Share

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE
Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE
Author: LadyAva16

Prologue

Author: LadyAva16
last update Huling Na-update: 2024-11-05 19:48:15

"You are my uncluttered  mess, my organized chaos and my beautiful nightmare." -Gustavo Orion Sandoval-

 

He wants nothing but the best. Be the top of his game and remain on the top for a lifetime. Despite being the youngest most successful CEO, most sought after bachelor, nothing can give him the happiness his heart is longing for years. There's only one woman who can give that to him. The woman who never left his heart and his mind.

She's an orphan. At a very young age she managed to live a life on her own. Street smart, fearless and wise. She always dreamed for a better life not for herself but for the family she found in the street. 

She fell in love and gave her all but he left her heart broken. The man who promised her forever is the same man who broke her young heart. 

Will the day come he'll gonna find her dream? 

or 

She will remain forever a beautiful nightmare?

********

"Tatay, bakit po wala kayong chicken joy at spaghetti?" Tanong ko kay tatay ng makitang kami lang ni Ate Jing-jing ang may pagkain sa harapan. May tag-iisang piraso kami ng manok na may kanin at may tig-iisa din kaming spaghetti ni Ate Jing-jing.

Andito kami sa sikat na kainan na palagi kong nakikita sa patalastas sa tv. First time kong makakain dito. Sinama kami ni tatay sa pagdeliver ng bagong aning mais sa maliit naming sakahan saka dumeritso kami dito.

Birthday ko ngayon kaya dito kami dinala ni tatay. Pinapili niya ako kung gusto ko ba ng laruan o kumain dito at ito ang pinili ko. Hindi naman ako mahilig sa laruan, sapat na sa akin ang gitara ni tatay sa bahay na tinutugtog namin ni Ate.

Kaming tatlo na lang ang magkakasama dahil namatay si nanay nung pinanganak niya ako. Eight years old na ako at si Ate Jing naman ay fifteen.

Sapat lang sa araw-araw na pangangailangan namin ang perang kinikita ni tatay sa maliit naming sakahan kaya ngayon lang kami nakakain dito. Pero ang sabi ni Ate jing-jing kapag nakapagtapos na daw siya sa pag-aaral kahit daw araw-araw kaming kumain dito gagawin namin.

"Sayo na lang tong manok Tay, ayos na po ako sa spaghetti." Nilapit ni Ate jing-jing angisang hiwang manok kay tatay pero binalik ito ni tatay sa kanya. Napansin ko ang makahulugang tingin ni Ate Jing kay tatay pero ngumiti lang si tatay pabalik.

"Busog pa ako anak, para talaga sa inyo 'yan." nakangiting sabi ni Tatay. Tiningnan niya pa kami isa-isa. Nakangiti si Tatay pero kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. May problema kaya siya?

"Ubusin mo yan bunso ha, yan yung sinasabi mong gusto mong kainin diba?" Masaya akong tumango sa kanya. Ito kasi ang palaging bukambibig ko kapag nakikita ko sa tv. Ang sabi ng mga kaklase ko masarap daw ang chicken joy at spaghetti dito. Masarap din daw ang burger at yung parang icecream pero hindi na ako nagpabili kay Tatay dahil alam ko namang hindi ganun kalaki ang kita sa inani niyang mais ngayon.

"Tay, itong spaghetti nalang sayo. Hati na lang kami ni Bunso sa spaghetti niya." Offer ulit ni Ate pero muling tumanggi si Tatay. Parang nag-aalangan tuloy akong kumain. Lahat kasi ng mga andito sa loob ay may kinakain si tatay lang ang wala. Nakatingin lang siya sa amin ni Ate. Feeling ko tuloy ang sama naming mga anak.

"Busog ako ate kayo na lang ni bunso." sabi ni Tatay.

Busog ba talaga si tatay? Hindi ko siya nakitang kumain mula kanina. Alas dos na ng hapon at kaninang umaga pa ang huling kain namin.

"Sige na tay kumain ka, kahit konti lang po..."Pagpupumilit ni ate pero muling umiling si Tatay.

"Sige lang Jing-jing kumain lang kayo, wag niyo akong alalahanin ayos lang ako."

"Tay..." mahinang tawag ni ate pero umiling lang si tatay sa kanya at sumenyas na ipagpatuloy ang pagkain.

Walang nagawa si ate kundi kainin ang inorder ni tatay na pagkain para sa kanya. Ako naman, kinain ko din yung para sa akin. Dahil first time kung makatikim nun feeling ko ang sarap ng mga kinain ko. Pero parang nakokonsensya din ako dahil hindi kumain si tatay. Kahit anong pilit ni ate ayaw niya talaga.

"Masaya ka ba nak?" tanong ni tatay, malawak akong ngumit sa kanya sabay himas sa tiyan ko. Sino ba ang hindi sasaya? Ito kaya ang lagi kong hinihiling kaso hindi afford ni tatay.

"Happy birthday sayo bunso. Nasa bahay ang regalo ko sayo." sabi ni Ate Jing-jing. 

Sabi ko na nga ba, akin yung nakita kong regalong nakabalot dun sa kabinet na lagayan ng damit ni Ate Jing-jing.

