"Chiara, totoo ba na inaway mo si Sir Gustavo kaya ka tinanggap dito? Balita sa buong kumpanya ang nangyari sa inyo sa coffee shop ah."Parang ang weird pakinggan diba? Pero parang ganun nga ang nangyari. "Ang astig mo daw. Alam mo ba na walang nakasagot-sagot dyan kay Sir Gus? Gulat nga daw lahat ng empleyado na nakasaksi eh. Akala nila sa kulungan ang bagsak mo pero iba ang nangyari. Ekwento mo nga sa akin kung ano ang nagyari, Chiara."Hindi ako nagkomento kay Cherry dahil una wala akong ganang makipag-usap, pangalawa busy ako sa pagma-mop ng sahig at pangatlo ayaw kong gawing big deal ang pagtanggap sa akin dito sa kompanya ng mga Sandoval.Inaamin ko nagulat ako nung una at wala pa sanang balak na tanggapin ang trabaho pero ang makulit na kapatid ng may-ari nito ayaw akong tantanan. Hindi talaga ako iniwan ni Sir Gaston hanggat hindi natapos lahat ng kailangan ko sa araw na yun. Sinamahan niya pa ako sa HR nila at siniguradong matatapos lahat ng kailangan ko.Masaya akong tinang
"Stay, Andromeda."Tinaliman ko ng tingin ang lalaking pangiti-ngiti ngayon sa harapan ko. Ang walang hiya muntik pa akong kargahin kanina nung nagmatigas ako. Kung hindi ko lang sya naitulak baka parang sako niya na akong binuhat sa harapan ng mga empleyado niya.Ang ending, para tuloy akong batang hila-hila niya hanggang sa makarating kami dito sa opisina niya. Lintek talaga! Hindi man lang ba niya naisip ang kahihiyan ko? Ano nalang ang sasabihin ng mga kasamahan ko? Sigurado akong pinagpi-pyestahan na naman nila ako ngayon. Ano bang akala ng lalaking to sa akin, kung sino-sino lang na babae na basta niya nalang bubuhatin?Hindi ba siya nag-aalala sa kung anuman ang sabihin ng mga empleyado niya dito? Hindi man ba niya naisip ang reputasyon niya?Eh kung kasuhan ko kaya siya ng illegal...ano nga ba ang kasong yun? Illegal position? Illegal parking? Ah basta!" Stop frowning, Andromeda. You eat first" Isa-isa niyang binuksan ang mga pagkain sa harapan habang ako ay nakasimangot
"C'mon Andromeda, sit down. We will eat." Pinaupo na ako ng masungit na dragon. Nakasimangot na rin ang mukha nito sa kapatid na nandun pa rin nakatayo nakatingin sa amin."Yiz! May food" Parang batang pumalakpak at excited sa pagkain si Sir Gaston"Kain ako Kuy--" Pero hindi pa man ito nakahakbang palapit sa amin binara na ito ng Kuya niya." Get out Gaston Pierre and tell Ms. Santos to cancel my meeting. We want to eat in peace." Kinuha ni Sir Gustavo ang plato ko na nilagyan niya ng pagkain kanina at dinala sa harapan niya. Kumuha ito ng panibagong plato para lagyan ng pagkain ko at nilagay ito sa harapan ko.Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto kong tumanggi pero..."You have to eat. Alam kong kanina ka pa nagugutom." Balik na naman ito sa pagiging masungit niya kaya hindi na rin ako kumontra at baka mag-aaway pa kami sa harap ng pagkain."What are you standing there, Gaston? Get out now." Sinungitan niya ang kapatid pero parang bata lang itong nagmamaktol sa kanya."Kuya naman! Kak
