“NASA LABAS SIYA ng silid mo, boss.” Imporma ni Jobert sa amo habang panaka-nakang sumisilip sa dalaga, na ngayon ay nakatayo lamang sa labas ng silid ni Frank. “Sa palagay ko ay papasok na siya anumang oras. Kailangan mong maghanda, boss!”Napailing si Mike habang nakatingin kay Frank na abot hanggang langit ang ngiti. “Nagagawa mo pang ngumiti pagkatapos ng nangyari sayo. Nababaliw ka na yata, Frank.” Dumating ito ng duguan, at animo’y walang malay. Ngunit bilang doktor ay nahalata niya na nagpapanggap lamang ito. Ngunit dahil isa itong Evans at bayaw niya, ang lahat ng hospital staff ay binigyan ng special treatment ang binata, at inasikaso ito na para bang nasa bingit ang buhay nito.“Nasaan na ang sinabi mo noon na “hindi applicable ang pagmamahal sa lahat” sa palagay ko, mukhang malakas ang tama mo.” Tudyo pa niya.“Tumahimik ka nga, Mikael. Hindi ko kailangan nag sermon mo ngayon. Ang tulong mo ang kailangan ko. Anumang sandali ay papasok si Hazel dito. Gusto kong sabihin mo s
PAGDATING SA LABAS ng silid ni Frank, huminto si Hazel. Nagbabalak na siyang kumatok ng biglang bumukas ito. “Hazel!” “Tita Freya!” Hindi napigilan ni Freya ang yumakap kay Hazel ng makita ito. “Masaya akong malaman na buhay at ligtas ka.” Pinahid ni Freya ang luha sa mata matapos bumitaw ng yakap sa dalaga. Matagal-tagal na kamustahan ang naganap sa pagitan nila, “Bakit tayo narito sa labas, tara iha, pumasok ka dito sa loob.” Hindi na tumanggi si Hazel ng igiya siya ng ginang papasok. Nang makaupo sila, agad nitong ginanap ang kanyang kamay. “Limang taon din kaming nalungkot sa pagkawala mo. Nalaman na lamang namin kila Fatima na kasama ka sa mga namatay noon sa sumabog na gusali, hindi kami naka-attend ng burol mo dahil ayon sa kanya ay kinuha ng pamilya mo ang katawan mo. Kaya pala hindi namin nalaman kung sino ang pamilya, o kumuha ng bangkay mo noon, dahil buhay ka at isa palang Montefalco ang tumakip sa mga impormasyon tungkol sayo.” “Pasensya na kayo ni Ate Rose, Tita
PAGKATAPOS NG MAHABA-habang usapan, nagpasya na si Hazel na magpaalam. Kung hihintayin pa niya na magising si Frank ay baka makahalata na ang ginang. Tiyak na magtatalo lamang sila ng binata sa harap nito, kaya naman mabuti pang umuwi na siya. “TINGNAN mo nga naman, oh. Sa dinami-dami ng pwede kong makita, pagmumukha mo pa talaga!” Tumikwas ang kilay ni Aika at ginantihan ng masamang tingin si Toni. “Excuse me? Sino ba ang nagsabi sayo na gusto din kitang makita?” Kumunot ang noo ni Hazel ng marinig ang pamilyar na boses na nagtatalo sa labas ng restroom kung saan siya papunta ngayon. “Hazel?” Namilog ang mata ni Toni ng makita ang dalaga. “Ano ang ginagawa mo dito?” “Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito?” Nag alala si Hazel ng mapansin na namumutla ito. “Ah, kanina kasi, bigla akong nahilo at nasuka… kaya dinaal agad ako ni Aeros dito para magpa-check up. Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito? Wag mong sabihin sa akin na sinamahan mo ang impaktang pinsan mo?” “Excuse me? Anong impakta?!
Nagulat si Venera ng malakas na bumukas ang pintuan ng kanilang bahay. Mula roon, pumasok si Spencer at parang galit na galit na sinipa ang pintuan. Ang kanyang asawa na si Klyde ay agad na tumayo at nilapitan ang kapatid na si Spencer. “Ano na naman ba ang problema mo, Spencer? Wag mo sabihin sa akin na nakainom ka na naman?” nang maalala nito ang ginawang pangnanakaw sa babae na nakita nila sa clinic ay uminit ang ulo nito. “Pwede ba, isipin mo naman si tatay! Wag puro gulo nalang ang dinadala mo sa bahay!” “Anong pakialam ko sa matandang ‘yan?! Sa palagay mo, may palagay ako kahit mamatay pa yan?!” “Spencer, gumalang ka naman! Hindi ba pwedeng isantabi mo muna ang galit mo kay tatay? May sakit na siya, kaya sana naman huwag ka ng dumagdag sa mga alalahanin niya— “Tumahimik ka, Venera. Wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat!” isang suntok ang tumama sa mukha ni Spencer ng lumipad ang kamao ng kanyang kapatid na si Klyde sa mukha niya. “Wag mong babastusin ang asawa ko!”
