LIKE 👍
Habang sinasabi iyon ni Frank, tumitingin ito sa kanya ng may pagsisisi sa mga mata habang ito ay puno ng sinseridad. “Look at the road, Frank. Ayokong mamatay tayo dahil sa paninitig mo.” Aniya ng mapansin ang paninitig nito sa kanya. Rinig niya ang mahinang pagtawa nito. Nang makarating sa hotel, tumigil na rin ang malakas na ulan, kaya naman hindi na niya kailangan ng payong. “Thank you sa paghatid sa akin dito.” Aniya bago nagmamadaling bumaba. While booking a room for her, rinig niya ang pagsinghap ng mga babae habang nakatingin sa likuran niya. Nang lumingon siya ay bumunggo ang mukha niya sa dibdib ni Frank. Wag niyang sabihin na balak siya nitong sundan? “Don’t look at me like that, Hazel. Sige ka, baka isipin nila na magkasama tayong dalawa.” Mahinang sabi ni Frank na tanging sila lamang ang nakakarinig. Pinamulahan siya ng mukha bago nakairap na tinalikuran ito. Napansin niya na ang halos ng babae ay namumula ang pisngi at kilig na kilig na nakatingin dito ngayon.
“Sabi ko na nga ba aayain mo lang ako mag inom, eh.” “Anong gusto mo? Mag stay tayo dito at magmuni-muni kung paano nagawa sayo ni Steve yon? Hello! Kapag kay problema ka, hindi masama na paminsan-minsan na uminom ng alak. Saka nag iinom ka naman ah, anong inaarte-arte mo di’yan?” Hinagis ni Aika sa ibabaw ng kama ang bag na dala niya. “Oh, dala ko na ang lahat ng pinadala mo. Magbihis ka na, magbibihis na rin ako. Mag inom tayo hanggang sa makalimutan mo ang ginawa sayo ng lokong ‘yon!” Napangiwi siya ng makita kung anong klase ng damit ang dala ni Aika para sa kanya. Bwisit talaga ang babaeng ‘to. Ang sabi niya, dress, hindi sexy red tube and maong skirt. Saka hindi naman niya damit ang mga ito, mukhang bagong bili ito ng pinsan niya. Mas mukha silang maglalandi kesa ang iinom lang dahil sa dinala nito. Pero kesa ang manisi pa, sinuot nalang niya. Basa din kasi siya kaya wala siyang choice kundi suotin ito. Hindi naman talaga siya mahilig uminom, umiinom man siya, iyon ay ku
UMIIKOT na ang lahat ng nasa paligid ni Hazel pero hindi hadlang iyon para magsayaw siya kasama si Aika at ang iba pa dito sa dance floor. Kung alam lang niya na masaya pala ang ganito, noon pa sana ay nagpunta na siya sa mga ganitong lugar. Malakas na tinapik ni Aika ang kamay ng lalaki na magtangka na humawak sa pinsan niyang si Hazel. “Hands off! Gusto lang namin sumayaw para mag enjoy kaya ilayo mo ang kamay mo kung ayaw mong kagatin ko yan!” My god! Hindi na niya mabilang kung ilang lalaki ang tinaboy niya palayo kay Hazel. Daig pa niya ang yaya-bodyguard sa lagay na niyang ito. Nanlaki ang mata niya ng makita si Spencer. “Teka! Ano ang ginagawa ng lalaking ‘yon dito—“ napaawang ang labi niya ng makita na ang suot nito ay katulad ng ibang mga waiter, “dito siya nagtatrabaho?!” Teka… nasaan na si Hazel?! Nanlaki ang mata niya ng hindi na makita ang pinsan niya sa dance floor. Samantala, galit na hinampas ni Hazel ang kamay ni Steve na nakahawak sa kanya. “B-bitiwan mo nga
Sinapo ni Hazel ang ulo ng magising siya. Parang binibiyak ito sa sakit. Yumakap siya sa unan niya—teka… bakit ang tigas yata nito. Nanlaki ang mata niya ng marealized na hindi unan ang yakap niya kundi si Frank. “Ouch! Hey stop it!” Daíng nito ng paghahampasin niya ng unan sa mukha. “Stop it? Ano ang ginagawa mo sa room ko?! Peste ka! Manyakis!” Natigil lamang siya sa paghampas sa mukha nito ng mapansin na nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Bigla ay naalala niya ang nangyari kagabi. Hiyang-hiya na napalunok siya ng laway. Lalong sumakit ang ulo niya sa naalala niya kagabi. “Frank, dito ka lang sa tabi ko ha… wag kang aalis.” “Frank, gusto mo tayo nalang ulit?” “Frank, ang tigas ng abs mo.” “Frank, ang gwapo mo talaga .” “Frank, kiss mo nga ako.” Nanghihilakbot na tumayo siya at napalayo dito. Napasabunot siya sa buhok. “Nooo!!! Hindi ko sinabi ang mga yon kagabi! Sigurado ako na… na imagination ko lang ‘yon!” Nang magtangka itong lumapit sa kanya ay pina
