LIKE 👍
Sinapo ni Hazel ang ulo ng magising siya. Parang binibiyak ito sa sakit. Yumakap siya sa unan niya—teka… bakit ang tigas yata nito. Nanlaki ang mata niya ng marealized na hindi unan ang yakap niya kundi si Frank. “Ouch! Hey stop it!” Daíng nito ng paghahampasin niya ng unan sa mukha. “Stop it? Ano ang ginagawa mo sa room ko?! Peste ka! Manyakis!” Natigil lamang siya sa paghampas sa mukha nito ng mapansin na nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Bigla ay naalala niya ang nangyari kagabi. Hiyang-hiya na napalunok siya ng laway. Lalong sumakit ang ulo niya sa naalala niya kagabi. “Frank, dito ka lang sa tabi ko ha… wag kang aalis.” “Frank, gusto mo tayo nalang ulit?” “Frank, ang tigas ng abs mo.” “Frank, ang gwapo mo talaga .” “Frank, kiss mo nga ako.” Nanghihilakbot na tumayo siya at napalayo dito. Napasabunot siya sa buhok. “Nooo!!! Hindi ko sinabi ang mga yon kagabi! Sigurado ako na… na imagination ko lang ‘yon!” Nang magtangka itong lumapit sa kanya ay pina
“Pwede ba? Wag mo nga ako tingnan ng ganyan.” “Why?” Inosenteng tanong nito. “Why? Makakakain ba ako kung ganyan ka tumingin?” “Masaya lang kasi ako na kasama kita ngayon. I’ve waited for five years to finally fulfill this dream. Akala ko kasi noon sa panaginip nalang ulit kita makakasama.” May kislap ang mata na turan ng binata, na para bang napakasaya nito ng mga sandaling ito. Iniwas niya ang tingin at pinagtuunan ng pansin ang pagkain. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Toni. Totoo nga kaya na nalungkot si Frank ng mawala siya? Pinilig niya ang ulo at kumain nalang. Wala naman magbabago kahit malaman niya ang totoo. Si Steve, akala niya ay hindi siya nito magagawang sirain ang tiwala niya, nila ng lolo niya. Pero katulad din ito ni Frank. Wala na yatang natitirang matino sa mundo ngayon. “Ano ang plano mo ngayon?“ kapagkuway tanong ng binata sa kanya. Alam niya na ang tungkol sa nakita niya ang ibig nitong sabihin. Bumuntonghininga siya at malungkot na
Tama si Aika, kung hindi niya ito sasabihin sa lolo niya ay matutuloy ang kasal nila. Dahil wala siyang gana na kumain ng tanghalian ay nagpatuloy nalang siya sa pagtatrabaho. “Ma’am, nasa labas si Ma’am Arcellie.” “Papasukin mo siya.” Utos niya. Nang makapasok, galit na binagsak ni Arcellie ang mga papeles sa harapan ng dalaga. “What is the meaning of this?!” Kinuha ito ni Hazel at binaba. “Malinaw na tungkol sa emergency funds. Hindi mo ba binasa?” Lalong nanggalaiti ang ginang sa narinig. “Yes, it is! Pero bakit kailangan na l-banned ako sa funds na para sa kumpanya gayong ako na ang matagal na may hawak dito?” Nalaman ni Hazel na malaki ang perang nawala sa funds ng kumpanya kaya naman nagpa-imbestiga siya. At nalaman niya na si Arcellie ang may kagagawan. “Gusto mong hayaan kitang ubusin ang funds ng kumpanya?“ Nagkulay papel ang mukha ni Arcellie, nagpatuloy naman si Hazel. “Sa palagau mo, ano kaya ang sasabihin ni lolo kapag nalaman niya ang ginawa mo? You u
Tama si Hazel, lalo lamang magagalit si Yassie sa sinabi niya. “Porke hindi ma na magpapakasal lalandiin mo na ang nobyo ng iba?!” Namumula ang mukha sa galit na sabi pa ni Yassie. “Nobyo? Correction, Yassie… ex-boyfriend. Wala na kayong relasyon kaya wag mo si Frank akuin bilang nobyo mo.” Tumingin si Hazel sa mga security at inutusan sila. “Dalhin niyo na ang babaeng iyan sa labas. Hindi ba’t naka-banned siya dito? Paano siya nakapasok dito? Sa susunod na maging pabaya kayo sa trabaho niyo ay mawawalan kayo ng trabaho. Ano pa ang hinihintay niyo? Dalhin niyo na sa labas ang babae ‘yan!” “Yes, ma’am!” “Bitiwan niyo ako! Hindi pa tayo tapos, Hazel! Magbabayad ka sa panglalandi mo kay Frank!” Nang mawala sa kanyang paningin si Yassie ay saka lamang pumasok muli si Hazel sa loob ng kanyang opisina. Pagkatapos ng office work ay maaga siyang umuwi. Pagkababa niya ng kotse ay nakita niya si Steve. Pareho silang natigilan at hindi nakapagsalita ng ilang sandali. “What are you doin
