Home / Romance / SCALPEL'S KISS / SCALPEL'S KISS CHAPTER 1

Share

SCALPEL'S KISS
SCALPEL'S KISS
Author: MIKS DELOSO

SCALPEL'S KISS CHAPTER 1

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2024-11-29 02:59:17

Ang hapon na iyon ay tila nagdadala ng bagyo para kay Champagne. Sa mga nakaraang buwan, unti-unti niyang naramdaman ang paglamig ni Stephan, ngunit pinili niyang balewalain ito. Pinalakas niya ang loob sa mga salitang ibinigay ng kanyang biyenan "Busy lang si Stephan. Alam mo naman ang trabaho niya." 

Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit dulot ng mga bulung-bulungan na naririnig niya sa kasambahay at mga kaibigan—na may ibang babae ang kanyang asawa.

Isang araw, nagpanggap si Champagne na aalis ng bahay. "Maaga akong babalik," sabi niya sa kasambahay, ngunit ang totoo, nakatayo siya sa gilid ng gate, nagmamatyag, umaasang mali ang kanyang mga hinala. Ilang oras siyang naghintay hanggang sa isang taxi ang huminto at bumaba ang isang babaeng tila perpekto ang katawan—seksing-seksi, may suot na bestida na halos hindi na kumapit sa kanyang balat. Nag-doorbell ito, at ilang sandali lang ay si Stephan na mismo ang nagbukas ng pinto.

Tuwang-tuwa si Stephan sa pagdating ng babae. Kitang-kita kay Champagne ang liwanag sa mga mata ng kanyang asawa, isang liwanag na matagal na niyang hindi nakikita tuwing sila’y magkasama. 

Nang makita niyang niyakap ng lalaki ang babae at ginawaran ito ng halik, parang bumagsak ang mundo niya at ang kanyang mga hinala ay naging masakit na katotohanan.

Ang mga pangarap na kanilang binuo, mga alaala ng pagmamahalan, tila naglaho sa hangin. 

"Bakit mo ito ginawa sa akin, Stephan?" umiiyak na sambit ni Champagne, ang boses niya ay puno ng sakit at pighati.

“Binigay ko ang lahat sa iyo, bakit?” ang mga luha ay umaagos sa kanyang pisngi, tuyo ang kanyang bibig at ang puso ay punung-puno ng paghihirap. 

Kakaibang sakit ang sumabog sa kanyang dibdib, tila ba may mga pira-pirasong salamin na naglalaro sa kanyang paligid. 

Nararamdaman niyang ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay nagiging alon ng pagsisisi at pagdurusa.

Hindi niya mapigilang sundan ang dalawa. Sa kabila ng bigat ng kanyang dinadala—ang anim na buwang bata sa kanyang sinapupunan—inaakyat niya ang fire exit patungo sa kanilang master bedroom. Pagdungaw niya sa bintana, kitang-kita niya ang nakakapighating eksena: si Stephan at ang babae, naglalambingan, nagbubulungan ng matatamis na salita.

Tinawagan niya si Stephan sa kanyang cellphone. Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ng lalaki nang makita ang kanyang pangalan sa screen. Ang misis niyang mataba, na anim na buwang buntis, si Champagne, ang nag-iisang tagapagmana ng bilyonaryong pamilya ng mga Miranda.

“Eto na naman ang dabiana kong asawa,” narinig niyang iritang sabi ni Stephan kay Pia. “Don’t worry, wala makakapigil sa gagawin natin ngayon.”

Masakit nang marinig iyon, ngunit lalo pang dumurog sa kanya ang sagot ni Pia. “Sigurado ka bang di uuwi ang misis mong napakataba at malangis?” humagikhik pa ito, tila walang respeto sa kanya bilang asawa.

“Oo naman, hon,” sagot ni Stephan bago muling hinalikan si Pia, inihiga ito sa kama na minsang naging simbolo ng kanilang pagmamahalan.

Nanginginig si Champagne, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa bintana habang ang luha ay bumuhos mula sa kanyang mga mata. Ang sakit at pagdaramdam ay tila nagiging pisikal, parang sinasaksak siya ng kutsilyo.

Sa gitna ng kanyang pagkasira, napakapit si Champagne sa hagdanan, nagmamadaling pumasok sa kwarto nila malapit sa fire exit. Pinasok niya si Pia at sinabunutan ito. "Walang hiya ka! Haliparot ka! Alam mo nang may-asawa, pinapatulan mo pa!"  ang sigaw ni Champagne, puno ng galit, habang nagpupumiglas si Pia. Sa isang iglap, naitulak niya si Champagne papunta sa may hagdanan,  at tumama ang tiyan nito sa may sahig.

