes. "What?" He asked never leaving my eyes. His position is still the same, arms are caging me but this time papaluhod na ito sa harapan ko. Mabuti na lang at mabilis ko itong napigilan. "I'm just kidding, loko!" Di ko mapigilang matawa nang makitang lalong nagsalubong ang kilay niya. "At talagang luluhod ka dito? Like seriously? Here in front of the crowd? C'mon Bruh! I'm just making fun."Tumawa pa ako pero nabura ang ngiti ko nang magsalita ito. "Well I'm not, Baby." Damn man! His voice sounded so hot when he said that. Bahagya ko siyang tinulak para makalayo sa akin dahil para akong napapaso sa uri ng tingin niya. Gosh! "You wanna join me? Take your seat." Tinuro ko ang upuang nasa harapan ko pero sa halip na umupo ito doon, hinila niya ito ang naupo sa tabi ko. He smells good. His perfume invaded my senses. Nanunuot sa ilong ko ang panlalaking pabango niya at
"Spread."What the heck? Kung makautos parang hari tapos ako yung alipin na hindi pwedeng humindi. At hindi pa man ako nakasagot pinaghiwalay niya na ang mga binti ko. "Wait." I tried stopping him but he's unstoppable. He position himself in between my thigh. Yes! Natanggal niya ang mga kasuotan ko at wala itong itinira. He's like a flash. Pagkapasok namin dito sa unit para itong may hinahabol o di kaya gustong patunayan sa sobrang bilis ng mga galawan niya. At alam niyo ba kung nasaan kami ngayon? Nasa lamesa!Yes again! We are in his fucking dining table. I am damn naked while he's in front of me and he's naked too. Dapat natatakot ako diba? Pero kabaliktaran ang nararamdaman ko. I feel excited!Lintek lang diba? Gusto talagang makarating sa langit."Thunder, teka lang. " Kunwari pigil ko but deep inside I'm screaming for more! O bakit ba? Hindi na ako magpapakipot pa. I like his style. Nasa elevator pa lang kami nilaplap niya na ako. Ilang beses ko itong sinaway dahil may cctv
"Siraulo ka talaga Storm!" Nakasimangot akong humarap kay Arnie dahil marahan nitong sinabunutan ang buhok ko. He's my gay friend, pero hindi halata na bakla ito dahil tinatago niya at takot sa tatay niyang pulis. Off niya ngayon sa trabaho kaya binisita niya ako. Ako naman ay tumutulong kay Nana sa pagba-barbecue sa gabi dahil nga diba yung last money ko iniwan ko dun kay Thunder. Pero last day of pagiging tambay ko ngayon dahil magsisimula na ako bukas sa bago kong trabaho. "What?" Maldita kong baling sa kanya. "Ang landi mo Jemisha Storm Lacsamana!""Why?""Anong why?" Muli niya akong sinabunutan. "I thought ayaw mong magka jowa? Hiniwalayan mo si Leo diba? Eh bakit ka nagpakangkang bruha ka?!"Umismid ako sa kanya. " It's just a one night stand, Arnie. No big deal. " Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko."One night stand? No big deal? Are you hearing yourself bruha?" "Of course!" Nakangisi kong sagot sa kanya. "Lintek ka talaga eh ano? Paano ngayon yan kung hahanapin ka ng
"Good morning Storm! Aga mo ngayon ah?" Bati ni Val sa akin sabay bukas ng gate. Siya ang isa sa mga secuirty na naka assign dito sa bahay ni Boss. I will describe him as someone snappy and smart. According sa mga kasamahan niya si Baldo ang head ng security kahit mas bata ito sa kanila. Base sa tayo ni Val mukha itong galing sa military. By the way, naka schedule ang shift ng mga tauhan ni Boss at maya lang konti ibang tauhan na naman ang magtatao dito. Pinasok ko muna ang big bike na dala ko bago ako huminto at gumanti ng bati sa kanya. Hindi pa rin ito umaalis at nakatingin lang sa akin. "Good morning Sir Val! Inagahan ko kasi mainit kapag lumabas na ang araw." "That's good." Aniya. Pagkatapos sinara nito ang gate. Sosyalin itong si Baldo, madadalas itong ang-e-ingles kapag nakikipag-usap sa akin. Tatlong linggo na ako dito sa trabaho ko. So far, maayos naman at tahimik ang buhay ko. Purely work and I am enjoying it. Sinunod ko lahat ng bilis sa akin ni Ma'am Lyn. Maintained
