KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Naligo at nag bihis. Nadatnan ko si Tita Mel na naghahanda ng agahan. Dad was sipping a coffee while reading a magazine. I hurriedly went to Clifford and Mikey who was eating peacefully. I suddenly missed these two. “How are you two doing?” panggugulat ko sa dalawa na hindi napansin ang presensya ko kanina.“Ate?” gulat na sambit ni Mikey at niyakap ako. Ganun din si Clifford na tumayo pa talaga mula sa pagkain at niyakap ako.“We missed you, Ate.” mahinang salita ni Clifford. I brushed his hair and smiled.“Na miss ko rin kayong dalawa,” nakangiting wika ko at umupo na sa tabi nila.“Kailan ka pa dumating ate?” tanong ni Clifford. Ang laki na ng pinag bago niya, binatang binata na. Naalala ko na naman ginawa niya sa private room ni Dad noon. “Kagabi lang sumama na ako kay Tita at Atacia, pag-uwi.“ sagot ko naman kay Cliff.“Bakit hindi namin alam? Mom, dad and ate didn't even bother to tell us, or inform us kagbi edi sana umuwi kami ng maaga,” n
After kong malaman ang resulta ay mas gusto ko pa na alagaan ang anak ko at ayusin ang sarili ko. Sa natuklasan ko, maybe isantabi ko muna. Unahin ko na muna ang anak ko, ayaw kong ma stress o kung ano pa. Natatakot ako for my child, but I am praying that I can get through it all. Malalampasan ko rin ang lahat.Nandito ako ngayon sa company ni Diego. It's been a while, it's been a month since the last time I went here. Hindi na nga ako dumeretso sa company ko eh. Mas pinili ko na dito na lang pumunta, mamaya na ako pupunta sa company ko.Papasok na ako sa entrance ng mamukhaan ako ng guard at agad akong pinapasok. Sumakay agad akong elevator patungo sa floor kung nasaan ang asawa ko. I want to surprise him. I even bought foods since I am craving to eat this chicken wings. Sweet and sour chicken wings.Finally dumating na rin ako. Kahit pa puno na sa katanungan ang nasa isip ko ay ayaw ko muna na bigyan 'to ng pansin. May mga mangilan-ngilan empleyado sa hallway, papasok sa kanilang ar
Nasa parking lot na ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Hinihingal, hindi maayos ang kasuotan. Is this how he behave inside his company. So unprofessional. Tinaasan ko siya ng kilay, naiinis sa itsura niya."What!?" malamig kong tugon sa kanya. Umiwas siya ng tingin at biglang lumuhod sa harap ko."What the. Tumayo ka nga diyan, kapag may makakita sayo diyan, sigurado akong mag viral ka talaga." naiinis kong salita sa kanya."Forgive me, please. Hindi ko nauulitin, pangako yan. Mahal kita. Mahal kita kaya ko nagawa ang bagay na iyun. There's no love involved, it was just sex," nag mamakaawa niyang salita. "And do you think it's just easy to forgive you? What do you take me for? Who am I to you, ha?" galit kong salita at gustong gusto na siyang saktan."Please, babe. Hindi na mauulit," he said again. Naiirita na ako sa boses niya."Pwede ba na next time na tayo mag usap? Kakagaling ko lang sa OB ko. And I am not in good condition, so please, ayaw kong ma stress Diego," hindi ko
