"Ay bet ko yun, ang talino mo Luningning! Hindi ako nagkakamaling maging bff ka!"
Sa lakas ng hampasan nila, sigurado akong malalamog ang mga braso ng mga ito mamaya. Pwede namang magtawanan lang bakit kailangan pang maghampasan?
Ang weird lang tingnan na kahit parang nagkakasakitan na silang tatlo, tawang-tawa pa rin ang mga ito. Meron palang ganun? Pwede pala ang ganun?
"Ikaw naman Milagring, anong kaya mong gawin 'pag nangyari yun?" Tanong ni Mariposa.
Nag-isip pa si Milagring pagkatapos pilya itong ngumiti. "Hindi mangyayari sa akin yun Mariposa dahil yung forever ko mismo ang pipigil. Alam niyo naman ako, palaban ako. Kaya kong gawin lahat, kaya kung lunukin yung mga hindi dapat nilulunok."
Gago! Ano daw?
Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanila. Parang nagloading ang utak ko saglit. Tama ba ang narinig ko. Si Milagring pa talagaa ng nagsabi nun? Hindi naman ako inosente sa mga ganung bagay dahil dito sa lansangan kung ano-ano ang mga nakikita namin. Pero hindi pa rin tama dahil sobrang bata pa nila.
Nagtatawanan silang tatlo, naghahampasan at naghihilahan pa ng buhok.
"Saan mo natutunan yun Milagring."Seryosong tanong ko. Nagtatakang tumingin ang mga ito sa akin pero kapagkway lumawak ang ngiti nilang tatlo. Makahulugan pa itong nagkatinginan.
"Ang alin Ate?" Inosente nitong tanong.
"Yung huling sinabi mo." Nanatiling seryoso ang mukha ko at lalong kumunot ang noo ko ng sabay na nagtawanan ang tatlo.
"Hala! Si Ate Chichay, dirty minded. Buto ng santol ang tinutukoy ko ate. Ang hirap kaya lunukin nun. Nung minsang nilunok ko yun, kung di pa ako nadala ni Mariposa at Luningning sa ospital siguradong tigok na ako ngayon. Bakit ate ano ba ang nasa isip mo?" Ako naman ngayon ang hindi nakasagot.
"Ikaw ate ha. Kung ano-ano yang pumapasok sa utak mo. Bawal pa kami sa mga ganun ate. Saka na 'pag nahanap na naming tatlo ang mga forever namin na mag-aahon sa amin dito sa lansangan."
"Yung blue ang mata, gwapo, maginoo pero medyo bastos at nambabalibag." Si Milagring.
"Na haciendero at may-ari ng kumpanya." Si Mariposa.
Saka nagkulitan ulit silaNG tatlo. Naiiling nalang akong tumingin sa kanila bago binalik ang tingin sa gitara ko.
Walang ganyan sa totoong buhay, sa palabas at pocketbooks lang ang mga yan. Dito sa mundo ng mga tao ang mayayaman ay para lang sa mayayaman at ang mga mahihirap ay para lang sa mga mahihirap.
There's no such thing like that. It only exist in fairytales.
Binalik ko ang atensyon sa paggigitara. Ito lang ang nakakapagpawala ng pagod ko buong maghapon. Kapag hawak ko ang gitara ko pakiramdam ko ayos na ang lahat. Itong gitara na regalo ng tatay ko at ang bracelet na regalo sa akin ni ate ang dalawang bagay na hindi pweden mawala sa akin.
"Ate Chichay, may crush ka na?" Kapagkway tanong ulit ni Mariposa.
Sa edad kong ito normal lang na magkaroon ng crush pero hindi ko alam kung may kakayahan ba akong makadama ng ganun. Itong puso ko pakiramdam ko parte lang sya ng katawan ko, tumitibok at tumutulong sa pagpump ng dugo pero maliban dun wala na akong maisip na ibang silbi nito.
"Alam mo ate kanina may nakita kaming gwapo. Kamukhang-kamukha nung dinedescribe naming tatlo, gulat nga kami eh. Akala namin cover yun ng magazine na biglang nagkatawang tao."
"Yung mata niya Ate Chichay kulay blue. Mahaba at makapal ang pilik mata, matangos ang ilong, mapula ang mga labi. Para syang artista sa kagwapohan nya Ate. Alam mo yung sa mga telenobela? Yung mga nakasakay sa kabayo? Ganun yung mukha niya Ate."
