Andrew and Lana's Wedding...
"LET'S go sweetie, hayaan muna natin si Mommy mauuna na tayo sa church para hintayin doon si Mommy," ang malambing kong paliwanag sa pamangkin kong si Andrea na nang mga sandaling iyon ay ayaw talagang iwan ang ina nitong si Lana na hindi pa tapos ayusan ng stylist na kinuha ng kuya kong si Andrew.
"Pero Tita Sam gusto kong samahan si Mommy," giit ni Andrea na sa kabila ng pagtanggi nito ay nagawa paring iabot sa akin ang maliit niyang kamay.
Natawa ako ng mahina saka nakangiting sinulyapan si Lana na tahimik na nakikinig lang sa usapan namin ng kaniyang anak.
"Si Daddy nalang muna ang samahan mo tapos si Mommy sasamahan ni Lola," ang tinutukoy ko ay ang tiyahin ni Lana na si Mama Cecille.
Noon ko nakitang lumabi ang maganda kong pamangkin. Kahit hindi naman sabihin obvious na photocopy ko ang batang ito. At kapag tinitingnan ko siya parang tinitingnan ko ang batang version ng sarili ko.
"Mauna na kami," paalam ko kay Lana kasabay ng isang simpleng senyas na tinugon naman nito ng ngiti.
"Bye Mommy!" kaway pa ni Andrea sa kaniyang ina bago tuluyang sumama sa akin palabas ng silid.
*****
"NINONG MARIUS!" ang maliit subalit matinis na tinig na iyon ang nagbigay ng dahilan kay Marius upang lingunin ang kaniyang likuran.
Si Andrea iyon at napakaganda nito sa suot na bestidang pang-abay. Nakita niyang tumakbo ang bata patungo sana sa kinaroroonan niya pero mabilis itong pinigil ng isang pamilyar na mukha. Kung tutuusin, iyon pa lamang ang ikalawang pagkakataon na nagkaharap sila ni Sam, ang bunsong kapatid ni Andrew at hipag ni Lana. Pero kahit minsan ay hindi niya nakalimutan ang maganda nitong mukha.
"Tita Sam pupuntahan ko lang po si Ninong Marius," ang narinig niyang pagpupumulit ni Andrea na itinuro pa ang direksyon na kinaroroonan niya. Dahil sa ginawing iyon ni Andrea ay napatingin sa gawi niya si Sam. At marahil nang mamukhaan siya nito ay saka pa lamang ito nagkaroon ng dahilan para bitiwan ang kamay ni Andrea.
Napangiti si Marius sa isiping iyon. Walang duda na protective si Sam kay Andrea na pamangkin nito. What more pa kaya kung sa sarili nitong anak? For sure magiging mabuti at maaruga itong ina balang araw.
Doon biglang natigilan si Marius.
Ano bang iniisip niya at bakit nauwi roon ang tinatakbo ng kanyang utak?
Sa kagustuhang iwala iyon ay malalaki ang mga hakbang niyang sinalubong nalang si Andrea saka buong pananabik na kinarga. Alam niyang nakatingin sa kanila si Sam, pero hindi ito lumalapit at kumikilos sa kanina pang kinatatayuan nito kaya bilang lalaki siya nalang ang gumawa niyon.
Habang palapit ay hindi niya mapigilan ang sariling hangaan ang klase ng kagandahan na nakikita niya ngayon sa kaniyang harapan.
"Ngayon ko napatunayan na napakaganda ngang kombinasyon ng isang pure British at pure Filipino," iyon ang mga salita na kung tutuusin ay nasa isip niya at hindi niya inasahang nanulas ng kusa sa kaniyang mga labi.
Hindi rin naman niya pinagsisihan ang sinabi niyang iyon dahil nakita niya ang naging epekto niyon sa dalaga. Katulad nang una niya itong makita, labis na namula ang napakaganda nitong mukha.
*****
"M-MARIUS, right?" hindi ko man aminin pero bahagya akong nakaramdam ng inis sa sarili ko dahil sa naging epekto sa akin ng sinabing iyon ng lalaking kung tutuusin ay estranghero sa akin.
Estranghero sa point na iyon ang kung tutuusin ay ikalawang beses namin pagkikita. At matagal na rin ang mula nang mangyari 'yung una. Pero ang pakiramdam na ibinibigay sa akin ng mga titig niya, pati na rin ang kilabot na hatid sa akin ng tono ng pananalita nito at boses, hindi ko kaya ipaliwanag kung ano.