Umuwi na ako sa bahay namin after three days. Diego didn't show up in front of me, matapos kong sabihin sa kanya ang resulta ng check up ko,through text. Good thing he didn't force me, nor hate me for what I did. Gusto ko lang talaga na ma realize niya ang mga kamalian niya at kasalanan niya sa akin. Sabi ko sa kanya na ayaw kong ma stress kaya hayaan niya muna ako ng ilang araw. Hindi ko siya inaway or sinabihan ng masama at masasakit na salita,dahil ayaw ko talaga ma stress at magalit kaya iniiwasan ko ang mga bagay na iyun.I didn't show him some weakness. I want to be a dominant woman in front of his eyes. That he won't take it easy from me."B-babe, finally you're home. I missed you so much," masigla niya akong sinalubong at niyakap ng mahigpit. I didn't badge and let him. "Sorry, sorry, sorry, sorry!" paulit ulit niyang salita. He let go of me,hindi ko siya pinansin at tumuloy na sa loob.Para siyang bata na sunod ng sunod sa akin."Would you please, let me rest." napapagud na s
Alam ko na mahirap mag tiwala ulit, so I am trying to build my trust to him again. But, I want to be observant this time. Ayaw ko na paulit-ulit akong niloloko ng mga tao. Hindi ko nga alam pero parang nakaka dissapoint na kapag nakikita ko si Diego. The desires, the fire was no longer there, here in my heart. I don't know why, but this is what I am feeling. It seems like the fire is slowly fading away.Because of that thingshe did, I am slowly losing the interest of being with him. I have loved him for almost a decade and because of that big mistake he did, I am slowly losing it. Alam ko na parang ang bilis mawala pero ito talaga ang nararamdaman ko eh. Or baka nasaktan lang talaga ako ng sobra kaya ganito ako mag-isip. Pero kinakapa ko ang sarili ko, ang puso ko kung meron pa ba talaga ngunit parang hindi na talaga siya tulad sa dati.Selfish ba akong tao kung ganito nararamdaman ko after kong malaman ang kataksilan ng asawa ko? Masama b na ganito ako? Na dahan-dahan nawawala ang ap
THIRD PERSON'S POVBUMALIK na nga sa Quezon City si Diego, dahil sabi nito sa asawa ay may meeting ito. Caroline believe him that he was going to have a meeting, but little did she know he was going to his mistress.Nang makapasok sa apartment si Diego ay agad naman itong sinalubong ng babae at mabilis na tumalon upang yakapin ito. Agad naman itong sinalo ni Diego."I missed you so much, darling!" Malanding wika nito at hinalikan sa labi ang lalaki. Gumanti naman agad ng halik si Diego at agad na hiniga nito sa kama ang babae."Yeah!Me too! Mag kasama lang tayo kagabi, na miss mo na agad ako," salita nito ng maghiwalay ang mga labi nila."Kaya nga e, kasi I want you to be by myself only kaso may asawa ka. Mahirap din kapag nalaman ng asawa mo ang tungkol sa atin, I am sure she was going to burn me alive." Salita ng babae ngunit hindi naman ito takot."My wife can't do that, Dina. She's kind!" depensa nito sa asawa. Agad na tinulak nito si Diego at marahas na tumayo. Galit ito dahil ma
CAROLINE' POVI woke up in the middle of the night, bumungad sa akin ang puting ceiling, amoy nang disinfectant. I searched around, and upon realizing I was surprised with that thought of not remembering why I am here. Nasa hospital ako!I tried na umupo when I felt something painful, bumalik ako sa pagka-higa. "Ano ginagawa ko d---," I gasped. And tears started to flow."M-my b-baby," walang boses ang lumabas sa aking bibig, tanging hangin lang nito ang lumalabas sa bibig ko.Ramdam ko rin ang pagkatuyo ng lalamunan ko. Tahimik lang akong humihikbi hanggang sa marinig ko ang pag-bukas ng pintuan. Napatingin ako sa pintuan at nag-salubong ang mga mata namin ng asawa ko. Nakatulala lang akong nakatitig sa kanya habang patuloy pa rin ang pag agos ng aking mga luha."B-babe, thank goodness you're awake." Agad niya akong nilapitan at niyakap, mas lalo tuloy akong umiiyak."B-baby?" bulong ko. He stops and look at me. Bigla na naman siyang umiyak, tahimik lang din itong humihikbi. "W-wala