"Where have you been, Andromeda? I've been looking for you everywhere."Nagloading ng mga sixty seconds and utak ko. Ilang beses pa akong kumurap at baka namamalik mata lang ako. Kiniling ko pa ang ulo at baka namali lang ako ng dinig pero hindi. Nandito talaga si Sir Gustavo sa harapan ko. Sigurado akong sya ito at hindi guni-guni ko lang dahil nakasimangot na naman ito habang nakatingin sa akin. Dala-dala niya ang signatured angry dragon look niya. Pawisan ang mukha na mukhang kagagaling lang sa marathon at natalo tapos ngayon ako ang pinagbunbuntunan. "S-sir?" tanong ko pero galit niya lang akong tinitigan. Aba parang kasalanan ko pa kung natalo sya. Lalong tumingkad ang kulay asul niyang mga mata sa intensidad ng pagtitig niya sa akin. Para bang nanunuot sa kaloob-looban ko ang uri ng kanyang tingin. May halong galit na hindi ko maipaliwanag. Nakadama ako ng pagkailang. Nakapagpalit na ako ng damit. Luma pero malinis na puting t-shirt na pinaresan ko ng maong na pantalon ang
... Sa silong ni kaka (aha, aha) may taong nakadapa (nakadapa)Kaya pala nakadapa (why, why) naninilip ng palaka (Ay sus!)...Goodness gracious! Nung nagpaulan ata na kakulitan dito sa mundo nasalo lahat nitong kapatid. Andito na naman sya ngayon sa opisina ko. Umalis lang ako saglit kanina dahil may meeting ako pagkabalik andito naman sya ulit. Ayos lang naman sana. Walang problema sa akin kung dito sya tumambay basta ba tumahimik siya. Pero ang lintek, hindi ko alam kung anong trip. Kung nung nakaraan STUPID-STUPID yung kantang trip niya ngayon iba na naman. Nakakarindi ang boses niya. He is banging his head, really feeling the song. May pasayaw-sayaw pa ito, sabay pikit ng mga mata niya. Ang gago, ang lakas ng loob kumanta tunog palaka naman. Palakang naipit....Palakang may buhok ( may buhok) ngipin ay nakalubog (nakalubog)Ang kulay nito'y itim (itim yoh) hindi naman sunog (aha,aha)..."What the fuck Gaston Pierre, hindi ka ba talaga titigil?"What's wrong with this brute
Mag-isa na naman ako ulit.Nanginginig ang mga kamay ko. Yumuyogyog ang mga balikat ko at masakit na ang aking lalamunan sa impit na pag-iyak. Sa loob ng mahabang panahon ngayon lang uli ako nakadama ng ganito. Sanay na akong mag-isa. Sanay na akong sarili ko lang ang inaalala ko. Sanay na akong walang kasama. Ayos na ako eh, kontento na ako na ako lang pero dumating silang tatlo sa buhay ko. At kung kelan nasanay na akong nandyan sila kasama ko, saka naman sila mawawala sa akin. Kausap ko lang silang tatlo kagabi. Ang saya pa nilang tatlong nagtatawanan. Ang dami pa nilang plano at kalokohan. Andito lang silang tatlo kaninang umaga. Dito ko lang sila iniwan. Sabi ko dito ko sila babalikan. Walang aalis ng hindi nagpapalam pero nasaan sila ngayon?"Luningning! Milagring! Mariposa!" Tawag ko ulit pero kinain lang ang boses ko ng ingay ng mga sasakyang dumadaan. Balik na ulit ang mga tao sa kanya-kanyang buhay. Na parang wala lang nangyaring clearing. Samantalang kaming mga nanini
"What the hell are you doing?!""B-boss.""You're fired!" Pagalit na sigaw ng lalaki gwardya."Don't show your face ever again!"At bago paman ako makaangat ng tingin may ng kumuha kay Luningning mula sa mga braso ko.Hindi ako nakagalaw kahit narinig ko na ang malakas na iyakan ni Mariposa at Milagring. Para akong napako sa kintatayuan ko."Ate Chichay si Ningning! Kinuha ng lalaki si Ningning. Kunin mo si Ningning Ate.""Follow me, Miss." Sabi ng lalaki at doon pa ako nahimasmasan. Nagulat ako pagkakita sa mukha niya pero hindi ko na ito binigyang pansin."Wag kayong malikot sa loob. Wag kayong humiwalay sa akin kahit anong magyari. Tara!" Kinuha ko ang gitara kay Milagring at ako ang nagdala nito. Nakasunod na kaming tatlo ngayon sa lalaki. "Get out of my way!" Sigaw niya sa mga taong nakaharang sa dinadaanan at parang may hangin na humawi sa mga taong nagbigay daan sa amin.Nakasunod lang kami sa kanya, mukhang alam niya kung saan dadalhin si Ningning. Lakad takbo na ang ginawa ni
