Share

“ANG PAGKAKAIBIGANG MARIUS AT LENA”

“WOW,” ang tanging sinambit ni Calum.

Tumango si Lena saka matamis na ngumiti. Deep inside nami-miss niya si Marius. Alam niya iyon at sigurado siya. At kung noon ang nakasaksak sa utak niya ay ang isang beses na namagitan sa kanilang dalawa, ngayon, nakatitiyak siyang ang malalim at magandang pagkakaibigan nila noon ang hinahanap niya. Iyon ang dahilan ng madalas na kalungkutan niya. Huli na nga lang siguro para sa kanya na mapagtanto iyon. At kung tutuusin, hindi niya iyon mare-realize kung hindi lang dahil sa ginawang ito ni Calum. Kung hindi lang dahil sa pag-uusap na ito.

“Pero wala na siya,” iyon ang malungkot na pagtatapat ni Lena sabay lingon sa binata.

Noon niya nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Calum dahil sa sinabi niya. “You mean, dead? Patay na ang bestfriend mo?” tanong-sagot ng binata sa tono na tila humihingi ng paglilinaw sa sinabi niya.

Magkakasunod na umiling si Lena saka humugot at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Kahit ilang beses pa yat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status