Share

118. Imbitasyon

Nabura ang ngiti sa labi ni Sofia, hindi nito nagustuhan ang biro ng kaharap, kung biro man ‘to. Maingat na kinuha nito ang basong nasa harapan at sumimsim ng juice. Nang tumingin ang babae kay Rose ay naroon na muli ang ngiti sa labi nito. “Alam na ba ni Kuya Mike na bumalik ka?”

Kuya Mike? Ito ba ang doktor na naka-engkwentro niya? Tanong ni Rose sa isip. “Isa ba siyang doktor? Kung oo, siya nga siguro ang nakaharap ko kahapon. Napagkamalan niya akong asawa niya… kung may asawa nga talaga siya.” Sarkasmo niyang turan.

“Napagkamalan?“ kung gano’n ay alam na nang kanyang kapatid ang pagbabalik ni Rose, at nagkita na ang dalawa. Hindi magawang ngumiti ni Sofia sa pagkakataong ‘to. Agad na naunawaan nito ang ginawa ng kapatid. “May iba bang sinabi ang Kuya Mike ko sayo? Nabanggit mo na napagkamalan ka niyang asawa niya, ibig bang sabihin… may sinabi siya sayo tungkol sa dati niyang asawa?”

Sandali na tinapunan ni Rose ng tingin ang kamay ni Sofia, kapansin-pansin ang mahigpit nit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
grabe ang ugali ni Sophia demonyo tlaga kelan BA dadating ang karma Nyan Sana makulong nlang Siya thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status