"Stephan!" hiyaw ni Champagne, nanginginig ang buong katawan habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. Tumingin si Stephan at Pia mula sa bintana at nakita siya—si Champagne, ang kanyang asawa, ang babaeng iniwan niya para sa pansariling kasiyahan—nasa sahig, namimilipit sa sakit.

pawis na tumutulo mula sa kanyang mukha. "Champagne, ano'ng nangyari?" nanginginig na tanong niya. "Ano ginawa mo Pia bakit mo siya tinulak?"nanginginig na tanong niya.

 Ngunit hindi na makapagsalita si Champagne. Ang kanyang mga mata ay puno ng luha, ang sakit ay hindi lamang nag-ugat mula sa kanyang katawan kundi mula sa matinding pagkakanulo ng taong minahal niya ng buong puso. Sinubukan ni Stephan na damhin ang dibdib ni Champagne, ngunit sa kanyang pagkagulat, hindi na ito humihinga.

Si Stephan ay tila natuklaw ng ahas, nakatitig lamang kay Champagne na wala nang malay sa sahig. Sa gitna ng kanyang pagkagulat, nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinilit niyang siguruhin kung may tibok pa ang puso ng kanyang asawa, ngunit ang malamig na katawan nito ay parang dagok na nagpabagsak sa lahat ng kanyang lakas.

"Patay na siya, Stephan! Patay na siya!Napatay ko siya!" paulit-ulit na sigaw ni Pia, ang kanyang boses ay halos nawawala sa takot.

"Manahimik ka!" sigaw ni Stephan, ngunit ang kanyang tinig ay basag na, puno ng takot at pagsisisi. Pinagpapawisan siya ng malamig habang pilit iniisip kung paano nila maitatago ang nangyari. Sa kanyang utak, ang tanging sagot ay malinaw: kailangang mawala ang katawan ni Champagne.

"Dalhin natin siya sa labas," utos ni Stephan, ang boses niya'y nanginginig ngunit mariing nagdidikta. "Walang makakakita. Walang makakaalam."

Sa gitna ng malamig at tahimik na gabi, habang nakalatag sa sahig ang malamig na katawan ni Champagne, tumayo si Stephan at Pia sa harap niya. Ang tension sa paligid ay parang mga kuko na humahagod sa kanilang mga laman. Walang ibang tunog kundi ang mahinang ihip ng hangin at ang sariling paghinga nilang puno ng kaba.

"Stephan, ano ang gagawin natin? Hindi pwedeng malaman ng kahit sino ang nangyari," bulong ni Pia, nanginginig habang pilit hinahaplos ang kanyang braso na tila nagpapakalma sa sarili.

Saglit na tumitig si Stephan kay Champagne, at kahit saglit ay hindi niya magawang huminga ng maayos. "Kailangan nating itapon siya... Tutal, wala na siya. Wala nang makakapagsabi ng totoo." Ang kanyang boses ay malamig, ngunit hindi mapigilang manginig sa huli.

Naghanap si Stephan ng gloves sa bahay at iniabot kay Pia ang isang pares. "Magsuot ka nito. Hindi pwedeng mag-iwan ng kahit anong bakas."

Habang inilalagay nila si Champagne sa likuran ng kotse, ramdam ni Stephan ang bigat ng katawan ng babae, hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa kanyang konsensya. Hindi niya inasahang magtatapos ang lahat ng ganito, ngunit ngayon, wala nang balikan.

Ngunit kahit gaano kalamig ang tono ni Stephan, sa loob niya ay may naglalagablab—isang apoy ng guilt na hindi niya magawang patayin. Sa bawat segundo ng katahimikan, parang naririnig niya ang huling sigaw ni Champagne, ang sakit na nakaukit sa kanyang mga mata.

Si Pia, bagamat takot na takot, ay walang nagawa kundi sundin si Stephan. Habang binubuhat nila ang malamig na katawan ni Champagne, tumigil saglit si Stephan at tumitig sa mukha ng babaeng minsang nagbigay sa kanila ng lahat, ngunit ngayon ay iniwan nilang nag-iisa sa dilim.