"Mabuti naman at naalala mo," aniya saka inilahad ang sarili nitong palad sa akin.
Sa ginawi niyang iyon ay nakakatawa mang isipin pero kailangan kong aminin na nag-alangan akong tanggapin ang pagkikipagkamay niya. Kaya lang dahil nga nandoon si Andrea at pinanonood kaming dalawa ay minabuti kong gawin ang tama.
Ayoko naman kasing magmukhang bastos at ayokong makita iyon ng pamangkin ko. Kahit kung tutuusin ay ang kaba na nararamdaman ko ang tanging dahilan kaya parang ayoko ngang tanggapin ang pakikipagkamay sa akin ni Marius.
"Of course, kapatid ko na si Lana at ang lahat ng kaibigan niya ay kaibigan ko na rin," ang pinakamatalinong pangungusap na naisipan kong isagot.
Nababalisa ako at hindi ko maintindihan. Pero ayokong ipahalata iyon. Ayokong makita ni Marius na apektado ako sa kaniya kaya kailangan kong pagsikapan na gawing normal ang mga kilos ko.
*****
"I hope hindi ito ang huling pagkakataon na magkikita tayo?" si Marius iyon nang paalis na kami sa venue kung saan idinaos ang reception.
Ngumiti lang ako saka hinanap ng paningin ko ang pamangkin ko na kanina pa hinahabol ng yaya nito dahil takbo ng takbo.
"Sigurado naman iyon, best friend mo ang hipag ko at ninong ka pa ng pamangkin ko kaya hindi imposible ang gusto mong mangyari," sagot ko saka kinawayan ang driver ng kotse na maghahatid sa amin pabalik ng mansyon.
"Andrea, pagod na si Lola, tumigil ka na," saway ko sa pamangkin ko nang sa wakas ay mukhang napagod na rin ito at nagpaakay na sa yaya niyang si Joan kasama si Mama Cecille na pinapayagan rin ako na tawagin siya sa ganoong paraan.
"Gustuhin ko man pero I do not have enough time to entertain you," iyon naman kasi ang totoo kaya minabuti kong iyon na rin ang sabihin kay Marius na mas pinili kong huwag tingnan dahil ayoko ma-magnet na naman sa mga mata nito.
"It's okay, marami pang pagkakataon," meaningful ang sinabing iyon ni Marius na naging dahilan kaya ako napatingala sa kaniya.
"What?"
"Kailangan ko na ring mauna, mag-iingat kayo," ang sa halip ay isinagot sa akin ni Marius bago niya ako iniwan na tila nanghuhula kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng huli nitong sinabi.
"Sam, halika na hija," ang boses ni Mama Cecille ang narinig kong tumawag sa akin.
Sa honeymoon na kasi nagtuloy ang mga bagong kasal at Mama at Papa ay tumalak na rin pabalik ng UK pagkaalis nina Kuya at Lana.
"Oh, okay po," ang tanging nasambit ko at parang noon lang ako natauhan.
*****
KINABUKASAN araw ng Lunes ay bumalik na sa normal ang buhay ko. At dahil nga wala ang kapatid ko ay solo ko muna ang pagpapatakbo sa aming coffee shop.
Hapon at saktong katatapos ko lang magtrabaho nang tumunog ang cellphone ko. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang unregistered ang number na rumehistro sa screen ng aking telepono.
Wala talaga akong planong sagutin iyon dahil hindi ko ugaling kumausap ng mga taong hindi ko kilala. Sa paniniwala ko kasi at base na rin sa experience ko kung tungkol iyon sa negosyo ay magte-text muna iyon bago tumawag.
Natapos ang buong call ng hindi ko iyon sinagot. Inisip ko na titigil na iyon pero nagkamali ako. Dahil muli na namang tumunog ang phone ko at ang kaparehong number parin ang tumatawag. Sa pagkakataong iyon ay minabuti ko nang baliin ang dati ko nang nakaugalian. Sinagot ko ang tawag sa kaisipan na baka emergency iyon.
"Hello?" sagot ko.
"Hello, Sam? This is Marius, nakuha ko ang number mo kay Lana, I hope you don't mind," sagot ng nasa kabilang linya.
Agad na bumilis ang tahip ng dibdib ko kasabay ng bigla kong pagtayo sa upuan. "M-Marius!"
