Home / Romance / SCALPEL'S KISS / SCALPEL'S KISS CHAPTER 3

Share

SCALPEL'S KISS CHAPTER 3

Author: MIKS DELOSO
last update Huling Na-update: 2024-11-29 04:19:30

“Ano bang nangyari sa’yo, miss?” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang babae na mabilis na itinutulak papasok sa operating room. Wala kang ginawa para masaktan nang ganito. Pero ipapangako ko—kung anuman ang pinagdadaanan mo, hindi kita iiwan.

Habang tinutulungan ng mga doktor ang babae, napansin ni Vash ang isang bagay na kumislap mula sa kamay nito. Isang singsing. Kinuha niya ito at maingat na tiningnan. Ang disenyo nito ay tila mamahalin, isang piraso ng alahas na maaaring magsabi ng maraming kwento.

“Champagne...” bulong niya nang mapansin ang nakaukit na pangalan sa loob ng singsing.

Habang nakaupo si Vash sa waiting area ng ospital, tahimik niyang iniisip ang hindi maipaliwanag na koneksyon niya sa babaeng nasa kabilang silid. Sa loob ng maraming oras, hindi niya magawang umalis, kahit wala siyang obligasyon na manatili. Bakit ako nandito? tanong niya sa sarili. Ngunit ang sagot ay parang nakabaon sa likod ng kanyang isipan—isang pakiramdam na kailangang masigurado niyang ligtas ang babae.

Makalipas ang tila napakahabang oras, bumukas ang pintuan ng operating room. Lumabas ang doktor, may seryosong ekspresyon ngunit tila may bahagyang ginhawa sa mukha nito.

“Kumusta siya, Doc?” agad na tanong ni Vash, tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Halatang nananabik sa sagot ngunit nananatiling kalmado.

“Sa kabutihang palad, stable na ang kondisyon niya,” sagot ng doktor na tila nagbitaw ng isang masusing hininga. “Ngunit mahina pa rin siya, at kailangan ng masusing pag-aalaga. Ang bata sa kanyang sinapupunan…” saglit na tumigil ang doktor, bumuntong-hininga bago nagpatuloy, “…kinalulungkot ko, hindi na namin nailigtas.”

Halos sumikip ang dibdib ni Vash sa narinig. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero parang nadurog ang isang bahagi ng kanyang puso para sa estrangherang ito. Pinilit niyang magsalita upang maibsan ang tension na namamagitan sa kanila.

“Salamat, Doc. Ginawa n’yo ang lahat ng makakaya n’yo,” sagot niya, pinipilit maging magaan ang tono ng boses niya kahit mabigat ang nararamdaman.

Ngumiti ang doktor, na nagpakilala na rin. “By the way, I’m Dr. Patrick David, general surgeon. Nice meeting you,” sabi nito, bahagyang nag-extend ng kamay bilang pagbati.

Tinanggap ni Vash ang kamay nito at tumugon. “I’m Dr. Vash Delos Santos, cosmetic surgeon. Owner of Vlash Aesthetic Clinics. Nice meeting you too, Dr. David.”

Nabigla si Dr. David, ngunit agad na napalitan ng ngiti ang kanyang mukha. “I know you! You’re the famous cosmetic surgeon! May mga clinics ka sa Manila at Cebu, tama?” masayang sabi nito, tila nagagalak na makaharap ang isang kilalang personalidad sa larangan ng medisina.

Ngumiti si Vash, bahagyang tumango bilang kumpirmasyon. “Yes, but cosmetic surgery is a different field from what you do. What you just accomplished today is nothing short of remarkable. Salamat sa pagliligtas sa pasyente.”

Tinapik ni Dr. David ang balikat ni Vash, ang ngiti sa mukha nito’y tila puno ng respeto. “We’re all doctors with one mission: to save lives. Pero sa tingin ko, you did the bigger job today by bringing her here in time. Kung hindi mo siya nadala kaagad, baka ibang usapan na ito.”

