LIKE 👍
“Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Chairman. Gusto ko tuloy isipin na sayo talaga nagmana ang apo mong si Hazel dahil pareho pala kayong magaan kausap.” Tumawa ang abuelo ng dalaga. “Sa palagay mo ba? Sabagay… kanino pa nga ba makukuha ng aking apo ang pagiging matalino at mabuting tao, maliban sa kanyang lolo!” Kung sa ibang pagkakataon, matatawa si Hazel sa palitan ng biruan ng mga ito. Ngunit ng sabihin ng lolo niya ang tungkol sa kasal kanina, hanggang ngayon ay shock parin siya. 5 months pa ang kasal nila ni Steve. Bakit minamadali ito bigla ng lolo niya? At saka bakit nagdesisyon ang lolo niya na madaliin ang kasal? Nang matapos kumain, natuloy ang pag uusap ng mga ito sa sala. Tumayo si Hazel at nagpaalam na magpapahangin lang. nang makita ni Rose na umalis ang dalaga, sinundan niya ito. “Is everything okay?” untag ni Rose kay Hazel. Kanina, nang sabihin ng lolo nito ang tungkol sa kasal ay napansin niya na wala ng kibo ang dalaga. At mayamaya ay nagpaalam ito
Kinabukasan ay napansin niya si Aika na nakangiti habang naglalakad. Dahil sobrang nakatuon ang atensyon nito sa cellphone na hawak, bumangga pa ang balikat nito sa kanya. “Good morning, coz! Bye the way iniwan ko na sa desk mo ang mga papeles na kailangan ng signatures mo.” “Mukhang ang saya mo yata sobra ngayon. Tapos ang aga mo pa. May boyfriend ka na, noh?” “H-ha?! Ako may boyfriend?! W-wag ka ngang assuming di’yan! Hindi ko type ang mabahong iyon, noh! Hindi naman siya kaguwapuhan! Mahirap pa at mabaho pa! K-kaya bakit ko papatulan ang lalaking ‘yon noh! Mataas ang standards ko sa lalaki… kaya wag mo ngang ipaalala sa akin ang lalaking ‘yon!” Hinihingal na lintanya ni Aika. Namula ang pisngi niya sa hiya ng mapansin na nakatingin sa lahat sa kanya. “I-ikaw kasi! M-masyado kang matanong!” Aniya bago iniwan si Hazel na tumatawa. “Arghh! Bakit ba kasi nagpapadala ako sa pambolola ng mabahong lalaking ‘yob?!” Inis na sinagot niya ang tawan ni Spencer. “Ano na naman?! Wag mo s
Pagkasakay niya sa kotse ni Frank ay mas lalong bumuhos ang malakas na ulan. Buti nalang at dumaan ito, kung hindi ay sigurado na nandon pa din siya sa kalsada at naghihintay ng taxi. Tumikhim si Frank para kunin ang atensyon ng dalaga. “May pupuntahan ka ba? Hindi kasi ito ang way papunta sa inyo.” Hindi sumagot si Hazel, nanatili itong tahimik habang nakatingin sa labas ng bintana. Nang mapansin na napakalakas ng ulan, sadyang binagalan ng binata ang andar ng sasakyan. “Nabanggit sa akin ni mommy na ikakasal ka na in two months. Bakit biglaan naman yata? Ikaw ba ang nagdecide na madaliin ang kasal? O isa sa lolo mo at kay Steve?” Inis na tumingin si Hazel kay Frank, sakto naman na tumingin ito sa gawi niya kaya nagkasalubong ang mata nilang dalawa. Agad na nag iwas siya ng tingin, bago sinagot ito ng pabalang. “Bakit kailangan mo pang malaman? Kung sino man ang nagdesisyon no’n, wala ka na do’n… wag ka nalang mangialam at magtanong pa. Wala din naman magbabago kahit malaman
Habang sinasabi iyon ni Frank, tumitingin ito sa kanya ng may pagsisisi sa mga mata habang ito ay puno ng sinseridad. “Look at the road, Frank. Ayokong mamatay tayo dahil sa paninitig mo.” Aniya ng mapansin ang paninitig nito sa kanya. Rinig niya ang mahinang pagtawa nito. Nang makarating sa hotel, tumigil na rin ang malakas na ulan, kaya naman hindi na niya kailangan ng payong. “Thank you sa paghatid sa akin dito.” Aniya bago nagmamadaling bumaba. While booking a room for her, rinig niya ang pagsinghap ng mga babae habang nakatingin sa likuran niya. Nang lumingon siya ay bumunggo ang mukha niya sa dibdib ni Frank. Wag niyang sabihin na balak siya nitong sundan? “Don’t look at me like that, Hazel. Sige ka, baka isipin nila na magkasama tayong dalawa.” Mahinang sabi ni Frank na tanging sila lamang ang nakakarinig. Pinamulahan siya ng mukha bago nakairap na tinalikuran ito. Napansin niya na ang halos ng babae ay namumula ang pisngi at kilig na kilig na nakatingin dito ngayon.
