KANINA pa nakatingin si Mike sa mga pulang rosas na nakalagay sa flower vase na nasa kanyang mga mesa habang hinihintay ang private investigator na inutusan niyang hanapin si Rose. Nang makarinig ng katok sa pinto ay tumayo si Mike, siya mismo ang nagbukas dito. Kalmado siya ang kung titingnan, ngunit ang totoo ay nanabahala siya sa matatanggap na report. Ito ang pang-limang private investigator na inupahan niya upang upang hanapin ang kanyang asawa. Nang makaupo ang private investigator, hindi nagsayang ng oras si Mike, agad nitong tinanong ang lalaki tungkol kay Rose. “Natagpuan mo ba kung nasaan ang asawa ko? Nasa anong bansa siya? Anong hospital? Magaling na ba siya?” Magkakasunod na tanong ni Mike, umaasa na kahit isa sa kanyang mga tanong ay may maisasagot ang private investigator. Ngunit ang pag asam nito ay dagling nabura ng marinig ang sagot nito. “Pasensya ka na, Mr. Grayson, subalit hindi ko nahanap anh kinaroroonan ng asawa mo. Wala siya sa mga bansang sinabi mo.” Sagli
PINASADAHAN ni Mike ng tingin ang buong bahay. Malaki ito, malinis sa labas, at napapalibutan ng mga magagandang halaman."Ito ang pinakamagandang bahay na nahanap ko na pasok sa description na gusto mo. Mangilan-ngilan lang ang mga kapitbahay mo dito katulad din ng gusto mo. Malayo ito sa kabihasnan, malayo sa maingay at magulang siyudad. Ano sa palagay mo ang bahay na 'to, pare?""This is perfect, pare. Thanks for helping me to find this." Pasalamat ni Mike sa kaibigan na si Roger, ang tumulong sa kanya upang maghanap ng mabibiling property."Walang anuman, pare. Siya nga pala, hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring lead kung nasaan ang asawa mo? Hindi ba't parang napakatagal na ng apat taon para hanapin siya?" Tinapik ni Roger ang kaibigan sa balikat. "Pare, payo lang... hindi mo mahahanap kung ayaw magpahanap. Kung ako sayo magmo-move on nalang ako." Hindi sumagot si Mike. Marami na ang nagsabi na ihinto na nito ang paghahanap, maski na ang kanyang ina. Subalit wala ito sa bukabul
Kumunot ang noo ni Rose. Kung banggitin ng lalaking ‘to ang pangalan niya ay napakanatural, hindi din nakaligtas sa kanyang mata ang pangungulila na nakikita niya sa magandang mata ng lalaki. Tumingin siya sa kanyang suot na damit. Oo nga pala, nasa damit pa pala niya ang nameplate niya. Kagagaling lang niya sa isang Medical mission, at lahat ng nagboluntaryo ay kinailangan na maglagay ng nameplate sa suot na damit. Ito marahil ang dahilan kaya nalaman ng lalaking kaharap niya ngayon ang kanyang pangalan—nanlaki ang mata ni Rose ng bigla siyang yakapin ng lalaki.“Oh god, Rose! Oh god!” Dahil nabigla si Rose, hindi niya agad nagawang itulak ang matangkad na lalaki palayo. Nagtataka siya kung bakit umiiyak ito, habang humihingi ng tawad, na para bang napakali ng kasalanan nito sa kanya. Eh nabangga lang naman nito ang kanyang sasakyan. Hindi din niya maintindihan ang sarili niya kung bakit… hindi niya ito magawang itulak palayo sa kanya. May kung anong pakiramdam na namumuo sa dibdib
Inilapag ni Rose ang papeles na hawak pagkatapos itong basahin. Lalong nadagdagan ang kanyang inis pagkatapos basahin ang gusto ng bago niyang kliyente. Kumatok si pinto si Mrs. Pillar, ang paralegal ni Rose. "Ma'am, nasa labas si Miss Samonte, gusto kang makausap. Mukhang inip na inip agad siya, ma'am, eh halos wala pang isang minuto ng dumating siya." Sumbong ng matanda. "It's okay, Mrs. Pillar, papasukin mo na siya." Aniya. Nang makapasok ang bagong dating ay lumapit 'to kay Rose at humalik sa pisngi. Pinigilan naman ni Rose na huwag itong itulak palayo sa kanya. "Nakakainis talaga ang assistant mo, Rose. Hindi man lang agad ako pinagbuksan ng pinto ng dumating ako." Agad na sumbong ni Yassi, dumekwatro ito ng upo, habang ang mata nito ay saglit na naglakbat sa loob ng silid. "Ano sa palagay mo, sister-in-law? Papayag kaya si Sofia sa gusto ko? Napakasimple lang naman ng kondisyon ko di'ba? Ang gusto ko, sundin niya ang lahat ng gusto ko. Dahil kung hindi, itutuloy ko ang demand
