Share

“CELSO”

“TULOG na siya,” si Manang Sela iyon nang malabasan niya ako sa may teresa ng bahay habang nagpapahangin.

Tumango lang ako habang nakangiti. Pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa malayo.

“Heto, iginawa kita ng chamomile tea. Inumin mo para mahimbing ang tulog mo mamaya,” aniyang iniabot sa akin ang isang clear mug na may lamang mainit na tsaa.

“Salamat, Manang Sela,” nang tanggapin ko ang mug at pagkatapos ay sinimulang higupin ang laman ng mug.

Inisip kong iiwan na ako ng matanda para mapag-isa. Pero nagkamali ako. Naupo siya sa bakanteng rocking chair na naroon saka ako sinamahan.

“Hindi ka ba nilalamok dito, Sam? Gusto mo bang buksan ko ang ilaw?” tanong niya sa akin makalipas ang ilang sandali.

Sa kabila ng madilim na paligid dahil kung tutuusin tanging mga lang sa bakod ang tanglaw namin. Isama na rin ang nasa poste ng kuryente sa tapat ng bahay. Malinaw ko pa ring namalas ang isang matamis na ngiting pumunit sa mga labi ni Manang Sela. Ganoon rin ang pagkislap ng mababa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status