AKO na naman mag-isa sa kwarto.Umuwi na muna sila dad, they left some fruits. And for, Diego. He was here earlier. Hindi ko talaga siya kayang tingnan, I haven't told him about what I saw. Maybe, not now. Ayaw ko muna isipin yun dahil ano pa ang masamang nangyari sa akin. I haven't recovered yet, and my doctor didn't allow me to go home."Bes! Sis? I heard what happened, so I immediately came here!" Dina hugged me tightly. I miss her. It's been a while nung huli naming kita, tapos hindi ko na rin siya nakakausap dahil busy na rin siya sa pag patakbo ng kumpanya na inasa ko muna sa kanya. "Kumusta ka na?" tanong ko sa kanya. She smiled at me. "Doing great naman, pero ako dapat ang mangumusta sayo noh. Ano ba ang nangyari?May masakit pa ba sayo?" Pag-uusisa niya sa akin."Wala naman na, pero ayaw pa akong palabasin ng doctor e,” nanghihina kong salita. “Pagaling ka muna,sis ha. No need to rush. It's just that, nakakalungkot na wala na si baby. Tuwang-tuwa ka pa nga nung binalita mo s
“Surpresa!” sabay-sabay na sigaw ng lahat nang buksan ni Caroline ang pinto. Napaatras naman siya, tila nagulat sa dami ng mga taong nagkakantahan at nagpapalakpakan sa sala. Hindi naman maiwasan ni Caroline ang matuwa, dahil ang iba sa mga bisita ay mga empleyado niya. At kumpleto rin ang kanyang pamilya,.maliban Sa isang tao. Sa gitna ng lahat, si Raven ay nakangiti habang may hawak na ang bunso nilang anak na si Venus.“You thought we forgot, didn’t you?” Raven said with a teasing smile.Bago ang kaganapan, sobrang abala si Caroline sa kumpanya dahil nagkaproblema sila sa isang investor. Dahil sa tindi ng kanyang pagka-busy, hindi na niya namalayan ang paglipas ng mga araw. Isang buwan na pala ang nakalipas, at maraming nangyari sa panahong iyon.Si Diego at Dina ay pumunta na sa ibang bansa para sa operasyon ni Diego. Masaya naman si Caroline dahil sa wakas ay magagamot na ang dati niyang asawa. Para kay Dina naman, magsisimula na ito ng negosyo sa ibang bansa. Tinulungan sila ni
Alam kong may konsensya pa rin si Dina hanggang ngayon, at ako rin naman. Hindi mawala sa isip ko ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Sobrang dinurog ko siya. Hindi ko nga alam kung paano ako makakabawi sa kanya. "Uhm... ano ba ang susunod nating hakbang? Paano natin mapapasaya si Caroline? Wala akong maisip na pwedeng gawin..." litong sabi ko. "Paano kung ayain natin sina Raven at Caroline mag-date? Sa tingin ko magandang ideya 'yun, di ba?" masiglang mungkahi ni Dina habang nag-iisip pa. "Sa tingin mo, okay lang sa kanya? Hindi kaya siya magalit?" tanong ko nang may pag-aalinlangan. Hindi ko rin kasi masyadong kilala si Caroline, lalo na't hindi naman kami nagtagal. Nakilala ko lang naman si Caroline noon nung sinabi sa akin ni Dad na siya ang papakasalan ko. Dahil sa maganda siya at napakamasipag na babae. Agad rin nahulog ang loob at puso ko sa kanya. Pero nagloko pa rin ako sa kanya. She's the perfect woman na sana, kaso isang akong tanga kaya ngayon wala na siya sa akin.