Pagkaraan ng maikling pag-uusap, sumilip si Dr. David sa nurses’ station at bumalik kay Vash. “You can visit her now. Gising na siya, pero mahina pa. Just take it easy; she’s been through a lot.”

Tumango si Vash, naramdaman niya ang bahagyang kaginhawaan sa loob. Sa pagpasok niya sa kwarto, bumungad ang babae. Bagamat maputla at tila pagod na pagod, nakalutang pa rin ang kakaibang aura nito—isang lakas na parang pilit binubuhay ng sakit na naranasan.

Lumapit si Vash at marahang naupo sa tabi ng kama. Sa mahina ngunit matatag na boses, nagsalita siya. “Hi… How are you feeling?”

Dahan-dahang iminulat ng babae ang kanyang mga mata. Bahagya itong naguluhan ngunit sinubukan niyang ngumiti ng mahina. “Sino ka?” tanong nito, ang tinig ay basag ngunit puno ng pagtataka.

“I’m Dr. Vash Delos Santos. Natagpuan kita sa kalsada at dinala kita rito. You were in bad shape, but you’re safe now,” mahinahong paliwanag niya.

Napuno ng luha ang mga mata ng babae. “Salamat… hindi ko alam kung paano ako mapapasalamat sa’yo…”

"Tama na muna ang pasasalamat," sagot ni Vash, ang boses ay kalmado ngunit may bahid ng lambing. Bahagya siyang ngumiti, ngunit halata ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Ang mahalaga ngayon ay makapagpahinga ka at makabawi ng lakas."

Saglit na katahimikan ang bumalot sa kwarto. Sa kabila ng mga makina at monitor na nagbabantay sa bawat pintig ng buhay ni Champagne, ang espasyong iyon ay tila napuno ng bigat ng isang tanong na nagbabanta sa kanyang labi. Pinilit niyang magsalita, kahit nanghihina pa.

"Kumusta, Doc... ang baby ko?" mahina ngunit puno ng takot na tanong ni Champagne. Ang kanyang mga mata ay naglulumuhod sa mga mata ni Vash, parang umaasa sa sagot na magpapagaan ng kanyang mundo.

Natigilan si Vash. Isang sandali na tila huminto ang oras. Pilit niyang hinahanap ang tamang mga salita, ngunit paano ba sasabihin ang isang bagay na tiyak na dudurog sa puso ng isang ina? Huminga siya nang malalim, lumapit nang bahagya, at marahang hinawakan ang kamay ni Champagne.

"Champagne..." nagsimula siya, ang boses ay halos pabulong, puno ng malasakit at pag-aalala. "Ginawa ng mga doktor ang lahat ng makakaya nila para mailigtas ang baby mo. Pero..." Tumigil siya saglit, nilulunok ang kirot na dulot ng kanyang mga salita. "...hindi na namin siya nailigtas."

Parang isang kidlat na tumama sa puso ni Champagne ang narinig. Nanlaki ang kanyang mga mata, at ang saglit na pag-asa sa kanyang mukha ay biglang naglaho. "H-hindi..." mahina niyang bulong, pilit iniiwasan ang katotohanang ipinapakita ng mga salita ni Vash. "Hindi totoo yan... Doc, sabihin mo sa akin na buhay pa siya!"

Umiling si Vash, ang kanyang puso ay tila dinudurog habang pinagmamasdan ang pagbagsak ni Champagne. "I'm so sorry," sabi niya, ang kanyang tinig ay puno ng lungkot. "Naging sobrang komplikado ang kondisyon mo... Hindi na kinaya ng baby mo."

Parang nawalan ng lakas si Champagne. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Vash, parang kumakapit siya sa tanging tao na naroon para sa kanya sa pinakamadilim na sandali ng kanyang buhay. "Hindi ko man lang siya nakita... hindi ko man lang siya nayakap..." Ang kanyang mga luha ay bumagsak nang tuluyan, walang pigil, habang ang kanyang katawan ay bahagyang nanginig.

