LIKE 👍
Magkahawak ang kamay na sumunod silang nagtungo sa pwesto nila noong nakaraan, pareho silang may ngiti sa kanilang labi. Humigpit ang hawak ni Frank, naramdaman iyon ni Hazel. Wala sa hinagap niya na magiging masaya at magaan ang dibdib niya ngayon, malayo ang pakiramdam na ito sa loob ng nakaraang mga tao. “Thank you, Mr. Evans,” aniya sa binata, napasimangot naman ito kaya naman agad niyang binawi ang sinabi ng bahagyang natatawa pa. “Thank you, Frank.” Nang makita ang magandang ngiti ni Hazel, bahagyang natigilan si Frank, ngunit pagkaraan ay hindi niya mapigilan ang ngumiti. Hindi siya makapaniwala na magkasama sila ngayon ni Hazel. Kusang loob itong sumama sa kanya, hindii lamang iyon, tunay ang mga ngiti nito sa labi habang magkasama silang dalawa. Nang mapansin ang paninitig ng binata ay namula ang dalaga. “Ehem, excuse me, ha. Alam kong maganda ako pero hindi ako pagkain, Mister.” natawa si Frank sa sinabi niya. Nang lumapit sa kanila ang waiter ay nag-order agad sila ni Fr
SAMANTALA, sunod-sunod ang pagkuha ng litrato kina Frank at Hazel ng isang lalaki, pagkatapos, agad nitong dinukot ang cellphone at nagreport kay Arcellie.“Ma’am, narito sila ngayon sa isang Coffee shop sa Rizal. Ipapadala ko sa email niyo ang mga kuha nilang dalawa.”“Ipadala mo sa akin agad ang mga litrato nilang dalawa!”“Yes, ma’am!”Pagkaraan ng ilang sandali na paghihintay, dumating ang mga pictures na kuha ng taong inutusan niya na sundan si Hazel. Base sa litrato na dumating sa kanya, mukhang nagkaayos na sila ni Frank.Umaayon sa kanya ang lahat!Sa oras na malaman ito ng papa niya, tiyak na magagalit ito kay Hazel. At kung hindi siya nagkakamali, malaki ang chance na magaya ito sa kanyang inang si Harley.May ngiti na sumilay sa labi ng ginang. Ang ngiti sa kanyang labi ay nawala ng may kumatok sa pintuan ng kwarto niya. “Aika, it’s already late, bakit gising ka pa hanggang ngayon?”Nang makapasok si Aika, humarap siya sa mommy niya at marahan na nagsalita. “Mommy, pinapas
SINIKO ni Toni si Tes at nginuso si Hazel na kanina pa nakangalumbaba habang nakangiti habang nakatingin sa kawalan.Tumikhim si Toni, saka lamang natauhan si Hazel at tumingin dito. “Hmm, may sinasabi ka?”“Ay, oo, kanina pa. Pero mukhang busy ka yata sa pag-iisip sa ibang bagay kaya wala kang naintindihan sa sinabi namin. Sino ba kasi ang nasa isip mo ngayon? Aba, kakasabi mo lang na umatras sa kasal ninyo si Steve, pero imbes na malungkot ka katulad ng ibang babae na nireject, mukhang masaya ka pa yata. Aminin mo nga, nagkabalikan na ba kayo ni Sir Frank?”“H-ha? P-paano mo nalaman?”Namilog ang mata ni Toni, “So, nagkabalikan nga kayong dalawa?” ito naman ang napaawang ang labi. “Nagtatanong ka pa, eh si Sir Frank lang naman ang ex mo, saka siya lang naman din ang nakikita kong rason kung bakit sasaya ka ng ganya. Hello, ganyan na ganyan ka kaya five years ago.”Napahawak si Hazel sa pisngi niyang namumula.Napailing si Tes, “nasaan na yung sinasabi mo nitong nakaraan na hindi mo
GALIT NA GALIT na pumasok si Katya sa opisina ng kuya Steve niya. “Nasaan si kuya?” tanong niya sa secretary nito ng hindi niya nadatnan ang kuya niya.“Ma’am Katya, tatlong araw ng hindi pumapasok si Sir—“What?!” lalong uminit ang ulo niya sa narinig.Pagkauwi ay napansin niya ang mga kasambabay na may dalang mga basyo ng alak galing sa study room ng kuya niya. “Nasa loob ba si kuya?”“Yes, ma’am.”Agad siyang pumasok sa study room, nadatnan niya doon ang kuya niya na nakaupo at halatang nakainom. “Kuya Steve…” hindi palainom ang kuya Steve niya at hindi ito nagpapakalasing, kaya naman nagkahinala agad siya na may mabigat itong dinadala. “Kuya, about Hazel…” natigilan siya ng mapansin na nagkalat ang litrato ni Hazel sa mesa nito, kuha ito noong nasa Amerika pa sila. Nakadama siya ng awa sa kapatid niya, at galit naman para kay Hazel. “I saw her with Frank Evans, I think she's cheated on you!” imbes magalit, o magulat, tumungga lamang ito ng alak.“Kuya, naririnig mo ba ang sina