Nang maibaba si Champagne sa kotse, nagmaneho si Stephan patungo sa isang liblib na lugar. Ang mga minuto sa biyahe ay tila isang bangungot, ang bawat tiklop ng gulong sa kalsada ay parang martilyong tumatama sa kanyang konsensya.

Si Pia, tahimik na nakaupo, ang mga kamay ay nanginginig habang niyayakap ang sarili.

Sa pagdating nila sa talahiban, maingat nilang inilapag ang katawan ni Champagne. "Dito na lang," malamig na sabi ni Stephan, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng kawalang pag-asa.

Tumayo silang dalawa, tahimik na muling tinitingnan ang babaeng naging sagabal sa kanilang relasyon—ang babaeng nagbigay ng lahat ng pangangailangan ngunit ngayo'y iniwan nilang nag-iisa sa kadiliman ng gabi at sa may talahiban.

Habang nagmamaneho pauwi, walang salitang namutawi sa kanilang dalawa. Ngunit sa kaloob-looban ni Stephan, ang bawat segundo ay tila umaalingawngaw ang boses ni Champagne—ang huling sigaw nito, ang sakit na nakita niya sa mga mata nito bago ito mawalan ng malay.

Sa gitna ng biyahe pauwi, tahimik ang dalawa, ngunit ang tension ay parang pumupuno sa maliit na espasyo ng kotse. Si Pia ay tahimik na umiiyak, ngunit si Stephan ay nanatiling nakatitig lamang sa kalsada, pilit na ikinukulong ang sarili sa kanyang desisyon.

"Stephan," basag na bulong ni Pia, "sigurado ka bang walang makakaalam?"

"Huwag kang mag-alala. Walang makakahanap sa kanya," malamig niyang sagot. "At kahit may makakita, hindi nila malalaman na tayo ang may gawa."

Hindi alam ng dalawa na sa kabila ng kanilang plano, hindi pa iyon ang katapusan ni Champagne. Sa gitna ng madilim at malamig na talahiban, ang sugatang puso ng babae ay nananatiling tumitibok, palaban sa trahedyang bumagsak sa kanya. At sa kanyang pagbangon, magsisimula ang kwento ng paghihiganti, muling pagkabuo, at muling pag-ibig. Isang mahina ngunit matatag na pintig ng buhay ang unti-unting bumalik. Sa sakit at pagkawasak ng puso, gumapang si Champagne, pilit nilalabanan ang kawalan ng lakas. Sa kanyang isipan, isa lamang ang malinaw: hindi siya pwedeng sumuko.

Sa kabila ng matinding sakit na bumabalot sa kanyang katawan, pinilit ni Champagne na gumapang patungo sa kalsada. Ang kanyang mga kamay ay basang-basa sa pawis at luha, na tila nagiging simbolo ng kanyang pakikibaka. Sa bawat patak ng luha, ang pag-asa ay patuloy na nagliliyab sa kanyang puso, kahit na siya’y mahina na. “Tulong... tulungan niyo ako!” mahinang sigaw niya, ang boses niya ay puno ng takot at pangungulila. Sinasalubong ng hangin ang kanyang mga salita, ngunit tahimik ang paligid, tila walang sinuman ang nakakarinig sa kanyang pagdaramdam.

Hinang-hina siya, parang ang bawat segundo ay isang laban para sa kanyang buhay. “Hindi ako pwedeng sumuko,” bulong niya sa sarili, kahit na lumalaban na ang kanyang katawan at tila paalis na ng buhay. Sa bawat galaw na kanyang ginagawa, ang sakit ay tila umaabot hanggang sa kanyang kaluluwa. Pero sa kanyang isip, may isang liwanag na patuloy na nag-aanyaya sa kanya—ang kanyang anak, ang kanyang hindi pa isinisilang na anak, ang dahilan kung bakit siya lumalaban.

“Isang hakbang pa,” sabi niya sa sarili, ang tinig ay parang isang pangako. “Kaya ko ito.” Sa kanyang mga mata, ang kanyang pangarap ay nagiging mas maliwanag habang siya’y gumagapang sa lupa. “Kailangan kong lumaban para sa iyo, anak ko. Ayokong mawala ka,” ang kanyang puso ay tumitibok nang mas mabilis, puno ng pag-asa sa gitna ng takot.

Habang ang mga ilaw ng kalye ay tila nagiging gabay, bigla siyang nawalan muli ng malay. Sa kabutihang palad, isang sasakyan ang huminto at tumulong sa kanya—ang gwapong estranghero, si Vash Delos Santos, na pauwi galing sa kanyang flight sa Bangkok.

