"Gusto mo maging Engineer? Ako gusto ko maging teacher."
Nahinto ako sa pag-gigitara pagkarinig ko sa usapan ng mga batang kasama kong nakatira dito sa ilalim ng tulay. Oo dito sa ilalim ng tulay, minsan sa likod ng simbahan, sa park, sa terminal at kung saan kami aabutin ng gabi. Ito na ang naging tirahan ko sa loob ng limang taon.
"Ako gusto ko maging doctor."
"Gusto ko maging macho dancer."
"Ako gusto ko maging snatcher."
"Ako bold star."
"Ako blagger"
Sila ang mga batang kasama kong nakikipaglaban sa hamon ng buhay sa araw-araw. Madami kami dati pero ang iba hindi ko na alam kung saan napunta.
Sampung taong gulang ako ng tumakas ako sa bahay ampunan. Nang inampon ang kaisa-isang kaibigan ko doon at maiwan akong mag-isa, nawalan ako ng pag-asang may umampon pa sa akin. Kaya kesa mabaliw ako kasama ng mga matatandang madre na kulang sa dilig mas minabuti kong tumakas nalang.
"Ikaw Ate Chichay, anong gusto mo paglaki?"
Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang isali nila ako sa usapan nila. Madalas tahimik lang ako at kung may marinig man sila sa akin yun ay ang tunog ng gitara ko. Tunog lang dahil hindi naman ako kumakanta.
Abugado.
Gusto kong isagot pero mas pinili kong tumahimik.
Gusto kong maging abugado dahil...
Yun ang pangarap ko pero alam kong malabo nang mangyari. Limang taon na akong nahinto sa pag-aaral. Gustuhin ko mang pumasok sa paaralan wala akong mga dokumento. Tanging mga lumang damit at ang gitara na dala-dala ko nung dumating ako sa ampunan lang ang dala ko nung tumakas ako sa bahay ampunan.
Marunong akong magbasa at magsulat. Kapag may nakikita akong newspaper o anumang papel na may nakasulat iniipon ko yun at kapag wala akong ginagawa yun ang binabasa ko. Kahit hindi ko masyadong naiintindihan yung ibang salita basta pinapractice ko lang. Ayokong makalimot sa pagbabasa.Ayokong makalimutan ang tinuro ni Ate sa akin. Kahit mahirap ayoko namang tumandang walang alam.
Hanggang sa nasanay na ako sa mga salitang nababasa ko sa newspaper. Marami na rin akong natutunan, nakakaintindi rin ako ng ingles at kahit papano nakakapagsalita din naman. Yun nga lang mas madalas akong tahimik lang.
Sinubukan ko namang pumasok sa paaralan noon pero isang araw lang. Tumigil ako dahil kapag nag-aral ako wala akong kikitaing pera buong araw, ibig sabihin wala akong makain.
Dito sa lansangan walang libre, kanya-kanyang kayod kaming lahat. Hindi pwede dito ang umasa sa iba. Isang araw, dalawa o tatlo pwede pa pero kapag higit na doon hindi na pwede. Dito sa lansangan bawal ang tamad. Kapag tamad ka at walang diskarte gutom ang aabutin mo.
Limang taon na ako dito sa lansangan, apat na taon ginugol ko kasama ang mga batang ito at isang taon sa...
"Libre lang naman mangarap Ate Chichay. Pili ka lang, Abugado, doktor, nars, teacher, stewardes o di kaya yung mga nagtatrabaho sa opisina." Sabi ni Luningning, siguro napansin nitong natigilan ako. Tumayo pa ito at lumipat ng upo sa tabi ko. Maganda si Luningning, singkit at maputi.
"Pwede ka ding mag-artista Ate Chichay kasi maganda ka. Ang ganda ng pagkaitim ng mga mata mo. Para kang manika na may mahabang pilik mata, matangos na ilong at mapupulang labi. At ang buhok mo kahit walang suklay maganda pa rin. Alam mo yung manika na gusto kong bilihin dun sa Mall Ate? Yung sinasabi ko sayo dati, yun! Ganun ka kaganda. Siguro kong sa mall kita nakita at hindi dito sa lansangan mapagkakamalan kitang mayaman." Malawak ang ngiti nito sa akin pero hindi ko magantihan ang ngiti niya. Hindi ko alam paano ngumiti.
"Ano Ate, samahan ka ba namin mag-audition sa Big Boss House?"
Tang! Ano daw?
Ang Big Boss House ay yung malaking bar na sikat dahil sa mga special offers nito. Hindi ko na isa-isahin kung ano-ano ang mga yun.
"Huy gagi ka Luningning! Bar yun, bawal si Ate Chichay dun kasi naghuhubad daw ang mga sumasayaw doon." Siya naman si Milagring. Maganda rin, palangiti, morena at matangos ang ilong.