"Yes, yayayain sana kitang mag-dinner, kung okay lang sa'yo?" ang deretsahan nitong tanong sa akin.
"D-Dinner?" ang hindi makapaniwala kong tanong.
Si Marius na yata ang pinakamabilis na lalaking nakilala ko. Pero sa kabila ng lahat bakit wala akong makapang inis sa dibdib ko para sa kanya.
"I won't take no for an answer. Nandito ako sa parking space ng building ninyo, hintayin kita okay?"
"Parking? W-Wait!" at naputol na nga ang linya.
Noon ako napaisip saka ko inilapag sa mesa ang hawak na cellphone. Parang naririnig ko pa si Marius habang sinasabi ang mga salitang I won't take no for an answer!
Nababaliw na ba siya? Magyayaya ng dinner, tinanong ako pero nandito na pala siya sa premises ng building at hinihintay na lang ang paglabas ko?
Well, kung tutuusin pwede ko naman siyang i-reject. Pero bakit parang hindi ko kayang gawin iyon?
Naguguluhan akong nagbuntong hininga kasabay ang mga salitang isinigaw ng aking isipan.
Bahala na!
"WHAT do you think you are doing?" ang naiinis kong bungad kay Marius nang makalapit ako sa kaniya. Sinadya ko talagang ipakita sa kaniya ang inis na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko kasi isa akong daga na na-corner ng isang pusa at si Marius ang pusa na iyon. Pero sa halip na maapektuhan sa pagtataray na ginawa ko ay matamis pa niya akong nginitian, pagkatapos ay niyuko at saka dinampian ng simpleng halik sa pisngi bilang pagbati. "Pauwiin mo na ang driver mo, ihahatid nalang kita kung saan mo man gustong umuwi ngayong gabi," ang sa halip ay isinagot niya sa akin saka na nagpatiuna sa pagbubukas ng pintuan ng passenger side ng kotse nito. Noon lalong nagtumindi ang iritasyon na nararamdaman ko para sa kanya. Pero kahit naiinis ako sa kanya, bakit ba para akong wala sa sarili ko na humakbang at sumakay sa kotse nito. Pagkatapos noon ay tinawagan ko pa si Mang Poldo para sabihan itong mauna nang umuwi dahil sumama akong mag-dinner sa isang kaibigan. "So, saan mo g
TUNOG ng cell phone ko ang gumising sa akin kinabukasan. Agad ko iyong dinampot upang tingnan kung sino ang nag-text. Para lang matigilan nang makita kong si Marius iyon. “Ang aga naman,” ang reklamong kumawala sa mga labi ko saka nagbuntong hininga at bumangon. Alas-singko na rin naman ng umaga kung tutuusin. Pero inunahan pa ni Marius ang alarm clock ko kaya medyo nainis ako. At dahil nga inis ako ay hindi ko siya ni-reply-an sa pagbati niya sa akin ng “good morning”. Although deep in my heart, alam kong napakilig niya ako kahit na papaano. Pero mas nangingibabaw lang talaga sa akin ang inis na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Dahil una sa lahat pagod na pagod pa rin ako at gusto ko pang matulog. May thirty minutes pa ako kung tutuusin. Pero dahil nga sa si Marius na ang nagmistulang alarm clock ko. Wala ng sense kung babalik pa ako sa tulog ko. Nagtuloy na ako sa banyo para maligo. Alam kong busy na sa kusina ang mga kasambahay na naghahanda ng almusal. Well, mainam na r
“WALA ka bang pinagkakaabalahan sa buhay at ako ang palagi mong napagti-tripan ng ganito?” Nang makabawi ako sa sinabi niya ay iyon ang nasambit ko. Hindi pa rin nagbabago ang tono ko. At dahil nga hindi sa akin nakatingin si Marius, kahit pa naiinis ako sa kanya ay nagkaroon ako ng chance na pagmasdan siya kahit na papaano. Well, at least maitatago ko iyon o mas madali kong maide-deny dahil sa pagsaalubong ng mga kilay ko. “Sa totoo lang sobrang busy kong tao, Sam,” ang maikling salitang isinagot sa akin ni Marius. “Ganoon naman pala eh. Bakit parang ang dami mong time?” tanong ko ulit sa kanya. Pilit na iniignora ang posibleng ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi. “Alam kong alam mo kung bakit ako nagkakaganito, Sam,” aniyang sandali akong sinulyapan kasabay ng pag-angat ng makakapal nitong mga kilay. Sa totoo lang, bulag lang ang hindi hahanga sa angking karisma at kagwapuhan ng lalaking ito. Aminado naman ako doon kahit kung tutuusin ay sanay ang mga mata ko sa mga gwapo