"Sa palagay ko mayaman yun, ang gara nung sasakyan eh. Kulay itim na bukas ang atip. Astig!"
Natigilan ako pero hindi ko pinahalata sa kanila. Ayokong magpahalata na ang lalaking sinasabi nila ay yung lalaking nagasgas ko ang sasakyan at nasira ang side mirror kanina. At kaya nagawi yun dito dahil hinahanap ako.
Talagang tinotoo nya ang sinabi niya sa aking hahanapin niya ako. Ang kapal ng pagmumukha nyang hanapin ako, eh, sya ang may kasalanan sa akin.
Sa susunod na magkita kami ulit baka hindi lang yun ang aabutin niya. Wag niya lang talaga akong subukan at baka yung utak nya na ang kumalat.
No! I didn't say that. You're not like that Chiara. You're not a criminal.
"Kaso mukhang masungit Ate. Tinitingnan lang ang sasakyan nagagalet agad. Buti nga sa kanya nagasgasan yung sasakyan nya."
Talagang masungit. Sobrang sungit na akala niya sya lang ang may karapatan dito sa mundo. Ang yabang pa na akala mo kung sinong kagwapohan!
Pwe!
Hindi ko naman sinadyang banggain sya. Tsaka kasalanan niya nakita nyang papalapit ako binuksan nya pa ang sasakyan niya. Ang kapal ng mukha! Singkapal na kilay niya.
Gurang na Dragon! Bwesit!
Hindi ko kasalanan kung bakit natapon sa kanya ang isang baldeng bagoong!
OO ISANG BALDE NA PUNO NG BAGOONG!
"What the fuck, kid?!" Parang kulog sa lakas na dumagundong ang boses ng isang lalaki habang nakatingin sa damit nyang basang-basa ng bagoong.
"What the hell did you do?" Mula sa kahalati ng mukha nya hanggang bandang leeg tumutulo ang bagoong na natapon ko sa kanya.
Lahat ng tao ay napatingin sa amin. Ang iba napapatakip na sa kanilang ilong dahil umaalingasaw ang amoy ng bagoong na nakakalat sa katawan niya at sa kalsada.
Habang ako ay parang naestatwa sa kinatatyuan ko. Parang nagloading ang utak ko.
Ang bagoong ko.
Paano ko ito babayaran ngayon?
Patay ako kay Aling Arseng. Delivery ko yun ngayong araw.
"Fuck! What the fuck is this stinky shit?" Pinagpag nya ang mga isdang sumabit sa necktie niya. Ang katas ng bagoong ay tumutulo sa suot niyang itim na parang uniporme nung mga nagtatrabaho sa bangko. May dinukot itong panyo sa bulsa at pinahid sa kalahati ng pinsgi nyang natapunan hanggang sa leeg.
"It's fucking itchy!" sigaw nito ulit. Sa dami ng bagoong na natapon sa kanya kahit pinahid nya na ito gamit ang panyo nya ay parang wala pa rin. Pati ang sasakyan niyang walang atip ay natilamsikan din sa loob.
Hindi ko sinasadyang maitapon sa kanya ang isang baldeng buhat ko sa aking ulo. Saktong tumapat ako sa sasakyan niya ng walang lingon-tingin niyang binuksan ang pintuan nito. Muntik tumama sa p**e ko ang pintuin niya at sa pag-ilag ko nawalan ako ng balanse dahil may naapakan akong bato.
Kung tutuusin kasalan niya dahil hindi sya nakatingin. Wala sya sa tamang paradahan. Andito sya sa loob ng palengke. Hindi niya ito pagmamay-ari at malayo palang nakita nya ako. Kung hindi man niya ako nakita, dapat nagtingin-tingin sya dahil maraming tao dito.
Paano kung di ako nakailag at natamaan ang p**e ko? Tapos maapetukah ang matris ko, tapos nagka-cancer ako? Edi namatay ako?"
Idiot! What are you thinking, Chiara!?
Ah basta hindi ko kasalanan. Pero ang nangyari, sya pa ang galit! Ang kapal ng mukha. Ako na nga ang naabala nya. Ako pa ang tapada.Limang daan din ang bubunuin ko para mabayaran ang bagoong na yun. Kung sana di niya ako muntik masagi at kung sana nagtingin-tingin muna sya sa paligid bago magbukas ng sasakyan niya hindi ko maitapon ang bagoong sa kanya.