“Sabi ko na nga ba aayain mo lang ako mag inom, eh.” “Anong gusto mo? Mag stay tayo dito at magmuni-muni kung paano nagawa sayo ni Steve yon? Hello! Kapag kay problema ka, hindi masama na paminsan-minsan na uminom ng alak. Saka nag iinom ka naman ah, anong inaarte-arte mo di’yan?” Hinagis ni Aika sa ibabaw ng kama ang bag na dala niya. “Oh, dala ko na ang lahat ng pinadala mo. Magbihis ka na, magbibihis na rin ako. Mag inom tayo hanggang sa makalimutan mo ang ginawa sayo ng lokong ‘yon!” Napangiwi siya ng makita kung anong klase ng damit ang dala ni Aika para sa kanya. Bwisit talaga ang babaeng ‘to. Ang sabi niya, dress, hindi sexy red tube and maong skirt. Saka hindi naman niya damit ang mga ito, mukhang bagong bili ito ng pinsan niya. Mas mukha silang maglalandi kesa ang iinom lang dahil sa dinala nito. Pero kesa ang manisi pa, sinuot nalang niya. Basa din kasi siya kaya wala siyang choice kundi suotin ito. Hindi naman talaga siya mahilig uminom, umiinom man siya, iyon ay ku
UMIIKOT na ang lahat ng nasa paligid ni Hazel pero hindi hadlang iyon para magsayaw siya kasama si Aika at ang iba pa dito sa dance floor. Kung alam lang niya na masaya pala ang ganito, noon pa sana ay nagpunta na siya sa mga ganitong lugar. Malakas na tinapik ni Aika ang kamay ng lalaki na magtangka na humawak sa pinsan niyang si Hazel. “Hands off! Gusto lang namin sumayaw para mag enjoy kaya ilayo mo ang kamay mo kung ayaw mong kagatin ko yan!” My god! Hindi na niya mabilang kung ilang lalaki ang tinaboy niya palayo kay Hazel. Daig pa niya ang yaya-bodyguard sa lagay na niyang ito. Nanlaki ang mata niya ng makita si Spencer. “Teka! Ano ang ginagawa ng lalaking ‘yon dito—“ napaawang ang labi niya ng makita na ang suot nito ay katulad ng ibang mga waiter, “dito siya nagtatrabaho?!” Teka… nasaan na si Hazel?! Nanlaki ang mata niya ng hindi na makita ang pinsan niya sa dance floor. Samantala, galit na hinampas ni Hazel ang kamay ni Steve na nakahawak sa kanya. “B-bitiwan mo nga
Sinapo ni Hazel ang ulo ng magising siya. Parang binibiyak ito sa sakit. Yumakap siya sa unan niya—teka… bakit ang tigas yata nito. Nanlaki ang mata niya ng marealized na hindi unan ang yakap niya kundi si Frank. “Ouch! Hey stop it!” Daíng nito ng paghahampasin niya ng unan sa mukha. “Stop it? Ano ang ginagawa mo sa room ko?! Peste ka! Manyakis!” Natigil lamang siya sa paghampas sa mukha nito ng mapansin na nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Bigla ay naalala niya ang nangyari kagabi. Hiyang-hiya na napalunok siya ng laway. Lalong sumakit ang ulo niya sa naalala niya kagabi. “Frank, dito ka lang sa tabi ko ha… wag kang aalis.” “Frank, gusto mo tayo nalang ulit?” “Frank, ang tigas ng abs mo.” “Frank, ang gwapo mo talaga .” “Frank, kiss mo nga ako.” Nanghihilakbot na tumayo siya at napalayo dito. Napasabunot siya sa buhok. “Nooo!!! Hindi ko sinabi ang mga yon kagabi! Sigurado ako na… na imagination ko lang ‘yon!” Nang magtangka itong lumapit sa kanya ay pina
“Pwede ba? Wag mo nga ako tingnan ng ganyan.” “Why?” Inosenteng tanong nito. “Why? Makakakain ba ako kung ganyan ka tumingin?” “Masaya lang kasi ako na kasama kita ngayon. I’ve waited for five years to finally fulfill this dream. Akala ko kasi noon sa panaginip nalang ulit kita makakasama.” May kislap ang mata na turan ng binata, na para bang napakasaya nito ng mga sandaling ito. Iniwas niya ang tingin at pinagtuunan ng pansin ang pagkain. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Toni. Totoo nga kaya na nalungkot si Frank ng mawala siya? Pinilig niya ang ulo at kumain nalang. Wala naman magbabago kahit malaman niya ang totoo. Si Steve, akala niya ay hindi siya nito magagawang sirain ang tiwala niya, nila ng lolo niya. Pero katulad din ito ni Frank. Wala na yatang natitirang matino sa mundo ngayon. “Ano ang plano mo ngayon?“ kapagkuway tanong ng binata sa kanya. Alam niya na ang tungkol sa nakita niya ang ibig nitong sabihin. Bumuntonghininga siya at malungkot na