"Champagne," mahinang sabi ni Vash, nilalapit ang sarili sa kanya. "Alam kong wala akong magagawa para maibalik siya, pero gusto kong malaman mo na hindi mo ito kailangang harapin mag-isa. Nandito ako, handang tumulong sa'yo sa anumang paraan na kaya ko."

Hinayaan ni Champagne na bumalot sa kanya ang lungkot, ngunit sa kabila ng kanyang pag-iyak, ramdam niya ang init ng kamay ni Vash na hindi bumibitaw. Ang simpleng presensiya nito ay parang isang sinag ng liwanag sa gitna ng kadiliman.

"Wala na ang baby ko..." halos hindi marinig na sambit ni Champagne, ang bawat salita ay parang punyal na tumatarak sa kanyang puso. Tuluyang bumagsak ang kanyang luha, walang pigil, habang ang kanyang katawan ay nanginginig sa sakit. Ang boses niya ay puno ng hinanakit, hindi lamang para sa pagkawala ng anak niya, kundi para sa lahat ng naging dahilan ng trahedyang ito.

Kaugnay na kabanata

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 4

    Si Vash, na nasa tabi niya, ay tahimik na nakaupo, pinapanood ang kanyang paghihinagpis. Ramdam niya ang bigat ng emosyon sa hangin, at kahit hindi niya lubos na naiintindihan ang lahat ng pinagdadaanan ni Champagne, alam niyang ito ang uri ng sakit na hindi madaling maghilom. Maingat niyang hinawakan ang kamay ng babae, mahigpit ngunit puno ng malasakit."Champagne," mahinang tawag niya, pilit na pinapakalma ang nanginginig niyang boses. "Nasaan ang pamilya mo? Magulang mo?" maingat ngunit puno ng pag-aalalang tanong ni Vash habang nakatitig sa mukha ni Champagne. Kita niya ang bakas ng kawalan sa mga mata ng babae, parang isang bangungot na hindi pa natatapos.Napayuko si Champagne, nanginginig ang mga kamay na mahigpit na nakayakap sa kumot na nakatakip sa kanya. "W-Wala sila dito..." mahina niyang sagot, pilit pinipigilan ang luhang gustong bumagsak muli. "Nasa Canada sila. Matagal na silang naninirahan doon. Hindi nila alam ang nangyayari sa akin."Napalunok si Vash. Ramdam niya

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 5

    Nang makauwi si Stephan at Pia, magkasunod silang pumasok sa sala ng bahay, ngunit hindi pa man sila nakakaupo, naramdaman na nila ang presensya ng matinding tensyon. Andoon sa may sofa ang kanyang ama, si Amorsolo, ang matandang lalaki na may matalim na tingin. Nang makita sila, isang mabigat na tanong ang lumabas mula sa bibig ni Amorsolo, punong-puno ng galit at disapointment.“Asan na ang mayaman mong asawa, Stephan?” tanong ni Amorsolo, ang mga mata’y sumisilip mula sa ilalim ng salamin sa mata. “Diba sabi ko sayo, wag mong dadalhin dito ang kabit mo? Ano ka ba? Hindi ka ba nag-iisip?”Ang mga salitang iyon ay parang mga suntok sa dibdib ni Stephan. Hindi na bago sa kanya ang matalim na mga salita ng ama, ngunit hindi niya rin maiwasan ang mag-init. Pinilit niyang magpigil, ngunit ang kasunod na tanong na ipinukol ng ama ay tila pinalalalim ang sugat na matagal nang nararamdaman sa kanyang dibdib.“Pa, wala akong pakialam kung saan siya pumunta!” sagot ni Stephan, ang kanyang bos