"You'll stay with me until you reached eighteen and we will get married. Take it or take it. You choose." "F*ck Lexus! Ang astig ng style ni Kuya. Take it or take it daw. Kopyahin natin." Parang batang sabi ni Sir Gaston sabay akbay dun sa lalaking tinawag niyang Lexus pero pumiksi ito. "Bilatibay! Indi niyo bala ko idamay sa mga style nyo na. Ano pamati niyo sa akon, law-ay? Depuga! Daw si gago ka bala Kuya G ah! Arang style ni Kuya Gus, pang-mal-am kag panglaw-ay lang na! Lantawa bala ni chura ko, amo ni ang in-demand yah.Tinonto!" [ Kalokohan! Wag niyo akong idamay sa style na ganyan. Anong akala niyo sa akin, pangit? Para kang gago Kuya G! Yang style na ganyan ni Kuya Gus, pangmatanda at pangpangit lang yan. Tingnan mo itong pagmumukha ko, ito ang mukha ng mga in-demand." Sa tingin ko hindi magkakalayo ang edad nilang dalawa. Parehas matangkad, parehas ng built ng katawan at parehas din ang mukha. Actually magkakahawig silang tatlo ni Sir Gustavo. Yun ang una kong napansin.
Warning: ESPEGE! Sa mga ayaw magbasa ng ganitong part, please skip this chapter. Read responsibly. Wag niyo akong ma-gross, eww, yuck! You've been warned.———————————————-Mahigpit akong napayakap sa balikat ni Gustavo. Pakiramdam ko bumaon pa ang mga kuko ko sa balat nya sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanya. Ang sakit parang may napunit sa pagkababae ko.Tuluyan na nyang tinanggal ang damit na suot ko. Inayos nya ang pagkakapatong ko sa kanya. Hindi pa ito gumagalaw hinayaan nya muna akong maka-adjust sa laki at haba niya.Pakiramdam ko sobrang nainat ang pagkababae ko. Punong-puno ako at hindi ko alam kung saan umabot ang kabahaan nya sa kaloob-looban ko. Wala naman sigurong organ na natamaan dahil wala naman akong naramdamang sakit. Sa halip nararamdaman ko na pumipintig ang pagkalalaki nya sa loob.Bumaba ang halik niya mula sa balikat ko hanggang sa nadako ito sa aking dibdib. Napaliyad ako at napahawak sa buhok niya nang muling sakupin ng mainit nyang bibig ang utong ko, salita
Warning: ESPEGE! - Gustavo 'Sobrang Patay Gutom' SandovalSa mga hindi naman gutom dyan, skip nyo nalang ito. Hahaha!_______________________Flashback continue... "Yes baby. I'm hungry and I want to eat you." he whispered, almost losing his breath. Bumaba ang tingin nito sa mga labi ko at narinig ko ang mahina nyang pagmura. Nilapit ko ang mukha sa kanya. Sobrang lapit na halos nararamdaman ko na ang hangin mula sa mainit niyang hininga. Bahagyang nakanganga ang bibig nito. Nalalasing ang mga matang nakatitig sa akin. Wala sa sariling nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Ang kagustuhan kong mahalikan sya ay lalong sumidhi. "Fuck, Baby I wanna eat you here."Napalunok ako. Nag-iinit na naman ang katawan ko. "I want to eat you, right here, right now." Lalong tumindi ang kuryusidad at kagustuhan kong masubukan ang hinihiling niya. Pero nagdadalawang isip ako na baka may makakakita sa amin dito. Isang malaking eskandalo. "I own this hotel, Baby and this is my private parking s