"Thank you Ate Jing-jing kong maganda." sabi ko sabay yakap sa kanya. "Ikaw talaga ang favorite ate ko sa buong mundo."

"Bolera kang bata ka, dalawa lang tayong magkapatid." sagot ni Ate kaya napatawa kami ni tatay. 

Tama isa lang pala ang ate ko. Pero totoo namang siya ang paborito kong Ate. Siya kaya ang bestfriend ko. Ate is my first teacher, sa kanya ako natutong magbasa at magsulat. Siya ang nagturo sa akin magtugtog ng gitara at kung ano-ano pa. She's like a mother to me. 

Siya ang gumanap sa role na iniwan ni nanay. Siya din ang nag-aalaga sa amin ni tatay. Siya ang gumagawa at tumutulong kay tatay sa lahat ng gawaing bahay. My Ate Jing-jing is the best ate in the whole wide world kaya mahal na mahal ko siya, silang dalawa ni tatay.

" Happy birthday sayo, nak. Pasensyahan mo na at ngayon ka lang nadala ni Tatay dito.ah?" Naramdaman ko pa ang lungkot sa boses ni tatay. Wala namang dapat ikalungkot dahil naiintindihan ko naman na hindi sapat ang pera namin. Ayos lang din naman sa akin ang chiken manok na luto ni tatay. Mas special pa nga yun kasi mga alagang native chicken yun ni tatay eh.

Curious lang talaga ako sa lasa ng manok nila dito. Palagi kasing pinagyayabang ni Rowena na kaklase ko na super sarap daw yung chicken joy nila dito. Pero ngayong natikman ko na, okay na sa akin. Hindi na ako mangungulit kay tatay. Mas masarap pa din ang luto ng tatay ko. Walang makakatalo sa chicken manok niya.

"Tatay, wag ka po humingi ng pasensya. Sobrang saya ko nga at tinupad mo ang wish kong makakain dito eh. Tsaka tatay, wala pa din makakatalo sa luto mo. Gusto ko lang po matikman kung masarap ba talaga ang manok at spaghetti nila dito." lumapit ako sa kanya at bumulong. "Mas masarap pa din ang chicken manok na luto mo, Tatay. Sasabihin ko kay Rowena sa lunes na walang panama ang chicken joy na pinagyayabang niya sa chicken manok na luto mo." pagbibida ko.

Natatawang ginulo ni tatay ang bangs ko saka inaya na kaming uuwi. Masayang-masaya ako at natupad yung hiling kong makakain doon. Hindi na ako magtatanong sa isip ko kung anong lasa nang chicken joy nila. Isa pa hindi lang naman ito ang huling birthday ko na magkakasama kami meron pang susunod. Tsaka magsisikap ako sa aking pag-aaral. Magtatapos ako at maghahanap ng trabaho para ako naman ang babawi kay tatay at ate. Ako naman ang magti-treat sa kanila kapag birthday ko.

Simple lang ang pamumuhay namin pero masaya naman kami. Ang mahalaga sa lahat ay magkakasama kaming tatlo ni Tatay Nestor at Ate Jing-jing.

Pero lahat ng yun ay nagbago ng isang hapon bigla na lang may dumating na mga kalalakihan sakay ng isang van at pumarada sa harapan ng bahay namin.

Nag-uunahan bumaba ang mga ito sa van at isang sipa lang sa gate naming kawayan nakapasok na sila sa bakuran namin. Tatakbo sana ako papasok bahay pero napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan ng makita kong may dala silang mga baril.

"Nestor! Lumabas ka dyan!" sigaw nung lalaking malaki ang katawan at puno ng tattoo ang mga braso. Pinalibutan ng mga kasamahan niya ang bahay namin. "Nestor! Lumabas ka na, wag mo na kaming pahirapan!" Dahil walang sumagot sinipa niya ang pintuan ng bahay namin.

Wala si tatay sa loob nasa sakahan siya ngayon. Kailangan ko siyang puntahan para sabihing may mga lalaking naghahanap sa kanya. Pero si Ate Jing-jing, hindi ko pwedeng iwan si Ate Jing-jing at baka saktan siya ng mga lalaki.

Maingat akong gumapang at kumubli sa mayabong na halamang tanim ni tatay. Hindi ako pwedeng maglikha ng ingay at baka makita nila ako.

"Yung mga anak niya hanapin niyo. Kung ayaw niyang magpakita sa atin yung mga anak niya ang kukunin natin. Tingnan ko lang kung saan aabot ang angas ng matandang yun. Unahin niyong hanapin ang dalagita."

Ate Jing-jing ko.

Biglang may tumakip sa aking bibig. "W-wag kang maingay." nanlalaki ang mga mata ko sa takot. Sisigaw na sana ako pero mabilis akong niyakap ni Ate Jing-jing. " Si ate 'to, wag kang maingay maririning nila tayo."

"Ate, natatakot ako..." nanginginig ang boses ko.

"Wag kang matakot andito si Ate. Hindi kita pababayaan. Iwan mo ang gitara. Kailangan nating tumakbo para puntahan si Tatay."

Tahimik akong tumango saka sumunod sa kanya. Kinuha ni ate ang gitara sa akin, ayaw ko pa sanang ibigay pero alam kong mahihirapan kami sa pagtakbo kapag dinala ko ito. Tinago ni Ate ang gitara sa gitna ng damuhan saka hawak kamay kaming kumaripas ng takbo.