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 6

    “Pia, tandaan mo ang pinag-usapan natin,” binalaan siya ni Stephan, ngunit ang tono nito’y mapang-akit, halos nanunuyo. “Wala nang babalikan. Ang nangyari kanina ay isang bagay na dapat manatili na lang sa nakaraan. Naiintindihan mo ba?” Lumapit siya sa kanya, hinawakan ang kanyang kamay, at sa boses na tila puno ng kasiguraduhan, idinugtong, “Ako ang bahala sa atin.”Sa kabila ng pagyakap na iyon, hindi maalis kay Pia ang pakiramdam na siya’y isang tauhan lamang sa larong hindi niya lubos na nauunawaan. Mahal niya si Stephan, oo, ngunit ang pagmamahal bang iyon ay sapat upang mapanatili ang kanilang lihim na nag-ugat mula sa kanilang pagtataksil?Nang gabing iyon, habang natutulog si Stephan, si Pia naman ay nanatiling gising, nakaupo sa gilid ng kanilang kama. Hindi siya mapakali. Sa kanyang mga alaala, bumabalik ang tunog ng sigaw ni Champagne. “Bakit? Bakit ninyo ako ginanito?” ang sigaw nito habang pilit na nagbubuno sa kanila sa gilid ng hagdan. Hindi niya gustong mangyari iyon.

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 7

    Tumayo si Vash, nilagay ang mga bulaklak sa gilid ng kama, at saka hinawakan ang malamig na kamay ni Champagne. “Alam kong mahirap paniwalaan ngayon, pero makakabangon ka. Hindi ko alam ang tamang sagot sa kung paano, pero ang alam ko, narito ka pa. Humihinga ka pa. At iyon ang mahalaga.”“Bakit ako, Vash?” tanong ni Champagne, tinitigan siya ng malalim. “Bakit hindi na lang ako ang namatay? Bakit ang anak ko pa? Ano ba ang kasalanan ko para maranasan ang ganitong klase ng sakit?”Napapikit si Vash, dama ang bigat ng tanong ni Champagne. “Walang may karapatang magdusa sa ganitong paraan, Champagne. Pero minsan, ang mga bagay na ito ay hindi natin kayang unawain. Hindi mo kasalanan. Hindi ikaw ang dahilan.”Umiling si Champagne, ang kanyang mga luha’y patuloy sa pag-agos. “Pero paano, Vash? Paano ko magagawang patawarin ang sarili ko kung hindi ko man lang nailigtas ang anak ko? Paano ko magagawang kalimutan ang galit ko kay Stephan at kay Pia? Nasa kanila ang lahat ng kasalanan, pero

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 8

    “Bakit?!” sigaw niya sa sarili, habang ang mga luha’y tuloy-tuloy sa pag-agos. “Bakit kailangan nilang gawin ito? Wala ba akong halaga kahit kailan?!”Muling bumalik ang eksena sa kanyang isip: si Stephan, ang lalaking sinumpaan niyang mahalin, ay hindi man lang siya nilapitan pagkatapos ng insidente. Nakita niyang bumagsak siya, nakita niyang umiiyak at humihingi ng tulong, ngunit mas pinili nitong alalayan si Pia.“Hayop kayo!” sigaw niya, ngunit boses niya lang ang narinig sa loob ng tahimik na silid. “Hindi lang ninyo ako sinaktan, kinitil ninyo ang tanging bagay na nagbibigay sa akin ng lakas—ang anak ko!”Bumalik siya sa kanyang pagkakahiga, pinilit na ipikit ang kanyang mga mata, ngunit ang sakit ay hindi siya nilubayan. Iniabot niya ang kamay niya sa tiyan niya, na parang hinahanap ang anak na hindi na niya mahahawakan.“Anak, patawarin mo si Mommy…” humihikbi niyang sambit. “Hindi kita naipagtanggol. Hindi ko nagawang iligtas ka mula sa kanila. Pero nangangako ako, hahanapin

