Hindi daw mahilig sa gulay si Mike, ito ang sabi ni Sofia. Subalit hindi gano'n ang nakikita ngayon ni Rose. Halos maubos ng kapatid nito ang mga niluto niya. Tumingin siya ng nakangiti kay Sofia, ngunit ang totoo naiinis siya sa kasinungalingan nito. Kanina habang nililinis niya ang sugat nito, kulang nalang ay itulak siya nito palayo. Nagmagandang loob na nga siya, pero mukhang hindi ni Sofia 'to nagustuhan. Masayang pinanood ni Raven si Mike, natutuwa ito dahil kahit na nawalan ng alaala si Rose ay mukhang nagkasundo na ang mag asawa. Nagsisi na talaga ang anak niya at natuto na. Si Rose din, kahit nawalan ito ng alaala ay hindi nakalimot ang puso nito. "Wala pa rin talagang tatalo sa luto mo." Puri ni Mike sa asawa. Pinamulahaan ng mukha si Rose sa sinabi ni Mike. "Ano b-ba ang sinasabi mo di'yan. B-baka mamaya isipin ni Ninang Raven na hindi masarap ang luto niya." Sandaling natagilan si Rose. "Ibig s-sabihin ay pinagluluto kita dati?" Nang ngumiti si Mike ay napangiti lal
Ang sabi nila nakakahawa daw ang kalungkutan at sakit. Kaya siguro siya umiiyak ngayon, dahil nahahawa siya sa nakikita niyang lungkot at sakit sa mga mata ni Mike. Humawak siya sa ulo ng makaramdam ng sakit... 'Mag asawa naman tayo, Mike! Bakit hindi mo ako magawang mahalin!' Naririnig niya ang nagmamakaawang boses niya kay Mike. Umiiyak siya at nasasaktan... at parang totoo. Nanlalabo ang mata niya sa luha habang hawak ang kanyang ulo. Naririnig niya ang nag aalalang tanong ni Mike, ang pagbuhat nito sa kanya pero hindi niya magawang magsalita.... Ahhh ang sakit ng ulo niya!!! Nang magmulat si Rose ng mata, unang tumambad sa kanya ang kisame ng kwarto niya. Akala niya ay sa hospital siya magigising dahil sa nangayari sa kanya kagabi. Naramdaman niyang may mainit na kamay na nakahawak sa kamay niya, si Mike pala. Nakaupo ito sa upuan na katabi ng kama niya habang nakasubsob ang kalahati ng katawan sa kama niya. Namilog ang mata niya ng mapansin na nakadando lang ito. Ang ganda
Pagkapasok pa lamang ni Sofia sa kanyang silid, agad siyang nagwala. Lahat ng kanyang makita at mahawakan ay kanyang sinira. “Hindi! Hindi ito maaari! Hindi ako makapapayag na mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko! Ahhh!” Pag-uwi niya, pumuslit siya paalis ng bahay nang hindi nalalaman ng kanyang ina. Naghintay siya sa kanyang kapatid sa labas ng bahay nito, umuwi ito ngunit agad ding umalis. Nang sundan ito ni Sofia, nalaman niyang bumalik ito sa mansyon ng mga Evans. Bumalik ito para kay Rose! Nag-alab ang mga mata ni Sofia sa sobrang galit. Kinuha niya ang larawan nina Mike at Rose, at galit na galit niya itong pinunit. “Pagsisisihan mong bumalik ka sa buhay namin ni Kuya Mike, Rose! Pagsisisihan mo ‘to!” Nang makarinig ng katok si Sofia sa pinto, umayos siya ng tayo, pinulot niya ang punit na mga larawan at saka ito ibinulsa. “Anak, bakit magulo ang silid mo? Ano ang nangyari?” Nag-aalalang tanong ni Raven sa anak. “Nakarinig ako ng ingay mula sa ibaba, may problema k
Pagkasakay sa kotse, nawala ang ngiti ni Sofia sa labi. “Kung tinulungan mo lang sana ako, mommy. Hindi na sana aabot sa ganito. Di bale, ang mahalaga, babalik na si Kuya Mike sa bahay pagkatapos ng ipapagawa ko. Hindi na ako mapipigilan ng kahit sino para magawa ang plano ko.”Kinuha ni Sofia ang kanyang wallet, mula rito ay inilabas niya ang larawan nilang dalawa ng kuya niya.“Konting panahon nalang at makukuha na kita, Kuya Mike. Wala ka ng kawala sa akin kapag nangyari ‘yon… wala ng magagawa ang pagmamahalan ninyo ni Rose.” Aniya at saka parang baliw na tumawa. Pinarada ni Sofia ang sasakyan, pagkababa ay pumasok ito sa makipot na eskinita. Sumalubong ang mabaho at nakakasulasok na amoy kaya napatakip siya ng ilong.“Si Sofia ang babaeng ‘yan di’ba? Aba, totoo nga ang balita na inampon daw yan ng mayaman na doktor. Kapag sinuswerte ka nga naman, oh. Aba, hindi sinuwerte sa magulang pero sinuwerte naman sa umampon.” Tumayo ang mga nagsusugal na matatanda at lumapit rito. “Hoy, Sof