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata, at agad na bumungad sa akin ang puting kisame at amoy ng ospital. Nakakasulasok ang amoy, at ayoko nito. Paano ako napunta sa lugar na 'to? Kasama ko lang si Mamay kanina; baka naman naghahallucinate lang ako. Pero nasa kwarto lang talaga ako ngayon at hindi sa ospital. Ibinaling ko ang aking ulo sa kaliwa at tumingin sa paligid. Nasa ospital nga talaga ako. Pero anong ginagawa ko rito? "Babe, you're finally awake. Thank goodness," bungad na sabi ni Raven. "Pinag-alala mo ako. Sorry..." umiiyak na sabi ni Raven. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Ano ba ang problema? "Why are you crying?" mahina kong tanong. “Nasa ospital ka, babe. Hindi ka nagising kagabi, kaya nag-alala ako. Lahat kami nag-alala. Pasensya na, sorry kung napaiyak kita ulit.” “Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang ginawang mali, ah...” tanong ko. “Mamay told me. Umiiyak ka raw, at sobrang sama ng loob ko. Alam ko kasi kung bakit ka umiiyak kahapon. Akala mo siguro may k
[CAROLINE] Bumuhos na naman ang aking mga luha. Kakaayos lang namin, pero may nalaman na naman ako. Bakit ganito? Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana? Gusto ko lang naman na maging maayos kami, kahit na pinagtaksilan nila ako. Pero bakit hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagsisinungaling? Bakit ganito? Agad akong pumasok sa kotse at humagulgol. Pilit kong inaayos ang lahat—sinubukan kong tanggapin at patawarin sila. Binigay ko ang gusto nila para maayos na. Kahit labag sa loob ko, ginawa ko, para kahit papaano'y maibsan ang bigat ng dinadala ko. Bakit ba ang hirap magpakatotoo? "Why do I have to experience this? Gusto ko nang maayos ang lahat sa amin, tapos bigla na lang malalaman ko na ang murderer ng asawa ko noon ay ang kabit niya pala? This is so frustrating!" Dapat ba akong maawa kay Diego? Pero siguro sapat na itong mga nalaman ko. Tama na ang kadramahan. Gusto nilang magsama, sige, hahayaan ko na sila sa buhay nila. Ibibigay ko na at magpopokus na lang ako sa buhay k
Nagulat si Caroline sa paghingi ng basbas ni Diego sa kanya. She felt something touch her heart, at pakiramdam niya'y napawi ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi sakit at selos ang nararamdaman niya ngayon, kundi saya sa kanyang puso. The way humingi si Diego ng basbas sa kanya ay para bang sigurado na siya kay Dina—na para bang ito ang babaeng habang buhay niyang mamahalin.Tears streamed down her cheeks. Tiningnan niya ang kalagayan ni Dina na wala pa ring malay at pagkatapos ay tumingin kay Diego, na para bang sinasabi, "Please, let us be happy together.""C-Caroline, sorry. Please, don't cry. H-hindi na kita tatanungin tungkol sa bagay na 'yon. I am sorry, masyado lang ata akong desperado," he said in panic as he held Caroline's hand.Akala ni Diego ay galit pa rin si Caroline sa kanilang dalawa. Alam ni Caroline na hindi madaling maghilom ang sugat na dinulot nila."Maybe giving them a chance isn't bad, right?" sa isip ni Caroline.Pinahiran niya ang kanyang mga luha, at mahi
