Share

125. Tulong

Hindi ininda ni Mike ang masamang tingin ni Frank, tumayo ito ng maayos, at kanyang pinahid ang dugo sa gilid ng labi. Hindi niya masisisi ang lalaki kung hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanyang ginawa. Maski si Mike din naman ay galit sa kanyang sarili, kaya ginagawa nito ang lahat upang makabawi kay Rose.

"I'm sorry, Frank. Alam ko naman na naging gag0 ako, hindi ko minahal ng tama ang kapatid mo at sinaktan ko siya ng sobra—" isang suntok muli ang tumama sa kanyang mukha.

"Hindi mo lang siya sinaktan, Mikael! Pinatay mo pa ang anak ninyong dalawa! Baka nakakalimutan mo? Ikaw ang dahilan kaya nawala ang anak ninyong dalawa." Pagpapaalala ni Frank sa kaharap.

Gumuhit ang kirot sa puso ni Mike ng maalala ang anak nila ni Rose. Apat na taon simula ng mawala si Rose at ang kanilang anak... kahit kailan, hindi kinalimutan ni Mike na siya ang may kasalanan sa lahat. Gabi-gabi siyang nakokonsensya at binabangungot, nananaginip na duguan ang kamay, dugo na nanggaling sa mag ina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
grabe tlaga Ka demonyo si Sophia cguro Yung Syota ni Frank ang makalutas SA totoong nangyayari Kay Rose KC Sabi Niya may sekreto Siya about Kay Sophia demonyo tlaga Mahal KC Niya si mike Kaya gagawa tlaga Siya Ng masama para ikasira ni Rose thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
oh humanda kna sofia dahil ikaw lng nman ang salarin kong bakit ng yari yan kay rose at nawala anak nya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status