Share

Chapter 4

Hindi ako sumagot at gaya ng nakasanayan walang emosyon ang mukha ko. Anong klaseng extra? Kung marangal naman, ayos lang. Hanggat maari papanindigan ko itong pagbabagong buhay ko. 

"Baka gusto mong maging janitress. Yung anak ko nagsabi may hiring daw doon sa opisina nila. Umalis daw kasi ang isang janitress kaya ngayon kailangan nila ng isa. Kailangan na daw talaga nila kasi kababalik lang nung Boss nila at yung umalis na janitress ay doon naka-assign sa opisina nya."

Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Sixteen palang ako, ang alam ko eigteen ang edad bago ka makapasok ng nagtatrabaho sa mga opisina.

"Sayang naman kasi kung dito ka lang sa palengke. Sa totoo lang naawa ako sayo, Chichay. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan mo pero alam kung may mabuti kang puso. Gusto man kitang tulungan at doon sa bahay patirahin pero alam mo namang maliit lang din ang bahay namin."

Tango lang ang sagot ko sa kanya. Wala din naman akong balak makitira kahit kanino. Okay na ako dun sa maliit na barong-barong na gawa namin sa ilalim ng tulay. 

"Ano, gusto mo ba? Sasabihan ko ang anak ko para diritso ka nang makapasok dun. May birth certifcate ka ba? Anong papeles meron ka?"

Hindi ako nakasagot dahil wala akong ni isang papeles na dala. Ni hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng mga yun. 

 "Sayang ka Chichay kung dito kalang sa palengke magta-trabaho. Hindi naman sa minamaliit ko itong trabaho natin dito pero bata ka pa eh. Madami pang magagandang bagay ang mangyayari sayo kailangan mo lang ng tulong. Tsaka ang alam ko, hindi kailangan ng mataas na kaalaman doon sa opisina ng anak ko. High school nga lang natapos ni Maribeth eh. Pinasok lang din yun ng tiyahin nyang janitress din doon. Tsaka mabait daw ang mga amo. Ano gusto mo ba?"

Gusto ko ba? Hindi ko alam? 

Anong gagawin ko doon? Wala akong alam sa pagja-janitress. Baka mapahiya lang si Maribeth.

"Marunong ka ba magsulat at magbasa?" tanong nya ulit.

"Opo." Ito ang kayamanang iniwan sa akin ni Ate Jing-jing. Kung hindi sya matyaga sa pagtuturo sa akin dati paano magbasa at magsulat baka hanggang ngayon wala din akong alam. 

"Oh, ayun naman pala. Pumunta ka mamaya sa pamangkin ko dun sa kanto, yung gumagawa ng mga biodata. Alam mo yun diba?" Tumango ako. Oo kilala ko ang pamangkin na tinutukoy nya, ito yung gumagawa ng mga pekeng diploma at papeles. 

" Eti-text ko sya na pupunta ka para magawan ka nya ng papeles at bukas ng umaga wag ka nang pumasok dito. Pumunta sa pinagtatrabahuan ni Maribeth. Kilala mo naman ang anak ko diba?" Tumango ako ulit. Oo kilala ko ang anak nya, matanda lang ito sa akin ng siguro tatlong taon. 

"Saglit isusulat ko ang adress ng pinagtatrabahuan nya. Siguraduhin mong pumunta ka ng maaga ha?" Pumasok ito sa pwesto niya kahit wala pa akong sinabing papayag ako. Pagbalik niya may dala na itong maliit na papel at inabot sa akin. "Punta ka dyan ng maaga. Kakausapin ko mamaya ang anak ko para tulungan ka bukas. Sabihin mo lang sa gwardya na ipatawag si Maribeth."

Tiningnan ko ang nakasulat na address sa maliit na papel. Malapit lang ito dito sa palengke. Walking distance lang, mga labinlimang minutong lakaran lang.

Nag-aalangan akong tumingin kay Aling Terry. Gustuhin ko mang magtrabaho dun madaming rason bakit hindi. Una, alam kong bawal pa ang edad ko. Pangalawa, baka makulong pa ako kapag nalaman nilang peke ang mga papeles ko, pangatlo at madami pa, wala akong maayos na gamit na pwede kong gamitin sa pagtatrabaho doon sakaling matanggap ako. 

"Wag mong sayangin ang buhay mo dito sa palengke, Chichay. Ito na ang oportunidad para sayo. Kunin mo na."

Hindi naman sayang ang buhay ko dito. At least dito sa palengke nabubuhay ako, hindi na ako natutlog ng gutom at kumakalam ang sikmura. Wala na akong kapitbahay sa ilalim ng tulay na umiiyak dahil sa gutom. May silbi din naman itong pagiging kargadora ko kaya hindi sayang.

"Hindi ka nababagay dito Chichay. Alam kong malaki ang puso mo. Baka ikaw pa ang maging daan para makaahon din ang mga batang kasamahan mo dun sa ilalim ng tulay. Sayang kayo, kung madami lang akong pera ako na ang tutulong sa inyo pero alam mo naman din ang katyuan namin diba?" 

