Hindi ininda ni Mike ang masamang tingin ni Frank, tumayo ito ng maayos, at kanyang pinahid ang dugo sa gilid ng labi. Hindi niya masisisi ang lalaki kung hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanyang ginawa. Maski si Mike din naman ay galit sa kanyang sarili, kaya ginagawa nito ang lahat upang makabawi kay Rose. "I'm sorry, Frank. Alam ko naman na naging gag0 ako, hindi ko minahal ng tama ang kapatid mo at sinaktan ko siya ng sobra—" isang suntok muli ang tumama sa kanyang mukha. "Hindi mo lang siya sinaktan, Mikael! Pinatay mo pa ang anak ninyong dalawa! Baka nakakalimutan mo? Ikaw ang dahilan kaya nawala ang anak ninyong dalawa." Pagpapaalala ni Frank sa kaharap. Gumuhit ang kirot sa puso ni Mike ng maalala ang anak nila ni Rose. Apat na taon simula ng mawala si Rose at ang kanilang anak... kahit kailan, hindi kinalimutan ni Mike na siya ang may kasalanan sa lahat. Gabi-gabi siyang nakokonsensya at binabangungot, nananaginip na duguan ang kamay, dugo na nanggaling sa mag ina
Kanina pa nakaalis si Mike. Hindi naman mapakali sa Frank sa kanyang mga nalaman. Dapat ba na ipaalam niya 'to sa kanilang magulang? Nahilot ng binata ang noo. Tiyak na mag aalala na naman ang kanilang ina, at sigurado na agad ipapakuha ng kanilang ama si Rose sa bansa. Bumuntong-hininga siya. Hindi gusto ni Frank na malungkot na naman ang kapatid niya sa Switzerland. Ito ang dahilan kaya niya tinulungan ito na pilitin ang kanilang magulang na hayaan itong makabalik sa bansa. "Mr. Ramos!" Tawag ni Frank sa kanyang mapagkakatiwalaan na secretary. "Magpahanap ka ng mga magagaling na private investigator, may kailangan akong ipagawa" "Yes, Sir!" Tugon ng lalaki. Humanda ang taong nasa likod ng aksidente ni Rose. Hindi makapapayag si Frank na hindi ito managot sa kanilang pamilya. Magbabayad siya kung sino man siya. Galit na pangako ni Frank sa sarili. HINDI maiwasan ni Rose ang mapangiwi habang nakatingin sa kanyag tagiliran. Sobrang laki ng peklat niya, nakakatakot hawakan, o ti
"Kaya nga sinasabi ko sayo ngayon 'to kasi alam ko na hindi niya gusto ang mga niluto mo." Ngumiti si Sofia, muling inagaw sa kamay ni Rose ang bagong luto na pagkain. "Kapatid niya ako kaya alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya, kaya makinig ka nalang sa akin." Hindi niya alam kung bakit nakadama siya ng sobrang inis kay Sofia. Parang sinasabi nito sa kanya na wala siyang alam kay Mike. Lalong nag init ang ulo ni Rose sa sunod nitong sinabi. "Alam mo ba na binalikan ako ni Kuya Mike kagabi sa bar. Humingi siya ng sorry sa akin dahil mas una ka niyang hinatid kesa sa akin. Pero naiintindihan ko naman ang dahilan ni kuya. Delikado nga naman kasi na umuwi ng mag isa ang taong may diperensya sa utak lalo na't nakainom at gabi pa." Pakiramdam ni Rose ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo sa sinabi nito. "Wag mo sanang masamain ang sinabi ko. Pero hindi ba totoo naman? Kaya ka nga walang maalala dahil," nilagay pa ni Sofia ang hintuturo sa sintido, "dahil may diperensya
Hindi daw mahilig sa gulay si Mike, ito ang sabi ni Sofia. Subalit hindi gano'n ang nakikita ngayon ni Rose. Halos maubos ng kapatid nito ang mga niluto niya. Tumingin siya ng nakangiti kay Sofia, ngunit ang totoo naiinis siya sa kasinungalingan nito. Kanina habang nililinis niya ang sugat nito, kulang nalang ay itulak siya nito palayo. Nagmagandang loob na nga siya, pero mukhang hindi ni Sofia 'to nagustuhan. Masayang pinanood ni Raven si Mike, natutuwa ito dahil kahit na nawalan ng alaala si Rose ay mukhang nagkasundo na ang mag asawa. Nagsisi na talaga ang anak niya at natuto na. Si Rose din, kahit nawalan ito ng alaala ay hindi nakalimot ang puso nito. "Wala pa rin talagang tatalo sa luto mo." Puri ni Mike sa asawa. Pinamulahaan ng mukha si Rose sa sinabi ni Mike. "Ano b-ba ang sinasabi mo di'yan. B-baka mamaya isipin ni Ninang Raven na hindi masarap ang luto niya." Sandaling natagilan si Rose. "Ibig s-sabihin ay pinagluluto kita dati?" Nang ngumiti si Mike ay napangiti lal