May narinig kaming putok ng baril mula sa bahay pero hindi na namin nagawang lumingon. Wala din namang makakatulong sa amin dahil kami lang ang tao sa parteng ito ng bukirin.

"Bunso, tumakbo ka! Kahit anong magyari, wag kang titigil."

Nanginginig na ang boses ni Ate Jing-jing. Hawak niya ang kamay ko habang umaagpay ako sa pagtakbo niya. Nangangatog na ang mga binti ko pero hindi kami pwedeng tumigil. Malapit na kami sa sakahan ni tatay. Nakikita ko na si tatay mula sa kinaroonan namin pero nakatalikod siya sa amin.

"Bilisan mo bunso, maabutan nila tayo."

Kahit nangangatog ng mga binti ko sinubukan ko pa ring sundin ang sinabi ni Ate Jing-jing. Tama siya, dapat hindi nila kami maabutan. Kailangan naming makarating kay Tatay para makatago kami. Sigurado akong kapag nakita ng mga lalaking yun si tatay sasaktan nila ito.

Sunod-sunod na putok ng baril ang aming narinig. Doon ko pa nakitang lumingon si tatay sa gawi namin. Tumakbo siya pasalubong sa amin. Sinenyasan siya ni ate na bumalik pero hindi nakinig si Tatay.

"Anong nangyari? Bakit kayo tumatakbo?" bakas ang pag-aalala sa boses niya.

Habol ko ang aking hininga, nanunuyo ang aking lalamunan, nanginginig ang aking katawan sa takot. Natatakot ako na baka maabutan nila kami.

"Anong nangyari Jing?"

"T-tay, may naghahanap sa inyo sa bahay. Mga lalaki may dalang baril." hinahapong sagot ni ate. Nakita kong natigilan saglit si tatay pero mabilis niyang inutusan si Ate na dalhin ako doon sa tagong bahagi, sa dulo ng maisan.

"Sige na Jing-jing magtago na kayo ng kapatid mo ako ng bahala dito." halos ipagtulakan na kami ni tatay.

Hinila na ako ni ate papasok sa maisan pero ilang hakbang pa lang ang nagawa namin bumalik ako para hilahin din si tatay.

"Tay, tara, magtago po tayo..." naluluhang kong sabi sa kanya. Hindi namin siya pwedeng iwan dito. Makikita siya ng mga yun at tiyak na sasaktan siya.

"S-sige na bunso, sumunod ka na kay ate mo. Ako na ang bahala dito. Magtago kayo doon at kahit anong magyari wag na wag kayong magpapakita." bahagya pang nabasag ang boses ni tatay. "Sige na...sige na...magtago na kayo."

"Please tatay sumama ka na sa amin. Sasaktan ka nila tatay, may dala silang baril." umiiyak kong pakiusap pero sunod-sunod na umiling si tatay sa akin.

"Kaya ko ang sarili ko nak, kayo ni ate ang dapat magtago. Sige na bunso makinig ka kay tatay." saka mahigpit niya akong niyakap.

Wala akong nagawa nung hinila na ako ni Ate Jing-jing papasok sa gitna ng maisan. Mabilis ang bawat hakbang ni Ate. Hindi alintana ang matutulis ng dahon ng mais.

"A-Ate si Tatay..."umiiyak kong sabi. Hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang magpaiwan doon. Pwede naman siyang sumama sa amin para hindi siya mahanap ng mga lalaking yun.

Isang malakas na putok ng baril ang nagpahinto sa amin sa kalagitnaan ng maisan.

Si tatay...

"Ate si tatay, babalikan ko si tatay..."

Tatakbo sana ako pabalik kung saan si tatay pero mabilis akong nahawakan ni Ate. Tinakpan niya ang bibig ko. " Wag kang maingay bunso, please...wag kang maingay. Kailangan nating makatago,hindi nila tayo pwedeng makita."

"S-si T-tatay, Ate?" Kita ko ang pag-uunahan ng mga luha sa mga mata ni ate.

"Wala kaming utang sa inyo! Amin ang lupang ito at kailanman hindi namin ipagbibili sa inyo! Umalis na kayo dito!" dinig kong sigaw ni tatay.

"Wala ka nang magagawa! Kahit na hindi mo ibebenta ang lupang to kukunin pa rin ito ni Boss. Kaya kung ako sayo wag ka nang magmatigas!" Narinig ko ang malakas na lagapak kasunod ng mahinang daing ni tatay.  

Hinila ako ni Ate palayo sa kanila.Nagmamatigas ako. Gusto kong balikan si Tatay at tulungan siyang makiusap doon sa mga lalaki. Siguradong hindi nila ako sasaktan dahil bata lang ako. 

"Para sa mga anak ko 'to agh! P-parang awa niyo n-na agh!" Dama ko na ang paghihirap ni tatay. Lumakas ang mga iyak ko pero mabilis na tinakpan ni Ate ng kamay ang aking bibig. 

"Tama na, bunso. Parang awa mo na, makinig ka sa akin." Hinila ako ni Ate palayo. May nakita kaming maliit na hukay na may mga tuyong puno ng mais, pinasok ako ni Ate doon. 