MABILIS ang naging paglipas ng mga oras. Ni hindi ko namalayan na lunch time na pala kung hindi pa sa ginawang pagpapaalala sa akin ni Alicia, ang bagong hire kong sekretarya.“Gusto po ba ninyong ipag-order ko nalang kayo para hindi na kayo lumabas?” ang mabait pa nitong tanong sa akin.“Yes, please,” sagot kong tipid siyang nginitian.Tanging iyon lang at iniwan na nga niya ako. Ilang sandali pa at muli na naman akong nilamon ng kaabalahan ko sa pagtatrabaho. Wala pa naman ang pagkaing inorder ni Alicia para sa akin kaya gugugulin ko nalang muna ang oras ko para tapusin ang iba pang kailangang tapusin.Nasa ganoong ayos ako nang marinig ko ang pagtunog ng message alert tone ng cellphone ko. Parang wala lang ko iyong dinampot at tiningnan upang mapangiti. Si Marius.“Kumain kana, huwag puro trabaho. Baka magkasakit ka,” ang text message na ipinadala ni Marius sa akin.Sa totoo lang, hindi ko alam kung kinailangan lang na magkaroon ng closure ang inis na nararamdaman ko sa kanya kanin
“SERYOSO ka bang mahihintay ka dito?”Kalahating oras na ang nakalilipas mula nang dumating si Marius nang itanong ko iyon sa kanya.Nagtatrabaho pa rin naman ako. Siya nang mga sandaling iyon ay hindi kumilos at nanatiling nakaupo sa silyang nasa harapan ng working table ko. Habang inaabala niya ang kanyang sarili sa binubuklat na magazine.“Pwede kang lumipat doon sa couch para mas komportable ka,” ang muli kong sambit nang sulyapan lang niya ako saka nginitian.“Seryoso naman talaga ako sa lahat ng ginagawa ko para sa’yo eh,” aniyang sinagot ang una kong sinabi. “At sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ako o mao-offend sa pangalawa mong sinabi,” pagpapatuloy pa niya.Agad na nagsalubong ang mga kilay ko matapos kong marinig ang huling sinabi ni Marius.“Bakit ka naman mao-offend eh ikaw lang ang inaalala ko?” tanong ko sa kanyang hindi napigilan ang matawa ng mahina pagkatapos.Nagkibit ng mga balikat niya si Marius bago sumagot. “Naalala ko lang kasi na baka nagsasawa ka na
MASASABI kong malaki ang pagkakaiba ng dinner na iyon kung ikukumpara sa ginawa namin kahapon ng gabi ni Marius. Siguro nga dahil officially ay magkaibigan na kaming dalawa. “Okay ka na?” tanong sa akin ni Marius nang mapuna niyang tapos na akong kumain. Tumango ako saka sa panghuling pagkakataon ay uminom ng tubig sa baso ko. “Yeah, grabe nabusog ako ng sobra,” pagsasabi ko ng totoo saka ko iyon sinundan ng mahinang tawa. Nakita kong nangislap ang maiitim na mga mata ni Marius habang nanatili siyang nakatitig sa akin. Nasa mga iyon ang paghanga na aware naman akong noon pa mang umpisa ay hindi na niya itinago sa akin. “Gusto mo na bang umuwi?” tanong niya sa akin nang naglalakad na kaming dalawa patungo sa kinapaparadahan ng kotse niya. Mabilis akong nagkibit ako ng mga balikat bago nagsalita. “Okay lang naman sa akin kung gusto mong maglakad-lakad muna sa park,” sabi ko. Hindi kasi malayo sa kinaroroonan namin ay tanaw ang isang parke na may nangilan-ngilan ring naglalakad. Paw
