Share

“FAKE AMNESIA”

MASAMA ang loob ko. Kailangan kong aminin iyon kahit sa sarili ko lang. At sa parteng ito kailangan ko ring aminin na nanalo si Lena. Dahil kung hindi, mananatili akong nagpapanggap.

Sa huli kong naisip ay natigilan ako.

Pwede! Pwede kong ipagpatuloy ang lahat ng ito.

Hindi naman kailangang malaman ni Marius na okay na ako. Hindi niya kailangang malaman na nagbalik na ang alaala ko.

Pero ang tanong, hanggang kailan ko ba kayang panindigan ang ganito?

Hanggang kailan ko makakayang itago sa kanya ang totoo? Pati na rin ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nalaman ko?

Nasa ganoong ayos ako nang biglang pumasok sa kwarto namin ang lalaking laman ng isip ko.

Agad akong lumingon sa kanya. Habang siya ay nakangiting humakbang palapit sa akin.

“Okay ka lang?” tanong niya sa akin nang makalapit.

Hindi ako makapag-isip ng pwede kong sabihin. Kaya tumango nalang ako. Nang halikan ako sa noo ni Marius ay napapikit ako. Pagkatapos ay naramdaman kong nag-init ang sulok ng mga mata ko. Pero gaya ng
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status