"Si Boss na ang bahala sa mga anak mo. Kahit sino sa kanila."

"Mga demonyo!" Isang malakas na putok ng baril ang aking narinig. Nanginginig ang mga kamay kong humawak Ate Jing-jing.

"Hanapin niyo ang dalawa hindi pa nakakalayo yun dito." Malakas na sigaw nung lalaki. 

"A-ate natatakot ako." umiiyak kong sabi, mahigpit na hawak ang kamay niya. "Halika Ate, pumasok ka dito." Pakiusap ko pero sunod-sunod na umiling ang Ate Jing sa akin. 

"Makinig ka, bunso. Kahit anong mangyari wag kang lalabas. Wag kang gagawa ng ingay. Dito ka lang, mas ligtas ka dito."

Umiling ako, punong-puno na ng luha ang aking mga mata at ganun din kay Ate Jing. 

"A-ate dito ka lang, please."

"Makinig ka bunso, mahal na mahal ka ni Ate. Mahal na mahal tayo ni Tatay. Ano man ang mangyari, pagsikapan mong mabuhay. Kahit ikaw na lang ang mabuhay, bunso." Tuluyan ng lumakas ang hikbi ni Ate Jing. 

"Ate w-wag mo akong iiwan. Natatakot ako." Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya pero dahan-dahan niya itong kinakalas. Kinuha niya ang iba pang mga tuyong puno ng mais at tinakip sa akin. 

"Wag kang gumawa ng ingay. Kahit anong mangyari, wag kang lalabas. Iligtas mo ang sarili mo."

"Ate wag-"

"Babalikan kita, bunso." Yun na ang huling sinabi ni Ate Jing, dinagdagan niya ng mga tuyong puno ng mais ang pinagtataguan ko hanggang sa hindi ko na siya makita. 

Kahit nakadilat ako sobrang dilim ng paligid. Wala akong makita. Pakiramdam ko, buhay pa ako pero para na akong patay na nakabaon sa ilalim ng lupa. Nahihirapan din akong huminga sa dami ng puno na tinabon ni Ate sa akin. 

Dinig ko ang malakas ng tibok ng aking puso. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero natatakot ako. Dinig ko pa ang boses nila mula sa malayo. 

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatago sa ilalim ng mga tuyong puno ng mais. Basang-basa na ako ng pawis. Nahihirapan na rin akong huminga. 

Hanggang sa makarinig ako ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Lumakas ang mga hikbi ko. 

Ate Jing, Tatay...

Hindi ko na natiis pa at lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Kailangan kong puntahan si Ate Jing at si Tatay. Hindi nila ako pwedeng iiwan. Sasama ako sa kanila. 

"A-ate Jing, T-tatay..." umiiyak kong tawag sa pangalan nila. Hindi ko na alintana ang nanginginig kong katawan. Tumakbo ako palabas ng maisan pero agad ding natigil ng makita kong ang duguang katawan ni Tatay na nakatihaya sa lupa. 

"T-ta...tay?" walang lakas kong sabi. Ang dugo ni Tatay ay nagkalat sa lupa habang ang mga mata ay dilat pa at nakatingin sa akin pero wala ng buhay. 

Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko. Halos di na ako makahinga. Parang nauubusan ako ng hangin. Pagtingin ko sa unahan nakita ko si Ate, nakaluhod at may nakatutok na baril sa ulo niya.

Nagpang-abot ang tingin naming dalawa. May nahulog ng luha sa mga mata niya. Dahan-dahan siyang umiling sa akin pero hindi ko siya sinunod. Maliliit ang hakbang kong naglakad palapit sa kanya pero bago pa man ako tuluyang makalapit, isang putok ng baril ang tuluyang nagpatigil sa akin. 

Nakita ko kung paano nabuwal ang katawan ni Ate Jing sa lupa. May tama sa ulo at nagsimulang kumalat ang dugo. Sunod-sunod pa siyang pinaputukan ng lalaki.

Mariin kong pinikit ang mga mata. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Nawala na ang takot sa akin. Balewala na kung pati ako barilin niya. 

Sunod-sunod na putok ng baril ang aking narinig. Inaasahan kong may balang tatama sa akin pero wala akong naramdaman. Sa pagdilat ko, ang kulay asul ng pares ng mga mata ang sumalubong sa akin. Nakatayo ilang dipa ang mula sa kinatatayuan ko.

Walang emosyon ang mga mata pero para itong masungit na anghel na bumaba sa lupa.

Bakit anghel? Ganito ba ang mukha ng mga anghel?

Dapat demonyo ang itawag ko sa kanya dahil masama siyang tao. Pero ganito ba kagwapo ang demonyo? 

Masungit ang mukha pero wala namang sungay. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, manipis ang labi. Para siyang artista.  Parang bida ng mga teleseryeng pinapanood ni Ate Jing. 

Ang Ate Jing ko na wala ng buhay. Gusto kong umiyak pero parang natuyo na pati ang mga luha ko. Parang namanhid na pati ang utak at puso ko. 

Sinulyapan ko si Ate Jing, nakadilat ang mga mata nito at may luhang tumulo sa gilid. 