HINDI ko alam kung dahil lang ba iyon sa pagiging busy ko. Pero naging mabilis ang takbo ng mga araw to the point na hindi ko na namamalayan.“Are you sure, Mama Cecille?” tanong ko habang kumakain kami ng agahan sa komedor.Nagsabi kasi ako sa kanya na niyaya akong lumabas ni Marius para sa araw na iyon. At dahil maraming ganap ang inaasahan ko ay pinaunahan ko na si Mama Cecille na baka gabihin ako ng uwi.“Akong bahala kay Andrea, Sam,” aniyang ngumiti pa sa akin.Alam ko naman iyon. Bakit nga hindi gayong sa loob ng mahabang panahon noon na wala ang kuya ko sa piling nina Lana at Andrea, bukod kay Marius ay si Mama Cecille ang nakasama ng mga ito. Kaya kung sa pag-aalaga at pagtingin lang sa pamangkin ko. Tiyak akong nasa mabuting kamay si Andrea.Ang totoo, hindi ko lang kasi maiwasan ang makaramdam ng hiya kay Mama Cecille. Kung kaya ko nga lang kontrolin ang sarili ko, hindi ako sasama kay Marius. Pero hindi ko rin kasi kayang i-deny ang totoo. Na gusto ko palagi ko siyang naka
PAGKATAPOS naming magsimba ay sa mall ako niyaya ni Marius. Nagkape muna kami sa isang coffee shop at doon napasarap ng husto ang aming kwentuhan.“Bakit hindi tayo doon sa coffee shop ninyo nagkape?” tanong niya sa akin.Nang mga sandaling iyon ay kasalukuyan kong ine-enjoy ang bibingka na inorder ko kasama ang black coffee sa nasa aking tasa.Nagkibit ako ng mga balikat saka humigop ng kape bago sinagot ang tanong ni Marius.“Ayoko lang kasing isipin ng mga empleyado namin na nag-i-store visit kami.,” sagot ko. “At isa pa, gusto ko ring matikman ang kape at bibingka nila dito para naman magkaroon ako ng idea kung paano namin sila matatapatan,” dugtong ko pa saka ko sinadyang hinaan ang huli kong sinabi para hindi marinig ng kahit sino.Tumawa si Marius sa sinabi kong iyon. At masasabi kong naging mas attractive siya sa paningin ko. Although hindi iyon ang unang beses na narinig ko ang kanyang tawa na totoong nagmimistulang musika sa aking pandinig.“Negosyante ka nga,” sagot niyang
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Lena pero mas pinagsikapan niyang huwag iyong pansinin. Sa madaling salita, minabuti niyang ignorahin ang lahat at piliting maging kalmado. “Hey,” ang lalaking katabi niya na ngayon ay nakaupo sa harapan ng manibela. Hinawakan nito ang kamay niya saka iyon itinaas at dinampian ng halik. “Everything will be okay,” anito sa kanya saka ngumiti. Simpleng ngiti ang pumunit sa mga labi ni Lena. Pagkatapos ay pinisil niya ang kamay ni Calum na hindi binitiwan ang kanya. “Kung sakali pala parang gusto kong maging kapitbahay ka nalang,” ani Calum na tumawa ng mahina bago nito pinatakbo ang bagong bili nitong SUV. Takang napalingon si Lena nang marinig ang sinabing iyon ng binata. “Seryoso ka?” tanong niya. Nangungusap ang mga matang sandali siyang sinulyapan ni Calum bago nito nakangiti pa ring sinagot ang kanyang tanong. “Mukha ba akong nagbibiro?” ang isinagot nito sa kanya saka siya kinindatan. Humaplos sa puso ni Lena ang ginawing iyon ng binat
NAKAGAT ko ang aking lowerlip nang simulan akong paulanan ni Marius ng hindi makataong kaligayahan gamit ang dila at bibig niyang sinusuyo ang aking bukana. At dahil nga nakatali ang dalawang mga kamay ko gaya ng hiningi ko sa kanya kanina na gusto kong gawin niya ay literal na wala na nga akong iba pang pwedeng gawin kundi ang tanggapin ang walang patumanggang ligaya na nagaganap ngayon sa buo kong pagkatao.“This is so good, mmmnnn—Sam,” ang mga sinasabi ni Marius habang nasa kalagitnaa siya ng pagkain sa pagkababae ko ay nakadagdag rin sa orgasmong nararamdaman ko.Suminghap ako. Nakikita ko kung paano niya panggigilan ang ginagawa niya sa hiyas na nasa pagitan ng aking mga hita. Pero alam kong hindi ito magpapaawat. Lalo na ngayon obvious ang panginginig ng buong katawan ko.Hindi ko naman talaga mapigilan ang magkaganoon. Kahit kung tutuusin ay pinipilit ko.Sinusubukan ko ng maging mahinahon at kontrolin ang lahat. Pero dahil nga yata goal ni Marius ang marinig ang pag-iingay ko