Tumango lang ako sa kanya. Sabagay may punto naman sya. Kung makakahanap ako ng trabaho at least matutulungan ko sina Luningning, Milagring at Mariposa. Baka sakaling mabago ko din ang buhay nila. 

"Ito, pahihiramin muna kita ng pera." Inabot nya sa akin ang limang daan. " Alanganin pa akong tanggapin yun pero sinuksok niya na sa palad ko. 

"Tanggapin mo yan. "Siguro napansin niyang alanganin ako. "Bayaran mo ako kapag nakapagtrabaho ka na. Bumili ka ng maayos na damit at sapatos. Pagkasyahin mo lang yan. Pero may uniporme naman sina Maribeth, hindi ka mamo-mroblema sa susuotin mo. Wag kang mag-alala sa edad mo, ang pamangkin ko na ang bahala dun. Tsaka hindi naman halata na hindi ka pa disi-otso, dahil malaking babae ka naman."

Nasa 5'6 ang height ko. Medyo lumaki na din ang katawan ko. Sino ang hindi lalaki kung araw-araw ka ba namang nagbubuhat ng mabibigat?

"O sya sige na, Magtrabaho ka na muna doon. Basta yung sinabi ko sayo wag mo kalimutan. Eti-text ko na si Enting at Maribeth."

"Salamat po, Aling Terry." Yung lang ang tanging salita na lumabas sa aking bibig. Nagumiti sa akin ang matanda. 

"Pinapanalangin ko na balang araw babalik din ang ngiti dyan sa labi mo. Masaya ang buhay Chichay. Hindi ko alam kung anong pinagdaanan mo pero hangad kong magiging masaya ka."

Tumango lang ako sa kanya saka nagpaalam na. Hindi ko alam kung darating pa ba ang araw na yun pero salamat at may maga tao pa palang nag-iisip ng ganun sa akin. 

Sinunod ko lahat ng sinabi ni Aling Terry sa akin. Kinahapunan nung wala na masaydong nagpapalinis ng isda pinuntahan ko ang pamangkin nya para gawin ang pekeng papeles ko. 

Chiara  Andromeda Delgado.

" Ang ganda pala ng totoo mong pangalan  Chichay. Bakit pumayag ka na Chichay ang itawag nila sayo dito? Dapat Chiara o di kaya Andromeda, tunog pangmayaman." Nakangiting sabi ni Enting pagkatapos nitong gawin ang biodata na inutos ni Aling Terry sa kanya. 

Wala namang magbabago kung Chiara o Chichay ang itatawag nila sa akin. Kahit nga inday o anuman ang gusto nila, ayos lang. Wala namang problema dun.

Tinawag lang akong Chichay dahil yung mga bubuwit na kasamahan nina Milagring dati ay nahihirapang bigkasin ang pangalan ko. Actually sina Milagring ang gumawa ng palayaw kung Chichay. 

"O eto iba mo pang papeles, andyan na yung mga ID mo, birth certificate pati na rin diploma mo sa high school. Ginawan kita ng diploma,  sa high school lang muna pero kung gusto mo e level up pwede rin kita gawan ng pang college, lagyan ko pa ng Kumlawde. Sa hitsura mong yan, papasa kang college graduate. Kulang lang sayo, magsuot ng maayos na damit hindi ka na pagdududahan ng mga yun. Matangkad ka, magand--"

"Mauna na ako Enting." putol ko sa kanya. Kung ano-ano na kasi ang pinagsasasabi niya. Binigyan ko sya ng singkwenta, bayad sa mga papeles na pineke nya saka ako umalis para bumili ng mga damit na pwede kong gamitin bukas. 

Isang simpleng blouse na kulay puti at maong na pantalon ang aking nabili. Bumili na rin ako ng mumurahing sapatos para mukha naman akong presentable.

Kinabukasan maaga akong nakiligo sa pampublikong toilet sa may plaza. Sinadya kong agahan dahil kapag nahuli ako madami na anag nakapila.

Pagkatapos maligo kumain muna ako ng agahan. Tapos diritso na ako sa address na binigay ni Aling Terry sa akin dala ang mga requirements na sabi niya ipapasa ko doon.

Dati na akong nagagawi sa lugar na ito. Malayo palang matatanaw na ang mga naglalakihang gusali. Maraming mga empleyado ang nakasuot ng pormal na damit. Ako lang ata ang nakasuot ng blouse at pantalon.

Kanina pa ako dito sa labas. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pag-aaply o uuwi nalang. Natatakot ako na baka malaman nila na hindi totoo ang mga papeles na dala-dala ko at baka makulong pa ako.

Nakita ko ang gwardyang nakatingin sa akin, kinawayan nya ako at pinapalapit sa kanya. Kinakabahan man dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya.

"May kailangan ka Ineng? Kanina ko pa napapansin patingin-tingin ka dito sa gusali."

Pinasadahan ng tingin ng matanda ang kabuuhan ko at magaan itong ngumiti sa akin.

"Mag-a-apply ka ba?"

Nahihiya akong tumango sa kanya. "Opo sana. Magandang araw po pala, Manong."

