Share

“ISANG UMAGA NG MABUTING USAPAN”

ISANG amused na tawa ang pinakawalan ni Calum bago nito kinurot ng bahagya ang pisngi ni Lena.

“Syempre tungkol sa iyo,” anitong naupo sa tabi niya saka siya inakbayan.

Sa ginawang iyon ni Calum ay biglang nakaramdam ng tila kapaguran ang dalaga. Hindi niya alam kung para saan ang kapagurang iyon. Pero kung mayroon man siyang isang bagay na natitiyak, iyon ang ang kaligayahang bigla niyang naramdaman ngayon.

“Alam mo bang ang kailangan lang nating dalawa ngayon ay isang mabuti at magandang usapan para magkaunawaan?” ang pagpapatuloy pa ni Calum.

Hindi maunawaan ni Lena kung para saan ang sinasabi iyon ni Calum. Pero bigla ay parang nakita niya sa katauhan ng binata ang matalik niyang kaibigan. Walang iba kundi si Marius. Sa naisip ay muli siyang napaiyak.

“Hey! Bakit na naman?” tanong ng binata saka mahinang tumawa.

Hindi maunawaan ni Lena kung sa papaanong paraan hindi siya napipikon kahit pa tumatawa si Calum sa ganoong mga sitwasyon. Siguro kung ibang lalaki ito baka napikon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status