Lumapit si Hazel sa binata, napalunok siya ng laway ng makita ang duguan nitong mukha, hindi ito gumagalaw at nakapikit na. “H-hindi basta mamamatay ang lalaking ‘yan! T-tara na! Iwanan na natin siya!” Masamang damo si Frank, malabo na mamatay ito ng dahil lang sa bugbog, isa pa, tiyak niya na darating ang tauhan nito para dalhin ito sa hospital. Luminga siya sa paligid, wala siyang nakitang tauhan ng binata sa paligid. Sino ang magdadala sa lalaki sa ospital? “Sandali.” Bumuga siya ng hangin bago bumaling kay Frank na nakahiga at walang malay. “D-dalhin ninyo siya sa hospital, pagkatapos ay iwan na ninyo siya doon ng mag isa.” “Masusunod, Ma’am!” Pagkasakay niya ng sasakyan, hinintay muna ng dalaga na maisakay sa sasakyan si Frank bago inutusan ang driver na umalis na sila. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita siya. “Sa hospital muna tayo.” Aniya sa driver. Napahilot siya sa sintido. Mukhang mali na pinabugbog niya ang binata. Paano kung malaman ito ni Tita Freya at
“NASA LABAS SIYA ng silid mo, boss.” Imporma ni Jobert sa amo habang panaka-nakang sumisilip sa dalaga, na ngayon ay nakatayo lamang sa labas ng silid ni Frank. “Sa palagay ko ay papasok na siya anumang oras. Kailangan mong maghanda, boss!”Napailing si Mike habang nakatingin kay Frank na abot hanggang langit ang ngiti. “Nagagawa mo pang ngumiti pagkatapos ng nangyari sayo. Nababaliw ka na yata, Frank.” Dumating ito ng duguan, at animo’y walang malay. Ngunit bilang doktor ay nahalata niya na nagpapanggap lamang ito. Ngunit dahil isa itong Evans at bayaw niya, ang lahat ng hospital staff ay binigyan ng special treatment ang binata, at inasikaso ito na para bang nasa bingit ang buhay nito.“Nasaan na ang sinabi mo noon na “hindi applicable ang pagmamahal sa lahat” sa palagay ko, mukhang malakas ang tama mo.” Tudyo pa niya.“Tumahimik ka nga, Mikael. Hindi ko kailangan nag sermon mo ngayon. Ang tulong mo ang kailangan ko. Anumang sandali ay papasok si Hazel dito. Gusto kong sabihin mo s
PAGDATING SA LABAS ng silid ni Frank, huminto si Hazel. Nagbabalak na siyang kumatok ng biglang bumukas ito. “Hazel!” “Tita Freya!” Hindi napigilan ni Freya ang yumakap kay Hazel ng makita ito. “Masaya akong malaman na buhay at ligtas ka.” Pinahid ni Freya ang luha sa mata matapos bumitaw ng yakap sa dalaga. Matagal-tagal na kamustahan ang naganap sa pagitan nila, “Bakit tayo narito sa labas, tara iha, pumasok ka dito sa loob.” Hindi na tumanggi si Hazel ng igiya siya ng ginang papasok. Nang makaupo sila, agad nitong ginanap ang kanyang kamay. “Limang taon din kaming nalungkot sa pagkawala mo. Nalaman na lamang namin kila Fatima na kasama ka sa mga namatay noon sa sumabog na gusali, hindi kami naka-attend ng burol mo dahil ayon sa kanya ay kinuha ng pamilya mo ang katawan mo. Kaya pala hindi namin nalaman kung sino ang pamilya, o kumuha ng bangkay mo noon, dahil buhay ka at isa palang Montefalco ang tumakip sa mga impormasyon tungkol sayo.” “Pasensya na kayo ni Ate Rose, Tita
PAGKATAPOS NG MAHABA-habang usapan, nagpasya na si Hazel na magpaalam. Kung hihintayin pa niya na magising si Frank ay baka makahalata na ang ginang. Tiyak na magtatalo lamang sila ng binata sa harap nito, kaya naman mabuti pang umuwi na siya. “TINGNAN mo nga naman, oh. Sa dinami-dami ng pwede kong makita, pagmumukha mo pa talaga!” Tumikwas ang kilay ni Aika at ginantihan ng masamang tingin si Toni. “Excuse me? Sino ba ang nagsabi sayo na gusto din kitang makita?” Kumunot ang noo ni Hazel ng marinig ang pamilyar na boses na nagtatalo sa labas ng restroom kung saan siya papunta ngayon. “Hazel?” Namilog ang mata ni Toni ng makita ang dalaga. “Ano ang ginagawa mo dito?” “Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito?” Nag alala si Hazel ng mapansin na namumutla ito. “Ah, kanina kasi, bigla akong nahilo at nasuka… kaya dinaal agad ako ni Aeros dito para magpa-check up. Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito? Wag mong sabihin sa akin na sinamahan mo ang impaktang pinsan mo?” “Excuse me? Anong impakta?!