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 9

    Kinabukasan, maagang dumating si Vash sa ospital. Tahimik ang kwarto ni Champagne, maliban sa tunog ng monitor na sumusukat sa kanyang tibok ng puso. Nang pumasok siya, nakita niya itong nakaupo sa gilid ng kama, tahimik na nakatanaw sa kawalan. Pero nang makita si Vash, tumulo ang luha sa kanyang mga mata, parang muling nagkaroon ng lakas na magsalita.“Vash…” bulong niya, halos pabulong, ngunit puno ng emosyon.Lumapit si Vash at naupo sa tabi ng kama. “Kumusta ka na? Nakapagpahinga ka ba?” tanong nito, malumanay ang boses.Umiling si Champagne, at sabay hawak sa mga kamay ni Vash. Ang higpit ng kanyang pagkapit ay nagpapakita ng desperasyon. “Vash, please… gawin mo akong ibang tao. Isang bagong Champagne na hindi nila makikilala. Please, kailangan ko ng tulong mo.”Napakurap si Vash, halatang nagulat sa kahilingan nito. “Sigurado ka ba sa hinihingi mo? Ang kapalit nito ay tuluyang pagkawala ng dating ikaw. Kailangan mong talikuran ang nakaraan, pati na rin ang lahat ng bahagi ng iy

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 10

    Lumipas ang ilang araw, at sa wakas, unti-unti nang gumaling si Champagne mula sa kanyang pisikal na sugat. Subalit ang sugat sa kanyang puso ay nanatiling sariwa, tila bawat tibok nito’y nagpapaalala ng trahedyang dinanas niya. Gayunpaman, sa tulong ni Vash, nagkaroon siya ng direksyon—isang plano para sa bagong simula.“Champagne, sigurado ka na ba dito?” tanong ni Vash habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama sa ospital. Ang mga mata nito’y puno ng pagkaunawa ngunit may bahagyang pag-aalala. “Kapag sinimulan natin ito, wala nang atrasan. Kailangan mong maging matatag, hindi lang sa pisikal na aspeto kundi pati sa emosyonal.”Tumango si Champagne, ang mga mata’y determinadong puno ng luha. “Vash, wala na akong ibang tatahakin na landas. Wala nang babalikan. Ang ginawa ni Stephan at ni Pia sa akin… ang pagkawala ng anak ko… hindi ko matanggap. Hindi ko matitiis na hayaan silang lumigaya habang ako’y wasak na wasak. Kailangan kong lumaban. Kailangan kong magbago.”Napabuntong-hininga si

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 11

    Sa loob ng klinika, sinalubong sila ng maaliwalas na espasyo. Ang mga empleyado’y nakangiti, puno ng propesyonalismo at paggalang kay Vash. Si Champagne naman ay bahagyang nailang—ang pakiramdam na tila hindi siya nababagay sa ganitong lugar. Pero mabilis itong nawala nang iginiya siya ni Vash sa isang pribadong opisina.“Magsisimula tayo sa unang hakbang,” sabi ni Vash habang inilalatag ang ilang mga dokumento. “Ito ang mga proseso na kailangang gawin. Hindi ito simple, pero bawat hakbang ay mahalaga. Gusto ko lang na siguraduhin mo sa akin na buo ang loob mo. Wala kang pagbabalikan. Mula rito, ikaw ay magiging ibang tao na.”Tumitig si Champagne sa mga papel, ramdam ang bigat ng mga salitang sinabi ni Vash. Alam niya ang ibig sabihin nito—ang pagbitaw sa lahat ng dati niyang kilala. Ang dating Champagne, ang babaeng pinaglaruan, niloko, at iniwang durog ay kailangang mawala.“Sigurado na ako,” sagot niya, mahina ngunit may lalim. Tumingin siya kay Vash, bakas ang luha sa kanyang mga

