Share

“BIRTHDAY CELEBRATION”

“GOOD morning.”

Matamis ang ngiti sa mga labi nang malabasan ko si Marius sa kusina na naghahain ng agahan sa mesa.

“Si Manang Sela?” ang sa halip ay isinagot ko sa kanya.

“Tulog pa siguro. Eh, hayaan mo na. Para naman makapag-solo rin tayong dalawa,” anitong nilapitan ako saka iginiya paupo sa hinila nitong silya.

“Sabagay, maaga pa naman,” sabi kong sinulyapan ang isang wall clock na nakasabit sa dingding.

Kung tutuusin mag-a-alas seis pa lamang ng umaga at hindi nga nakapagtatakang tulog pa si Manang Sela dahil pagod ito kahapon sa biyahe.

“Sinadya ko talagang magising ng maaga kasi gusto kong mag-agahan kasama ka. Gusto kong maipagluto ka ng almusal gaya noon,” ani Marius na sinimulan akong asikasuhin.

Hindi ako nakapagsalita. Sa halip ay hinayon ko ng tingin ang kung tutuusin ay simpleng almusal na nakahain sa mesa. Pritong itlog, tuyo, hotdog, kamatis, at sinangang.

Typical Filipino breakfast. Pero dahil si Marius ang naghanda niyon para sa akin, masyadong special ang dating. Bu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status