Ang sabi nila nakakahawa daw ang kalungkutan at sakit. Kaya siguro siya umiiyak ngayon, dahil nahahawa siya sa nakikita niyang lungkot at sakit sa mga mata ni Mike. Humawak siya sa ulo ng makaramdam ng sakit... 'Mag asawa naman tayo, Mike! Bakit hindi mo ako magawang mahalin!' Naririnig niya ang nagmamakaawang boses niya kay Mike. Umiiyak siya at nasasaktan... at parang totoo. Nanlalabo ang mata niya sa luha habang hawak ang kanyang ulo. Naririnig niya ang nag aalalang tanong ni Mike, ang pagbuhat nito sa kanya pero hindi niya magawang magsalita.... Ahhh ang sakit ng ulo niya!!! Nang magmulat si Rose ng mata, unang tumambad sa kanya ang kisame ng kwarto niya. Akala niya ay sa hospital siya magigising dahil sa nangayari sa kanya kagabi. Naramdaman niyang may mainit na kamay na nakahawak sa kamay niya, si Mike pala. Nakaupo ito sa upuan na katabi ng kama niya habang nakasubsob ang kalahati ng katawan sa kama niya. Namilog ang mata niya ng mapansin na nakadando lang ito. Ang ganda
Pagkapasok pa lamang ni Sofia sa kanyang silid, agad siyang nagwala. Lahat ng kanyang makita at mahawakan ay kanyang sinira. “Hindi! Hindi ito maaari! Hindi ako makapapayag na mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko! Ahhh!” Pag-uwi niya, pumuslit siya paalis ng bahay nang hindi nalalaman ng kanyang ina. Naghintay siya sa kanyang kapatid sa labas ng bahay nito, umuwi ito ngunit agad ding umalis. Nang sundan ito ni Sofia, nalaman niyang bumalik ito sa mansyon ng mga Evans. Bumalik ito para kay Rose! Nag-alab ang mga mata ni Sofia sa sobrang galit. Kinuha niya ang larawan nina Mike at Rose, at galit na galit niya itong pinunit. “Pagsisisihan mong bumalik ka sa buhay namin ni Kuya Mike, Rose! Pagsisisihan mo ‘to!” Nang makarinig ng katok si Sofia sa pinto, umayos siya ng tayo, pinulot niya ang punit na mga larawan at saka ito ibinulsa. “Anak, bakit magulo ang silid mo? Ano ang nangyari?” Nag-aalalang tanong ni Raven sa anak. “Nakarinig ako ng ingay mula sa ibaba, may problema k
Pagkasakay sa kotse, nawala ang ngiti ni Sofia sa labi. “Kung tinulungan mo lang sana ako, mommy. Hindi na sana aabot sa ganito. Di bale, ang mahalaga, babalik na si Kuya Mike sa bahay pagkatapos ng ipapagawa ko. Hindi na ako mapipigilan ng kahit sino para magawa ang plano ko.”Kinuha ni Sofia ang kanyang wallet, mula rito ay inilabas niya ang larawan nilang dalawa ng kuya niya.“Konting panahon nalang at makukuha na kita, Kuya Mike. Wala ka ng kawala sa akin kapag nangyari ‘yon… wala ng magagawa ang pagmamahalan ninyo ni Rose.” Aniya at saka parang baliw na tumawa. Pinarada ni Sofia ang sasakyan, pagkababa ay pumasok ito sa makipot na eskinita. Sumalubong ang mabaho at nakakasulasok na amoy kaya napatakip siya ng ilong.“Si Sofia ang babaeng ‘yan di’ba? Aba, totoo nga ang balita na inampon daw yan ng mayaman na doktor. Kapag sinuswerte ka nga naman, oh. Aba, hindi sinuwerte sa magulang pero sinuwerte naman sa umampon.” Tumayo ang mga nagsusugal na matatanda at lumapit rito. “Hoy, Sof
"Kailan mo balak ipadukot ang babaeng 'to?" Kumuha si Sofia ng stick ng sigarilyo, pagkatapos itong sindihan ay binuga niya ang usok nito, bago nakangiting sumagot, "hintayin mo ang tawag ko." "Siya nga pala... ang kapatid mo, wala ka bang balak alisin siya sa pamilyang 'yon? Aba, mukhang kawawa siya don. Mayaman ka naman na, pwede mo na siyang makuha." Ngumiti ang matanda. "Tutulungan kita, kaso lang alam mong hindi libre ang serbisyo ko." Inikutan ito ng mata ni Sofia. "Hindi ako tanga para kunin siya don. Pinag iinitan na nga ako ng stepsister niya dahil magkapatid kami, magdadagdag pa ako ng problema? Ayokong pati ang ama niya ay mapag initan ako." Tumayo na si Sofia pagkaraan ng ilang sandali. "Aalis na ako, Tiyo... wag mong kalimutan ang bilin ko, hindi kayo kikilos ng wala ang tawag ko. Maliwanag ba?" Nakangising inamoy muna ng lalaki ang pera bago sumagot. "Aba oo naman, madali akong kausap." Malaki ang ngiti na nilisan ni Sofia ang lugar. Napakaimportante talaga ng pera