Share

“LOVE LETTERS: ANG SIMULA NG BAGONG YUGTO”

MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Lena pero mas pinagsikapan niyang huwag iyong pansinin. Sa madaling salita, minabuti niyang ignorahin ang lahat at piliting maging kalmado.

“Hey,” ang lalaking katabi niya na ngayon ay nakaupo sa harapan ng manibela.

Hinawakan nito ang kamay niya saka iyon itinaas at dinampian ng halik. “Everything will be okay,” anito sa kanya saka ngumiti.

Simpleng ngiti ang pumunit sa mga labi ni Lena. Pagkatapos ay pinisil niya ang kamay ni Calum na hindi binitiwan ang kanya.

“Kung sakali pala parang gusto kong maging kapitbahay ka nalang,” ani Calum na tumawa ng mahina bago nito pinatakbo ang bagong bili nitong SUV.

Takang napalingon si Lena nang marinig ang sinabing iyon ng binata. “Seryoso ka?” tanong niya.

Nangungusap ang mga matang sandali siyang sinulyapan ni Calum bago nito nakangiti pa ring sinagot ang kanyang tanong.

“Mukha ba akong nagbibiro?” ang isinagot nito sa kanya saka siya kinindatan.

Humaplos sa puso ni Lena ang ginawing iyon ng binat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status