Paano kaya magiging takbo ng kapalaran ni Champagne sa muling pagbabalik ng kanyang buhay?

Related chapters

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 2

    Habang binabaybay ni Vash Delos Santos ang madilim at liblib na kalsada pauwi sa Bulacan mula sa mahabang biyahe mula Bangkok, isang hindi pangkaraniwang lamig ang gumapang sa kanya. Ang paligid ay tahimik—masyadong tahimik. Ang kalsadang dinadaanan niya ay madilim, ang mga poste ng ilaw ay tila nalimutan ng panahon, at ang liwanag ng buwan ay pilit sinusubukan ang tumagos sa kapal ng ulap.Malapit na siya sa isang kurba ng kalsada nang mapansin niya ang isang bagay na nakahandusay sa gitna ng daan. Sa una, hindi niya maaninag kung ano ito—isang bagay na parang hindi natural na naroon. Binagalan niya ang takbo ng SUV at tumingin sa rearview mirror, pilit inaaninag ang anino nito sa harapan.“Ano kaya ’yun?” tanong ni Vash sa sarili habang kinakabahan. “Kalabaw siguro. O baka naman gulong na iniwan kung saan.”Puno ng pagdududa, huminto si Vash sa gilid ng kalsada at binuksan ang headlights para mas makita ang kalsada. Kinuha niya ang flashlight mula sa glove compartment ng sasakyan at

    Last Updated : 2024-11-29
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 3

    “Ano bang nangyari sa’yo, miss?” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang babae na mabilis na itinutulak papasok sa operating room. Wala kang ginawa para masaktan nang ganito. Pero ipapangako ko—kung anuman ang pinagdadaanan mo, hindi kita iiwan.Habang tinutulungan ng mga doktor ang babae, napansin ni Vash ang isang bagay na kumislap mula sa kamay nito. Isang singsing. Kinuha niya ito at maingat na tiningnan. Ang disenyo nito ay tila mamahalin, isang piraso ng alahas na maaaring magsabi ng maraming kwento.“Champagne...” bulong niya nang mapansin ang nakaukit na pangalan sa loob ng singsing.Habang nakaupo si Vash sa waiting area ng ospital, tahimik niyang iniisip ang hindi maipaliwanag na koneksyon niya sa babaeng nasa kabilang silid. Sa loob ng maraming oras, hindi niya magawang umalis, kahit wala siyang obligasyon na manatili. Bakit ako nandito? tanong niya sa sarili. Ngunit ang sagot ay parang nakabaon sa likod ng kanyang isipan—isang pakiramdam na kailangang masigurado niy

    Last Updated : 2024-11-29
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 4

    Si Vash, na nasa tabi niya, ay tahimik na nakaupo, pinapanood ang kanyang paghihinagpis. Ramdam niya ang bigat ng emosyon sa hangin, at kahit hindi niya lubos na naiintindihan ang lahat ng pinagdadaanan ni Champagne, alam niyang ito ang uri ng sakit na hindi madaling maghilom. Maingat niyang hinawakan ang kamay ng babae, mahigpit ngunit puno ng malasakit."Champagne," mahinang tawag niya, pilit na pinapakalma ang nanginginig niyang boses. "Nasaan ang pamilya mo? Magulang mo?" maingat ngunit puno ng pag-aalalang tanong ni Vash habang nakatitig sa mukha ni Champagne. Kita niya ang bakas ng kawalan sa mga mata ng babae, parang isang bangungot na hindi pa natatapos.Napayuko si Champagne, nanginginig ang mga kamay na mahigpit na nakayakap sa kumot na nakatakip sa kanya. "W-Wala sila dito..." mahina niyang sagot, pilit pinipigilan ang luhang gustong bumagsak muli. "Nasa Canada sila. Matagal na silang naninirahan doon. Hindi nila alam ang nangyayari sa akin."Napalunok si Vash. Ramdam niya

    Last Updated : 2024-11-29
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 5