Nagulat si Venera ng malakas na bumukas ang pintuan ng kanilang bahay. Mula roon, pumasok si Spencer at parang galit na galit na sinipa ang pintuan. Ang kanyang asawa na si Klyde ay agad na tumayo at nilapitan ang kapatid na si Spencer. “Ano na naman ba ang problema mo, Spencer? Wag mo sabihin sa akin na nakainom ka na naman?” nang maalala nito ang ginawang pangnanakaw sa babae na nakita nila sa clinic ay uminit ang ulo nito. “Pwede ba, isipin mo naman si tatay! Wag puro gulo nalang ang dinadala mo sa bahay!” “Anong pakialam ko sa matandang ‘yan?! Sa palagay mo, may palagay ako kahit mamatay pa yan?!” “Spencer, gumalang ka naman! Hindi ba pwedeng isantabi mo muna ang galit mo kay tatay? May sakit na siya, kaya sana naman huwag ka ng dumagdag sa mga alalahanin niya— “Tumahimik ka, Venera. Wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat!” isang suntok ang tumama sa mukha ni Spencer ng lumipad ang kamao ng kanyang kapatid na si Klyde sa mukha niya. “Wag mong babastusin ang asawa ko!”
“Ano bang ginagawa mo dito? Pwede ba, wag mo nga akong puntahan dito! Baka isipin pa nila magkakilala tayong dalawa! Ayokong isipin nila na may kilala akong… mukhang hindi naliligo, noh!” Pagtataray ni Aika ng makita si Spencer na naghihintay sa kanya sa labas ng Montefalco corp. Napailing nalang si Hazel habang nakatingin sa pinsan niya na halos umusok ang ilong ng makita ang lalaki. “Ang sungit mo naman. Ikaw na nga itong dinalhan ko ng pagkain, ikaw pa ang galit. Pasalamat ka, type kita.” Ani ng binata sabay kindat sa dalaga. “Y-yuck! Kadiri ka!” Nangingilabot si Aika sa sinabi nito. Nagmamadali itong pumunta ng parking lot para sumakay ng kanyang kotse para iwasan at takasan ito. “Aika, loves! Sandali lang!” Halos magkanda-ekis ang paa ni Aika, at halos takbuhin na ang daan para makarating agad ng kanyang sasakyan. Type daw siya nito? Yuck! Nasisiraan na ba ito bg ulo?! Mukhang kailangan niya itong ireport muli, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na dahil nang-snatc
Habang lulan ng sasakyan, hindi mapigilan ni Jobert ang mamangha sa laki ng pinagbago ni Hazel. Nasaksihan niya kung gaano nito kamahal ng amo niya. Makita pa lamang ng dalaga, o marinig na dumating na ang amo niya noon ay agad na nagliliwanag ang mukha nito. Ngunit ngayon ay sobrang pula ng mukha nito sa galit. Ngunit ngayon, nagkabaliktad na ang sitwasyon ng dalawa ngayon. “Narito na tayo, ma’am.” Magalang na imporma ni Jobert pagkarating nila sa tapat ng isang restaurant. Kumunot ang noo ng dalaga. “Ano ang ginagawa natin dito? Teka… akala ko ba…” nagkibitbalikat na lamang siya. Sabagay mas maganda kung dito nalang sila mag usap kaysa sa bahay ng binata, o sa bahay nila. Pagkapasok ay agad na bumungad ang cozy na ambiance sa loob. Kapansin-pansin din na walang tao maliban sa iilang staff sa loob. Tunog ng takong niya lamang ang naririnig papasok habang sinusundan niya si Jobert na iginigiya siya sa loob. Naitirik niya ang mata ng makita si Frank na prenteng nakaupo sa d
Hazel’s left. When he told her about his true feelings, she left like it was nothing. Sa buong buhay niya, ngayon lamang niya sinabi sa isang babae ang salitang ‘yon dahil naniniwala siya na hindi kailangan ‘yon. Naniniwala siya na kahinaan para sa isang lalaki na sabihin iyon. Pinaniwala niya ang saliri na ang kailangan lang niya sa buhay ay pera at perpektong asawa na kayang sabayan ang ugali niya. But he’s wrong. Nang una niyang makita si Hazel noon, inaamin niya na nagulat siya ng makita ito. Hazel is different from what he thought. He thought at first, na sinadya nitong lumabas ng kwarto at puntahan siya sa garden ng nakakaakit ang ayos. But he was wrong. Nang makasama niya ito, napatunayan niya na inosente ito sa lahat ng bagay. She’s sweet and a caring person, just like her mommy. Kaya nagustuhan ito ng pamilya niya. Pero naging bulag siya at nanindigan sa paniniwala niya na hindi niya kailangan ng mahinang babae na katulad nito… na si Yassie ang kailangan niya dahil
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k