HINDI ko alam kung dahil ba sa ininom kong alak pero talagang hindi lang ang pakiramdam ko ang nag-aalab nang mga sandaling iyon. Pati na rin ang lakas ng loob ko. Dahil nang hindi ako makatiis, kinuha ko ang kamay ni Marius saka ko iyon inilagay sa hiyas na nasa pagitan ng aking mga hita. Bilang pagtugon sa ginawa ko ay magkakasunod ang paghingang pinakawalan ni Marius. Kasunod niyon ay ang biglaang pagbabago ng paraan ng paghalik niya. Napansin ko kasing bigla itong naging marahas. Kung tutuusin expected ko naman na ang tungkol sa bagay na iyon. Tungkol sa pwede niyang gawin. Pero sa kabila ng katotohanang ang lahat ng ginagawa ni Marius kadalasan ay inaasahan ko na, dumarating pa rin talaga sa point na nasosorpresa ako dahil nagbabago ang istilo niya. Kung hindi naman ay binibigla niya ako. “Ang init mo ngayon, Sam,” aniya sa akin nang simulan niyang paliguan ng maliliit na haliit ang mukha ko. Pababa sa aking leeg. “Oh, Marius, palagi naman akong mainit kapag nasa ganitong e
IYON ang unang pagkakataon matapos naming magkahiwalay ni Marius na nakasama ko siya sa isang passionate na inuman. Kaya naman pala gusto niyang dito kami sa kwarto niya ay may nakahanda na itong dalawang baso at isang espesyal na wine na nasa isang maliit at candlelit na mesa. Mula nang umalis ako sa bahay na iyon isang taon na rin mahigit ang nakalilipas ay ngayon lang ulit ako pumasok sa loob ng silid ni Marius. At iyon ang dahilan kaya medyo naiilang ako. “Gusto kasing maisayaw kita ng sweet kaya kita niyaya dito,” ani Marius na binuksan ang maliit nitong component sa loob kwarto. Ilang sandali pa at pumapailanlang na ang isang maganda at malamyos na love song. “Halika na,” aniya sa akin sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko iyon. “First and last yata nating ganito eh sa condo ko ano?” ani Marius na kinuha ang kopita na nasa maliit na mesa saka uminom ng wine. Ngumiti lang ako sa tahimik na pinagmasdan ang mukha niya. “Teka, alam kong gwapo ako eh. Pero huwag mo naman akong titi
MASAYA ako sa lahat ng nangyayari sa buhay namin ni Marius. Sa totoo lang wala na akong mahihiling pa dahil ang lahat ay umaayon sa mga gusto ko. Sa lahat ng pinapanalangin at pinapangarap ko.“Mabuti naman at happy ka. Kunsabagay, wala naman akong ibang pinangarap kundi ang makita kang masaya. Alam mo ba iyon ha? Sana lagi kang maging masaya kasi love kita,” ani Calum na kausap ko sa kabilang linya.Awtomatiko na ang matamis na ngiting pumunit sa mga labi ko. Nasa veranda ako noon ng kwarto ko. Palubog na ang araw at abala na si Manang Sela sa pag-aasikaso sa kusina habang si MJ naman ay nasa crib nito. Gising na gising at nakikipaglaro sa mga laruang nakabitin doon.“So, tell me, kumusta ka naman diyan sa Davao,” ang naisipan kong itanong nang manatiling tahimik si Calum na nasa kabilang linya.“Okay naman. Ang totoo malapit na akong bumalik ng Manila. Maybe this week,” sagot niya.Lalong umaliwalas ang mukha ko sa narinig. “Really? Saan mo gustong tumuloy? Doon ba sa bahay ko?”“Hi