Kita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya pagkakita sa akin pero saglit lang dahil agad na bumalik ang blangko nitong tingin. Abot-abot pa rin ang kaba sa aking dibdib. Pakiramdamn ko nangangatog ang mga tuhod ko pero pinilit ko ang sariling tumayo ng maayos. I'm not sure if he recognized me pero nakakatakot yung uri ng tingin niya sa akin.Napasulyap ako kay Baldo, binigyan niya ako ng tingin na tila ba sinasabi sa akin na wag matakot. Pero imbes na kumalma lalo pa akong kinabahan ng binaling nito ang tingin niya kay Val. Wala itong sinabi pero kita ko tingin nitong nagbabanta. "Who are you?"Hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong niya kaya hindi ako nakasagot agad. Mabuti na lang at mabis na sumabat si Val. "Good afternoon, Mr. Wintle. Welcome back." Tinapunan niya lang ng tingin ang lalaki at lumagpas na ang tingin niya dito. "Where's Manang?" Tanong niya. Masungit pa rin. Hindi man lang gumanti ng bati kay Val."Who's Manang, Sir?" He throw Val a what the fuck look
"Ayos lang ako dito Val. Kaya ko na to. Doon ka na lang sa labas at kontakin mo na lang si Ma'am Lyn." Sabi ko kay Baldo. Kanina ko pa kasi ito pinipigilan na tulungan ako pero ayaw talaga paawat. Ako yung nagwalis at nagligpit sa mga kalat at si Baldo naman ang nag-vacuum at nag-mop sa sahig. Hindi lang pala dito sa sala nagkalat si Ameeya pati dun sa kusina. Ang mga powdered milk at harina ay ikinalat niya doon. Basa din ang sahig dahil ang fresh milk mula sa ref ay tinapon din ng bata. "Mabait na bata naman yan si Ameeya. May mga panahon lang talaga na nagta-tanrums. Pero mabait yan. Tahimik lang yan dito sa bahay at naglalaro mag-isa. Ngayon lang talaga nasobrahan ang tantrums niya. " Wala na pala si Ameeya dito sa baba, inakyat na ng yaya sa room niya para linisan.Gusto pa nga akong tulungan ng yaya pero sinabihan ko siyang asikasuhin na lang ang alaga niya. Ewan ko lang kung matutuloy ba sa pag-alis ang yaya ni Ameeya. 'Pag nagkataon walang magbabantay sa bata. "Okay lang
After entering his room Thunder clicked something and made the door locked. Tinaliman ko siya ng tingin pero tinatapatan niya din yung tingin ko sa kanya. Maldito niya pa akong tinaasan ng kilay. Agh! Talagang napakayabang ng ungas na 'to. Porket andito ako sa pamamahay niya alipin talaga ang tingin niya sa akin. At ako namang si gaga pwede namang di ako sumunod sa kanya pero andito ako sa loob ng silid niya. "What are we doing here? Gabi na, hahanapin na ako sa amin." Sabi ko na hindi umaalis sa kinatatayuan ko pero ang Thunder hindi rin umaalis sa harapan ko. He's just few inches away from me kaya amoy na amoy ko ang amoy ng shower gel at shampoo na ginamit niya."Ano bang kailangan mo sa akin? Pwede mo naman akong kausapin doon sa baba bakit kailangan dito pa talaga sa room mo, Thunder?"Kita ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya na tila ba ikinatuwa nito ang pagbanggit ko sa pangalan niya. "Hindi ka nakakatawa sa totoo lang?" Irap ko."Yeah? That's why you are laughing
"Why are you looking at my tummy? Am I getting fat?"Tanong ko kay Thunder dahil kanina ko pa napapansin ang mga panakaw nitong tingin sa tiyan ko. Tiningnan ko din ang tiyan ko. Flat pa rin naman ito. Wala naman akong nakikitang umbok doon. Ahm, kung meron man, like very small lang. Siguro dahil bloated ako at napapadami ang kain ko nitong mga nakaraang araw. "Ikaw kasi ang dami ng pinapakain mo. Hindi ko na tuloy macontrol ang calorie in-take ko. I think I need to start working out hard again. Tumataba na nga ata ako." Hinawakan ko ang aking tiyan at mahinang hinaplos. "No Mommy! You're not fat." Biglang sabat ni Ameeya dahilan para mapalingon ako sa kanya. Bumaba ito sa upuan niya at lumapit sa akin. Pagkatapos inabot niya ang tiyan ko at marahan din itong hinaplos. "Don't worry Mommy, you are still sexy even if this stomach will grow big. Right Daddy?" Thunder smiled. "Right, Princess. Even if Mommy's tummy becomes big and even if Mommy becomes fat, Mommy is still the sexiest,