"Kailan mo balak ipadukot ang babaeng 'to?" Kumuha si Sofia ng stick ng sigarilyo, pagkatapos itong sindihan ay binuga niya ang usok nito, bago nakangiting sumagot, "hintayin mo ang tawag ko." "Siya nga pala... ang kapatid mo, wala ka bang balak alisin siya sa pamilyang 'yon? Aba, mukhang kawawa siya don. Mayaman ka naman na, pwede mo na siyang makuha." Ngumiti ang matanda. "Tutulungan kita, kaso lang alam mong hindi libre ang serbisyo ko." Inikutan ito ng mata ni Sofia. "Hindi ako tanga para kunin siya don. Pinag iinitan na nga ako ng stepsister niya dahil magkapatid kami, magdadagdag pa ako ng problema? Ayokong pati ang ama niya ay mapag initan ako." Tumayo na si Sofia pagkaraan ng ilang sandali. "Aalis na ako, Tiyo... wag mong kalimutan ang bilin ko, hindi kayo kikilos ng wala ang tawag ko. Maliwanag ba?" Nakangising inamoy muna ng lalaki ang pera bago sumagot. "Aba oo naman, madali akong kausap." Malaki ang ngiti na nilisan ni Sofia ang lugar. Napakaimportante talaga ng pera
"Hindi ko alam kung bakit ganyan ka magsalita, Rose. Pero wag mo sanang kalimutan na kapatid ako ni Kuya Mike. Kaya ilagay mo sa lugar ang ugali mo."Alam mo dapat ang lugar mo. Bakit parang narinig na 'to noon ni Rose? Pinatitigan niya ang kapatid ni Mike. Kung umarte ito ay parang inosente at hindi makabasag pinggan. Bakit ibang-iba ito umarte sa harapan ng lahat, lalo na kapag nari'yan si Mike? Kung pakikinggan at titingnan ay mukha siyang masama na inaapi ang kaharap dahil mamula-mula na ang mga mata nito ngayon.Nakangiting nilapitan ni Rose ang babae, saka niya ito binulungan sa tenga. "Ang sagwa mo ng arte mo, pakigalingan naman sa susunod ang pagpapaawa." Aniya bago naunang pumasok sa opisina ni Mike. Una pa lamang ay mabigat na talaga ang dugo niya kay Sofia, sinabi nito sa kanya na hindi sila magkasundo noon pa man, at mukhang alam na niya ang dahilan, may ugali itong itinatago na marahil ay alam na niya noon pa man. Kahit nawalan siya ng alaala ay hindi nawalana ang pagkai
AKALA ni Rose ay dadalhin siya ni Mike sa isang restaurant, pero sa isang playground siya nito dinala. Tanghali at mainit, kaya wala na masyadong batang naglalaro, hindi na masama kung dito gustong kumain ni Mike. Sa maliit na mesa na gawa sa semento, inilapag nito ang lunchbox at saka ito binuksan. Hindi nakaligtas sa kanyang mata ang pagguhit ng ngiti sa labi ni Mike ng makita ang mga pagkain na niluto niya. “Lahat ng pagkain na gusto, alam mo talaga ang lahat.” “Talaga? Noon ba palagi kitang pinaglulutuan?” hindi na siya magtataka kung tumango si Mike. May palagay naman kasi siya na hindi na kailangan itanong, dahil may hinala na siya kung ano ang sagot. Pero gusto niya parin na malaman at marinig mula sa labi ni Mike na tama ang hinala niya. “Yes.” Tumingin si Mike ng matagal sa pagkain na parang may inaalala. “Hindi ka nagsasawa na lutuan ako.” Napangiwi si Rose bigla. Ibig bang sabihin ay kahit na nagkaasawa si Mike ay hindi siya huminto? Kung oo, nakakahiya naman kung ga
Nang makauwii, agad na tinawagan ni Rose ang kapatid niyang si Frank upang tanungin ito kung may nalalaman ba ito tungkol sa kanilang dalawa ni Mike noon. Pero hindi niya ito makontak. Napabuga siya ng malalim na buntong-hininga. Kung kailan naman kailangan niya, saka naman ito hindi makontak. Eh kung sa mommy niya kaya? Umiling si Rose. hindi magandang idea ang matanong dito. Sigurado kasi na magagalit ito dahil hindi siya sumunod sa bilin nito na huwag makikipaglapit sa mga taong hindi ko naman naaalala. Tinaas niya ang kamay at hinaplos ang palasingsingan. Napansin niya na isa ito sa hobby niya ng magising siya… ang haplusin ang daliri niya na para bang may nakasuot na singsing dito. “Ma’am Rose, may bisita ka.” Imporma ni manang, kapansin-pansin ang hindi maipinta nitong mukha. Pagdating niya sa sala ay naabutan niya si Sofia, prente itong nakaupo sa sofa. Ngumiti ito ng makita siya at tumayo. “Rose, alam kong magaspang ang pinakita kong ugali sayo.” Bumuntong-hininga ito, nak