"Pasensya na Boss, hindi ko sinasadya." Sabi ko sa patag na boses.
"Fuck! Are you stupid ? Have you seen where you are? This is a road. Who the hell in their fucking mind would carry that mud in their head while walking here in the road? Are you crazy!?" Sunod-sunod niyang mura.
Marahas akong napalunok dahil naintindihan ko lahat ng sinabi nya.
Chill, Chiara.
"Dumb!" Sigaw niya sa akin at nagsimula na naman itong punasan ang damit nya gamit ang kanyang panyo.
One.
"How can I attend my meeting now? Do you know how much money I lose now because of you? Fuck!"
Two.
" Ang tanga mo kasi! You stupid peoplreonly cause trouble. Dapat sa inyo wag pakalat-kalat dito."
Doon ko na hindi napigilan ang galit ko. Gusto kong bunutin ang ang kutsilyo ko at i*****k sa leeg niya hanggang sa maubos ang dugo niya pero pinigilan ko ang aking sarili.
Sa halip kinuha ko ang baldeng nasira na at tinapon ko ang laman sa loob ng sasakyan niya. Pagtapos pinaghahamapas ko ito sa sasakyan nya. Ang natirang laman ay nagkalat. Yung iba tumilamsik pa sa kanya.
"Fuck! Stop! My car, Fuck!" sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Nanginginig ang laman ko sa galit.
"Ang kapal ng mukha mong murahain ako. Wala kang karapatan insultuhin ako! Hindi ikaw ang nagpapakain sa akin!"
Hinampas ko ng hinampas ang balde sa sasakyan nya hanggang sa masira ito.Binuhos ko doon lahat ng galit ko. Hindi pa ako nakuntento. Inikot ko ang side mirror niya at yun naman ang pinagbuntunan ko ng galit.
Nang matanggal ko ang salamin,hinampas ko ito sa hood nya. Hindi ako tumigil nang hindi ko makitang masira ito. Pagkapatos ang matulis na parte ng basag na salamin ay pinanggasgas ko sa sasakyan nya. Nanginginig ang buong katawan ko pagkatapos kong gawin yun.
Binalingan ko sya. "Ngayon? Sino sa atin ang tanga!?" Sigaw ko sa kanya. Parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang galit.
"Ikaw ang bobo! Ikaw ang tanga! Pakyu mo rin!" Tinapon ko pa ang basag na salamin sa kanya pero nakailag ito. "Wala ka sa paradahan! Hindi mo pagmamay-ari ang palengkeng ito kaya wag ka magyabang!"
Hindi ito nakagalaw sa sobrang gulat niya. Ilang minuto itong nakatingin sa sasakayan niyang puno ng gasgas at nangangamoy bagoong.
"What did you fucking do to my car?!" Nagngangalit nag mag panga nitong sabi. Ang kulay asul niyang mga mata ay matalim na nakatingin sa akin pero malakas ang loob ko dahil may bonet akong suot. Mata, ilong at bibig ko lang ang nakikita. Sinusuot ko yun kapag sobrang init.
Kilala na ako dito sa palengke dahil nagbubuhat ako ng kung ano-anong pwede kong e deliver. Kaya kahit magsuot man ako ng bonnet walang sumisita sa akin.
"Hindi mo ba nakikita?"
"You'll fucking pay for this."
Hah! Pay-hin mo mukha mo! Pero hindi ko napaghandaan ang biglang paglapit nya sa akin. Mahigpit nyang nahawakan ang kamay ko.
"Bitiwan.mo.ako." Mahina pero may diing sabi ko sa kanya. Nagkasukatan kami ng tingin. Inaaninag nya ang mukha ko tapos nakita ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi nya.
"Feisty, huh?"
Tatanggalin nya sana ang bonnet na suot ko pero bago niya pa nagawa yun sinipa ko sya sa harapan at natamaan ang hindi dapat matamaan. Nabitawan niya ako at namilipit ito sa sakit. Sa sa sobrang takot ko, mabilis akong tumakbo palayo sa kanya.
Sinundan nya pa ako pero hindi nya na ako nahabol. "I will find you, kid. I will find you!"
I smirked raising my middle finger at him even if he didn't see me.
"See you in hell, monster!" Bulong ko sabay ngiti pero napawi ang ngiti ko nang pagtingin ko sa aking palapulsuhan wala na doon ang kaisa-kaisang alaalang iniwan sa akin ng Ate Jing-jing ko.