    Huling Na-update : 2024-12-06

Pinakabagong kabanata

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 109

    Naramdaman niyang nagsimula na siyang umabot sa rurok habang siya ay nagsisimulang mag-pulse sa kanya at siya ay nag-pulse sa kanya, at sila ay humihingal at umuungol sa kanilang halik habang sabay silang umabot sa rurok sa dilim.Pinaalala niya sa sarili na ang unang pagkakataon na niyakap siya nang maayos mula sa likuran ay noong kanilang unang araw ng pagkakasundo. Madalas nilang yakapin ang isa't isa sa parehong posisyon at sa lahat ng estado ng pananamit at ito ay malapit pa rin -- lalo na kapag nagko-crossword sila habang ang kanilang mga isip at katawan ay lubos na magkasama. Mas maganda ito dahil napaka-sensual nito at naabot niya ang lahat ng kanyang mga paborito: ang yakap, ang paghawak niya sa kanyang mga suso, at ang pagtatalik. Humiga siya mula sa kanya at inakay siya patungo sa kama, itinulak siya pababa. Humiga siya sa kanya, naramdaman ang lambot nito sa kanyang bibig at ang kanilang katas sa pagitan ng kanyang mga binti habang ginising siya.Lumingon siya at umupo sa

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 108

    Pagkarating ni Sugar sa bahay, sinalubong siya ni Vash, ang mukha nito’y puno ng pag-aalala. Hindi siya nag-atubiling lumapit kay Sugar at niyakap ito nang mahigpit, parang ayaw na niyang pakawalan."Sana okay ka lang, Sugar," sabi ni Vash, ang tinig niya’y puno ng pag-aalala at pagmamahal. "Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa'yo. Alam mo naman na mahalaga ka sa puso ko."Saglit na natigilan si Sugar, ramdam ang init ng yakap ni Vash na tila binubura ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman niya kanina. Tumitig siya sa kanya, at sa kauna-unahang pagkakataon, tila nagkaroon siya ng sandaling kapayapaan sa gitna ng kaguluhan."Salamat, Vash," mahinang sabi ni Sugar habang yakap pa rin siya nito. "Ikaw lang ang nagbibigay sa akin ng lakas sa kabila ng lahat ng ito. Pero alam mo naman, hindi pa tapos ang laban ko. Hangga’t hindi ko nakukuha ang hustisya para sa sarili ko, hindi ako titigil."Hinaplos ni Vash ang buhok ni Sugar at marahang bumulong, "Alam ko, at nandito ako s

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 107

    Ngunit si Pia, patuloy na umiiyak at naglalakad palayo, ay hindi na kayang pakinggan ang mga paliwanag ni Stephan. Ang puso niya ay puno ng sugat, at hindi na niya kayang makinig pa sa mga pangako ng taong nagdulot ng sakit sa kanya."Pero bakit nga andun ka sa hotel room ni Sugar? Sabihin mo sa akin ang totoo!"Tumigil si Stephan at pinilit lumapit kay Pia, ngunit nakatigil lang siya, naghihintay ng sagot mula sa kanya. "Pia, pakinggan mo muna ako," ang wika niya, ang mga mata ay puno ng paghingi ng tawad. "Hindi ko alam kung paano ko ipaliwanag ito. Ang nangyari sa hotel, isang pagkakamali. Hindi ko intention na makasakit sa’yo. Naparoon ako kasi naiinis ako sa mga nangyari, at hindi ko alam kung anong gagawin ko."Nakita ni Pia ang kalituhan at panghihinayang sa mga mata ni Stephan, ngunit hindi ito nakapigil sa kanya. "Hindi ko kailanman iintindihin ang mga dahilan mo, Stephan!" sigaw ni Pia. "Bakit mo nagawa iyon? Kung mahal mo ako, bakit ka pa tumanggap ng alok ni Sugar? Bakit k