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Stiffany nang magkita silang dalawa sa hideout nila. Nagulat si Stiffany sa ginawa ni Dina, sa biglaang pagsampal na hindi niya alam ang dahilan. Dahil dito, sinampal din niya si Dina ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Nanlilisik ang kanilang mga mata, at tila konti na lang ay mag-aaway na sila at magdadambahan."Ano ba ang problema mo?" singhal ni Stiffany kay Dina."Ikaw! Kayo ng mga kuya-kuyahan mo! Ano ang ginawa ninyo kay Diego?" nanlilisik ang mga mata ni Dina habang nagsasalita.Inirapan ni Stiffany si Dina at tinalikuran ito. "He deserves to die," ani Stiffany. "Dahil sa ginawa niya, nawala sa amin ang lahat. Sinumbong niya kay Daddy kung ano ang ginawa namin nina Kuya. Kung tumahimik lang sana siya, hindi siya mapapahamak." Nanggigigil na sambit nito."Paano mo nagagawa 'yon sa kapatid mo? Hindi ba baliw na baliw ka kay Diego? Ano'ng kapahamakan ang ginawa ninyo sa kanya?" sigaw ni Dina. "Mabait si Diego sa inyo, paano ni
Dinala nina Raven at Caroline si Diego sa ospital dahil nahihirapan itong huminga. Kahit ayaw nitong magpadala sa ospital, dinala pa rin nila ito upang magamot din ang mga sugat niya. May bantay sa kwarto niya upang walang sinuman ang makapasok. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa kwarto ni Diego sa ngayon dahil sa nangyari. Nagsimula na rin mag-imbestiga ang mga pulis sa bahay ni Diego, at nagbigay na rin ng pahayag sina Raven at Caroline. Ayon kay Diego, ang mga kapatid niya ang may pakana ng nangyari sa kanya. Nagpaiwan si Caroline sa ospital upang bantayan si Diego, na hindi pa rin nagigising simula nang dinala nila siya roon. May nais ding malaman si Caroline. Gusto niyang maintindihan kung bakit laging sinasabi ni Diego na masakit ang kanyang ulo. Sinabi rin ni Raven na uminom si Diego ng pain reliever bago sila umalis ng bahay. Hindi siya mapakali, lalo na nang mahawakan niya ang ulo ni Diego at mapansin ang labis na pagkalagas ng buhok nito. Malakas ang kutob niya na
HATING-GABI na nang makatanggap ng tawag si Raven mula kay Diego. Mukhang hinihingal ito at nahihirapan sa paghinga. Nang oras na iyon, nasa kanyang opisina siya sa loob ng bahay, samantalang si Caroline ay natutulog na sa kanilang kwarto. Kunot-noo man si Raven dahil sa biglaang tawag nito, hindi niya magawang balewalain dahil mukhang may nangyari.Mabilis na kinutuban si Raven kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tumayo at kunin ang susi ng kanyang kotse. Alam niyang hindi pa sila lubusang nagkakasundo ni Diego, pero hindi na niya ito kalaban ngayon. Wala na siyang kailangang patunayan dahil alam niyang si Caroline at ang mga bata ay sa kanya pa rin"Nasaan ka?" kalmadong tanong ni Raven habang pinapaandar ang kanyang sasakyan."Sa bahay ko, alam mo na kung saan 'to, dahil nakapunta ka na rito noong dinala mo si Matthew," hirap na hirap nitong sabi. Rinig na rinig din ni Raven ang mabigat na paghinga ni Diego.Dinala niya kasi ang bata sa bahay nito isang beses, dahil gustong maki
Natameme si Diego sa narinig. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay, nanghina ang kanyang mga tuhod, at napaluhod siya. Hindi siya makapaniwala na ang kabit pala ang dahilan ng pagkawala ng panganay niyang anak—at kasalanan niya rin iyon. Isa siyang pabaya na asawa. Napahilamos siya sa kanyang mukha, at sunod-sunod na nagsilabasan ang kanyang mga luha. Tahimik siyang napahagulgol habang ang kanyang mga kamay ay nasa mukha pa rin. Ngayon, mas lalo siyang nagsisisi dahil sa kanyang nagawa. Napakalaki ng kasalanan niya kay Caroline, at hindi katanggap-tanggap ang kanyang ginawa. "Patawad," humihikbing sabi ni Diego. "Walang kapatawaran ang nagawa kong kasalanan sa'yo. Kasalanan ko ang lahat," hagulgol niya. "Patawarin mo ako, Caroline. Labis kitang nasaktan. Napaka-gago kong tao—irresponsable, manloloko, sinungaling. Hindi mo deserve ang isang katulad ko. Nabigo akong maging lalaki para sa'yo, nabigo akong maging ama, at nabigo akong maging asawa. Pinabayaan kita, Caroline," pat