Share

“BROKEN FRIENDSHIP”

NANG gabing iyon ay sa condo niya sa Maynila nagpalipas ng gabi si Marius. Nakatutok ang mga mata niya sa telebisyon habang nilulunod ang sarili sa alak.

Hindi niya maipaliwanag o kahit masabi man lang sa mga simpleng salita kung gaano kasakit ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Tanggap naman niyang karma niya ito. Mali ang ginawa niyang pinagplanuhan niya ang isang mabait na taong katulad ni Sam.

Sa naisip ay mapait siyang napangiti kasabay ng pagbalong ng kanyang mga luha. Kanina pa siya umiiyak at hindi niya mapigilan ang sarili niya. Kahit minsan hindi pa siya nakaranas ng ganito kasakit na pakiramdam. Kahit noong magdesisyon si Lana na tanggapin at pakasalan si Andrew.

Pero ngayon, para siyang hindi makahinga. Napakalungkot niya na hindi niya magawang tukuyin kung gaano.

“S-Sam,” anas niya.

Tinapunan niya ng sulyap ang gawi ng veranda. Sa isang iglap parang nakita niya doon ang sarili kasama si Sam na nagsasayaw. Ang kanilang first dance.

Miss na miss na niya ito. Gust
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status