Kumunot ang noo ni Frank ng mapansin ang isang lalaking na kanina pa palakad-lakad sa harapan ng gate ng mga Montefalco. “Sir, mukhang kahina-hinala ang lalaking iyan. Siya din ang nakita kong palaging nag aabang sa labas ng Montefalco Corp. nitong nakaraan.” Imporma ni Jobert sa amo. “Sundan niyo siya at alamin kung ano ang pakay niya sa pamilya nila Hazel.” “Yes, sir!” Sagot ni Jobert. Tinawag nito ang ibang kasama para sundan ang lalaki, na ngayon ay nakasakay na sa motor at paalis na. Saktong pagkaalis ng motor, bumukas ang gate at lumabas si Hazel na palingon-lingon. Lumabas naman agad si Frank ng kotse para salubungin ito. “Bakit ba ang kulit mo? Wala ka bang ibang gagawin kundi sundan ako?” “Paano kung sabihin kong wala?” Natampal ng dalaga ang noo at napipika na tumingin kay Frank. “Eh kung ako na kaya ang bumaril sayo—“ napaawang ang labi ni Hazel ng sabay na tumunog ang tiyan nilang dalawa. “Frank, naman! Anong oras na pero hindi ka parin kumakain? Gusto m
Magkahawak ang kamay na sumunod silang nagtungo sa pwesto nila noong nakaraan, pareho silang may ngiti sa kanilang labi. Humigpit ang hawak ni Frank, naramdaman iyon ni Hazel. Wala sa hinagap niya na magiging masaya at magaan ang dibdib niya ngayon, malayo ang pakiramdam na ito sa loob ng nakaraang mga tao. “Thank you, Mr. Evans,” aniya sa binata, napasimangot naman ito kaya naman agad niyang binawi ang sinabi ng bahagyang natatawa pa. “Thank you, Frank.”Nang makita ang magandang ngiti ni Hazel, bahagyang natigilan si Frank, ngunit pagkaraan ay hindi niya mapigilan ang ngumiti. Hindi siya makapaniwala na magkasama sila ngayon ni Hazel. Kusang loob itong sumama sa kanya, hindii lamang iyon, tunay ang mga ngiti nito sa labi habang magkasama silang dalawa.Nang mapansin ang paninitig ng binata ay namula ang dalaga. “Ehem, excuse me, ha. Alam kong maganda ako pero hindi ako pagkain, Mister.” natawa si Frank sa sinabi niya. Nang lumapit sa kanila ang waiter ay nag-order agad sila ni Fra
SAMANTALA, sunod-sunod ang pagkuha ng litrato kina Frank at Hazel ng isang lalaki, pagkatapos, agad nitong dinukot ang cellphone at nagreport kay Arcellie.“Ma’am, narito sila ngayon sa isang Coffee shop sa Rizal. Ipapadala ko sa email niyo ang mga kuha nilang dalawa.”“Ipadala mo sa akin agad ang mga litrato nilang dalawa!”“Yes, ma’am!”Pagkaraan ng ilang sandali na paghihintay, dumating ang mga pictures na kuha ng taong inutusan niya na sundan si Hazel. Base sa litrato na dumating sa kanya, mukhang nagkaayos na sila ni Frank.Umaayon sa kanya ang lahat!Sa oras na malaman ito ng papa niya, tiyak na magagalit ito kay Hazel. At kung hindi siya nagkakamali, malaki ang chance na magaya ito sa kanyang inang si Harley.May ngiti na sumilay sa labi ng ginang. Ang ngiti sa kanyang labi ay nawala ng may kumatok sa pintuan ng kwarto niya. “Aika, it’s already late, bakit gising ka pa hanggang ngayon?”Nang makapasok si Aika, humarap siya sa mommy niya at marahan na nagsalita. “Mommy, pinapas
SINIKO ni Toni si Tes at nginuso si Hazel na kanina pa nakangalumbaba habang nakangiti habang nakatingin sa kawalan.Tumikhim si Toni, saka lamang natauhan si Hazel at tumingin dito. “Hmm, may sinasabi ka?”“Ay, oo, kanina pa. Pero mukhang busy ka yata sa pag-iisip sa ibang bagay kaya wala kang naintindihan sa sinabi namin. Sino ba kasi ang nasa isip mo ngayon? Aba, kakasabi mo lang na umatras sa kasal ninyo si Steve, pero imbes na malungkot ka katulad ng ibang babae na nireject, mukhang masaya ka pa yata. Aminin mo nga, nagkabalikan na ba kayo ni Sir Frank?”“H-ha? P-paano mo nalaman?”Namilog ang mata ni Toni, “So, nagkabalikan nga kayong dalawa?” ito naman ang napaawang ang labi. “Nagtatanong ka pa, eh si Sir Frank lang naman ang ex mo, saka siya lang naman din ang nakikita kong rason kung bakit sasaya ka ng ganya. Hello, ganyan na ganyan ka kaya five years ago.”Napahawak si Hazel sa pisngi niyang namumula.Napailing si Tes, “nasaan na yung sinasabi mo nitong nakaraan na hindi mo