Mabilis na inagaw ni Dina ang cellphone kay Caroline at itinapon ito. Halata sa mukha ni Dina ang kaba. Wala na siyang kawala sa mga kamay ni Caroline. Kung wala siyang gagawin, maaaring mawala sa kanya ang lahat, lalo na't may "sugar daddy" siya ngayon. Ayaw niyang masira ang kanyang imahe; baka masira rin ang lahat ng pinaghirapan niya, pati na rin ang reputasyon ng kanyang ina. "Please, don't! Puwede kong ibalik sa'yo ang kumpanya mo at ang perang nawala sa'yo. Gagawin ko ang lahat para maibalik ito sa'yo. H-hindi pa ako h-handa na humarap sa media at aminin ang nagawa ko sa'yo at sa asawa mo,” nanginginig at nauutal na wika ni Dina. Taas-kilay naman si Caroline. “Ang lakas mong kumabit, pero takot ka sa mga konsekuwensya? Grabe ka talaga, Dina. Hindi pa talaga kita lubusang kilala. Sayang lang ang mga taon na naging matalik kitang kaibigan," ani Caroline habang iginulong ang mga mata. "Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo, at pinagsisisihan ko ito. Nagsisisi ako noon pa
"GULAT na lumingon si Caroline kay Dina na nasa baba pa rin ang tingin. Buntis pala si Dina kay Diego. Hindi makapagsalita si Caroline at labis na kinakabahan, isang bagay na hindi niya mawari kung bakit. Marahil ay naranasan na niyang mawalan ng anak kaya ganyan na lang siya mag-react sa sinabi ni Dina. May galit pa rin sa kanya dahil masaya siya na nawala ang anak niya, samantalang siya ay nahirapang tanggapin ang pagkawala ng anak. “At nang malaman ko na buntis ka rin sa ikalawang pagkakataon, ay galit ang nararamdaman ko sa'yo. Galit ako kay Diego. Kahit nasa kulungan ka na noon, dala mo pa rin ang anak ng lalaking pinakamamahal ko,” bakas sa boses ni Dina ang galit at selos. Basang-basa na rin ang sahig dahil sa mga luha na patuloy pa rin sa pagpatak mula sa mga mata ni Dina. “I was devastated. Na kahit wala na ang asawa mo, may iniwan pa rin siya sa'yo, samantalang ako ay wala na. Nawala na. Marahil sa kataksilan, kaya nagawa niyang kunin sa akin. Pinaramdam lang sa akin
Parang tinakasan ng sariling dugo si Dina, at sobrang nanlalamig at namumutla sa takot nang makita ang taong kanyang iniiwasan at tinatakasan. Malaki naman ang ngisi ni Diego nang makalapit ito sa kanya. Gusto mang tumakbo palayo ni Dina, pakiramdam niya'y parang nakapako ang buong katawan niya sa kinatatayuan. Nang nasa harapan na niya si Diego, hindi maalis ni Dina ang kanyang mga mata sa lalaki. Kasunod noon ay sunod-sunod na pagtulo ng kanyang mga luha. “Masaya ka bang makita ako, babe? Is that a tears of joy?” pabirong wika ni Diego, sabay ngising nakakaloko. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanya at pinahiran ang mga luha gamit ang kanyang hinlalaki. "Hindi mo ba ako iwi-welcome?" ani nito, sabay buka ng mga bisig. Hindi pa rin gumalaw si Dina sa kanyang kinatatayuan. Siya na mismo ang yumakap kay Dina nang mahigpit, na para bang miss na miss niya ito. Inamoy niya ang buhok nito, pababa sa leeg. "Your scent hasn't changed at all," he said, sniffing as if he's addicted
Mabilis na binawi ni Dina ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Diego at lumayo siya "I’ll never make the same mistake again, Diego. Ayaw ko! Hindi ako kriminal,” sigaw niya na may halong takot sa kanyang mukha. "You have no choice, Dina. You have to do what I say if you still want to live peacefully," he said seriously. "Ngunit ayaw ko nang ulitin pa ang bagay na 'yon. Hindi mo alam kung anong trauma ang dinulot ng ginawa ko noon sa'yo. Natatakot ako.” "Please, Diego. Kahit ano na lang ang ipagawa mo sa akin, huwag lang ang bagay na 'yon; hindi ko kayang gawin 'yon," pagmamakaawa ni Dina habang lumuhod sa harapan nito. “Okay! Kung 'yan ang gusto mo, then please me," nakangising wika nito. "Sabi mo, hindi mo gagawin ang bagay na ito?" "Ayaw ko namang mang-milit, pero sa tingin ko, nakapagdesisyon ka na. I-pleasure mo ako o patayin mo siya?” Wala nang nagawa si Dina kundi sundin ito. Nagsimula na siyang maghubad sa harapan ni Diego. Naka-suot lang naman siyang night
