“O, Marius napatawag ka?”Si Lana iyon nang sagutin nito ang tawag niya.Kasalukuyan siyang nakatayo nang mga sandaling iyon sa labas ng condominium unit ni Sam. Dalawang araw mula nang ihatid niya ang dalaga ay nanatiling hindi nito sinasagot ang mga tawag at text messages niya. Worried na siya kaya naisipan niyang pumunta rito para i-check kung kumusta ang dalaga.“Tumawag ba sa inyo si Sam? Or nagpunta ba siya diyan sa inyo?” ang magkasunod niyang tanong.Kung tutuusin ito na ang last option na naisip niya. Hangga’t maaari kasi hindi niya gustong idamay sina Andrew at Lana sa gulong kung tutuusin ay siya naman talaga ang may gawa. Pero wala na siyang iba pang maisip na paraan. Bukod pa sa katotohanang wala rin naman ibang pupuntahan si Sam maliban sa kapatid nito.“Si Sam? Hindi eh. Teka, hindi ba at kayong dalawa ang magkasama?” sagot naman ng kaibigan niyang nasa kabilang linya.Mabilis niyang nabakas sa tono ng pananalita ni Lana ang pag-aalala.“My god,” ang sa halip ay naisago
NANG gabing iyon ay sa condo niya sa Maynila nagpalipas ng gabi si Marius. Nakatutok ang mga mata niya sa telebisyon habang nilulunod ang sarili sa alak.Hindi niya maipaliwanag o kahit masabi man lang sa mga simpleng salita kung gaano kasakit ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Tanggap naman niyang karma niya ito. Mali ang ginawa niyang pinagplanuhan niya ang isang mabait na taong katulad ni Sam.Sa naisip ay mapait siyang napangiti kasabay ng pagbalong ng kanyang mga luha. Kanina pa siya umiiyak at hindi niya mapigilan ang sarili niya. Kahit minsan hindi pa siya nakaranas ng ganito kasakit na pakiramdam. Kahit noong magdesisyon si Lana na tanggapin at pakasalan si Andrew.Pero ngayon, para siyang hindi makahinga. Napakalungkot niya na hindi niya magawang tukuyin kung gaano.“S-Sam,” anas niya.Tinapunan niya ng sulyap ang gawi ng veranda. Sa isang iglap parang nakita niya doon ang sarili kasama si Sam na nagsasayaw. Ang kanilang first dance.Miss na miss na niya ito. Gust
HINDI ko maikakaila ang matinding kabog ng dibdib ko. Nang makalabas kami ng airport ay agad na dumapo sa pisngi ko ang pang-gabing hangin ng Maynila. Pagkatapos ay nilingon ko si Calum na makahulugang ngumiti naman sa akin. Karga niya si MJ na nang mga sandaling iyon ay mahimbing na mahimbing ang tulog. “Walang nakakaalam ng lahat ng ito kaya tiyak akong magugulat sila,” ang nakangiti kong sabi saka ko nilingon ang kaibigan ko. “At sure din akong magkakagulo,” sagot naman ni Calum. Pabiro pero may laman ang sinabing iyon ni Calum na nakapagpabuntong hininga naman sa akin. “Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Masyado kang negative. Para kang hindi kaibigan,” sabi ko saka naglalambing na tinapik ang balikat niya. Mula nang mag-stay ako sa poder ni Calum ay siya na ang nagsilbing kanlungan ko. Sa totoo lang marami sa mga nakakakita sa amin tuwing lumabas kaming tatlo ang napagkakamalan siyang asawa ko. At sa lahat ng pagkakataong iyon kung ilang beses man ay palagi kong ipinagdarasa
“MAY balita ba kay Marius, Kuya?” tanong ko kay Andrew nang hindi ako makatiis.Ang totoo, hindi naman talaga nawala sa isip ko si Marius. At sinungaling ako kung hindi ko aaminin na mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Lalo na nang lumabas si MJ na kamukhang kamukha nito.“Tell me, mahal mo pa rin siya, hindi ba?” tanong sa akin ni Andrew habang nakatitig ito ng tuwid sa aking mga mata.Mabilis akong umiwas ng tingin kay Andrew makalipas ang ilang sandali. Pagkatapos ay dinampot ko ang tasa ko ng kape saka ako humigop doon.“Hindi naman nawawala ang pagmamahal, hindi ba, Kuya?” iyon ang sa halip ay isinagot ko.Mabait ang ngiting pumunit sa mga labi ni Andrew. “Ganyan rin ang sinabi sa akin ni Lana. Nung huli silang nagkausap ni Marius gaya ng dati ikaw ang hinahanap nito. Ang totoo, hindi ko mapigilang manghinayang sa kinahinatnan ng kwento ninyong dalawa,” sabi ni Andrew.Nabakas ko sa tono ng pananalita ng kapatid ko na totoo sa loob niya ang kanyang mga sinabi. Bagay na