“Pwede ba? Wag mo nga ako tingnan ng ganyan.” “Why?” Inosenteng tanong nito. “Why? Makakakain ba ako kung ganyan ka tumingin?” “Masaya lang kasi ako na kasama kita ngayon. I’ve waited for five years to finally fulfill this dream. Akala ko kasi noon sa panaginip nalang ulit kita makakasama.” May kislap ang mata na turan ng binata, na para bang napakasaya nito ng mga sandaling ito. Iniwas niya ang tingin at pinagtuunan ng pansin ang pagkain. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Toni. Totoo nga kaya na nalungkot si Frank ng mawala siya? Pinilig niya ang ulo at kumain nalang. Wala naman magbabago kahit malaman niya ang totoo. Si Steve, akala niya ay hindi siya nito magagawang sirain ang tiwala niya, nila ng lolo niya. Pero katulad din ito ni Frank. Wala na yatang natitirang matino sa mundo ngayon. “Ano ang plano mo ngayon?“ kapagkuway tanong ng binata sa kanya. Alam niya na ang tungkol sa nakita niya ang ibig nitong sabihin. Bumuntonghininga siya at malungkot na
Tama si Aika, kung hindi niya ito sasabihin sa lolo niya ay matutuloy ang kasal nila. Dahil wala siyang gana na kumain ng tanghalian ay nagpatuloy nalang siya sa pagtatrabaho. “Ma’am, nasa labas si Ma’am Arcellie.” “Papasukin mo siya.” Utos niya. Nang makapasok, galit na binagsak ni Arcellie ang mga papeles sa harapan ng dalaga. “What is the meaning of this?!” Kinuha ito ni Hazel at binaba. “Malinaw na tungkol sa emergency funds. Hindi mo ba binasa?” Lalong nanggalaiti ang ginang sa narinig. “Yes, it is! Pero bakit kailangan na l-banned ako sa funds na para sa kumpanya gayong ako na ang matagal na may hawak dito?” Nalaman ni Hazel na malaki ang perang nawala sa funds ng kumpanya kaya naman nagpa-imbestiga siya. At nalaman niya na si Arcellie ang may kagagawan. “Gusto mong hayaan kitang ubusin ang funds ng kumpanya?“ Nagkulay papel ang mukha ni Arcellie, nagpatuloy naman si Hazel. “Sa palagau mo, ano kaya ang sasabihin ni lolo kapag nalaman niya ang ginawa mo? You u
Tama si Hazel, lalo lamang magagalit si Yassie sa sinabi niya. “Porke hindi ma na magpapakasal lalandiin mo na ang nobyo ng iba?!” Namumula ang mukha sa galit na sabi pa ni Yassie. “Nobyo? Correction, Yassie… ex-boyfriend. Wala na kayong relasyon kaya wag mo si Frank akuin bilang nobyo mo.” Tumingin si Hazel sa mga security at inutusan sila. “Dalhin niyo na ang babaeng iyan sa labas. Hindi ba’t naka-banned siya dito? Paano siya nakapasok dito? Sa susunod na maging pabaya kayo sa trabaho niyo ay mawawalan kayo ng trabaho. Ano pa ang hinihintay niyo? Dalhin niyo na sa labas ang babae ‘yan!” “Yes, ma’am!” “Bitiwan niyo ako! Hindi pa tayo tapos, Hazel! Magbabayad ka sa panglalandi mo kay Frank!” Nang mawala sa kanyang paningin si Yassie ay saka lamang pumasok muli si Hazel sa loob ng kanyang opisina. Pagkatapos ng office work ay maaga siyang umuwi. Pagkababa niya ng kotse ay nakita niya si Steve. Pareho silang natigilan at hindi nakapagsalita ng ilang sandali. “What are you doin
Kumunot ang noo ni Frank ng mapansin ang isang lalaking na kanina pa palakad-lakad sa harapan ng gate ng mga Montefalco. “Sir, mukhang kahina-hinala ang lalaking iyan. Siya din ang nakita kong palaging nag aabang sa labas ng Montefalco Corp. nitong nakaraan.” Imporma ni Jobert sa amo. “Sundan niyo siya at alamin kung ano ang pakay niya sa pamilya nila Hazel.” “Yes, sir!” Sagot ni Jobert. Tinawag nito ang ibang kasama para sundan ang lalaki, na ngayon ay nakasakay na sa motor at paalis na. Saktong pagkaalis ng motor, bumukas ang gate at lumabas si Hazel na palingon-lingon. Lumabas naman agad si Frank ng kotse para salubungin ito. “Bakit ba ang kulit mo? Wala ka bang ibang gagawin kundi sundan ako?” “Paano kung sabihin kong wala?” Natampal ng dalaga ang noo at napipika na tumingin kay Frank. “Eh kung ako na kaya ang bumaril sayo—“ napaawang ang labi ni Hazel ng sabay na tumunog ang tiyan nilang dalawa. “Frank, naman! Anong oras na pero hindi ka parin kumakain? Gusto m