SINIKO ni Toni si Tes at nginuso si Hazel na kanina pa nakangalumbaba habang nakangiti habang nakatingin sa kawalan.Tumikhim si Toni, saka lamang natauhan si Hazel at tumingin dito. “Hmm, may sinasabi ka?”“Ay, oo, kanina pa. Pero mukhang busy ka yata sa pag-iisip sa ibang bagay kaya wala kang naintindihan sa sinabi namin. Sino ba kasi ang nasa isip mo ngayon? Aba, kakasabi mo lang na umatras sa kasal ninyo si Steve, pero imbes na malungkot ka katulad ng ibang babae na nireject, mukhang masaya ka pa yata. Aminin mo nga, nagkabalikan na ba kayo ni Sir Frank?”“H-ha? P-paano mo nalaman?”Namilog ang mata ni Toni, “So, nagkabalikan nga kayong dalawa?” ito naman ang napaawang ang labi. “Nagtatanong ka pa, eh si Sir Frank lang naman ang ex mo, saka siya lang naman din ang nakikita kong rason kung bakit sasaya ka ng ganya. Hello, ganyan na ganyan ka kaya five years ago.”Napahawak si Hazel sa pisngi niyang namumula.Napailing si Tes, “nasaan na yung sinasabi mo nitong nakaraan na hindi mo
GALIT NA GALIT na pumasok si Katya sa opisina ng kuya Steve niya. “Nasaan si kuya?” tanong niya sa secretary nito ng hindi niya nadatnan ang kuya niya.“Ma’am Katya, tatlong araw ng hindi pumapasok si Sir—“What?!” lalong uminit ang ulo niya sa narinig.Pagkauwi ay napansin niya ang mga kasambabay na may dalang mga basyo ng alak galing sa study room ng kuya niya. “Nasa loob ba si kuya?”“Yes, ma’am.”Agad siyang pumasok sa study room, nadatnan niya doon ang kuya niya na nakaupo at halatang nakainom. “Kuya Steve…” hindi palainom ang kuya Steve niya at hindi ito nagpapakalasing, kaya naman nagkahinala agad siya na may mabigat itong dinadala. “Kuya, about Hazel…” natigilan siya ng mapansin na nagkalat ang litrato ni Hazel sa mesa nito, kuha ito noong nasa Amerika pa sila. Nakadama siya ng awa sa kapatid niya, at galit naman para kay Hazel. “I saw her with Frank Evans, I think she's cheated on you!” imbes magalit, o magulat, tumungga lamang ito ng alak.“Kuya, naririnig mo ba ang sina
TUMINGIN si Hazel sa salamin. Katatapos lang ng trabaho niya ngayong araw kaya oras na ng uwian. Hindi niya maiwasan na hindi sipatin ang sarili niya para siguraduhin kung maganda ba siya. Simula kasi ng magkabalikan sila ni Frank ay palagi na siyang hinahatid nito pauwe, minsan pa nga ay sinusundo siya nito. Mabuti nalang at tinutulungan siya magpalusot ni Aling Nita para hindi mahalata ng lolo niya at ng mga tauhan nito na lihim silang lumalabas at nagkikita ni Frank. Ayaw niya maglihim o magsinungaling sa lolo niya pero hindi pa siya handang sabihin dito ang tungkol sa relasyon nila ni Frank. Alam kasi niya na hindi ito papayag na makipagrelaslasyon siya sa binata. Saka kaka-atras lang ni Steve sa kasal nila, alam niya na masama pa ang loob nito sa naging desisyon ni Steve, kaya ayaw niyang dumagdag pa don. Pagkatapos maglagay ng foundation at manipis na lipstick, naglagay din siya ng mascara at blush on. Nang ma-satisfy sa ayos niya ay saka siya lumabas ng restroom. Napasinghap s
Tatawa-tawa si Frank habang nagmamaneho. Irap naman siya ng irap dito. Pagdating nila sa restaurant ay kumain agad sila. Uuwi kasi siya ng maaga dahil sasabay pa siya ng dinner sa lolo niya kahit na kumain na siya sa labas. Ayaw niya kasi na magduda ito na kaya siya madalas na kumain sa labas dahil may kasama siya. Hindi pa sila nagsisimulang kumain ng mamataan niya ang pamilyar na pigura sa sulok ng restaurant. Mabilis na hinila niya si Frank sa kamay at hinila sa gilid. Kumunot naman ang noo nito ng makita na natataranta siya. Si lolo at si tito Samsung ay magkasama! Nang sumilip si Frank ay naunawaan niya agad ang dahilan kaya nataranta ang nobya. Damn. Gusto niyang hilahin ang dalaga at ipakita sa mga ito na siya ang mahal nito. Pero alam niya na sa oras na gawin niya iyon ay magagalit ito sa kanya. And he doesn’t want that to happen. Ginagalang niya ang desisyon ng nobya. Handa siyang maghintay gaano man katagal hanggang sa magawa nito na sabihin sa abuelo ang tungko