    Nang makauwi si Stephan at Pia, magkasunod silang pumasok sa sala ng bahay, ngunit hindi pa man sila nakakaupo, naramdaman na nila ang presensya ng matinding tensyon. Andoon sa may sofa ang kanyang ama, si Amorsolo, ang matandang lalaki na may matalim na tingin. Nang makita sila, isang mabigat na tanong ang lumabas mula sa bibig ni Amorsolo, punong-puno ng galit at disapointment.“Asan na ang mayaman mong asawa, Stephan?” tanong ni Amorsolo, ang mga mata’y sumisilip mula sa ilalim ng salamin sa mata. “Diba sabi ko sayo, wag mong dadalhin dito ang kabit mo? Ano ka ba? Hindi ka ba nag-iisip?”Ang mga salitang iyon ay parang mga suntok sa dibdib ni Stephan. Hindi na bago sa kanya ang matalim na mga salita ng ama, ngunit hindi niya rin maiwasan ang mag-init. Pinilit niyang magpigil, ngunit ang kasunod na tanong na ipinukol ng ama ay tila pinalalalim ang sugat na matagal nang nararamdaman sa kanyang dibdib.“Pa, wala akong pakialam kung saan siya pumunta!” sagot ni Stephan, ang kanyang bos

    Last Updated : 2024-12-05
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 6

    “Pia, tandaan mo ang pinag-usapan natin,” binalaan siya ni Stephan, ngunit ang tono nito’y mapang-akit, halos nanunuyo. “Wala nang babalikan. Ang nangyari kanina ay isang bagay na dapat manatili na lang sa nakaraan. Naiintindihan mo ba?” Lumapit siya sa kanya, hinawakan ang kanyang kamay, at sa boses na tila puno ng kasiguraduhan, idinugtong, “Ako ang bahala sa atin.”Sa kabila ng pagyakap na iyon, hindi maalis kay Pia ang pakiramdam na siya’y isang tauhan lamang sa larong hindi niya lubos na nauunawaan. Mahal niya si Stephan, oo, ngunit ang pagmamahal bang iyon ay sapat upang mapanatili ang kanilang lihim na nag-ugat mula sa kanilang pagtataksil?Nang gabing iyon, habang natutulog si Stephan, si Pia naman ay nanatiling gising, nakaupo sa gilid ng kanilang kama. Hindi siya mapakali. Sa kanyang mga alaala, bumabalik ang tunog ng sigaw ni Champagne. “Bakit? Bakit ninyo ako ginanito?” ang sigaw nito habang pilit na nagbubuno sa kanila sa gilid ng hagdan. Hindi niya gustong mangyari iyon.

    Last Updated : 2024-12-05
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 7

    Tumayo si Vash, nilagay ang mga bulaklak sa gilid ng kama, at saka hinawakan ang malamig na kamay ni Champagne. “Alam kong mahirap paniwalaan ngayon, pero makakabangon ka. Hindi ko alam ang tamang sagot sa kung paano, pero ang alam ko, narito ka pa. Humihinga ka pa. At iyon ang mahalaga.”“Bakit ako, Vash?” tanong ni Champagne, tinitigan siya ng malalim. “Bakit hindi na lang ako ang namatay? Bakit ang anak ko pa? Ano ba ang kasalanan ko para maranasan ang ganitong klase ng sakit?”Napapikit si Vash, dama ang bigat ng tanong ni Champagne. “Walang may karapatang magdusa sa ganitong paraan, Champagne. Pero minsan, ang mga bagay na ito ay hindi natin kayang unawain. Hindi mo kasalanan. Hindi ikaw ang dahilan.”Umiling si Champagne, ang kanyang mga luha’y patuloy sa pag-agos. “Pero paano, Vash? Paano ko magagawang patawarin ang sarili ko kung hindi ko man lang nailigtas ang anak ko? Paano ko magagawang kalimutan ang galit ko kay Stephan at kay Pia? Nasa kanila ang lahat ng kasalanan, pero

    Last Updated : 2024-12-06
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 8

    “Bakit?!” sigaw niya sa sarili, habang ang mga luha’y tuloy-tuloy sa pag-agos. “Bakit kailangan nilang gawin ito? Wala ba akong halaga kahit kailan?!”Muling bumalik ang eksena sa kanyang isip: si Stephan, ang lalaking sinumpaan niyang mahalin, ay hindi man lang siya nilapitan pagkatapos ng insidente. Nakita niyang bumagsak siya, nakita niyang umiiyak at humihingi ng tulong, ngunit mas pinili nitong alalayan si Pia.“Hayop kayo!” sigaw niya, ngunit boses niya lang ang narinig sa loob ng tahimik na silid. “Hindi lang ninyo ako sinaktan, kinitil ninyo ang tanging bagay na nagbibigay sa akin ng lakas—ang anak ko!”Bumalik siya sa kanyang pagkakahiga, pinilit na ipikit ang kanyang mga mata, ngunit ang sakit ay hindi siya nilubayan. Iniabot niya ang kamay niya sa tiyan niya, na parang hinahanap ang anak na hindi na niya mahahawakan.“Anak, patawarin mo si Mommy…” humihikbi niyang sambit. “Hindi kita naipagtanggol. Hindi ko nagawang iligtas ka mula sa kanila. Pero nangangako ako, hahanapin