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 106

    Naglakad si Pia papalapit kay Stephan, ang mga kamay niya'y nanginginig, ang sakit sa kanyang puso ay hindi na kayang itago. "Hindi mo alam kung anong gagawin mo?" tanong niya, ang tinig niya'y puno ng hinagpis. "Hindi mo ba alam na ikaw ang dahilan kung bakit nangyari lahat ng ito? Hindi ko kayang makita kang magpatawad sa mga pagkakamali mo, Stephan."Nag-aalalang tinitigan ni Stephan si Pia, ngunit hindi siya makalapit, hindi malaman kung paano kausapin ito. "Pia, hindi ko kayang makita kang nasasaktan. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko.""Huwag mong gawing dahilan ang nararamdaman mo," sagot ni Pia, ang tono ng kanyang boses ay lumalakas. "Bakit mo pa ako pinipilit gawing bahagi ng buhay mo, kung hindi mo rin naman kayang ipaglaban ako?"Nagpumiglas si Pia sa mga salitang iyon, ang kanyang mata'y puno ng galit at sakit. Pinipilit niyang maging matatag, ngunit ang mga luhang patuloy na dumadaloy ay nagpapakita ng tindi ng kanyang nararamdaman. Lumapit siya kay Stephan at nagtaa

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 105

    Habang pauwi na si Sugar sa Manila, ang kanyang isipan ay patuloy na nag-aalab. Ang mga nangyaring gulo sa Puerto Galera ay nag-iwan ng matinding bakas sa kanya, ngunit alam niyang hindi pa tapos ang laban. Ang bawat hakbang na tinatahak niya ay para sa katarungan, at hindi niya kayang magpatalo. Ang mga susunod na hakbang niya ay magdadala sa kanya patungo sa isang bagong digmaan—isang digmaang hindi lamang para sa pagmamahal ni Stephan, kundi para sa lahat ng mga paglabag sa kanyang karapatan.Samantala, naghihintay si Vash sa Manila, handa na siyang sunduin si Sugar. Hindi na bago kay Vash ang ganitong klaseng drama, ngunit hindi maikakaila na ramdam niya ang pagkabigat ng lahat ng nangyari. Alam niyang ang misyon ni Sugar ay hindi basta-basta. Ang kanyang pagiging kaalyado ay hindi lang simpleng pakikipagkaibigan; ito ay tungkol sa pagpapalaya kay Sugar mula sa mga kalupitan ng nakaraan at pag-aari ng kanyang asawa.Habang nag-iisip si Vash, napansin niyang dumating na ang sasakya

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 104

    Ngumiti si Sugar, ngunit ang ngiting iyon ay hindi para magbigay-lakas sa kanyang kaibigan, kundi isang ngiti na puno ng kalamigan at determinasyon. "Ok lang ako, Marites," sagot niya, ang mga mata niya’y nagliliwanag sa kakaibang sigla. "Natutuwa nga ako na nagkakagulo ang dalawa. Hindi pa ito tapos, Marites. Guguluhin ko sila hanggang tuluyan silang mawasak."Napatingin si Marites kay Sugar, halatang nababahala sa sinabi nito. Ngunit hindi na niya kayang kontrahin si Sugar. Alam niyang mula pa noon, ang determinasyon nito na maabot ang hustisya ay hindi matitinag, kahit na masira ang lahat sa paligid."Sigurado ka ba, Sugar? Hindi ba mas mabuti kung... tapusin mo na lang ito? Hindi mo kailangang sirain ang sarili mo para sa kanila." May bahid ng pag-aalala sa boses ni Marites, ngunit nanatili itong mahina, parang takot na magalit si Sugar.Huminga nang malalim si Sugar bago muling ngumiti. "Hindi, Marites. Hindi ko na kailangang magpanggap o maghintay. Ang lahat ng ito ay para sa ak