Nabura ang ngiti sa labi ni Sofia, hindi nito nagustuhan ang biro ng kaharap, kung biro man ‘to. Maingat na kinuha nito ang basong nasa harapan at sumimsim ng juice. Nang tumingin ang babae kay Rose ay naroon na muli ang ngiti sa labi nito. “Alam na ba ni Kuya Mike na bumalik ka?” Kuya Mike? Ito ba ang doktor na naka-engkwentro niya? Tanong ni Rose sa isip. “Isa ba siyang doktor? Kung oo, siya nga siguro ang nakaharap ko kahapon. Napagkamalan niya akong asawa niya… kung may asawa nga talaga siya.” Sarkasmo niyang turan. “Napagkamalan?“ kung gano’n ay alam na nang kanyang kapatid ang pagbabalik ni Rose, at nagkita na ang dalawa. Hindi magawang ngumiti ni Sofia sa pagkakataong ‘to. Agad na naunawaan nito ang ginawa ng kapatid. “May iba bang sinabi ang Kuya Mike ko sayo? Nabanggit mo na napagkamalan ka niyang asawa niya, ibig bang sabihin… may sinabi siya sayo tungkol sa dati niyang asawa?” Sandali na tinapunan ni Rose ng tingin ang kamay ni Sofia, kapansin-pansin ang mahigpit nit
Sinundan ng tingin ni Sofia si Mike habang ‘to ay papalayo. Nabura ang kunwari ay malungkot na ngiti ni Sofia sa labi ng tuluyan ng mawala sa kanyang paningin ang lalaki. Apat na taon na simula ng magbago ito. Hindi na ito ang dating Kuya Mike na kilala niya. Naging malamig ang trato nito sa kanya, at tila naging estranghero na lamang siya sa lalaki. At hindi ‘to matanggap ni Sofia. Napunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya. At kasalanan ito lahat ni Rose. Nang makauwi si Sofia ay agad nitong binalita sa ina ang tungkol kay Rose. “T-Talaga, anak? N-nasaan siya? Gusto kong makita si Rose!” Agad na umiyak si Raven ng malaman na bumalik na sa bansa ang inaanak. Ilang taon siyang nangulila kay Rose. Miss na miss na niya ito. “Diyos ko, salamat naman at bumalik na siya.” Wika ng ginang habang patuloy sa pag iyak. Malungkot na hinawakan ni Sofia ang kamay ng mommy niya. “Pero may problema, mommy. H-hindi na tayo naaalala ni Rose… maging si Kuya Mike ay hindi niya naaalala. Mukhan
Pagkauwi ay dumiretso si Rose sa kanyang kwarto. Pagkahiga niya sa kama ay tinitigan niya ang kamay, ito ang ginamit niyang panampal sa lalaking doktor na nahuli niyang may hawak sa kanyang kamay kanina. Ang totoo ay wala siyang nakapang galit ng magising siya kanina ng mahuli niya itong hawak ang kamay niya. Nasabi lamang niya na 'bast0s' upang pagtakpan ang kanyang pagkapahiya.Bakit kaya pamilyar ang hawak ng lalaking 'yon? Tanong ni Rose sa isip. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may parte sa kanyang puso na hinahanap-hanap ang pakiramdam na hawak nito ang kamay niya."Nababaliw na ba ako?" Napapantastikuhang tanong ni Rose sa sarili. Epekto lang siguro 'to ng pagod kaya kung ano-ano ang naiisip niya. Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng black tube dress na aabot sa kanyang talampakan, pinatungan niya ito ng white blazer. "Ma'am Rose, may mga nagpadala ng bulaklak para sayo. Nasa sala ang mga bulaklak, ma'am." Imporma ng kasambahay kay Rose na pababa pa lamang ng hagdan. Dumiret
Napangiwi si Rose ng makita ang maraming alak sa mesa nila. Mukhang may balak yata ang mga kaibigan niya na lasingin siya ngayong gabi. Natampal niya ang kanyang noo. Hindi pa naman siya umiinom ng alak. Umakbay si Maloi kay Rose at tumatawang nagsalita. “Rose, ang alak, hindi tinititigan kundi iniinom. Paano mo malalaman kung masarap kung hindi mo titikman?” Masarap? Dahil curious si Rose sa sinabi nito ay tumikim siya ng isang shot. Umuubo na hinamas niya ang lalamunan ng gumuhit dito ang mapait na lasa ng alak. Si Lina naman ang tumatawang umakbay kay Rose. “Sa simula lang mapait at masakit sa lalamunan ang alak… parang pag ibig lang ‘yan… walang tamis sa simula, dadaan ka muna sa pait! Hahaha!” Napangiwi si Rose. “Yung totoo? Accountant ba talaga kayong dalawa, o endorser ng alak?” Aniya na ikinatawa ng mga ‘to. “Teka, si Sofia ba ‘yon?” Binaba niya ang hawak na baso at sinundan ng tingin ang tinuro ni Maloi. Kailangan pang pasingkitin ni Rose ang mata para malinaw na