Share

“ONE YEAR LATER”

HINDI ko maikakaila ang matinding kabog ng dibdib ko. Nang makalabas kami ng airport ay agad na dumapo sa pisngi ko ang pang-gabing hangin ng Maynila. Pagkatapos ay nilingon ko si Calum na makahulugang ngumiti naman sa akin. Karga niya si MJ na nang mga sandaling iyon ay mahimbing na mahimbing ang tulog.

“Walang nakakaalam ng lahat ng ito kaya tiyak akong magugulat sila,” ang nakangiti kong sabi saka ko nilingon ang kaibigan ko.

“At sure din akong magkakagulo,” sagot naman ni Calum.

Pabiro pero may laman ang sinabing iyon ni Calum na nakapagpabuntong hininga naman sa akin. “Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Masyado kang negative. Para kang hindi kaibigan,” sabi ko saka naglalambing na tinapik ang balikat niya.

Mula nang mag-stay ako sa poder ni Calum ay siya na ang nagsilbing kanlungan ko. Sa totoo lang marami sa mga nakakakita sa amin tuwing lumabas kaming tatlo ang napagkakamalan siyang asawa ko. At sa lahat ng pagkakataong iyon kung ilang beses man ay palagi kong ipinagdarasa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status