“WOW,” ang tanging sinambit ni Calum. Tumango si Lena saka matamis na ngumiti. Deep inside nami-miss niya si Marius. Alam niya iyon at sigurado siya. At kung noon ang nakasaksak sa utak niya ay ang isang beses na namagitan sa kanilang dalawa, ngayon, nakatitiyak siyang ang malalim at magandang pagkakaibigan nila noon ang hinahanap niya. Iyon ang dahilan ng madalas na kalungkutan niya. Huli na nga lang siguro para sa kanya na mapagtanto iyon. At kung tutuusin, hindi niya iyon mare-realize kung hindi lang dahil sa ginawang ito ni Calum. Kung hindi lang dahil sa pag-uusap na ito.“Pero wala na siya,” iyon ang malungkot na pagtatapat ni Lena sabay lingon sa binata.Noon niya nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Calum dahil sa sinabi niya. “You mean, dead? Patay na ang bestfriend mo?” tanong-sagot ng binata sa tono na tila humihingi ng paglilinaw sa sinabi niya.Magkakasunod na umiling si Lena saka humugot at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Kahit ilang beses pa yat
ISANG amused na tawa ang pinakawalan ni Calum bago nito kinurot ng bahagya ang pisngi ni Lena.“Syempre tungkol sa iyo,” anitong naupo sa tabi niya saka siya inakbayan.Sa ginawang iyon ni Calum ay biglang nakaramdam ng tila kapaguran ang dalaga. Hindi niya alam kung para saan ang kapagurang iyon. Pero kung mayroon man siyang isang bagay na natitiyak, iyon ang ang kaligayahang bigla niyang naramdaman ngayon.“Alam mo bang ang kailangan lang nating dalawa ngayon ay isang mabuti at magandang usapan para magkaunawaan?” ang pagpapatuloy pa ni Calum.Hindi maunawaan ni Lena kung para saan ang sinasabi iyon ni Calum. Pero bigla ay parang nakita niya sa katauhan ng binata ang matalik niyang kaibigan. Walang iba kundi si Marius. Sa naisip ay muli siyang napaiyak.“Hey! Bakit na naman?” tanong ng binata saka mahinang tumawa.Hindi maunawaan ni Lena kung sa papaanong paraan hindi siya napipikon kahit pa tumatawa si Calum sa ganoong mga sitwasyon. Siguro kung ibang lalaki ito baka napikon
“KAUSAPIN mo ako, Lena,” giit nito sa tono na nakikiusap.Napabuntong hininga si Lena saka hinarap ang lalaki. Katulad ng inasahan niya, sinundan siya nito hanggang sa kanyang apartment. At dahil nga hindi niya gustong may makakita sa kanila ay minabuti niyang papasukin na ito.“Ano bang gusto mong pag-usapin natin, Celso?” tanong ng dalaga.“Ang tungkol sa atin. Sa ating dalawa, Lena. Hindi naman yata tamang ganito nalang ang lahat? Miss na miss na kit at gustong-gusto ko nang maranasan muli ang mga dati nating ginagawa,” anito sa kanya.Nakita ni Lena na humakbang si Celso palapit sa kanya. Natayo noon ang dalaga sa may mesa sa kusina. Habang ito naman ay nasa dalawang hakbang ang layo mula sa kanya.“Miss na miss ko na ang lahat ng ginagawa natin sa kubo, Lena,” anito sa kanya.Parang sinampal si Lena sa narinig. Pagkatapos niyon ay isang dry na tawa ang pinakawalan niya.“Sex? Iyon ang dahilan mo kaya nandito ka? Gusto mo akong ikama at nami-miss mo ang lahat ng bagay na hi
MABILIS na nagsalubong ang mga kilay ni Lena nang makilala ang lalaking nakatayo at nakatingin sa kanya sa di-kalayuan. Pauwi pa lamang siya galing sa kanyang shift. Kapuputok lang ng araw. At dahil sa ibang bansa ang kompanya na pinagtatrabauhan niya ay iba ang timezone sa Pilipinas.“Kumusta kana, Lena?” Nang makalapit sa kanya si Celso ay iyon agad ang naging pagbati nito sa kanya habang matamis na nakangiti.Titig na titig si Lena sa mukha nito. “Mabuti naman ako. Ikaw? Kumusta ka? Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na dito ako nagtatraaho?” ang magkakasunod ko pang tanong.“Sa tiyahin mo,” ang maikli nitong sagot sa kanya.Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Lena. Kasama na rin doon ang labis na pag-aalalang biglang nabuhay sa puso niya. “May nangyari ba sa Tiya Lourdes ko?” hindi naitago ng dalaga ang magkahalong nerbiyos at takot sa kanyang puso.Noong ngumisi si Celso. “Wala, walang nangyari sa kanya. Pero sa sinabi mong iyon, mukhang meron na akong ideya ngayong kung paa