"Magandang araw naman. May kakilala ka ba sa loob?" Kinakabahan akong tumango sa kanya. Narinig ko ang mahina nyang tawa. "Wag kang kabahan, Ineng. Ayos lang yan."

Hindi ko alam kung ano ang histura ng mukha ko ngayon. Siguro nga halatang kinakabahan ako.

"Mabuti at maaga ka, wala pa masyadong aplikante. Maya-maya madami na ang nakapila dyan. Sinong kakilala mo doon at ipapatawag natin"

"Kilala niyo po ba si Maribeth? Siya po ang hinahanap ko."

"Ah si Maribeth pala hinahanap mo? Oo kakilala ko yun, pero siguro nagsisimula na yung maglinis ngayon. Teka, pasok ka muna at maghintay dun sa waiting area. Ipapatawag ko si muna Maribeth."

Simpleng tango lang ang naging sagot ko kay Manong. Pinapasok niya ako sa loob ng gusali.

Unang tapak ko pa lang agad na sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng paligid.

Ang laki ng gusali. May chandelier, may elevator, may magagandang dekorasyon.

Patingin-tingin ako sa paligid at hindi ko maiwasang hindi humanga. Ang ganda talaga ng loob ng gusali. Ang ganda ng mga palamuti. Ang kintab ng sahig. Ang gaganda ng mga ilaw.

Ang upuan parang ang lambot tingnan. Ang mesa mukhang mamahalin. Pati ang mga palamuting bulaklak napaka sosyal.

Nakakahiyang umupo sa waiting area nila at baka madumihan ang mga gamit. Pakiramdam ko hindi nababagay ang kasuotan ko sa lugar nila.

May mga empleyado nang nagsidatingan. Pati ang mga ito desente at sosyal tingnan. Lahat magaganda at presentable ang mga kasuotan. Naka coat and tie ang mga lalaki at ang mga babae ay naka-dress yung iba naka palda at maganda ang suot na blouse.

Sobrang layo ng ayos ng mga 'to kumpara sa mga taong nakikita ko araw-araw sa palengke.

May nakita akong babae nakatingin ito sa akin at nakangiti. Sa harapan niya may nakapagay ng reception tapos sa likurang bahagi niya may malaking nakasulat na 'SANDOVAL Group of Companies"

Para akong nabighani sa ganda ng lugar. Daig pa nito ang mall sa ganda. Para akong bata na ngayon lang nakakita ng ganito ka gandang paligid.

Pero nawala ang pagkamangha ko ng pag-ikot ko para umupo doon sa waiting area na tinuro ni Manong ay may bigla nalang bumungo sa akin.

Sa sobrang pagkagulat ko at sa bilis ng mga pangyayari, nabitawan ko ang folder na dala-dala ko at tumilapon ito sa sahig. Nagkalat ang mga papeles ko.

"What the fuck?!" Isang malakas na boses ang dumagundong sa buong paligid.

Agad akong yumuko at isa-isang pinulot ang mga papel kong nasa sahig ngayon.

"Are you dumb? Are you stupid? Don't you know that this is not a park?"

Sunod-sunod na kastigo ng may-ari ng pamilyar na boses sa akin.

Narinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.

I don't cry but for the first time I feel like crying.

Pakiramdam ko sobrang liit ko. Lahat sila nakatingin sa akin. Hindi ko man nakikita ang mga mata nila pero nararamdaman ko ang mga titig nila.

"Who are you? Are you an employee here? Who let you in? Guard!"

Sunod-sunod niyang tanog sa akin. Inapakan niya pa ang isang piraso ng papel. Sasagot na sana ako sa kanya para humingi ng dispensa pero bago ko pa magawa yun narinig ko na ang mabilis na yabag ng mga paa palapit sa akin. Kasunod nun ay may kamay na humawak sa braso ko.

Sa gulat ko pumiksi ako. Pag-angat ko ng tingin ang kulay asul na mga mata ng lalaki ang bumungad sa akin.

Hindi ako nakagalaw pero nagulat ako. Nagulat ako dahil kamukha nya ang lalaking nakaaway ko sa palengk nung nakaraan.

"It's okay, it's okay. I got you." Sabi nung lalaki. "Kuya mauna ka na sa opisina mo, susunod na lang ako. Ako na ang bahala dito."

Narinig ko marahas na buntong hininga nung lalaking tinawag ng kuya bago ito nag-iwan ng salita.

"Stupid."

Sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon may lumabas na luha sa mga mata ko.

I feel so small of myself. I shouldn't have come here in the first place. Hindi ito ang lugar para sa aking mahirap at walang pinag-aralan.

"It's okay. Don't cry. Akong bahala sayo. Mag-apply ka ba?"

Kinuha nya ang nga nalukot ng papel sa kamay ko at binasa bago niya ako inalalyang tumayo.

Mabilis kong pinahid ang luhang nangilid sa pinsgi ko at tatalikod na sana pero bigla itong nagsalita.

"You're hired, Chiara. You will be working for me now. I'm Gaston, your new Boss."

—————————————————

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Laine
Thank you mS.A e2 yung hinihintay q Gustavo's story.
goodnovel comment avatar
Laine
More update Ms.A
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status