    Last Updated : 2024-12-06
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 9

    Kinabukasan, maagang dumating si Vash sa ospital. Tahimik ang kwarto ni Champagne, maliban sa tunog ng monitor na sumusukat sa kanyang tibok ng puso. Nang pumasok siya, nakita niya itong nakaupo sa gilid ng kama, tahimik na nakatanaw sa kawalan. Pero nang makita si Vash, tumulo ang luha sa kanyang mga mata, parang muling nagkaroon ng lakas na magsalita.“Vash…” bulong niya, halos pabulong, ngunit puno ng emosyon.Lumapit si Vash at naupo sa tabi ng kama. “Kumusta ka na? Nakapagpahinga ka ba?” tanong nito, malumanay ang boses.Umiling si Champagne, at sabay hawak sa mga kamay ni Vash. Ang higpit ng kanyang pagkapit ay nagpapakita ng desperasyon. “Vash, please… gawin mo akong ibang tao. Isang bagong Champagne na hindi nila makikilala. Please, kailangan ko ng tulong mo.”Napakurap si Vash, halatang nagulat sa kahilingan nito. “Sigurado ka ba sa hinihingi mo? Ang kapalit nito ay tuluyang pagkawala ng dating ikaw. Kailangan mong talikuran ang nakaraan, pati na rin ang lahat ng bahagi ng iy

    Last Updated : 2024-12-06

Latest chapter

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 109

    Naramdaman niyang nagsimula na siyang umabot sa rurok habang siya ay nagsisimulang mag-pulse sa kanya at siya ay nag-pulse sa kanya, at sila ay humihingal at umuungol sa kanilang halik habang sabay silang umabot sa rurok sa dilim.Pinaalala niya sa sarili na ang unang pagkakataon na niyakap siya nang maayos mula sa likuran ay noong kanilang unang araw ng pagkakasundo. Madalas nilang yakapin ang isa't isa sa parehong posisyon at sa lahat ng estado ng pananamit at ito ay malapit pa rin -- lalo na kapag nagko-crossword sila habang ang kanilang mga isip at katawan ay lubos na magkasama. Mas maganda ito dahil napaka-sensual nito at naabot niya ang lahat ng kanyang mga paborito: ang yakap, ang paghawak niya sa kanyang mga suso, at ang pagtatalik. Humiga siya mula sa kanya at inakay siya patungo sa kama, itinulak siya pababa. Humiga siya sa kanya, naramdaman ang lambot nito sa kanyang bibig at ang kanilang katas sa pagitan ng kanyang mga binti habang ginising siya.Lumingon siya at umupo sa

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 108

    Pagkarating ni Sugar sa bahay, sinalubong siya ni Vash, ang mukha nito’y puno ng pag-aalala. Hindi siya nag-atubiling lumapit kay Sugar at niyakap ito nang mahigpit, parang ayaw na niyang pakawalan."Sana okay ka lang, Sugar," sabi ni Vash, ang tinig niya’y puno ng pag-aalala at pagmamahal. "Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa'yo. Alam mo naman na mahalaga ka sa puso ko."Saglit na natigilan si Sugar, ramdam ang init ng yakap ni Vash na tila binubura ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman niya kanina. Tumitig siya sa kanya, at sa kauna-unahang pagkakataon, tila nagkaroon siya ng sandaling kapayapaan sa gitna ng kaguluhan."Salamat, Vash," mahinang sabi ni Sugar habang yakap pa rin siya nito. "Ikaw lang ang nagbibigay sa akin ng lakas sa kabila ng lahat ng ito. Pero alam mo naman, hindi pa tapos ang laban ko. Hangga’t hindi ko nakukuha ang hustisya para sa sarili ko, hindi ako titigil."Hinaplos ni Vash ang buhok ni Sugar at marahang bumulong, "Alam ko, at nandito ako s