Flashback continue...***"Let me correct my mistake Baby. Let's get married today. Please be my wife."Kahit nasasaktan man ako, sa muling pagkakataong pinili ko pa rin na biglang laya ang aking puso ko. Tinraydor ko na naman ang akin sarili at sumama ako kay Gustavo."Yes, Ba. I will marry you."Hindi kagaya ng ibang kasal na may mahabang paghahanda, ang kasal namin ni Gustavo ay minadali. Pagkatapos naming magpunta sa sementeryo, may tinawagan lang ito pagkatapos doon na kami dumiritso."Good thing Judge Gonzales is available. We'll meet him after an hour."Tumango lang ako sa kanya. Hawak niya ang kaliwang kamay ko habang nagmamaneho at panaka nakang dinadampian ng halik.Tahimik lang ako, pinapakiramdaman ko ang aking puso . Pwede pa akong umatras pero wala akong nararamdamang ganun.Hindi ko alam kung bakit pagdating sa kanya ang daling mawala ng galit ko.I should be hating him sa lahat ng ginawa niya sa akin pero ang traydor kong puso ay hindi ito kayang gawin."I love you, And
"Apo, sino yung dumat— o, anong nangyari sa labi mo senyorito bakit may sugat yan?"Lumagpas ang tingin ni Lolo sa labas, nahabol pa nito ng tingin ang papaalis na sasakyan ni Damon. "Si Damon ba yun apo? Bakit umalis agad?"Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Gustavo dahil walang sumagot sa kanya. Si Gustavo naman ay hindi ko alam kung ano ang iniisip. Tahimik ito pero umiigting ang mga panga."Si Damon po yun, Lo, pero umalis na." Hindi ko na hinabaan ang sagot ko. Nakakaunawa namang tumango si Lolo sa akin. Hinila ko na si Gustavo papasok ng bahay dahil madami na ring mga kapitbahay ang nasa labas. Sigurado na naman akong pagpi-pyestahan na naman nila kami. Ewan ko ba kahit saan ata ako mapunta, lapitin talaga ako na kontrobersya. "Umupo ka muna, kunin ko lang ang first aid kit ko." Sabi ko kay Gustavo. Hindi ito nagsalita pero sinunod nya naman ang sinabi ko. Tahimik itong umupo sa sofa. "May damit ka ba? Magbihis ka muna." Utos ko sa kanya dahil yung tuwalya ko lan
Present time...***Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi sa sobrang pag-iisip kung bakit sya andito ulit. Bakit ginugulo na naman nya na naman ako? Tahimik na ang buhay ko. Pinaubaya ko na siya pero bakit ba nagpakita sya ulit sa akin ngayon? Ang dami kong katanungan sa aking isip. Gulong-gulo ang utak ko. Nasira na naman ang sistema ko. Ang resulta, mataas na ang araw ng magising ako at medyo masama ang aking pakiramdam. Saan na kaya ang lalaking yun ngayon? Umuwi na kaya ito? Dito kaya talaga sya natulog kagabi?Nauulinigan kong may nag-uusap sa labas ng bahay at parang may lumalagitik na para bang tunog galing sa pagsisibak. Ang aga namang nagsibak ni Lolo at sino ang kausap nya? Kailangan ko na palang bumangon para maghanda ng agahan namin. Mabilis kong inayos ang aking sarili. Kahit na medyo nahihilo pa ako lumabas na ako ng silid. Tinali ko ang mahabang buhok, naghilamos at nagtoothbrush bago ako nagpakita sa kanila. "Tama na yan, Senyorito. Madami-dami na ito
Flashback...***"Anak, birthday mo na bukas. Anong gusto mong ihanda natin?"Birthday ko na pala bukas muntik ko pang makalimutan. Bukas na pala sana yun.Mula sa pagtutupi ng mga damit nag-angat ako ng tingin kay Nanay at Tatay. Magaan ang mukha at nakangiti silang dalawa sa akin pero napansin ko ang kanilang pag-aatubili.Kahit dalawang buwan na kaming magkasama dito sa probinsya hindi pa rin ako masyadong nakikipag-usap sa kanila. Madalas, tahimik lang akong tumutulong sa mga gawaing bahay.Pakiramdam ko bumalik ako muli sa dati. Ang dating pader na binuo ko para sa aking sarili ay muli na namang nakaangat. Muli na namang nawala ang tiwala ko sa mga tao sa aking paligid."Magiging eighteen ka na anak. Magiging ganap ka nang dalaga. Madadagdagan na naman ng isang taon ang buhay mo. Panibagong buhay, panibagong pag-asa." Si Tatay Dom.Hindi ako nagkomento dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Panibagong buhay at pag-asa nga ba? May pag-asa pa kaya para sa akin na sinukua