"Naghuhubad, Milagring?" Naeskandalong tanong ni Mariposa. Ang pinaka kikay, medyo cute ang height at may dimples.
"Wag nga kayo magkunwari, arte nyo! Tayong tatlo kaya ang sumilip dun."
Sabay nanlalaki ang mata ng dalawa at umiiling na tumingin sa akin. Pinanliitan ko sila ng mata. Alam nilang ayaw kong nagsususuot sila kung saan-saan. Di baleng ako nalang.
"Hindi namin sinasadya, Ate Chichay. Ang tagal kasing bumalik nung kuyang nagpabantay ng sasakyan nya eh kaya sinilip namin doon. Inaantok na kasi kami pero hindi pa sya bumabalik. Ang sabi nya bantayan daw namin yung kotse nya at wag pagasgasan tapos babayaran nya daw kami. Sayang din yung ilang oras naming pagbabantay ng sasakyan nya kung hindi naman sisingilin. Tsaka Ate, promise po hindi talaga namin alam na naghuhubad pala mga dancers doon." mahabang paliwanag nila sa akin.
"Tama na." Saway ko sa kanila at baka marinig pa ng ibang mga bata. "Wag niyo ng ulitin. Sige na matulog na kayo."
Tatalikod na sana ako sa kanila pero muling nagsalita si Mariposa.
"Alam mo ate ang ganda mo. Alam ko na kung ano mas bagay kay Ate Chichay, Luningning."
"Ano?" Tanong ni Luningning na may kuryusong tingin kay Mariposa.
"Mas bagay kay Ate Chichay maging Senyorita. Maging Madam nating lahat. Gaya nung mga nakikita ko sa palabas. Yung nakatira sa may hacienda, maraming mga serbedora tapos uutos-utos nalang. Yaya pagtimpla mo ako ng kape with sugar." pumalakpak pa ito sa hangin na parang nag-uutos.
"Yaya gusto ko sinigang." Dagdag ni Luningning
"Yaya, puto at dinuguan." Si Milagring
"Yaya, bagoong at saging." Si Mariposa ulit.
Pagkatapos malakas silang nagtawanan. Naiiling akong tumingin sa kanila. Yan ang nakukuha nila kakanood ng mga palabas sa tv dun sa may carenderia. Kung ano-anong imposibleng bagay ang naiimagine.
Imposibleng mangyari yun sa akin. Saka hindi ko din pinangarap maging mayaman. Ayoko so mayayaman dahil sila ang dahilan bakit ako nagkaganito. Sila ang dahilan bakit ako nag-iisa ngayon.
"Sa ganda ni Ate Chichay hindi malabong mangyari yan, Milagring. Malay natin makapangasawa sya ng mayaman. Yung may-ari ng hacienda, may malawak na niyugan, may rancho, may bakahan at iba pa. "
Silang tatlo ang una kong nakilala dito sa lansangan. Hindi sila magkakapatid pero silang tatlo ang magka-sanggang dikit. One for all, all for one. Hindi sila napaghihiwalay. Ang sabi nila sa akin, nakahanap sila ng pamilya sa isa't-isa kaya ganun ang turingan nila.
Parehas silang iniwan ng mga magulang. Si Luningning, iniwan sa tiyahin nya ng nanay nung makapag-asawa ng hapon. Si Mariposa naman hindi alam kung saan ang mga magulang. Lumaki sa kapatid ng nanany niya pero tumakas ito sa tiyuhin dahil muntik syang magahasa. Si Milagring naman ay wala ng mga magulang, kagaya ko galing din ito sa bahay ampunan at tumakas dahil pinagmalupitan.
Dito sa lansangan may kanya-kanyang storya ang mga bata. Kanya-kanyang hirap na pinagdaanan. Kanya-kanyang laban sa hamon ng buhay. Sa murang edad ang mga bata dito ay pinatatag ng mga pangyayaring hindi dapat nila naranasan.
"Alam mo Ate Chichay sa ganda mong yan di na ako magtataka kung makapangasawa ka ng mayaman. Bagay kay Ate Chichay yung super pogi, diba Mariposa?"
Tumango ito ang nagningning ang mga matang tumingin sa akin. " Yung masungit na gwapo, Luningning?"
Tumango si Milagring. " Yung maginoo pero medyo bastos? at yung nambabalibag?"
Kinikilig silang tatlo sa palitan nila ng salita. Umiirit pa ang mga ito. Thirteen years old palang sila pero kung ano-ano na ang nai-imagine nila.
Sabagay hindi lang naman sila ang naririnig kong nag-uusap ng ganun. Yung ibang bata nga dito sa lansangan, thirteen years old palang may karanasan na sa mga bagay na di nila dapat ginagawa. May ibang nabubuntis pa.