Ang Ate Jing ko...

"Boss, patay din ang tatay." Narinig kong sabi nung lalaki pero hindi niya ito nilingon.  

Humakbang ito palapit sa akin. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya at sa baril na hawak niya. Siguro ito ang Boss na sinasabi nila. Ang lalaking nag-utos na patayin ang tatay ko. 

Nag-isang linya ang kilay niya. pero hindi ako natatakot sa kanya. Hindi na ako takot mamatay. Sinalubong ko ang mga mata niya at hinanda ang sarili para sumama kay Ate at tatay. 

Huminto ito sa harapan ko. Mas humigpit ang hawak niya sa gatilyo ng baril. Pagkatapos pinantay niya ang tingin sa akin. Saka ko pa naramdaman ang panginginig ng katawan ko. Nag-uunahan ng mga luha sa aking pisngi at sunod-sunod na kumawala ang aking hikbi. 

Hindi pa pala ako handang mamatay. Ang sabi ni Ate kahit ako man lang mabuhay. Sisikapin kong mabuhay para mabigyan sila ng hustisya ni Tatay. 

Makikiusap ako sa kanya na wag akong patayin pero bago ko pa mabuksan ang aking bibig nauna na itong magsalita sa akin. 

"Close your eyes kid, it's just a nightmare." Ang huling salitang narinig ko, bago ako nawalan ng malay.

__________________________

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Thank you Ms A sa new novel niyo po.Take care and God Bless
goodnovel comment avatar
Miecel Entima
ohh...andito n c baba..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 1

    "Gusto mo maging Engineer? Ako gusto ko maging teacher."Nahinto ako sa pag-gigitara pagkarinig ko sa usapan ng mga batang kasama kong nakatira dito sa ilalim ng tulay. Oo dito sa ilalim ng tulay, minsan sa likod ng simbahan, sa park, sa terminal at kung saan kami aabutin ng gabi. Ito na ang naging tirahan ko sa loob ng limang taon. "Ako gusto ko maging doctor.""Gusto ko maging macho dancer.""Ako gusto ko maging snatcher.""Ako bold star.""Ako blagger"Sila ang mga batang kasama kong nakikipaglaban sa hamon ng buhay sa araw-araw. Madami kami dati pero ang iba hindi ko na alam kung saan napunta. Sampung taong gulang ako ng tumakas ako sa bahay ampunan. Nang inampon ang kaisa-isang kaibigan ko doon at maiwan akong mag-isa, nawalan ako ng pag-asang may umampon pa sa akin. Kaya kesa mabaliw ako kasama ng mga matatandang madre na kulang sa dilig mas minabuti kong tumakas nalang."Ikaw Ate Chichay, anong gusto mo paglaki?" Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang isali nila ako sa usapan

    Huling Na-update : 2024-11-05
  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 2

    "Ay bet ko yun, ang talino mo Luningning! Hindi ako nagkakamaling maging bff ka!" Sa lakas ng hampasan nila, sigurado akong malalamog ang mga braso ng mga ito mamaya. Pwede namang magtawanan lang bakit kailangan pang maghampasan?Ang weird lang tingnan na kahit parang nagkakasakitan na silang tatlo, tawang-tawa pa rin ang mga ito. Meron palang ganun? Pwede pala ang ganun?"Ikaw naman Milagring, anong kaya mong gawin 'pag nangyari yun?" Tanong ni Mariposa. Nag-isip pa si Milagring pagkatapos pilya itong ngumiti. "Hindi mangyayari sa akin yun Mariposa dahil yung forever ko mismo ang pipigil. Alam niyo naman ako, palaban ako. Kaya kong gawin lahat, kaya kung lunukin yung mga hindi dapat nilulunok." Gago! Ano daw? Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanila. Parang nagloading ang utak ko saglit. Tama ba ang narinig ko. Si Milagring pa talagaa ng nagsabi nun? Hindi naman ako inosente sa mga ganung bagay dahil dito sa lansangan kung ano-ano ang mga nakikita namin. Pero hindi pa rin

    Huling Na-update : 2024-11-05
  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 3

    "Chichay, ilang taon ka na nga ba?"Natigil ako saglit sa pagbubuhat ng mga basket ng gulay ng magtanong sa akin si Aling Terry. Andito ako ngayon sa pwesto niya sa palengke nagbubuhat ng mga gulay na delivery para sa kanya. Madaling araw palang kanina gising na ako para magtrabaho dito sa palengke. Ikalawang raket ko na itong pagbubuhat ng mga gulay. Kaninang madaling araw yung mga isda ni Aling Mayang ang binuhat ko. Kargador ako dito sa palengke. Kahit babae ako batak na ang katawan ko sa mga ganitong uri ng trabaho. Sanay na ako magbuhat ng mga mabibigat na bagay. Nagsimula akong maging kargador noong labing dalawang taong gulang ako. Ito ang trabahong naisipan kong pasukin simula ng magbagong buhay ako. Dati akong snatcher dito sa palengke.Wala akong ibang alam na pwedeng pagkuhanan ng pera noong tumakas ako sa bahay ampunan. Noong una, namamalimos ako pero ilang beses akong natutulog ng gutom at kumakalam ang sikmura. Naalala ko ilang beses akong nagkasakit, nanginginig ako