“Ano bang ginagawa mo dito? Pwede ba, wag mo nga akong puntahan dito! Baka isipin pa nila magkakilala tayong dalawa! Ayokong isipin nila na may kilala akong… mukhang hindi naliligo, noh!” Pagtataray ni Aika ng makita si Spencer na naghihintay sa kanya sa labas ng Montefalco corp. Napailing nalang si Hazel habang nakatingin sa pinsan niya na halos umusok ang ilong ng makita ang lalaki. “Ang sungit mo naman. Ikaw na nga itong dinalhan ko ng pagkain, ikaw pa ang galit. Pasalamat ka, type kita.” Ani ng binata sabay kindat sa dalaga. “Y-yuck! Kadiri ka!” Nangingilabot si Aika sa sinabi nito. Nagmamadali itong pumunta ng parking lot para sumakay ng kanyang kotse para iwasan at takasan ito. “Aika, loves! Sandali lang!” Halos magkanda-ekis ang paa ni Aika, at halos takbuhin na ang daan para makarating agad ng kanyang sasakyan. Type daw siya nito? Yuck! Nasisiraan na ba ito bg ulo?! Mukhang kailangan niya itong ireport muli, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na dahil nang-snatc
Habang lulan ng sasakyan, hindi mapigilan ni Jobert ang mamangha sa laki ng pinagbago ni Hazel. Nasaksihan niya kung gaano nito kamahal ng amo niya. Makita pa lamang ng dalaga, o marinig na dumating na ang amo niya noon ay agad na nagliliwanag ang mukha nito. Ngunit ngayon ay sobrang pula ng mukha nito sa galit. Ngunit ngayon, nagkabaliktad na ang sitwasyon ng dalawa ngayon. “Narito na tayo, ma’am.” Magalang na imporma ni Jobert pagkarating nila sa tapat ng isang restaurant. Kumunot ang noo ng dalaga. “Ano ang ginagawa natin dito? Teka… akala ko ba…” nagkibitbalikat na lamang siya. Sabagay mas maganda kung dito nalang sila mag usap kaysa sa bahay ng binata, o sa bahay nila. Pagkapasok ay agad na bumungad ang cozy na ambiance sa loob. Kapansin-pansin din na walang tao maliban sa iilang staff sa loob. Tunog ng takong niya lamang ang naririnig papasok habang sinusundan niya si Jobert na iginigiya siya sa loob. Naitirik niya ang mata ng makita si Frank na prenteng nakaupo sa d
Hazel’s left. When he told her about his true feelings, she left like it was nothing. Sa buong buhay niya, ngayon lamang niya sinabi sa isang babae ang salitang ‘yon dahil naniniwala siya na hindi kailangan ‘yon. Naniniwala siya na kahinaan para sa isang lalaki na sabihin iyon. Pinaniwala niya ang saliri na ang kailangan lang niya sa buhay ay pera at perpektong asawa na kayang sabayan ang ugali niya. But he’s wrong. Nang una niyang makita si Hazel noon, inaamin niya na nagulat siya ng makita ito. Hazel is different from what he thought. He thought at first, na sinadya nitong lumabas ng kwarto at puntahan siya sa garden ng nakakaakit ang ayos. But he was wrong. Nang makasama niya ito, napatunayan niya na inosente ito sa lahat ng bagay. She’s sweet and a caring person, just like her mommy. Kaya nagustuhan ito ng pamilya niya. Pero naging bulag siya at nanindigan sa paniniwala niya na hindi niya kailangan ng mahinang babae na katulad nito… na si Yassie ang kailangan niya dahil
“Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Chairman. Gusto ko tuloy isipin na sayo talaga nagmana ang apo mong si Hazel dahil pareho pala kayong magaan kausap.” Tumawa ang abuelo ng dalaga. “Sa palagay mo ba? Sabagay… kanino pa nga ba makukuha ng aking apo ang pagiging matalino at mabuting tao, maliban sa kanyang lolo!” Kung sa ibang pagkakataon, matatawa si Hazel sa palitan ng biruan ng mga ito. Ngunit ng sabihin ng lolo niya ang tungkol sa kasal kanina, hanggang ngayon ay shock parin siya. 5 months pa ang kasal nila ni Steve. Bakit minamadali ito bigla ng lolo niya? At saka bakit nagdesisyon ang lolo niya na madaliin ang kasal? Nang matapos kumain, natuloy ang pag uusap ng mga ito sa sala. Tumayo si Hazel at nagpaalam na magpapahangin lang. nang makita ni Rose na umalis ang dalaga, sinundan niya ito. “Is everything okay?” untag ni Rose kay Hazel. Kanina, nang sabihin ng lolo nito ang tungkol sa kasal ay napansin niya na wala ng kibo ang dalaga. At mayamaya ay nagpaalam ito