Mahirap na nga ang buhay, lalo pa nilang pinapahirap.
Wala din naman akong magagawa dahil buhay nila yun. Sila ang may kontrol sa kung ano ang gusto nilang gawin.
Gaya ko, ako ang may kontrol sa buhay ko.
I have no one, but myself.
I have to because no one will look after me.
Akala ko tatahimik na ang mga ito pero kulang pa pala.
"Alam mo bagay kay Ate Chichay yung lalaki na blue ang mata." Si Mariposa ulit.
"Na matangos ang ilong?" Si Luningning
"Na mapula ang mga labi?" Si Milagring.
"At... malaki ang?" Naghawak kamay silang tatlo. " katawan! " Mapanabay nilang sabi, pagkatapos kinikilig na naghahampasan at nagsasabunutan.
Mga weird.
Magkaedad silang tatlo, dalawang taon lang ang tanda ko sa kanila. Kahit bilang lang ang salita ko sa kanila hindi nila ako tinitigilan kakadaldal. Minsan nga naalala ko sa kanila ang kaibigan ko dun sa ampunan. Siguro kung hindi siya inampon kaming dalawa din ang maging magbestfriend hanggang ngayon.
Kumusta na kaya siya? Maayos kaya ang kalagayan nya ngayon? Minahal at inalagaan kaya sya nga mga taong umampon sa kanya?
Wag sana siyang magaya sa akin.
Sana balang araw magkita tayo ulit, Cara. Ingatan mo ang sarili mo at magpakatatag ka.
"Kapag naging senyorita na si Ate, tayong tatlo at itong mga kulugong andito ang magiging alipores ni Ate Chichay. Ay mali! Dapat ngayon palang senyorita Chichay, mani-- ano ngayon, mani-pesting, tama manipesting daw tawag dun narinig kong sabi nung babaeng maarte dun sa plaza. Dapat daw e-manipesting mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay."
"Manipesting Senyorita, Chichay!" Sabay na irit nilang tatlo. Nag-apiran pa ulit sa harapan ko. Pati tuloy ang mga batang nagbibilang ng mga barya nila ay napalingon sa amin.
" Ako ang magiging Mayordoma. Targetin ko ang bunso nina Senyorito. Kung wala naman kapatid, yung mga kaibigan o di kaya kamag-anak. Sigurado akong mga gwapo din yun. Sabi nga nila, birds with the same feather, fucks together." Si Mariposa ulit sabay baling kay Milagring at sabunot. "Ingles yun Milagring, ingles!"
Anong sabi nya fuck o flock? Tatanungin ko sana ito pero bago pa ako makapagtanong nagsalita na si Milagring.
"Ako naman ang hardinera Luningning, Mariposa. Tapos sa harden ni Senyora, doon ko makikita ang aking forever. Parang Eba at Adan ang peg. Malay natin isa sa mga kapatid ni Senyorito mapagawi sa harden at pitasin ako. Eh di jackpot! May pitasan na, may diligan pa." Naghahampasan ulit sila.
Noon paman pansin kong parehas na pilya ang tatlokaya nagkakasundo ang mga ito. Pumepreno lang ang mga bibig ng mga 'to kapag alam nilang nakikinig ako sa kanila.
"Ako naman ang gusto maging baka."
"Baka?" Mapanabay na tanong ni Mariposa at Milagring. "Bakit baka, Luningning?"
Pilya itong ngumiti sa kanila bago sumagot. "Gusto ko gatasan ako ng senyorito."Tapos humalgapak ang tawa nito ng makitang laglag ang balikat ng dalawa.
Muli silang nagharutan tatlo. Ang saya nilang tingnan pero hindi ko alam paano makisaya sa kanila. Ni hindi ko na alam kung paano ngumiti o kaya ko pa bang ngumiti. Iniisip ko palang parang ang hirap-hirap na.
Ilang taon na ba akong ganito?
Pakiramdam ko buhay nga ako pero para naman akong patay. Ang mga mata ko ay walang kabuhay-buhay. Hindi ako marunong ngumiti at bilang lang kung magsalita. Para akong nakatira sa kadiliman at naghihintay ng...hindi ko alam.
Ano nga bang hinihintay ko?
Bakit ganito ako? Bakit parang wala akong pakiramdam? Bakit matigas ang puso ko?
"Pero paano pala pag ayaw ng magulang sayo tapos bigyan ka sampung milyon para layuan anak nila ano gagawin mo, Luningning?"
Nalipat ang tingin ko kay Luningning, nag-iisip ito ngayon.
"Hindi ko tatanggapin. Anong palagay nya sa akin cheap?" Palaban nitong sagot pero binatukan sya ni Mariposa.