    Huling Na-update : 2024-11-14
  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 4

    Hindi ako sumagot at gaya ng nakasanayan walang emosyon ang mukha ko. Anong klaseng extra? Kung marangal naman, ayos lang. Hanggat maari papanindigan ko itong pagbabagong buhay ko. "Baka gusto mong maging janitress. Yung anak ko nagsabi may hiring daw doon sa opisina nila. Umalis daw kasi ang isang janitress kaya ngayon kailangan nila ng isa. Kailangan na daw talaga nila kasi kababalik lang nung Boss nila at yung umalis na janitress ay doon naka-assign sa opisina nya."Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Sixteen palang ako, ang alam ko eigteen ang edad bago ka makapasok ng nagtatrabaho sa mga opisina."Sayang naman kasi kung dito ka lang sa palengke. Sa totoo lang naawa ako sayo, Chichay. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan mo pero alam kung may mabuti kang puso. Gusto man kitang tulungan at doon sa bahay patirahin pero alam mo namang maliit lang din ang bahay namin."Tango lang ang sagot ko sa kanya. Wala din naman akong balak makitira kahit k

    Huling Na-update : 2024-11-14
  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 5

    "Pagpasensyahan mo na ang Kuya Gustavo ko ah, nagsusungit na naman." So, Gustavo pala ha?Yun pala ang pangalan ng masungit na yun? Ang bantot! Kasing bantot ng bunganga nya. Ang pangit ng pangalan, pangmatanda. Sabagay, bagay naman yung pangalan nyang pangit sa kanya dahil pangit na gurang naman na sya. Gurang na masama ang ugali. Kung alam ko lang na siya ang may-ari nitong kompanyang pinagtatrabahuan ni Maribeth, hindi ako pupunta dito. Nunca na itatapak ko mga paa ko dito.Ang yabang! Akala niya naman ikinagwapo nya ang pagyayabang nya.Ano sya gold?Ang sungit ng ungas!Dragustavong pangit!Mapadaan lang ulit yun sa palengke kundi babangasan ko ulit ang sasakyan nun. Bubutasan ko ang gulong, babasagin ko ang salamin at gagasgasan ko. Mas matindi pa dun sa ginawa ko sa unang sasakyan niya.Hindi lang bagoong ang itatapon ko sa kanya kundi yung tubig dun sa imburnal na kasing sangsang ng bibig niya. Pangit na nga pagmumukha, ang sama pa ng pag-uugali! "Pero mabait yung Kuya ko

    Huling Na-update : 2024-11-15
  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 6

    Nang ma-inlove ako sa'yoKala ko'y pag-ibig mo ay tunayPero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulayAng iyong kilay mapag-mataas at laging namimintasPero sarili kong pera ang iyong winawaldasI was annoyed as fuck, like fucking fuck! Dahil ang lintek kong kapatid kanina pa kanta ng kanta. Ang sarap na sungalngalin ng bibig nya sa sobrang ingay. The heck with that song? Is that the new trend now? Ang baduy! He is here inside my office. Kanina ko pa sya pinapalabas pero ayaw niya. This fucker really enjoy annoying me. He feels like he's in a concert and I am his fan. He's holding the remote, making it as his microphone while singing on top of his lungs like a fucking idiot.Para kang sphinx ugali mo'y napaka-stingKung hiyain mo ko talagang nakaka-shrinkGirlie biddy bye bye don't tell a lieBakit mo ako laging dini-deny"Will you please shut your fucking mouth!? I can't fucking work!" I scolded him once again but the brute didn't listen to me. Humakbang pa ito palapit sa akin

    Huling Na-update : 2024-11-16
  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 7

    "Chiara, totoo ba na inaway mo si Sir Gustavo kaya ka tinanggap dito? Balita sa buong kumpanya ang nangyari sa inyo sa coffee shop ah."Parang ang weird pakinggan diba? Pero parang ganun nga ang nangyari. "Ang astig mo daw. Alam mo ba na walang nakasagot-sagot dyan kay Sir Gus? Gulat nga daw lahat ng empleyado na nakasaksi eh. Akala nila sa kulungan ang bagsak mo pero iba ang nangyari. Ekwento mo nga sa akin kung ano ang nagyari, Chiara."Hindi ako nagkomento kay Cherry dahil una wala akong ganang makipag-usap, pangalawa busy ako sa pagma-mop ng sahig at pangatlo ayaw kong gawing big deal ang pagtanggap sa akin dito sa kompanya ng mga Sandoval.Inaamin ko nagulat ako nung una at wala pa sanang balak na tanggapin ang trabaho pero ang makulit na kapatid ng may-ari nito ayaw akong tantanan. Hindi talaga ako iniwan ni Sir Gaston hanggat hindi natapos lahat ng kailangan ko sa araw na yun. Sinamahan niya pa ako sa HR nila at siniguradong matatapos lahat ng kailangan ko.Masaya akong tinang

    Huling Na-update : 2024-11-17
  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 8