TUMINGIN si Hazel sa salamin. Katatapos lang ng trabaho niya ngayong araw kaya oras na ng uwian. Hindi niya maiwasan na hindi sipatin ang sarili niya para siguraduhin kung maganda ba siya. Simula kasi ng magkabalikan sila ni Frank ay palagi na siyang hinahatid nito pauwe, minsan pa nga ay sinusundo siya nito. Mabuti nalang at tinutulungan siya magpalusot ni Aling Nita para hindi mahalata ng lolo niya at ng mga tauhan nito na lihim silang lumalabas at nagkikita ni Frank. Ayaw niya maglihim o magsinungaling sa lolo niya pero hindi pa siya handang sabihin dito ang tungkol sa relasyon nila ni Frank. Alam kasi niya na hindi ito papayag na makipagrelaslasyon siya sa binata. Saka kaka-atras lang ni Steve sa kasal nila, alam niya na masama pa ang loob nito sa naging desisyon ni Steve, kaya ayaw niyang dumagdag pa don. Pagkatapos maglagay ng foundation at manipis na lipstick, naglagay din siya ng mascara at blush on. Nang ma-satisfy sa ayos niya ay saka siya lumabas ng restroom. Napasinghap s
Tatawa-tawa si Frank habang nagmamaneho. Irap naman siya ng irap dito. Pagdating nila sa restaurant ay kumain agad sila. Uuwi kasi siya ng maaga dahil sasabay pa siya ng dinner sa lolo niya kahit na kumain na siya sa labas. Ayaw niya kasi na magduda ito na kaya siya madalas na kumain sa labas dahil may kasama siya. Hindi pa sila nagsisimulang kumain ng mamataan niya ang pamilyar na pigura sa sulok ng restaurant. Mabilis na hinila niya si Frank sa kamay at hinila sa gilid. Kumunot naman ang noo nito ng makita na natataranta siya. Si lolo at si tito Samsung ay magkasama! Nang sumilip si Frank ay naunawaan niya agad ang dahilan kaya nataranta ang nobya. Damn. Gusto niyang hilahin ang dalaga at ipakita sa mga ito na siya ang mahal nito. Pero alam niya na sa oras na gawin niya iyon ay magagalit ito sa kanya. And he doesn’t want that to happen. Ginagalang niya ang desisyon ng nobya. Handa siyang maghintay gaano man katagal hanggang sa magawa nito na sabihin sa abuelo ang tungko
Pagak na natawa si Frank sa sinabi ng mommy niya. Tumayo agad si Yassie at nilapitan si Frank. “Pwede ba tayong mag usap, Frank.” “Wala tayong dapat pag-usapan—“ “Talk to her, Frank. Kailangan niyong pag usapan ang tungkol sa kasal niyong dalawa.” Hinintay ni Frank na umalis ang ina bago hinaklit sa braso si Yassie. “You bițch! Anong kasinungalingan ang pinagsasabi mo kay mommy? Buntis? We haven’t sex for five years! Paano kita mabubuntis?! Saka baka nakakalimutan mo na baog ka, Yassie… hindi ka magkakaanak sa akin man o kahit kanino… kaya paano ka mabubuntis?!” Nasasaktan si Yassie sa hawak ni Frank sa braso niya, ngunit mas masakit ang tahasang pagbanggit nito sa pagiging baog niya. “Kung anuman ang plano mo, wag mo ng ituloy dahil kahit ano pa ang gawin mo, hinding-hindi na ako babalik sayo. We are done, Yassie… hindi kita mahal dahil si Hazel na ang mahal ko. Alam kong matagal mo ng napansin yon. Kaya nga gumawa ka ng paraan para hindi siya magbuntis diba?” “A-ano ba
“Don’t worry, papa. Gagawin ko ang lahat para pakasalan ako ni Frank.” Pangako ni Yassie sa daddy niya. Pagkagaling nila sa bahay nila Frank ay dumiretso sila ng uwi. Pero nagulantang sila sa sinabi ny secretary ng papa niya. “Ano ang ibig mong sabihin na may bago akong kalaban sa pagtakbo bilang governador sa bayan na ito?! Sino ang naglakas-loob na kalabanin ako?!” Galit na galit na tanong ni Ian. “Sir, hindi ko pa nalalaman kung sino siya. Pero ayon sa mga balitang narinig ko. Malakas ang laban niya dahil nakuha niya agad ang puso ng mga tao sa lalawigan natin. Kahit ang ibang kalaban na partido ay ito din ang sinasabi.” “Puntèta! Hindi ito maari!” Galit na bumaling si Ian kay Yassie. “Narinig mo ang sinabi niya, anak? Simula ng kumalat ang balitang hiwalay na kayo ni Frank ay humina na rin ang pangalan natin! Kapag porma na naglabas ng statement si Frank tungkol sa hiwalayan ninyo, tiyak na hindi na ako mananalo!” Bumaling si Yolly sa secretary at nag-utos. “Alamin mo k
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinaw
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k