" Gaga, raulo ka sampong milyon na yun." Sumimangot ito ang nagkamot sa ulo. "Tanggapin mo na.Kahit limampung taon tayong mamalimos dito sa kalsada hindi tayo makakahawak ng ganun kalaking halaga. Uugod-ugod na tayo bie, di tayo makanahap ng ganun. Praktikal lang tayo dapat."
"Kaya nga! Sampung milyon lang? Ang liit naman. Gawin niyang 10.5, papayag ako!" Tapos naghahampasan sila ulit tatlo at nagtatawanan.
"Ay bet ko yun, ang talino mo Luningning! Hindi ako nagkakamaling maging bff ka!" Sa lakas ng hampasan nila, sigurado akong malalamog ang mga braso ng mga ito mamaya. Pwede namang magtawanan lang bakit kailangan pang maghampasan?Ang weird lang tingnan na kahit parang nagkakasakitan na silang tatlo, tawang-tawa pa rin ang mga ito. Meron palang ganun? Pwede pala ang ganun?"Ikaw naman Milagring, anong kaya mong gawin 'pag nangyari yun?" Tanong ni Mariposa. Nag-isip pa si Milagring pagkatapos pilya itong ngumiti. "Hindi mangyayari sa akin yun Mariposa dahil yung forever ko mismo ang pipigil. Alam niyo naman ako, palaban ako. Kaya kong gawin lahat, kaya kung lunukin yung mga hindi dapat nilulunok." Gago! Ano daw? Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanila. Parang nagloading ang utak ko saglit. Tama ba ang narinig ko. Si Milagring pa talagaa ng nagsabi nun? Hindi naman ako inosente sa mga ganung bagay dahil dito sa lansangan kung ano-ano ang mga nakikita namin. Pero hindi pa rin
"Chichay, ilang taon ka na nga ba?"Natigil ako saglit sa pagbubuhat ng mga basket ng gulay ng magtanong sa akin si Aling Terry. Andito ako ngayon sa pwesto niya sa palengke nagbubuhat ng mga gulay na delivery para sa kanya. Madaling araw palang kanina gising na ako para magtrabaho dito sa palengke. Ikalawang raket ko na itong pagbubuhat ng mga gulay. Kaninang madaling araw yung mga isda ni Aling Mayang ang binuhat ko. Kargador ako dito sa palengke. Kahit babae ako batak na ang katawan ko sa mga ganitong uri ng trabaho. Sanay na ako magbuhat ng mga mabibigat na bagay. Nagsimula akong maging kargador noong labing dalawang taong gulang ako. Ito ang trabahong naisipan kong pasukin simula ng magbagong buhay ako. Dati akong snatcher dito sa palengke.Wala akong ibang alam na pwedeng pagkuhanan ng pera noong tumakas ako sa bahay ampunan. Noong una, namamalimos ako pero ilang beses akong natutulog ng gutom at kumakalam ang sikmura. Naalala ko ilang beses akong nagkasakit, nanginginig ako
Hindi ako sumagot at gaya ng nakasanayan walang emosyon ang mukha ko. Anong klaseng extra? Kung marangal naman, ayos lang. Hanggat maari papanindigan ko itong pagbabagong buhay ko. "Baka gusto mong maging janitress. Yung anak ko nagsabi may hiring daw doon sa opisina nila. Umalis daw kasi ang isang janitress kaya ngayon kailangan nila ng isa. Kailangan na daw talaga nila kasi kababalik lang nung Boss nila at yung umalis na janitress ay doon naka-assign sa opisina nya."Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Sixteen palang ako, ang alam ko eigteen ang edad bago ka makapasok ng nagtatrabaho sa mga opisina."Sayang naman kasi kung dito ka lang sa palengke. Sa totoo lang naawa ako sayo, Chichay. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan mo pero alam kung may mabuti kang puso. Gusto man kitang tulungan at doon sa bahay patirahin pero alam mo namang maliit lang din ang bahay namin."Tango lang ang sagot ko sa kanya. Wala din naman akong balak makitira kahit k
"You are my uncluttered mess, my organized chaos and my beautiful nightmare." -Gustavo Orion Sandoval-He wants nothing but the best. Be the top of his game and remain on the top for a lifetime. Despite being the youngest most successful CEO, most sought after bachelor, nothing can give him the happiness his heart is longing for years. There's only one woman who can give that to him. The woman who never left his heart and his mind.She's an orphan. At a very young age she managed to live a life on her own. Street smart, fearless and wise. She always dreamed for a better life not for herself but for the family she found in the street. She fell in love and gave her all but he left her heart broken. The man who promised her forever is the same man who broke her young heart. Will the day come he'll gonna find her dream? or She will remain forever a beautiful nightmare?********"Tatay, bakit po wala kayong chicken joy at spaghetti?" Tanong ko kay tatay ng makitang kami lang ni Ate Ji