"I don't know what you are talking about, Darling." His fatherly voice echoed in the line. "I really don't know about the baby. I swear I don't know about it. Do you think I'm lying to you?"Hindi ko alam kung ano na ang paniniwalaan ko. Ano nababaliw na ba ako? Bakit may nakikita akong bata sa utak ko? Sino ang batang yun at saan siya ngayon?Tinawagan ko si Nana at sinabi sa kanya ang tungkol sa panaginip ko pero wala din siyang masagot sa akin. Wala siyang batang nakita nung natagpuan niya ako. I tried contacting my brother but he is nowhere to be found. Wala din akong ibang pwedeng mapagtanungan kung ano ba talaga ang nangyari dahil kabilin bilinan nito sa akin na wag magtiwala kahit kanino. He even told me not to ask Dad or tell him anything if in case I remember something but I can't hold it anymore. Hindi ako mapalagay. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa batang bumabagabag sa isipan ko. Imposibleng bigla na lang may batang nagpakita sa utak ko. I can still hear the bab
"I'll wait for you here, Mommy. Please don't leave." My chest tightened when Ameeya hugged me tightly na para bang ayaw akong pakawalan. Ayaw pa sanang bumitaw kung hindi kinuha ng tatay niya. "I will not leave you,Meeya. We'll just have meeting okay?" I looked at the kid as she stares at me lovingly and I feel my chest tightened more. I shouldn't be feeling this. I am not here for this. I didn't sign up for this. This is wrong. Kahit na masama akong tao ayoko pa rin naman na may batang madadamay. Anong gagawin ko ngayon? It's not part of my job but I need to protect this innocent one. "Let's go, Love." Hinawakan na ni Thunder ang bewang ko at giniya na ako palabas. Sa totoo lang alanganin akong tanggapin itong alok niyang trabaho kasi ano naman ang alam ko dito. But Thunder trusts me as if he knew that I know this kind of job. Pumunta kami sa silid na katapat lang ng opisina ni Thunder. Pagpasok namin may nagasalita kaagad. "Ang tagal mo naman Kulog. Pinapunta mo lang
My mind is pre-occupied the whole drive going to his office. Sa sobrang dami ng mga naisip ko hindi ko namalayan na lumagpas na pala ako. Kaya ngayon nahuli ako ng dating kasi kailangan ko pang umikot para makabalik.Pagkarating ko, agad namang nagsabi sa akin ang security na dumiretso na sa office ni Thunder. Binigyan ako ng visitors pass saka pinapasok na. Sa elevator may nakasabayan akong mga empleyado. They're obviously talking about the boss. Kung gaano ito kasungit but at the same time ka-hot at yummy. Naghahagikhikan pa ang mga ito habang tinitingnan ang larawan ni Thunder sa cellphong nung babae."And look at that jaw girl. Damn! So hot parang sarap magpapalapa kapag ganyan." Napangiwi ako sa sinabi nung isa pero syempre hindi ako nagpahalata. "Sinabi mo pa! Ako nga gustong magvolunteer maging baby momma eh pero di ako makahanap ng tyempo. Sobrang ilap ni Boss lately. But anyway I heard may bagong secretary daw si Mr. Wintle?""Oh, really? Bakit na naman? Pang-ilan na ba ya
"Let's go." Napalingon ako sa nakasimangot at masungit na mukha ni Thunder. Kung kanina ang lakas ng loob kung sumugod dito ngayon naman bigla akong nahiya. Sino ang hindi mahihiya sa ayos ko. Tama nga ang sinabi ng guard kanina na mas maayos pa manamit ang mga kasambahay na nandito. Sobrang alangan ng ayos ko sa suot ni Thunder. Naka business attire ito samantalang yung akin lumang white na tshirt at kupas na pantalon. Mabuti na nga lang at nakadoll shoes ako. "I said let's go." Ulit nito dahil para akong tuod na nakatingin lang sa kanya. At hindi paman ako nakasagot kinuha niya ang bag na dala ko sabay hawak sa aking kamay at nauana itong maglakad. Para tuloy akong nawawalang kasambahay sa palengke kaya akay akay ng amo. Nalilito at nahihiya akong nagpatiayon sa kanya. Hawak niya ang kamay ko at diretso ang tingin nito sa unahan. Samantalang ako halos hindi ko maihakbang ang mga paa. Marami ang napatingin sa amin at alam kong dahil kay Thunder. Pero ang huli wala man lang pina