Makalipas ang isang buwan, wala nang nabalitaan si Caroline tungkol kina Dina at Diego. Hindi na rin tumatawag si Diego tungkol kay Matthew, o kahit nagte-text man lang upang kumustahin ang anak. Hinahanap na rin ni Matthew ang kanyang ama, dahil matagal na itong hindi nagpapakita. Masaya naman si Caroline, ngunit hindi niya maiwasang isipin kung ano na ang nangyari sa dalawa. Wala na rin siyang balita kung umalis na ba sila ng bansa o kung nagsasama na sila. Ayaw niyang isipin na may relasyon na ang dalawa, ngunit iyon talaga ang bumabagabag sa isip niya. 'Ang sakit isipin kung totoo man.' Kahit papaano, may puwang pa rin sa puso niya si Diego. Galit siya, oo, dahil sa ginawa nito. Pero hindi maikakailang minahal niya ang lalaki nang mahigit isang dekada. Si Diego ang pinakadakilang pag-ibig niya, ngunit hindi si Diego ang tunay niyang pag-ibig. "Hmm... Anong iniisip mo?" malambing na tanong ni Raven habang hinawakan ang magkabila niyang braso at marahang hinaplos ito. “Iniis
Ngumiti nang matamis si Caroline at hinayaan si Raven na gawin ang nararapat. Akala niya'y isasagad na nito agad, ngunit bigla siya nitong binuhat at maingat na inupo sa sofa. Madilim sa kanilang paligid, at tanging ang ilaw mula sa labas ang nagsilbing liwanag.Impit na umungol si Caroline nang maramdaman ang mainit na hininga ni Raven sa kanyang pagkababae. Napasabunot siya sa buhok ni Raven, na abala sa ginagawa nito. Hindi naman mapigilan ni Caroline ang mapaigtad dahil sa sensasyong nararamdaman niya, at pakiramdam niya'y lalo siyang namamasa."Ipasok mo na lang agad, please," mahinang sabi ni Caroline, na para bang sabik na sabik. At puno ng pagnanasa ang kanyang tinig.Marahan na hinaplos ni Raven ang kanyang pisngi at sinuklian ito ng masuyong tingin. Pagkatapos, sinakop niya ang bibig ni Caroline ng malalim na halik. Hindi rin nagpahuli si Caroline, at kagat-labi niya itong tinugunan nang malalim na halik. Sinadya naman niyang kinagat ang labi ni Raven, upang malaya niyang ma
Nakangiting pinagmasdan ni Dina ang lalaking katabi niya ngayon. Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mukha, at pakiramdam niya'y nagtagumpay siya. Kasama niya ngayon si Diego sa kama, at naging routine na nila ang magkita tuwing gabi at gumising na magkasama sa iisang kama. "Hawak na kita ngayon, Diego. Ngayon na annulled na ang kasal ninyo ni Caroline, pwede na akong maging Mrs. Solise," sabi niya sa isip. Nag-iinit ang kanyang pisngi habang iniisip na magiging Mrs. Solise na siya sa hinaharap. Hindi na siya matatawag na kabit. Marahan niyang pinapatakbo ang kanyang daliri sa likuran ni Diego, na himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Alam niyang mahal pa ni Diego si Caroline, ngunit wala siyang pakialam. Mahal niya si Diego, at gagawin niya ang lahat para maging kanya lang ang lalaki. "You're mine now, Diego," bulong niya sa sarili.Bumaba na siya sa kama at tinungo ang banyo. Agad siyang nag-shower at nagulat nang makita ang ilang hibla ng buhok sa sahig ng shower room. Hindi sa
Pagdating ni Diego sa mansyon ng mga Solise, nadatnan niya ang kanyang ama sa sala kasama ang kanyang mga kapatid at ang ina. Hindi maipinta ang mukha ng ama at halatang galit na galit ito. Bigla namang kinabahan si Diego sa ikinikilos ng ama.“Dad, may problema ba?” agad niyang tanong nang makalapit siya rito.Huminga ng malalim ang kanyang ama, at isang malakas na sampal ang itinugon nito sa kanya. Gulat si Diego at hindi niya agad mag-proseso sa isip ang nangyayari.“Honey?” gulat na sambit ni Melissa habang agad inaawat ang asawa. “Kausapin mo muna ang anak mo bago ka magalit,” nag-aalalang sabi ni Melissa habang hinarap ang anak.“Okay ka lang ba, anak?” tanong niya habang hinahaplos ang pisngi nito.“Mom, ano ba ang nangyayari?” mahinang tanong niya sa kanya. Huminga ng malalim si Melissa at tiningnan siya diretso sa mata.“Kumakalat na ngayon sa social media ang balita tungkol sa pangangaliwa mo, anak. At hindi kami maniniwala hangga't hindi nanggagaling sa'yo ang katotohanan.”