I went inside my room to get some beddings for Gustavo. I'm not sure if he's really serious na dito sya matutulog o nang-go-good time lang pero naghanda pa rin ako. Wala din naman akong choice dahil pumayag na si Lolo tsaka konsenysa ko pa kapag nadisgrasya sa daan.Dalawa lang ang silid dito sa bahay ni Lolo. Ang isa ay doon natutulog si Lolo at ang isa naman ay ang silid na ginagamit ko. Maliit lang ang kama ni Lolo at hindi sya pwedeng tumabi doon. Medyo malaki ang kama sa silid ko dahil ito ang dating ginagamit ni Nanay at Tatay kapag dumadalaw sila dito pero hindi ibig sabihin na pwede siyang tumabi sa akin dito. Ano sya sinuswerte?Pinalitan ko ng punda ng mga unan at kumuha din ako ng kumot at banig para ibigay sa kanya sakaling totohanin niyang dito siya matutulog. Which I doubt kung kaya nya ba? I'm sure hindi ito sanay matulog sa matigas na higaan. Bahala sya! Wala kaming extrang foam pero meron akong manipis na conforter. Meron din kaming extrang kulambo na ginagamit lan
"Hala nakuyapan! Unsay gibuhat nimo apo? Ginoo ko! E-prc dayon. Dalii! ["Hala nahimatay! Anong ginawa mo apo? Juskopo! E-prc mo. Bilis!"]Nagkukumahog si Lolo Domeng na hinila ako palabas ng bahay. Wala pa itong tsinelas sa sobrang pagmamadali niya pagkarinig ng malakas na kalabog. Lumuhod ito para e-check ang palapulsuhan ng lalaki pati ang sa gilid ng leeg nito. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ni Lolo. Nagulat din ako sa aking nagawa. Hindi ko naman inaasahan na ganun kalakas ang pagkasara ko sa pintuan at lalong hindi ko inaasahan na tatamaan sya sa mukha. "E-prc na Andromeda tawon malooy ka." [E-prc mo na Andromeda parang awa mo na.]"Anong prc Lo? Di ko alam kung anong prc.." Nanginginig na rin ako at kinakabahan dahil hindi parin ito gumagalaw. Parang hindi na humihinga. Mahina kong sinipa ang paa nito pero parang wala itong naramdaman. "Huy lalaki gumising ka!""E-prc na ba, katong lips to lips gud para makaginhawa! Giatay kang bataa ka giunsa man gud nimo ni?" [E-prc
"Araguy! Lintian Kuya Gus! Kagaina ka pa bala. Gaina mo pa ako ginasakit ha. Sakit-sakit na sang dapungol mo sa akon ginkusi mo pa gid ko. Ako na gani nagbantay sa bebe mo ako pa akigan mo? Sumbong ta gid ka bala kay Papá." [Ouch! What the hell Kuya Gus! You are too much. Kanina mo pa ako sinasaktan. Ang sakit ng suntok mo kinurot mo pa ako. Ako na nga nagbabantay sa bebe mo, ako pa pinapagalitan mo? Isusumbong na talaga kita kay Papá"]The guts of this brute to act hurt after I punched his face. Kulang pa nga yun kung tutuusin. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa ginawa nyang paglilihim sa akin?I told him to tell me everything and anything about Andromeda but he didn't. Ang masaklap pa ngayon ko lang nalaman na may anak na kami. The hell!I was fuming mad. Galit ako hindi kay Cairo kundi sa sarili ko. Fuck! I'm so stupid!"Why didn't you tell me?" I asked trying to control my anger. I should think calmly now. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos lalo't kita ko ang galit sa mga