    "Stay, Andromeda."Tinaliman ko ng tingin ang lalaking pangiti-ngiti ngayon sa harapan ko. Ang walang hiya muntik pa akong kargahin kanina nung nagmatigas ako. Kung hindi ko lang sya naitulak baka parang sako niya na akong binuhat sa harapan ng mga empleyado niya.Ang ending, para tuloy akong batang hila-hila niya hanggang sa makarating kami dito sa opisina niya. Lintek talaga! Hindi man lang ba niya naisip ang kahihiyan ko? Ano nalang ang sasabihin ng mga kasamahan ko? Sigurado akong pinagpi-pyestahan na naman nila ako ngayon. Ano bang akala ng lalaking to sa akin, kung sino-sino lang na babae na basta niya nalang bubuhatin?Hindi ba siya nag-aalala sa kung anuman ang sabihin ng mga empleyado niya dito? Hindi man ba niya naisip ang reputasyon niya?Eh kung kasuhan ko kaya siya ng illegal...ano nga ba ang kasong yun? Illegal position? Illegal parking? Ah basta!" Stop frowning, Andromeda. You eat first" Isa-isa niyang binuksan ang mga pagkain sa harapan habang ako ay nakasimangot

    Huling Na-update : 2024-11-18

Pinakabagong kabanata

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Epilogue Last Part

    "Pandiwa."I saw how Andromeda stopped from making her assignment and shifted her gaze at the three kids. She also looked at me but I pretended that I didn't hear them. I lowered my head acting like I'm busy reading her assignments. Milagring read that word 'pandiwa' from her notebook out loud facing the two other girls, Luningning and Mariposa, whose face were now plastered with a playful grin. Alam kong may kalokohan na namang pumasok sa isipan ng mga batang 'to. Sila yung mga batang hindi nauubusan ng kalokohan. Probably because they grow up in the street. Kung ano-ano ang mga naririnig at nakikita nila sa paligid. But other than being maloko at palabiro, they are the sweetest and very respectful kids.I saw how they treated my baby with so much love and respect. They treated each other like family. They're so adorable and amazing children. Despite the hardships they've been through they never gave up on life.Andromeda and the kids are going to school now and every night after

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Epilogue Part-2

    "Dragustavo what?" Gaston Pierre exclaimed laughing. The brute saw me already and he smiled even more." Oo dragustavo dahil mukha siyang dragon na pangit."Dragustavo?D-dragustavo what?! Same reaction with my brother when I heard that word clearly coming from her mouth. Seems like she's mad at me but I don't even know her. Sabagay hindi na ako magtataka kung madaming galit sa akin.The fuck he called me? Pangit? This face? "Dragustavong pangit? Si Kuya Gustavo ko?"Gaston repeated looking at me while asking those questions. Really Gaston Pierre are you really confirming in front of me that I am pangit?I'm way more handsome than the five of you combined. You all didn't even made it to one fourth."May iba pa ba? Malamang yung kuya mong dragon! Kulang nalang bugahan ako ng apoy ng kapatid mong pinaglihi ata sa dragon na masama ang loob."What the hell is happening right now? Can someone explain this to me? Did this young miss just called me dragon?What did I do to her? I don't reme

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Epilogue Part-1

    "Gagi Kuya, seryoso? Nasira daw ang vintage car mo? Sinong gumawa?" I looked at my brother annoyed. Ke aga-aga alam niya na agad ang chismis? Wala bang ibang pinagkakaabalahan ang lalaking 'to? "Bat mo kasi dinala sa palengke Kuya? Anong akala mo nasa BGC ka? Tsaka anong ginagawa mo dun?" Oh about that, I couldn't tell him my reason dahil alam kong di niya ako titigilan sa mga tanong nya. But I was there dahil may nakapagsabi sa aking may lead na daw sila dun sa nawawalang bata nung magsasakang pinatay. Ang batang naging dahilan kung bakit ako nakulong ng anim na buwan. I've been looking for that kid, for a while now. But I am not sure if I can still recognize her face. By now, if I'm not mistaken maybe she's teenager already. Fourteen, fifteen or sixteen perhaps. "What are you doing here Gaston Pierre? Tapos mo na ba ang trabaho mo?" I ask him instead but the spoiled brute just pouted his lips like a kid. Pumunta pa ito sa harapan ko at umupo na akala mo talaga ang laking abala

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 49

    Hinayaan ko siyang umiyak at ilabas lahat ng mga nagpapabigat sa puso niya. Kahit sa gAnung paraan man lang maibsan ang sakit na dinadala niya. That night Gustavo slept with a heavy heart. Nakatulugan nito ang pag-iyak habang yakap ako. Nalulungkot ako sa nangyayari sa pamilya nila pero wala naman akong magagawa. Tanging magagawa ko lang ay ang suportahan ang asawa ko. Kinabukasan maaga na naman itong gumising. Balik sa pag-aasikaso sa negosyo nila. It was like a routine for him. But despite his busy schedule he never fails to take care of me. He still finds way to go with me for my check ups. He still wakes up in the middle of the night checking if I am okay and the babies inside my tummy. He knew about my pregnancy already. It was supposed to be a surprised but one time he had a breakdown and I don't know what to do with him anymore. Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin sa kanya. I gave him something he could look forward to. And I can say that it helped him. May surp

