RUMEHISTRO ang pagtataka sa mukha ni Marius nang hawakan ko ang kamay niya saka ko siya hinila sa backseat ng sasakyan sa halip. Pero dahil nga hindi ko gustong mag-explain ay hinalikan ko nalang siya agad.Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin nang mga sandaling iyon. O baka naman mas tamang sabihing alam ko pero hindi ko kayang ipaliwanag? Laking pasalamat ko nalang dahil nang titigan ako ni Marius ay hindi na siya nagtanong. Sa halip sa pagkakataong ito ay siya na ang kumabig sa akin para sa isang marubdob na halik.Ramdam ko ang kapusukan ni Marius nang mga sandaling iyon. Sa paraang tila ba gusto na nitong lamunin ng buo ang pagkatao ko kahit kung tutuusin ay hinahalikan palang niya ako.“Sam, mahal na mahal kita, Sam,” bulong niya sa akin habang hinububaran ako.Ungol lang ang isinagot ko sa sinabi niyang iyon lalo pa at naramdaman ko ang ginawa niyang banayad na pagkagat sa aking earlobe. At gaya ng dati, nagdulot iyon ng hindi mapangalanang sarap at sensasyon na mabili
KASABAY ng muli kong paggalaw ay ang magkakasunod na pagkawala ng magkakahalong ungol at singhap na tila ba may sariling isip na nanunulas sa mga labi ko. Pikit ang aking mga mata, ninanamnam ang bawat sandali, bawat paghaplos ng mainit na palad ni Marius sa balat ko.Sa tuwing gumagalaw ako ay naririnig ko ang mga ingay na pinakakawalan ni Marius. At gaya ng madalas niyang gawin, naging punong abala ang mga labi niya sa pagdampi ng nakakapasong mga halik sa aking katawan. Hindi naglaon at sinimulan na rin naman sagutin ni Marius ang bawat paggalaw ko. Kaya lalong tumaas ang lebel ng paghahangad sa aking katawan. Ang bawat ulos niya ay sinasabayan niya ng ungol na tunay na namang musika sa aking pandinig. At katulad ng sinabi ko kanina, ramdam ko ang bawat himas ng kanyang mga kamay sa aking balat, ang bawat pagdampi ng kanyang labi sa aking magkabilang dibdib.“Bilisan mo, Sam,” utos niya sa akin sa tonong pabulong at puno ng paghahangad.“No,” sagot ko saka ipinagpatuloy ang sensua
Matapos ang isang mahaba at nakakapagod na araw ay nakauwi rin kami ni Marius sa bahay. Pagpasok namin sa loob, agad akong nakaramdam ng pagod. Pakiramdam ko’y dumadaan ang bawat segundo nang mabagal habang umaakyat kami sa hagdan patungo sa aming silid. Pero parang hinugasan ang lahat ng nararamdaman ko pagkakita ko pa lamang kay MJ. Inabutan ko ito sa malawak na sala ng bahay kasama si Manang Sela na abala sa panonood ng TV.Agad kong sinulyapan ang isang maganda at antigong grandfather’s clock na nasa sulok ng malaking sala. Past six pa lang. Tamang-tama sa paghahanda ng hapunan.“Manang Sela, ako na ho ang maghahanda ng hapunan natin,” sabi ko sa kanya.Magkakasunod itong umiling. “Tapos na. Nakapagluto na ako. Pero nauna na akong kumain, Sinamantala ko na ang pagkakataon habang natutulog ang gwapong ito kanina,” aniyang pinagmasdan ang anak kong nasa stroller nito at gising na gising.“Salamat po, Manang Sela,” sabi ko.Tinitigan niya ako. “Nauunawaan ko ang lahat, Sam. At masaya
Paggising ko kinabukasan, naramdaman kong nakayakap pa rin si Marius sa akin. Malapit ang mukha niya sa akin. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Parang isang baby. Napangiti ako saka ko itinaas ang isa kong kamay ay pinadaanan ang matangos at perpekto niyang ilong. Napakasarap niyang pagmasdan. Napakagwapo niya at gaya ng nauna ko ng sinabi, maswerte ako at ako ang babaeng pinili niya. Ilang sandali pa at hindi na ako nakatiis. Kumilos ako at hinalikan ko siya sa pisngi. Nagdulot ng kiliti sa mga labi ko ang papatubo niyang bigote. Pagkatapos ay ang kanyang mga labi. Ginawa ko iyong dahan-dahan. Para hindi siya magising. Pero nabigo ako."Good morning, Handsome," sabi ko habang nakangiti."Good morning, Beautiful," sagot niya habang hinahaplos ang aking mukha. "Napakaganda ng umaga kapag ikaw ang kasama ko."Ngumiti ako habang pinamumulahan ng mga pisngi. Sa simpleng mga salitang iyon ay totoong naramdaman ko ang wagas na pagmamahal sa akin ni Marius. At hindi lang iyon, nabasa ko rin