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 107

    Ngunit si Pia, patuloy na umiiyak at naglalakad palayo, ay hindi na kayang pakinggan ang mga paliwanag ni Stephan. Ang puso niya ay puno ng sugat, at hindi na niya kayang makinig pa sa mga pangako ng taong nagdulot ng sakit sa kanya."Pero bakit nga andun ka sa hotel room ni Sugar? Sabihin mo sa akin ang totoo!"Tumigil si Stephan at pinilit lumapit kay Pia, ngunit nakatigil lang siya, naghihintay ng sagot mula sa kanya. "Pia, pakinggan mo muna ako," ang wika niya, ang mga mata ay puno ng paghingi ng tawad. "Hindi ko alam kung paano ko ipaliwanag ito. Ang nangyari sa hotel, isang pagkakamali. Hindi ko intention na makasakit sa’yo. Naparoon ako kasi naiinis ako sa mga nangyari, at hindi ko alam kung anong gagawin ko."Nakita ni Pia ang kalituhan at panghihinayang sa mga mata ni Stephan, ngunit hindi ito nakapigil sa kanya. "Hindi ko kailanman iintindihin ang mga dahilan mo, Stephan!" sigaw ni Pia. "Bakit mo nagawa iyon? Kung mahal mo ako, bakit ka pa tumanggap ng alok ni Sugar? Bakit k

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 106

    Naglakad si Pia papalapit kay Stephan, ang mga kamay niya'y nanginginig, ang sakit sa kanyang puso ay hindi na kayang itago. "Hindi mo alam kung anong gagawin mo?" tanong niya, ang tinig niya'y puno ng hinagpis. "Hindi mo ba alam na ikaw ang dahilan kung bakit nangyari lahat ng ito? Hindi ko kayang makita kang magpatawad sa mga pagkakamali mo, Stephan."Nag-aalalang tinitigan ni Stephan si Pia, ngunit hindi siya makalapit, hindi malaman kung paano kausapin ito. "Pia, hindi ko kayang makita kang nasasaktan. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko.""Huwag mong gawing dahilan ang nararamdaman mo," sagot ni Pia, ang tono ng kanyang boses ay lumalakas. "Bakit mo pa ako pinipilit gawing bahagi ng buhay mo, kung hindi mo rin naman kayang ipaglaban ako?"Nagpumiglas si Pia sa mga salitang iyon, ang kanyang mata'y puno ng galit at sakit. Pinipilit niyang maging matatag, ngunit ang mga luhang patuloy na dumadaloy ay nagpapakita ng tindi ng kanyang nararamdaman. Lumapit siya kay Stephan at nagtaa

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 105

    Habang pauwi na si Sugar sa Manila, ang kanyang isipan ay patuloy na nag-aalab. Ang mga nangyaring gulo sa Puerto Galera ay nag-iwan ng matinding bakas sa kanya, ngunit alam niyang hindi pa tapos ang laban. Ang bawat hakbang na tinatahak niya ay para sa katarungan, at hindi niya kayang magpatalo. Ang mga susunod na hakbang niya ay magdadala sa kanya patungo sa isang bagong digmaan—isang digmaang hindi lamang para sa pagmamahal ni Stephan, kundi para sa lahat ng mga paglabag sa kanyang karapatan.Samantala, naghihintay si Vash sa Manila, handa na siyang sunduin si Sugar. Hindi na bago kay Vash ang ganitong klaseng drama, ngunit hindi maikakaila na ramdam niya ang pagkabigat ng lahat ng nangyari. Alam niyang ang misyon ni Sugar ay hindi basta-basta. Ang kanyang pagiging kaalyado ay hindi lang simpleng pakikipagkaibigan; ito ay tungkol sa pagpapalaya kay Sugar mula sa mga kalupitan ng nakaraan at pag-aari ng kanyang asawa.Habang nag-iisip si Vash, napansin niyang dumating na ang sasakya

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 104

    Ngumiti si Sugar, ngunit ang ngiting iyon ay hindi para magbigay-lakas sa kanyang kaibigan, kundi isang ngiti na puno ng kalamigan at determinasyon. "Ok lang ako, Marites," sagot niya, ang mga mata niya’y nagliliwanag sa kakaibang sigla. "Natutuwa nga ako na nagkakagulo ang dalawa. Hindi pa ito tapos, Marites. Guguluhin ko sila hanggang tuluyan silang mawasak."Napatingin si Marites kay Sugar, halatang nababahala sa sinabi nito. Ngunit hindi na niya kayang kontrahin si Sugar. Alam niyang mula pa noon, ang determinasyon nito na maabot ang hustisya ay hindi matitinag, kahit na masira ang lahat sa paligid."Sigurado ka ba, Sugar? Hindi ba mas mabuti kung... tapusin mo na lang ito? Hindi mo kailangang sirain ang sarili mo para sa kanila." May bahid ng pag-aalala sa boses ni Marites, ngunit nanatili itong mahina, parang takot na magalit si Sugar.Huminga nang malalim si Sugar bago muling ngumiti. "Hindi, Marites. Hindi ko na kailangang magpanggap o maghintay. Ang lahat ng ito ay para sa ak