Pagak na natawa si Frank sa sinabi ng mommy niya. Tumayo agad si Yassie at nilapitan si Frank. “Pwede ba tayong mag usap, Frank.” “Wala tayong dapat pag-usapan—“ “Talk to her, Frank. Kailangan niyong pag usapan ang tungkol sa kasal niyong dalawa.” Hinintay ni Frank na umalis ang ina bago hinaklit sa braso si Yassie. “You bițch! Anong kasinungalingan ang pinagsasabi mo kay mommy? Buntis? We haven’t sex for five years! Paano kita mabubuntis?! Saka baka nakakalimutan mo na baog ka, Yassie… hindi ka magkakaanak sa akin man o kahit kanino… kaya paano ka mabubuntis?!” Nasasaktan si Yassie sa hawak ni Frank sa braso niya, ngunit mas masakit ang tahasang pagbanggit nito sa pagiging baog niya. “Kung anuman ang plano mo, wag mo ng ituloy dahil kahit ano pa ang gawin mo, hinding-hindi na ako babalik sayo. We are done, Yassie… hindi kita mahal dahil si Hazel na ang mahal ko. Alam kong matagal mo ng napansin yon. Kaya nga gumawa ka ng paraan para hindi siya magbuntis diba?” “A-ano ba
“Don’t worry, papa. Gagawin ko ang lahat para pakasalan ako ni Frank.” Pangako ni Yassie sa daddy niya. Pagkagaling nila sa bahay nila Frank ay dumiretso sila ng uwi. Pero nagulantang sila sa sinabi ny secretary ng papa niya. “Ano ang ibig mong sabihin na may bago akong kalaban sa pagtakbo bilang governador sa bayan na ito?! Sino ang naglakas-loob na kalabanin ako?!” Galit na galit na tanong ni Ian. “Sir, hindi ko pa nalalaman kung sino siya. Pero ayon sa mga balitang narinig ko. Malakas ang laban niya dahil nakuha niya agad ang puso ng mga tao sa lalawigan natin. Kahit ang ibang kalaban na partido ay ito din ang sinasabi.” “Puntèta! Hindi ito maari!” Galit na bumaling si Ian kay Yassie. “Narinig mo ang sinabi niya, anak? Simula ng kumalat ang balitang hiwalay na kayo ni Frank ay humina na rin ang pangalan natin! Kapag porma na naglabas ng statement si Frank tungkol sa hiwalayan ninyo, tiyak na hindi na ako mananalo!” Bumaling si Yolly sa secretary at nag-utos. “Alamin mo k
Galit na galit na binato ni Frank ang bote ng beer sa pader. Narito siya ngayon sa villa niya. Sinadya niyang umuwi na kanina dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya. May pinagsamahan oarin naman sila ni Yassie, at ayaw niya na masaktan niya ito sa galit niya. Pero talagang sinusubukan ni Yassie ang pasensya niya. ‘Sa palagay mo ba ay pipiliin ni Hazel ang nanakit sa kanya kaysa sa lolo niya?’ “Fvck!” Maisip palang niya na hindi siya ang pipiliin ni Hazel ay natataranta na siya. Alam na alam talaga ni Yassie kung paano makipaglaro. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Hazel. “Hi, miss me?” Agad siyang napangiti ng marinig ang malambing na boses ng nobya. “Sobra, baby.” Napahagikgik si Hazel sa sinabi ng binata. Pero agad din siya nagtanong dito ng may pag aalala. “May problema ba? Narinig ko kasi na tumawag si tita Rose sayo kanina. Hindi ako makatulog kasi iniisip kita. Nag aalala ako sayo.” “I-it was nothing, baby. It just about the company. Kumai
Natataranta na lumapit si Frank sa dalaga, ngunit malamig na nagsalita siya. “I’m asking you, Frank. Is she the reason why you came home earlier?” Napalunok ng laway na tumango si Frank. Walang dahilan para magsinungaling siya sa nobya. “Is it bad, or bad news for me… makaka-apekto ba ito sa relasyon natin?” Nanlaki ang mata ni Yassie sa narinig, “Relasyon? M-may relasyon na kayo?” Madilim ang mukha na tumingin si Hazel dito. “Zip yoor mouth, Yassie. Hindi ikaw ang kinakausap ko,” bumaling siya sa nobyo, “tell me, Frank… masasaktan ba ako this time?” Lumunok ng laway si Frank bago umiling. Sa lamig ng tono ng pananalita ni Hazel, alam niya na nagpipigil lamang ito ng galit. “Masasaktan ba ako this time, Frank?” Ulit ni Hazel sa malamig na tono. Umiling si Frank, ngunit hindi nakaligtas sa mata ni Hazel ang pagdaan ng takot sa mga mata nito. “You bitch! Kaya pala hindi ka na magpapakasa dahil tuluyan mo nang inahas sa akin si Frank! Napakalandi mo! Walang hiya ka!”