Share

“WONDERFUL GOODNIGHT”

Matapos ang isang mahaba at nakakapagod na araw ay nakauwi rin kami ni Marius sa bahay. Pagpasok namin sa loob, agad akong nakaramdam ng pagod. Pakiramdam ko’y dumadaan ang bawat segundo nang mabagal habang umaakyat kami sa hagdan patungo sa aming silid. Pero parang hinugasan ang lahat ng nararamdaman ko pagkakita ko pa lamang kay MJ. Inabutan ko ito sa malawak na sala ng bahay kasama si Manang Sela na abala sa panonood ng TV.

Agad kong sinulyapan ang isang maganda at antigong grandfather’s clock na nasa sulok ng malaking sala. Past six pa lang. Tamang-tama sa paghahanda ng hapunan.

“Manang Sela, ako na ho ang maghahanda ng hapunan natin,” sabi ko sa kanya.

Magkakasunod itong umiling. “Tapos na. Nakapagluto na ako. Pero nauna na akong kumain, Sinamantala ko na ang pagkakataon habang natutulog ang gwapong ito kanina,” aniyang pinagmasdan ang anak kong nasa stroller nito at gising na gising.

“Salamat po, Manang Sela,” sabi ko.

Tinitigan niya ako. “Nauunawaan ko ang lahat, Sam. At masaya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status