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 103

    Nanigas si Pia sa narinig, ngunit ang galit ay mas nanaig kaysa sa sakit. "Kabit? Ikaw? Huwag mong gawing katawa-tawa ang sarili mo, Sugar. Wala kang pinatunayan kundi ang pagiging desperada mo. Modelo ka lang, at kahit anong ganda mo, hindi ka makakakuha ng respeto mula sa akin.""Modelo lang?" Tumawa si Sugar, malamig at mapanukso ang bawat halakhak. "At ikaw? Ano ka ba? Isa kang oportunista. Ang kaibahan lang natin, Pia, ay alam ko ang gusto ko at kaya kong kunin iyon. Ikaw? Umaasa ka lang na mahalin ka ng lalaking hindi ka kayang ipaglaban nang harap-harapan.""Tama na, Sugar. Pia. Tama na!" Biglang sumingit si Stephan, na kanina pa tahimik na nakamasid. Nanginginig ang boses niya, parang nawawalan ng lakas sa bigat ng sitwasyon. "Hindi ito ang lugar para mag-away kayo."Humarap si Pia kay Stephan, ang kanyang mga luha ay hindi na niya kayang pigilan. "Ikaw, Stephan, magsalita ka! Sino ang pipiliin mo? Ako o siya? Sabihin mo sa harap ng lahat ng tao dito! Huwag kang matakot!"Si S

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 102

    Kinabukasan, habang ang araw ay sumikat sa ibabaw ng tahimik na Puerto Galera, ang tensyon sa pagitan nina Sugar, Pia, at Stephan ay unti-unting lumalaki. Ang tatlo ay nagkita sa beachfront ng hotel. Ang mga alon ay tila sumasalamin sa kaguluhang nararamdaman ng bawat isa. Si Stephan, na alam niyang wala siyang maipapaliwanag sa kanyang mga nagawa, ay tahimik lamang, walang masabi sa harap ng dalawang babae na parehong apektado ng kanyang mga desisyon.Si Pia ang unang nagsalita, puno ng galit at hinanakit ang kanyang boses. "Stephan, wala ka na bang sasabihin? Wala ka bang paliwanag sa ginawa mo? Pumunta ka sa kwarto ni Sugar, at kung hindi ako dumating, ano ang mangyayari?!"Ang mukha ni Stephan ay napuno ng kahihiyan. Alam niyang wala siyang maidadahilan. Hinayaan na lang niyang manatiling nakayuko ang kanyang ulo habang ang katahimikan ay naging mas mabigat.Tumawa ng mapait si Sugar. "Pia, gusto mo ba talagang marinig ang sagot ni Stephan? Wala kang maririnig kundi puro kasinunga

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 101

    Ngunit hindi pa rin binitiwan ni Sugar ang kanyang matinding desisyon. "Wala na akong takot, Vash. Wala nang ibang makakapigil sa akin. Lahat ng ginagawa ko, ginagawa ko para sa anak ko, para sa sarili ko, at para sa hustisya. Hindi ko na kayang buhayin ang nakaraan—ngunit kung ito ang kailangan upang makarating sa tamang daan, hindi ako magdadalawang-isip."Matapos maghintay ng ilang sandali, sumagot si Vash, ang tinig niya ay malumanay ngunit puno ng pag-unawa. "Sana tama ka, Sugar. Huwag mong kalimutan na bawat aksyon ay may kapalit. Ang laban na ito ay hindi lang para sa katarungan, kundi para sa iyong kaligtasan.""Maghihintay ako ng tamang pagkakataon," sagot ni Sugar, ang mga mata niya ay kumikislap ng matinding layunin. "At kapag dumating iyon, wala nang makakapigil sa akin. Hindi ko na sila pakakawalan. Hindi ko sila hahayaan na manatili sa mga posisyon nila. Lahat ng ginawa nila, babawiin ko."Habang natapos ang pag-uusap nilang iyon, ramdam ni Sugar ang isang malupit na sigl

DMCA.com Protection Status