“KUNG alam ko lang kung nasaan siya hindi ka magdadalawang salita sa akin, Marius.”Si Lana iyon na masuyong ginagap ang kamay niya saka iyon pinisil. Kung hindi siya nagkakamali ng bilang pitong buwan na ngayon ang batang nasa sinapupunan ni Sam. Ang anak nila. Kung hindi lang sana nangyari ang lahat ng ito hindi mag isang dinadala ngayon ng dalaga ang lahat. “Alam ko naman nagkamali ako. Mali ang ginawa ko na pinagplanuhan ko siya. Pero eventually nahulog din naman ako sa kanya. At totoo ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Sam. Kahit kanino hindi ko naramdaman any ganito katinding feelings.”Masamang masama ang loob ni Marius. At hindi niya nagawang ikubli iyon sa tono ng pananalita niya.“Hayaan mo kakausapin ko ulit si Andrew. Baka sakaling may alam na siya. Baka tinawagan siya ni Sam. Ang totoo nag-aalala na rin ako sa hipag kong iyon. Gusto ko na ngang mag-hire ng private investigator para lang makita siya pero paano ko gagawin iyon? Ang alam kong pwede lang gumawa niyo
KATULAD ng napagkasunduan nilang dalawa pinuntahan ni Marius nang gabing iyon pagkatapos niya sa opisina si Lena. Bukas babalik na siya ng Baguio at gusto niyang sulitin ang pagkakataon ngayon para malibang.“Anong gusto mong kainin? Nagugutom ka ba?” iyon ang ibinungad ni Lena kay Marius.Hindi sumagot si Marius. Sa halip ay mabilis niyang hinapit ang baywang ng dalaga saka ito siniil ng halik sa mga labi.Mabilis na nag-init ang katawan ni Marius nang maramdaman niya ang pagtugon ng babae sa mga halik niya. Nilamon ng hindi maipaliwanag na pagnanasa ang kanyang pagkatao. Dahilan kaya naging agresibo siya ng hindi niya namamalayan.*****“M-Marius,” anas ni Lena nang magkaroon siya ng chance na huminga.Wala siyang maramdaman na kahit katiting na pagmamahal sa. mga halik ni Marius. Pero walang anuman ang lahat ng iyon sa kanya. Dahil gaya ng gusto niyang mangyari dati pa, gusto niyang maranasan ang ganito.Gusto niyang ma-experience ang pakiramdam na si Marius ang ka-sex niya at hind
PAGKATAPOS ng init ay pagal ang katawan na inihiga ni Marius ang sarili sa malambot na sofa. Ilang sandali lang naman siyang nanatili sa ganoong ayos. Pagkatapos ay bumangon na siya saka nagbihis. Wala siyang kahit anong sinasabi dahil ang totoo wala siyang ibang maisip.Nakokonsensya siya.Naaalala niya si Sam.Alam niyang oras na malaman ng dalaga ang tungkol dito ay masasaktan at lalo itong magagalit sa kanya. Pero bakit ba niyang iisipan pa iyon? Eh iniwan na rin naman siya nito? Itinago at inilayo nito sa kanya ang anak nila. Kaya may dahilan na rin siya ngayon para magalit rito.Nagpakawala ng mabigat na buntong hininga si Marius.Totoo iyon. Masama ang loob niya kay Sam. Pero hangga’t maaari, hindi niya gustong alagaan sa puso niya ang galit na iyon. Dahil mahal niya si Sam at sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila, walang bang babae pa rin siyang gustong makasama kundi ito lang."Hindi ko gustong aminin sa sarili ko na mali ang desisyon kong hinayaan ko ang puso kong mahulog s
NAKITA kong mabilis na nag-ulap ang mga mata ni Lana habang pinagmamasdan ang mukha ng anak ko. Hanggang nang sa kalaunan ay hindi na rin niya napigilan ang sariling mapaiyak. At alam ko kung para saan at para kanino ang mga luhang iyon. Walang iba kundi kay Marius. Maging sa nasira naming pagsasama.“You look so much like your father,” ani Lana na umakmang kukunin si MJ.Ibinigay ko kay Lana ang kung tutuusin ay pamangkin na rin nito dahil asawa ito ng kapatid ko. Agad niyang hinalikan sa pisngi si MJ at pagkatapos ay mahigpit na niyakap. Ilang sandali pa at isang maliit na tinig ang narinig kong tumawag sa pangalan ko. Sa puntong iyon ay ako naman ang nag-init ang sulok ng mga mata. Si Andrea, at mas malaki na ito kumpara nung huli kong makita.“Where have you been? I missed you,” anitong mahigpit na yumakap sa akin nang yukuin ko ito para halikan sa pisngi.“I’m sorry, sweetheart,” iyon lang ang nasabi ko na sa tingin ko ay safe.“You know, palagi kang tinatanong sa akin ni Tito Ma