Napangiwi si Rose ng makita ang maraming alak sa mesa nila. Mukhang may balak yata ang mga kaibigan niya na lasingin siya ngayong gabi. Natampal niya ang kanyang noo. Hindi pa naman siya umiinom ng alak. Umakbay si Maloi kay Rose at tumatawang nagsalita. “Rose, ang alak, hindi tinititigan kundi iniinom. Paano mo malalaman kung masarap kung hindi mo titikman?” Masarap? Dahil curious si Rose sa sinabi nito ay tumikim siya ng isang shot. Umuubo na hinamas niya ang lalamunan ng gumuhit dito ang mapait na lasa ng alak. Si Lina naman ang tumatawang umakbay kay Rose. “Sa simula lang mapait at masakit sa lalamunan ang alak… parang pag ibig lang ‘yan… walang tamis sa simula, dadaan ka muna sa pait! Hahaha!” Napangiwi si Rose. “Yung totoo? Accountant ba talaga kayong dalawa, o endorser ng alak?” Aniya na ikinatawa ng mga ‘to. “Teka, si Sofia ba ‘yon?” Binaba niya ang hawak na baso at sinundan ng tingin ang tinuro ni Maloi. Kailangan pang pasingkitin ni Rose ang mata para malinaw na
Napa-ohh sina Maloi at Lina. Samantala, hindi agad nakapagsalita si Sofia, pigil nito ang kamay na huwag isaboy kay Rose ang laman ng basong hawak. Ngumiti si Sofia, pinili nito na humingi ng pasensya. “I’m sorry kung na-offend kita. Hindi lang ako sanay na makita ka sa ganitong lugar. Sinabi ko naman sayo di’ba, kilala kita at malalim ang koneksyon nating dalawa.” Samantala, nagkasamid-samid sina Maloi at Lina sa sinabi ni Sofia. Napaka-bitch talaga ng babaeng ‘to! Isip-isip ng dalawa. Sumandal si Sofia sa kinauupuan, at ipinatong ang dalawang braso sa dalawang upuan na pumapagitna dito, dahilan upang lumantad ang magandang hubog ng katawan. “Alam mo ba na kinontak ko ang Kuya Mike ko ngayon. Nahihilo na kasi ako kaya nagpasundo ako sa kanya. Alam mo ba na nabanggit ko din sa kanya na nandito ka.” Tumahip ng malakas ang dibdib ni Rose ng marinig ang pangalan ng kapatid nito. Napadampot siya ng baso ng alak at lumagok. Pagkatapos uminom ay ngumiti siya at kalmado na nagtanong.
Hindi alam ni Rose kung bakit hinayaan niya 'to na hilahin siya at isakay sa kotse nito. Basta ang alam lanh niya ay may kung anong tuwa siyang naramdaman ng malaman na siya ang sinusundo nito. Naguguluhan man siya dahil hindi si Sofia ang kasama nito na umalis, hindi niya maitanggi na gusto niya ang nangyari... parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Pagkarating sa loob sa loob ng kotse, hinubad ni Mike anh suot na suit, pinatong ito ng lalaki sa balikat ni Rose. Pagkatapos isuot ito sa asawa ay iniwas ni Mike ang mata sa katawan nito."D-Damn it. Bakit pumunta ka sa lugar na 'yon na ganyan ang suot. Alam mo ba kung paano ka tingnan ng mga lalaki do'n?" Naggalawan ang panga na wika ni Mike. Kanina ng dumating sa bar, nakita nito kung paano tingnan ng mga kalalakihan si Rose, nakadama si Mike ng sobrang panibugho, na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya. Damn! Bakit nagsuot ng ganito si Rose? Hindi si Mike sanay na may ibang nakakakita ng magandang katawan nito bukod sa
Nagulat siya ng makita ang mukha kinabukasan sa salamin. Nanlalalim ang ilalim ng mga mata ni Rose, nangingitim ito, at dahil 'to sa kakaisip niya kay Mike kagabi. "Ma'am Rose—naku, ma'am, ayos ka lang ba? Kailangan ko na ba 'tong itawag sa mommy mo?" Nagmamadaling tumakbo si manang upang magbalita sa kanyang amo, subalit maagap na napigilan ito ni Rose. "Hindi mo na kailangan magreport kay mommy, manang. May iniisip lang ako kaya hindi ako nakatulog." "Sigurado ka ba, Ma'am Rose? Ang bilin sa akin ng iyong ina ay ireport ko ang lahat ng nangyayari sayo simula ng bumalik ka, dahil ayon kay Ma'am Freya ay napakahalaga ng bawat detalye ng mangyayari sayo dahil sa kalusugan mo. Nag aalala lang kami, Ma'am. Sino nga pala ang naghatid sayo kagabi? Kanina lang ay may maghatid ng sasakyan mo, ibig sabihin ay hindi ka nagdala ng sasakyan pauwi. Sino ang naghatis sayo kagabi? Isa ba sa mga kaibigan mo?" Saglit na nag isip si Rose. Kaibigan ba niya si Mike? Wala siyang maalala kaya hindi