___________________________
"Chichay, ilang taon ka na nga ba?"Natigil ako saglit sa pagbubuhat ng mga basket ng gulay ng magtanong sa akin si Aling Terry. Andito ako ngayon sa pwesto niya sa palengke nagbubuhat ng mga gulay na delivery para sa kanya. Madaling araw palang kanina gising na ako para magtrabaho dito sa palengke. Ikalawang raket ko na itong pagbubuhat ng mga gulay. Kaninang madaling araw yung mga isda ni Aling Mayang ang binuhat ko. Kargador ako dito sa palengke. Kahit babae ako batak na ang katawan ko sa mga ganitong uri ng trabaho. Sanay na ako magbuhat ng mga mabibigat na bagay. Nagsimula akong maging kargador noong labing dalawang taong gulang ako. Ito ang trabahong naisipan kong pasukin simula ng magbagong buhay ako. Dati akong snatcher dito sa palengke.Wala akong ibang alam na pwedeng pagkuhanan ng pera noong tumakas ako sa bahay ampunan. Noong una, namamalimos ako pero ilang beses akong natutulog ng gutom at kumakalam ang sikmura. Naalala ko ilang beses akong nagkasakit, nanginginig ako
Hindi ako sumagot at gaya ng nakasanayan walang emosyon ang mukha ko. Anong klaseng extra? Kung marangal naman, ayos lang. Hanggat maari papanindigan ko itong pagbabagong buhay ko. "Baka gusto mong maging janitress. Yung anak ko nagsabi may hiring daw doon sa opisina nila. Umalis daw kasi ang isang janitress kaya ngayon kailangan nila ng isa. Kailangan na daw talaga nila kasi kababalik lang nung Boss nila at yung umalis na janitress ay doon naka-assign sa opisina nya."Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Sixteen palang ako, ang alam ko eigteen ang edad bago ka makapasok ng nagtatrabaho sa mga opisina."Sayang naman kasi kung dito ka lang sa palengke. Sa totoo lang naawa ako sayo, Chichay. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan mo pero alam kung may mabuti kang puso. Gusto man kitang tulungan at doon sa bahay patirahin pero alam mo namang maliit lang din ang bahay namin."Tango lang ang sagot ko sa kanya. Wala din naman akong balak makitira kahit k
"You are my uncluttered mess, my organized chaos and my beautiful nightmare." -Gustavo Orion Sandoval-He wants nothing but the best. Be the top of his game and remain on the top for a lifetime. Despite being the youngest most successful CEO, most sought after bachelor, nothing can give him the happiness his heart is longing for years. There's only one woman who can give that to him. The woman who never left his heart and his mind.She's an orphan. At a very young age she managed to live a life on her own. Street smart, fearless and wise. She always dreamed for a better life not for herself but for the family she found in the street. She fell in love and gave her all but he left her heart broken. The man who promised her forever is the same man who broke her young heart. Will the day come he'll gonna find her dream? or She will remain forever a beautiful nightmare?********"Tatay, bakit po wala kayong chicken joy at spaghetti?" Tanong ko kay tatay ng makitang kami lang ni Ate Ji
"Gusto mo maging Engineer? Ako gusto ko maging teacher."Nahinto ako sa pag-gigitara pagkarinig ko sa usapan ng mga batang kasama kong nakatira dito sa ilalim ng tulay. Oo dito sa ilalim ng tulay, minsan sa likod ng simbahan, sa park, sa terminal at kung saan kami aabutin ng gabi. Ito na ang naging tirahan ko sa loob ng limang taon. "Ako gusto ko maging doctor.""Gusto ko maging macho dancer.""Ako gusto ko maging snatcher.""Ako bold star.""Ako blagger"Sila ang mga batang kasama kong nakikipaglaban sa hamon ng buhay sa araw-araw. Madami kami dati pero ang iba hindi ko na alam kung saan napunta. Sampung taong gulang ako ng tumakas ako sa bahay ampunan. Nang inampon ang kaisa-isang kaibigan ko doon at maiwan akong mag-isa, nawalan ako ng pag-asang may umampon pa sa akin. Kaya kesa mabaliw ako kasama ng mga matatandang madre na kulang sa dilig mas minabuti kong tumakas nalang."Ikaw Ate Chichay, anong gusto mo paglaki?" Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang isali nila ako sa usapan