KALUSKOS sa kusina ang narinig namin ni Marius nang makababa kami ng hagdan. Bumungad sa amin si Manang Sela na abala sa paghahanda ng almusal. Ang aroma ng tuyo at sinangag ay pumuno sa buong bahay. Kasama namin si MJ na ibinaba ko sa crib na inayos ni Marius makalipas ang ilang sandali."Good morning, Manang Sela," bati ni Marius habang palapit sa mesa."Good morning din sa inyo, Marius, Sam," ang matandang magada ang ngiti sa mga labi. “Kumain na kayo habang mainit pa ang kape at sinangag,” aniya pang ibinaba sa mesa ang dalawang mug ng mainit at bagong timplang kape."Salamat, Manang Sela. Amoy pa lang, busog na ako," biro ko saka naupo na rin.“O siya, sasaglit na muna ako sa palengke para mamili ng iluluto ko mamayang pananghalian at hapunan,” pagsasabi ng matanda.“Naku huwag na ho, Manang Sela. Kaming dalawa nalang ni Sam ang sasaglit sa grocery mamaya. Para hindi na rin kayo mapagod,” pigil naman dito ni Marius.May point naman doon ang binata. Matanda na rin kasi si Manang S
“MAGANDA, at mukhang masarap,” bulong ni Celso kasabay ang pasilay ng isang mapanganib na ngisi sa kanyang mga labi.Ang totoo, miss na miss na niya si Lena. At mula nang mabalitaan niya ang tungkol sa pag-uwi ni Marius dito sa lugar nila kasama ang mag-ina nito, agad siyang nagkaroon ng pag-asa. Naisip kasi niya na marahil, o baka naman kapag naipagbigay alam niya kay Lena ang tungkol rito, baka umuwi na ito. Pero nagkamali siya.Hinanap niya si Lena sa Maynila gamit ang address na nahingi niya sa tiyahin nitong si Lourdes. Hindi naging madali para sa kanya na hingin iyon sa matanda. Pero matapos ang mahaba-habang pakiusapan at pangungumbinsi ay napagtagumpayan rin niya iyon. Pinuntahan niya ang address na may halong pananabik dahil makikita na niya sa wakas ang babaaeng mahigit isang taon na rin niyang hindi nasisilayan. At habang nasa byahe siya, ang nasa isipan niya ang ang matinding pagnanasang nararamdaman niya para kay Lena.Bilang anak ng Kapitan ng kanilang barangay ay
MAALINSANGAN ang panahon nang araw na iyon. Kaya sa halip na sa kwarto namin ay minabuti ni Marius na sa guest room na muna ilagay ang crib ng aming anak. Iyon lang kasi ang isa sa dalawang kwarto sa bahay na iyon na may aircon. At dahil nagpaalam na rin si Manang Sela sa kaninang after lunch na magpapahinga, dahil nga sa init ng panahon ay sa kwarto kung nasaan si MJ na rin ito natulog.Iniwan ko si Marius sa library dahil may tinatapos itong trabaho. Habang naisipan ko namang mag-freshen up sa pamamagitan ng paglulunoy sa bathtub.Habang pinupuno ko ng tubig ang bathtub ay noon ko rin sinimulang maghubad sa harapan ng malaking salamin. At katulad ng madalas mangyari mula nang makasama ko sa bahay na iyon ni Marius. Tumambad sa paningin ko ang maliliit na markang ginawa sa akin ng mismong bibig at mga labi ng binata.Agad akong pinamulahan. Kasabay iyon ng pakiramdam na sana ay kasama ko ngayon si Marius sa banyong iyon. Sa loob ng aking silid.“Marius,” anas ko pa saka naupo s
NASIYAHAN ako sa nangyari bagaman nang mga sandaling iyon ay para na naman akong sinisilaban sa tindi ng init ng katawan na nararamdaman ko. Hindi naman nagtagal sa ganoong paraan ng pagpapaligaya sa akin si Marius. Sa huli kasi ay hinugot din niya ang daliri niya palabas ng hiwa ko saka walang anumang paliguy-ligoy na nga niyang sinunggaban ang aking naghihintay na talaba para suyuin ng gamit ang bibig nito.Nakagat ko ang aking lowerlip sa labis magkakahalong ligaya at paghahangad na nagtatalo ngayon sa katawan ko. Nagtatalo gawa ng kadahilanang hindi nila malaman kung sino ang magiging o dapat na maging mas dominante nang mga sandaling iyon.Pero para akin. Nang mga sandaling iyon ay hindi na mahalaga kung alin ang dominante sa mga ito. Masyado kasing mainit ang pakiramdam ko na para bang sinasabi ng pagkababae ko na mas pansinin ko ang ginagawa ni Marius. At sa tingin ko ay tama siya.Agresibo ang bibig ni Marius. At may palagay akong wala sa plano niya ang lubayan ako hangga’t