Hindi ininda ni Mike ang masamang tingin ni Frank, tumayo ito ng maayos, at kanyang pinahid ang dugo sa gilid ng labi. Hindi niya masisisi ang lalaki kung hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanyang ginawa. Maski si Mike din naman ay galit sa kanyang sarili, kaya ginagawa nito ang lahat upang makabawi kay Rose. "I'm sorry, Frank. Alam ko naman na naging gag0 ako, hindi ko minahal ng tama ang kapatid mo at sinaktan ko siya ng sobra—" isang suntok muli ang tumama sa kanyang mukha. "Hindi mo lang siya sinaktan, Mikael! Pinatay mo pa ang anak ninyong dalawa! Baka nakakalimutan mo? Ikaw ang dahilan kaya nawala ang anak ninyong dalawa." Pagpapaalala ni Frank sa kaharap. Gumuhit ang kirot sa puso ni Mike ng maalala ang anak nila ni Rose. Apat na taon simula ng mawala si Rose at ang kanilang anak... kahit kailan, hindi kinalimutan ni Mike na siya ang may kasalanan sa lahat. Gabi-gabi siyang nakokonsensya at binabangungot, nananaginip na duguan ang kamay, dugo na nanggaling sa mag ina
Kanina pa nakaalis si Mike. Hindi naman mapakali sa Frank sa kanyang mga nalaman. Dapat ba na ipaalam niya 'to sa kanilang magulang? Nahilot ng binata ang noo. Tiyak na mag aalala na naman ang kanilang ina, at sigurado na agad ipapakuha ng kanilang ama si Rose sa bansa. Bumuntong-hininga siya. Hindi gusto ni Frank na malungkot na naman ang kapatid niya sa Switzerland. Ito ang dahilan kaya niya tinulungan ito na pilitin ang kanilang magulang na hayaan itong makabalik sa bansa. "Mr. Ramos!" Tawag ni Frank sa kanyang mapagkakatiwalaan na secretary. "Magpahanap ka ng mga magagaling na private investigator, may kailangan akong ipagawa" "Yes, Sir!" Tugon ng lalaki. Humanda ang taong nasa likod ng aksidente ni Rose. Hindi makapapayag si Frank na hindi ito managot sa kanilang pamilya. Magbabayad siya kung sino man siya. Galit na pangako ni Frank sa sarili. HINDI maiwasan ni Rose ang mapangiwi habang nakatingin sa kanyag tagiliran. Sobrang laki ng peklat niya, nakakatakot hawakan, o ti
"Kaya nga sinasabi ko sayo ngayon 'to kasi alam ko na hindi niya gusto ang mga niluto mo." Ngumiti si Sofia, muling inagaw sa kamay ni Rose ang bagong luto na pagkain. "Kapatid niya ako kaya alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya, kaya makinig ka nalang sa akin." Hindi niya alam kung bakit nakadama siya ng sobrang inis kay Sofia. Parang sinasabi nito sa kanya na wala siyang alam kay Mike. Lalong nag init ang ulo ni Rose sa sunod nitong sinabi. "Alam mo ba na binalikan ako ni Kuya Mike kagabi sa bar. Humingi siya ng sorry sa akin dahil mas una ka niyang hinatid kesa sa akin. Pero naiintindihan ko naman ang dahilan ni kuya. Delikado nga naman kasi na umuwi ng mag isa ang taong may diperensya sa utak lalo na't nakainom at gabi pa." Pakiramdam ni Rose ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo sa sinabi nito. "Wag mo sanang masamain ang sinabi ko. Pero hindi ba totoo naman? Kaya ka nga walang maalala dahil," nilagay pa ni Sofia ang hintuturo sa sintido, "dahil may diperensya
Hindi daw mahilig sa gulay si Mike, ito ang sabi ni Sofia. Subalit hindi gano'n ang nakikita ngayon ni Rose. Halos maubos ng kapatid nito ang mga niluto niya. Tumingin siya ng nakangiti kay Sofia, ngunit ang totoo naiinis siya sa kasinungalingan nito. Kanina habang nililinis niya ang sugat nito, kulang nalang ay itulak siya nito palayo. Nagmagandang loob na nga siya, pero mukhang hindi ni Sofia 'to nagustuhan. Masayang pinanood ni Raven si Mike, natutuwa ito dahil kahit na nawalan ng alaala si Rose ay mukhang nagkasundo na ang mag asawa. Nagsisi na talaga ang anak niya at natuto na. Si Rose din, kahit nawalan ito ng alaala ay hindi nakalimot ang puso nito. "Wala pa rin talagang tatalo sa luto mo." Puri ni Mike sa asawa. Pinamulahaan ng mukha si Rose sa sinabi ni Mike. "Ano b-ba ang sinasabi mo di'yan. B-baka mamaya isipin ni Ninang Raven na hindi masarap ang luto niya." Sandaling natagilan si Rose. "Ibig s-sabihin ay pinagluluto kita dati?" Nang ngumiti si Mike ay napangiti lal
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k