Share

“KARMA”

“O, Marius napatawag ka?”

Si Lana iyon nang sagutin nito ang tawag niya.

Kasalukuyan siyang nakatayo nang mga sandaling iyon sa labas ng condominium unit ni Sam. Dalawang araw mula nang ihatid niya ang dalaga ay nanatiling hindi nito sinasagot ang mga tawag at text messages niya. Worried na siya kaya naisipan niyang pumunta rito para i-check kung kumusta ang dalaga.

“Tumawag ba sa inyo si Sam? Or nagpunta ba siya diyan sa inyo?” ang magkasunod niyang tanong.

Kung tutuusin ito na ang last option na naisip niya. Hangga’t maaari kasi hindi niya gustong idamay sina Andrew at Lana sa gulong kung tutuusin ay siya naman talaga ang may gawa. Pero wala na siyang iba pang maisip na paraan. Bukod pa sa katotohanang wala rin naman ibang pupuntahan si Sam maliban sa kapatid nito.

“Si Sam? Hindi eh. Teka, hindi ba at kayong dalawa ang magkasama?” sagot naman ng kaibigan niyang nasa kabilang linya.

Mabilis niyang nabakas sa tono ng pananalita ni Lana ang pag-aalala.

“My god,” ang sa halip ay naisago
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status