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 48

    Once again, another story has reached an end. This is the second installment of my Sandoval Series. 2/7 completed. Thank you so much AVAngers for being with me in Baba and Chichay's journey! Salamat sa iyakan at tawanan, sa mga tampuhan at walang sawang pagsuporta nyo sa akin. Thank you for the votes, comments and for sharing my stories. Most of all, thank you for being patient with me and for not leaving me. I wouldn't reach this far if not all because of you and I will be forever grateful for that. Maraming, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa akin. Sana may nakuha kayong aral sa pagmamahalan nina Gustavo at Chiara. See you in my next story. Who do you think? Another series will be posted soon. Labyu all mga Langga! Amping mong tanan sa kanunay. Life is short always choose to be happy. God Bless us all! ________________________________ Sunod-sunod ang mga pagsubok na dumating sa pamilya namin ni Gustavo. Namatay si Lolo Ignacio, ang lolo ni Camilla a

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 47

    "Thank you Atty. Gonzales—"I was cut off from thanking our lawyer Atty. Tristan Angelo Gonzales when a soft grip touched my wrist. Pagtingin ko sa may -ari ng kamay na nakahawak sa akin, nasalubong ko ang luhaang mukha ng doktora. Hindi paman ako nakapagsalita nang dahan-dahan nitong binaba ang katawan para lumuhod sa aking harapan. "What are you doing Miss Gatchalian? Stand up.""Chiara..." Lumakas ang pag-iyak nito ang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Agad naman akong inalalayan ni Gustavo para ilayo sa kanya. "Let's go, Baby." Sabi ni Gustavo sa akin pero hindi ko maalis ang tingin sa babaeng nakaluhod sa harapan ko. "Please G, I just want to ask something. Nakikiusap ako wag muna kayong umalis.""Stand up, Dra. Gatchalian." Mahina kong sabi sa kanya. Ang mga tao sa paligid ay nabaling na ang tingin sa amin. "Your dad admitted to his crimes. If you want to file a petition our lawyer will see you in court."Sunod-sunod itong umiling. Humahagulhol na pero wala akong na

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 46

    "Baby, are you really sure about this? Ako ang mapapagalitan ng Tito mo kapag tumuloy tayo—" tinaliman ko ng tingin si Gustavo kaya natigil ito sa pagsasalita. Siya ang nagmamaneho at papunta kami ngayong presinto imbes na magpahatid sa mansion ni Tito Conrad. "Mas natatakot ka kay Tito Conrad kesa sa akin, Gustavo?" Maldita kong tanong sa kanya."Sabi ko nga tuloy tayo, Baby. Maano ba't mabugbog ako ni General basta wag lang magalit ang asawa ko. Ayos na ako doon." Malambing itong tumingin sa akin at pilyong kumindat. Inabot niya pa ang kamay ko at dinala sa kanyang labi. "Wag na simangot ang baby na yan, labyu!" Nakangiti nitong sabi pero inikutan ko lang ito ng mata. Ayokong sungitan si Gustavo pero nitong mga huling linggo napapansin ko na madaling mag-init ang ulo ko sa kanya. Mabilis akong mairita kapag nakikita ko sya lalo na ang kulay asul niyang mga mata pero kapag hindi ko naman sya nakikita nalulungkot din ako. Gusto ko nasa tabi ko lang sya at wag lang magsalita. Basta

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 45

    Third person POV"Montenegro, I'm reminding you. We are not criminals here." Nathaniel said in low voice reminding Gaden because the brutes looks so furious. His jaw is clenching like he's ready for a battle. Magkatabi silang dalawa ngayon pero para itong walang kasama. Ni hindi man lang sya tinapunan ng tingin. "Lucas are you listening?" Uli ni Castillo pero hindi sya pinansin ng huli. Tila ba wala itong narinig. Kanina pa ito hindi mapakali. Madilim at diritso ang tingin nito sa unahan habang mahigpit at nagngangalit ang mga ugat na hawak ang baril nya. Sa kanilang magkakaibigan si Gaden ang isa sa pinaka masayahin, pinaka maligalig at pinaka magaling makisama pero sya din ang pinaka iba sa lahat kapag nagagalit. Nawawala ito sa sarili niya.Tumawag kanina ang mga tauhan nila para ipaalam na nahuli na nila ang mga lalaking gumawa ng krimen sa pamilya ni Chiara at Jia."We are all mad at what they did but we need to control ourselves. Remember, we are not criminals here?" Kalmado

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 44

    "Chiara?" I am lost for words. My knees are trembling, my whole body is shaking, my eyes are blurry because of the tears. Gustavo is calming me but I can't contain my emotions anymore. I feel like my head turns numb. I can't think of anything to say while looking at the woman whom I though I wouldn't see for the rest of my life. She changed. Everything about her changed. Her body, her hair, her aura but still my heart recognizes her. My heart remembers every detail about her. She is still the same person I know before. The person who first taught me of everything. The one who taught me how to see life in a beautiful perspective despite the hardships. The one who taught me how to love, how to fight and how to dream. My first teacher. My first bestfriend. My Ate Jingjing. Oh God. My Ate Jingjing is here. She is here. She is alive. Is this for real? Am I not dreaming? Totoo ba talagang buhay ang Ate ko? Hindi ba ito guni-guni lang? Ito na ba ang sinasabi ni Gustavo na b

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status