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 103

    Nanigas si Pia sa narinig, ngunit ang galit ay mas nanaig kaysa sa sakit. "Kabit? Ikaw? Huwag mong gawing katawa-tawa ang sarili mo, Sugar. Wala kang pinatunayan kundi ang pagiging desperada mo. Modelo ka lang, at kahit anong ganda mo, hindi ka makakakuha ng respeto mula sa akin.""Modelo lang?" Tumawa si Sugar, malamig at mapanukso ang bawat halakhak. "At ikaw? Ano ka ba? Isa kang oportunista. Ang kaibahan lang natin, Pia, ay alam ko ang gusto ko at kaya kong kunin iyon. Ikaw? Umaasa ka lang na mahalin ka ng lalaking hindi ka kayang ipaglaban nang harap-harapan.""Tama na, Sugar. Pia. Tama na!" Biglang sumingit si Stephan, na kanina pa tahimik na nakamasid. Nanginginig ang boses niya, parang nawawalan ng lakas sa bigat ng sitwasyon. "Hindi ito ang lugar para mag-away kayo."Humarap si Pia kay Stephan, ang kanyang mga luha ay hindi na niya kayang pigilan. "Ikaw, Stephan, magsalita ka! Sino ang pipiliin mo? Ako o siya? Sabihin mo sa harap ng lahat ng tao dito! Huwag kang matakot!"Si S

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 102

    Kinabukasan, habang ang araw ay sumikat sa ibabaw ng tahimik na Puerto Galera, ang tensyon sa pagitan nina Sugar, Pia, at Stephan ay unti-unting lumalaki. Ang tatlo ay nagkita sa beachfront ng hotel. Ang mga alon ay tila sumasalamin sa kaguluhang nararamdaman ng bawat isa. Si Stephan, na alam niyang wala siyang maipapaliwanag sa kanyang mga nagawa, ay tahimik lamang, walang masabi sa harap ng dalawang babae na parehong apektado ng kanyang mga desisyon.Si Pia ang unang nagsalita, puno ng galit at hinanakit ang kanyang boses. "Stephan, wala ka na bang sasabihin? Wala ka bang paliwanag sa ginawa mo? Pumunta ka sa kwarto ni Sugar, at kung hindi ako dumating, ano ang mangyayari?!"Ang mukha ni Stephan ay napuno ng kahihiyan. Alam niyang wala siyang maidadahilan. Hinayaan na lang niyang manatiling nakayuko ang kanyang ulo habang ang katahimikan ay naging mas mabigat.Tumawa ng mapait si Sugar. "Pia, gusto mo ba talagang marinig ang sagot ni Stephan? Wala kang maririnig kundi puro kasinunga

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 101

    Ngunit hindi pa rin binitiwan ni Sugar ang kanyang matinding desisyon. "Wala na akong takot, Vash. Wala nang ibang makakapigil sa akin. Lahat ng ginagawa ko, ginagawa ko para sa anak ko, para sa sarili ko, at para sa hustisya. Hindi ko na kayang buhayin ang nakaraan—ngunit kung ito ang kailangan upang makarating sa tamang daan, hindi ako magdadalawang-isip."Matapos maghintay ng ilang sandali, sumagot si Vash, ang tinig niya ay malumanay ngunit puno ng pag-unawa. "Sana tama ka, Sugar. Huwag mong kalimutan na bawat aksyon ay may kapalit. Ang laban na ito ay hindi lang para sa katarungan, kundi para sa iyong kaligtasan.""Maghihintay ako ng tamang pagkakataon," sagot ni Sugar, ang mga mata niya ay kumikislap ng matinding layunin. "At kapag dumating iyon, wala nang makakapigil sa akin. Hindi ko na sila pakakawalan. Hindi ko sila hahayaan na manatili sa mga posisyon nila. Lahat ng ginawa nila, babawiin ko."Habang natapos ang pag-uusap nilang iyon, ramdam ni Sugar ang isang malupit na sigl

DMCA.com Protection Status