After sa nangyari nung araw na yun hindi agad ako nakatulog. Ang daming gumumugulo sa utak ko. Dumagdag pa si Ameeya na ayaw humiwalay sa akin. Kung nasaan ako nandun din ito nakabuntot. Kahit sa pagtulog gusto pa akong katabi. Ayokong malapit ang loob ng bata sa akin pero hindi ko rin magawang lumayo sa kanya. Kanina nga lang papunta ito sa school niya pahirapan pa. Gusto niya akong sumama pero hindi pwede dahil wala naman sinabi ang daddy niya. Kung hindi ko pa sinabihan na hihintayin ko siya dito pag-uwi at maglalaro kami, hindi pa ito titigil sa pag-iyak. Sa kabilang banda si Thunder naman ay naging mailap na sa akin. Halos hindi niya na ako kinakausap. Kung may kailangan siya pinapadaan niya kay Rina o di kaya kay Baldo. Hindi na rin ako nakakapasok sa opisina niya. Hindi niya naman sinabi na bawal pero wala akong rason para umakyat doon. Hindi ko tuloy alam kung may alam na ba ito sa plano. Kaninang umaga naman nung umalis ito sinulyapan niya lang ako.I thought working here
"Matagal ka na bang yaya ni Ameeya, Rina?" Lumingon ako sa kanya at kita kong nakatitig siya sa akin. Mas bata ito sa akin kaya Rina lang ang tawag ko. Nandito kami ngayon sa kusina naghahanda ng pananghalian. I have to start with my assignment. And to do that, I need to get all the informations I need at isa si Rina sa pwedeng makapagsabi sa akin ng mga kailangan ko. Pagkatapos kong mapuntahan si Nana kagabi at masigurong nasa ligtas siyang lugar saka pa ako pumunta dito sa bahay ni Thunder. Nagpaalam na rin ako kay Nana na hindi muna kami magkikita at dito muna ako mamalagi. Yan ay kung matapos ang araw na 'to na hindi ako sesisantehin ni Thunder. Maaga akong dumating kanina, madilim pa pero mero mula kaninang umaga ay hindi pa bumababa si Thunder. Nagpadala lang ito ng pagkain sa itaas pero hindi naman kami nagkita dahil nasa banyo ito nung pumasok ako. Nahihiya naman akong maghintay doon sa room niya. "Bago pa lang po, Miss Storm. Yung huling yaya na pinalitan ko ay sinesan
Hindi ko alam kung naiihi ba ito sa takot o ano pero hindi maitsura ang mukha niya. Kahit ang mga lalaking katabi nitong nakaupo ay hindi rin makatingin sa akin. At dahil natutuwa ako sa reaksyon nila kinuh ako pa ang hand granade na dala ko kanina at tinanggal ang safety sabay angat sa harapan nila. "I can release this too if anyone of you here wish me to do that. Wanna try?" Walang sumagot pero ang takot sa mga mukha nila ay hindi na maipagkaila. Baliw na kung baliw pero parang nagcecelbrate ang puso ko sa loob ng aking dibdib sa mga nakikita kong takot sa mga mata nila. "Siguro masaya yun? Let's see if who can survive among us here. Well of course I will let my father and my brother go out first. What do you think, Dad?" Dad didn't say anything. Alam niya kung gaano ako kasiraulo pagdating sa ganitong bagay. Ilang warehouse at ilang safehouse niya na ba ang sumabog noon dahil sa akin. "How about you, bro? Do you wanna play with me this time."Gaya ng sabi ko kanina, kung sira
Everyone fell silence. Walang ni isang gustong magsalita. Kita ko ang takot sa mga mata nila at gusto kong matawa. Yan! Ganyan nga! Matakot kayo sa akin at sa kaya kung gawin. I want everyone in this room to fear me. I want them to know what kind of ghost am I and what I am capable of. "I hope we are all clear now. There's no room for traitors in this room. So if you don't wish for death think carefully."I saw my father's wicked smile as he looked at me proudly. "Years passed but you're still the same princess I know." Dad said, proud. "Welcome back again, Darling!" He hugged me once again before he motioned me to the vacant seat near my brother. Dad ordered his men to remove the man I shot in the head. Pero kung ako lang ang masusunod mas gugustuhin kong wag itong kunin doon sa upuan niya. That would be a good reminder to everyone who are here tonight how this angelic face can turn into an evil sa isang pagkakamali lang. It is so funny, looking at all of them scared. They're b